Lesson Plan
EPP 4
Home Economics (3RD Quarter)
I. Layunin:
Natutukoy ang angkop na kagamitan sa paglilinis ng kusina
Naiisa-isa ang mga gamit ng mga kagamitan sa paglilinis ng kusina
Pagpapahalaga sa kalinisan ng bahay
II. Paksang Aralin:
Paksa: Nasasabi ang kabutihang dulot ng kalinisan sa kusina
Sanggunian: Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan , Baitang 4,CG, K-12 EPP4,
HE-Of-9
Kagamitan: Tsart, mga larawan ng kagamitan sa paglilinis ng bahay , pentel pen, cartolina
III. Pamamaraan:
A. Pagganyak:
Sabihin: kalugod-lugod ang malinis na tahanan. Maaliwaalas ang pakiramdam at
nakadaragdag ng kagandahan ng pamamahay. Magiging magaan at kasiya-siya ang paglilinis
ng tahanan kapag gumagamit ng angkop na kagamitan. Bilang bata, mahalaga ang
pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga kagamitan sa paglilinis.
B. Paglalahad:
Mga mungkahing gawain
Gawain A:
Subukin ang mga mag-aaral kung matutukoy ang mga nasa larawan
A. B. C.
D. E.
C. Pagpapalalim ng Kaalaman
Bukod sa mga nabanggit na kagamitan, mayroon ding pantulong na mga gamit sa paglilinis upang mas
maging madali at kaaya-aya ang paglilinis. Tingnan ang mga larawan kung ang mga ito ay ginagamit din sa
kaniya-kaniyang tahanan.
1. Sa bawat pangkat, pag-uusapan ang gamit ng bawat isa. Ipasulat ang mga sagot sa nakahandang
tsart:
A. B. C. D.
Iba pang kagamitan sa paglilinis Gamit
1. Dishwashing liquid/ dishwashing paste
2. Pulbos
3. suka
4. floorwax
5. Lumang dyaryo
6. Timba
2. Ipapaskil sa pisara o sa dingding ang natapos na gawa ng pangkat. Pag-usapan sa klase.
3.Talakayin ang tsart sa mga mag-aaral
D. Pagsasanib
Ano ang maidudulot ng kaalaman sa mga kagamitan sa paglilinis?
E. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa wastong kagamitan sa paglilinis?
IV. Pagtataya
Isulat sa patlang kung anong kagamitan ang itinutukoy ng pangungusap sa bawat bilang.
_____________1. Ginagamit sa pag- aalis ng alikabok at pagpupunas ng kasangkapan.
_____________2. Ginagamit sa pagpapakintab ng sahig
_____________3. Ginagamit sa pagwawalis ng magaspang na sahig at sa bakuran
_____________4. Ginagamit na pamunas sa sahig
_____________5. Ginagamit upang pulutin ang mga dumi o basura
V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN
Magpatala ng limang (5) kagamitang panlinis na madalas ginagamit sa paglilinis ng bahay.
Inihanda ni: Iniwasto ni:
RACQUEL C. MANCENIDO MELANIE B. AGUADO
EPP Teacher Dalubguro sa EPP
Binigyang-Pansin Ni:
DANCEL A. UDQUIM
Prinsipal
Instructional Materials
MOVS
Instructional Materials
Instructional Materials