You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa EPP IV

I. Layunin
1. Nasusuri ang sustansiyang taglay ng mga pagkain sa almusal gamit ang “food
pyramid guide” at ang pangkat ng pagkain.
2. Napapangkat ang mga pagkain ayon sa Go, Grow, at Glow foods.
3. Nakakatulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain.

II. Paksang Aralin:


A. Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain.
B. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, pahina 12, EPP4HE-0i-14
C. Mga kagamitan:
Laptop, PowerPoint, Visual Aids, Larawan, Basket, Papel, Panulat, Kartolina at
Pandikit
D. Pagpapahalaga: (Visual Infusion) Pagpapahalaga sa Kalusugan

III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
1. Panalangin
2. Pagtatala ng Lumiban
3. Pagpapaliwanag ng Pamantayan sa loob ng Silid Aralan
4. Pagwawasto ng Takdang Gawain
B. Paghahanda
1. Paghahawan ng balakid
- Magpakita ng isang larawan ng Food Pyramid at ipatukoy kung saan
ang pagkaing almusal sa larawan.

2. Balik aral: Pagsusuri ng masusustansiyang pagkain sa hindi


masusustansiyang pagkain

3. Pagganyak: Awit at Paghula (Magpalibot ng isang basket na naglalaman


ng papel na naka sulat ang iba’t ibang masusutansiyang pagkain habang
kumakanta ng Bahay Kubo. Kung saan huminto ang kanta ang
humahawak ay kailangang bumunot ng isang papel at hulaan kung ito
ba ay kailangan sa paghahanda ng masusustansiyang pagkain).

C. Paglalahad
1. Panimula (Introduction)
Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa (batay sa paghula ng mga laman
ng basket).
2. Gawain (Activity)
Magpalaro ng Pinoy Henyo. Ipahula ang pagkaing almusal kung ito
ay nabibilang sa Go, Grow at Glow foods.

3. Pagtatasa (Analysis)
- Ano-ano ang mga taglay na sustansiya ng pagkaing almusal batay sa
food pyramid?
- Ano ang Go, Grow and Glow foods?
- Bakit mahalaga sa katawan ng tao ang Go, Grow and Glow foods?
- Bakit mahalaga ang paghahanda ng masusustansiyang pagkain?

4. Abstraksiyon (Abstraction)
Ang go foods ay ang mga pagkaing nagbibigay ng lakas, init at sigla
at sagana ito sa carbohydrates. Mga halimbawa nito ay pasta, grains,
cereals, bread, crakers at iba pa. Ang grow foods naman ay pagkaing
tumutulong sa paglaki ng katawan, paglakas ng buto at mayaman ito sa
protina. Mga halimbawa nito ay itlog, karne, isda at iba pa. Ang glow
foods naman ay pagkaing panangga sa sakit at impeksyon. Mga
halimbawa nito lahat ng uri ng gulay at prutas. Mahalaga ang tatlong
pangkat ng pagkain sa ating katawan sapagkat ito ang tumutulong sa
atin na maging malakas, masigla, maka-iwas sa sakit at impeksyon.
Mahalagang matukoy natin ang mga sustansiya ng pagkaing atin
kinakain upang alam natin kung ano kulang at dapat pa natin kainin.
Lalo na sa almusal mahalaga ang paghahanda ng masusustansiyang
pagkain dahil kailangan natin ng panimulang enerhiya at sigla sa umaga
upang maganpanan ang mga gawain.

5. Paglalapat (Application)
Pagpapangkat
1. Ipangkat ang klase sa apat na pangkat. Pangkat 1 gumawa ng isang
poster, Pangkat 2 gumawa ng slogan, Pangkat 3 gumawa ng
dalawang minutong kanta at Pangkat 4 bumubo ng isang minutong
drama. Batay sa ating tinalakay.
2. Pumili ng pinuno at tagapagsulat. Ipakita ang pamantayan sa
paggawa.
3. Epresenta ang bawat gawa sa buong klase.
4. Pagbibigay ng mga puna ng mga mag-aaral sa pangkatang gawain.
5. Pagwawasto ng guro sa pangkatang gawain.

D. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga (values Infusion)
Mahalaga ang paghahanda ng masustansiyang pagkain
sapagkat ito ang tumutulong sa ating katawan na maging masigla,
malakas, maka-iwas sa sakit at impeksyon.

2. Paglalahat
Upang mapanatiling kumakain ng masusutansiyang pagkain
laging tatandaan ang mga pagkaing nakapaloob sa go, grow and
glow foods. Palagi nating tatandaan na ang lahat na nakapaloob sa
food pyramid ay masusustansiyang pagkain na nakakatulong sa
ating katawan.

IV. Pagtataya
Pagtambalin ang Hanay A sa mga salitang sa Hanay B. Ikonekta ang basket sa salitang
nauugnay sa Hanay B.

A. B.

GO FOODS FRUITS

BREADS
RICE

VEGETABLES
GROW
FOODS EGG
HAM
CAKE

PASTA
GLOW
FOODS
FRIED CHICKEN
V. Takdang Gawain:
Ngayon na alam niyo na kung ano-ano ang mga masusustansiyang pagkain
at ang mga kahalagahan ng pangkat ng pagkain ang Go, Grow at Glow
foods tumulong sa inyong mga magulang sa paghahanda ng
masusutansiyang pagkain sa bahay at ibahagi ito sa susunod na pagkikita.

Inihanda ni:
Jenie Flauta Hernane

You might also like