You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


REPUBLIC COLLEGES OF GUINOBATAN, INC.
G. Alban Street, Iraya, Guinobatan, Albay
E-mail Address: republiccolleges@yahoo.com
CP No.:0968-599-5709

Banghay Aralin Sa EPP V


I.C.T.
st
1 Quarter

I. Layunin

A. Nakabubuo ng gabay sa pagtabas ng tela ng kagamitang pambahay na


maaaring pagkakitaan.
B. Nakalilikha ng isang kagamitang pambahay na maaaring pagkakitaan.
C. Naipakikita ang pagkamaparaan sa pagbubuo ng proyekto.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Kagamitang Pambahay na Maaaring Pagkakitaan


B. Sanggunian:
1. EPP/TLE MELC
2. K to 12 – PP5HE-0g-18
3. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 (p. 140-157)
4. https://youtu.be/wkm5tE9f;BQ

C. Kagamitan:
1. Laptop at projector
2. Pisara
3. Kagamitan sa pananahi
D. Pagpapahalaga: Pagiging masunurin sa mga panuntunan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:
1. Pagdarasal
2. Pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan sa loob ng silid-
aralan.

3. Pagtsek ng attendance.
4. Pagbabalik tanaw sa nakaraang aralin

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak:
a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga Gabay na Tanong
Gabay na Tanong:
 Ano ang paborito mong kasuotan?
 Bakit mahalaga ang pagsusuot ng naaangkop na
kasuotan sa angkop na lugar at panahon?
 Paano kaya nabubuo an isang kagamitang yari sa tela?

b. Itala ang mga sagot ng mag-aaral sa pisara.


c. Tanggapin lahat ang sagot ng mga mag-aaral.
Iugnay ito sa paksang tatalakayin.

2. Paglalahad:
Iugnay ang mga sagot ng mag-aaral na nakasulat sa pisara sa
paksang tatalakayin.

3. Pagtatalakayan
Gawain A: Hanapin sa kahon ang mga salitang kukumpleto sa
pangungusap upang makabuo ng mga gabay sa pagtabas ng tela
ng kagamitang pambahay na maaaring pagkakitaan.
Tiklupin ibabaw ng tela aspile

tracing wheel/paper gunting padron

a. _______________ ang tela sa gitna na nakaharap ang


kabaligtarang panig on wrong side sa iyo.
b. Ilagay ang lahat ng padron o tularan sa _________________
nang sama-sama upang matiyak na walang
makakalimutang bahagi.
c. Lagyan ng _____________ ang mga padron na inilagay sa
ibabaw ng tela. Gawing palihis ang paglagay nito.
d. Ilipat at lagyan ng marka ng pagtatahian ng tela. Gumamit
ng ___________________. Dagdagan ng 2cm pasobra o
allowance sa gilid.
e. Gupitin ang tela sa pamamagitan ng matalas na
____________.
f. Tiklupin ang bawat pirasong ginupit na kasama ang
________.
Itabi sa lalagyan.

Gawain B: Manahi Tayo


a. Bumuo ng anim na pangkat. Pipili ng lider ang bawat grupo.
b. Ipaliwanag ang pamamaraan sa paglikha ng isang
kagamitang pambahay na yari sa tela na maaaring
pagkakitaan.
c. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang
magawa nila ang mga sa sumusunod:

Pangkat 1 at 2: Pagbuo ng Apron


Pangkat 3 at 4: Paggawa ng Headband
Pangkat 5 at 6: Paglikha ng Potholder
d. Ipakikita ng bawat pangkat ang mga kagamitang yari sa tela
na kanilang nabuo sa pamamagitan ng pagprisenta nito sa
harap ng klase.

C. Paglalapat
Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa SURIIN sa kanilang
batayang aklat, pahina 156.

D. Paglalahat
Bilang isang mag-aaral, sa iyong palagay bakit mahalagang
matutunan moa ng paglikha ng kagamitang yari sa tela?
Pangatwiranan ang iyong kasagutan.

IV. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral, ang gawain sa Pagtatasa (SUBUKIN) sa


kanilang aklat, pahina 157.

V. Takdang Aralin

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga kasiyahanng dulot ng


pananahi. Bumuo ng sariling pamagat.

Nilalaman - 10 pts.
Organisasyon - 6 pts.
Kalinisan - 4 pts.

Kabuuan: 20 pts.

You might also like