You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Schools Division Office of Albay
Libon West District
PANTAO ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN para sa CLASSROOM OBSERVATION sa


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan ng ligtas at responsible sa
A. Pamantayang Pangnilalaman
pagsali sa discussion group at chat
Nakasasali sa discussion group at chat sa ligtas at responsableng
B. Pamantayan sa Pagganap
pamamaraan
C. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at
Isulat ang code ng bawat chat.
kasanayan (EPP5IE-Oc-8)
Mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat
II. NILALAMAN
Integrasyon: ICT/Edukasyon sa Pagpapakatao/Matematika
Pagpapahalaga: Kaalamang Pang-COVID-19
Istratehiya: GAME-BASED LEARNING,
EXPLICIT TEACHING
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELCs) p.
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula https://www.youtube.com/watch?v=1JsN_TmZS4g


sa portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Paggamit ng laro “Game ka na ba?!
at/o pagsisimula ng bagong Panuto: Tumawag ng limang magaaral na sasagot sa mga tanong sa loob
aralin ng 3 minuto.. Bawat tamang sagot ay may katumbas na premyo o halaga.

1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon


ang paggamit ng mga ____________ at gadgets.
a. ICT equipment b. Llibrary
2. Humingi ng pahintulot sa kinauukulan bago mamahagi ng mga media
file at _________.
a. removable device b. dokumento
3. Kung sakaling may matagpuang _____________ sa loob ng device,
tiyaking alisin muna sa loob nito bago gamitin
a. virus b. impormasyon
4. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon
ang paggamit ng mga ____________ at gadgets.
a. password b. removable device
5. Ibigay ang ___________sa kamag-aral upang magawa ang output sa
panahong liliban ka sa klase.
a. virus b. password
Paggamit ng ICT Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon
Panonood ng Video Presentation

1. Magpakita ng larawan ng mga sikat na applications na ginagamit


sa mga discussion forums at chat. Itanong ang sumusunod:
a. Alin dito ang nasubukan nyo nga gamitin?
b. Nakaranas na ba kayo na makipag-chat online?
c. Nakapanood na ba kayo ng isang discussion forum sa
telebisyon?
2. Ipakita ang video clip tungkol sa isang discussion forum.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin https://www.youtube.com/watch?v=1JsN_TmZS4g


3. Matapos mapanood ang video clips, itanong ang mga
katanungan:
a. Ano ang napanood mo sa video clips?
b. Tungkol saan ang harapang diskusyon o debate na inyong
napanood?
c. Ano ang opinyon ninyo sa inyong napanood?
Paglalapat ng Higher Order Thinking Skills
Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao

d. Sa inyong palagay, tama ba o mali ang ginawa ng mga nasa


discussion forum? Bakit? (HOTS)
Pagtalakay sa napapanahong issue
Ngayong panahon ng halalan, ano sa palagay nyo ang malaking tulong
ng social media gaya ng facebook, google at iba pa sa ating mga
botante?
 Dapat ba nating paniwalaan ang lahat ng nakikita natin sa social
media? Bakit?
 Paano kaya kayo makakatulong sa pagsugpo ng mga fakenews?

Ang Discussion forum ay isang board kung saan maaring mag post
C. Pag-uugnay ng mga o mag iwan ng anumang mensahe o tanong . Maraming mga
halimbawa sa bagong aralin website ang ganitong klase ng serbisyo tulad ng Yahoo,Google,
Facebook at iba pa.
Maaring sumagot o magtanong ang sinumang miyembro ng grupo
saanman o kailanman. Sa isang discussion forum ,may moderator
na may kakayahang piliin o salain ang mga impormasyong
pumapasok sa forum.
May chatbox na maaring pasukin ng sinuman kung kaya
importante alamin ang mga dapat gawin.
D. Pagtalakay ng bagong Malayang Talakayan
konsepto at paglalahad ng Mga panuntunan sa pagsali sa isang forum o chat:
1. Palaging Isaisip at isagawa ang mga panuntunan sa kagandahang
asal sa paggamit ng internet.
2. Basahin ang mga patakaran sa sasalihang discussion forum.
3. Siguraduhing tama sa paksa ang sasalihang discussion forum.
4. Sa tuwing magpopost ng paksa, siguraduhing malinaw ito para sa
lahat ng makakabasa.
5. Bago magpost ng paksa ay magsiyasat muna kung may
kaparehong paksa na ang nasagot at napagusapan.
6. Kung sasagot naman sa isang paksa siguraduhing totoo ang
isasagot.
Mga karagadagang kaalaman upang hindi mapahamak sa pagsali sa
discussion forum at chat: 
1. Siguruhing kakilala ang mga nakakausap sa internet. 
2. Gamitin ang chat sa wastong paraan at iwasan ang mga hindi
makabaluhang usapan. 
3. Igalang ang mga kausap sa chat at parehong gumamit ng web cam o
web camera para parehong makita ang hitsura ng taong mag-uusap.
 4. Kung makikipag-usap sa chat, iwasan ang makapagbitiw ng mga
bagong kasanayan #1 masasamang salita na maaaring makasakit sa damdamin ng kausap.
Maging mahinahaon sa lahat ng oras.
 5. Gamitin ang mga kilalang forum o chat sa pakikipag-usap gaya ng FB
Messenger, Skype at Viber. 
6. Huwag gumamit ng mga malalaking titik (ALL CAPS) sa pagsusulat
ng mga mensahe na parang nagpapahiwatig ng paninigaw sa kausap. 
7. Tutukan ang nilalaman ng mensahe sa pakikipag-chat at iwasan ang
madalas na paggamit ng iba’t-ibang emoticons, smiley faces maging sa
personal man o pagnenegosyo. 
8. Iwasan ang magpost ng kahit na anong media file o impormasyong
hindi mo pag-aari o kung hindi man maiiwasan ay ilagay ang pangalan
ng may-ari nito bilang pagkilala. 
9. Huwag maga-post ng mga impormasyong labas sa usapan o anumang
endorsement o advertisement.
 10.Iwasan ang magpost ng mga sensitibong bagay o impormasyon lalo
na kung naka pampublikong gamit at huwag magpasa ng mga
dokumentong hindi nabubuksan at maaaring magdala ng computer virus
na pwedeng makasira ng mga files at computer units.

Paggamit ng laro “LIKE O DISLIKE”


Panuto: Ipakita at sabihin ang LIKE kung ang pangungusap ay tama at
DISLIKE kung mali.

E. Pagtalakay ng bagong 1. Maging malinaw sa mga pahayag upang maunawaan nang lubos ng
konsepto at paglalahad ng kausap.
bagong kasanayan #2 2. Sumagot ng ayon sa tinatanong ng kausap. Iwasan ang pagsagot nang
hindi tama o walang batayan.
3. Sumagot kaagad dahil tiyak na naghihintay ng mabilis na sagot ang
kausap.
4. Magpost ng kasiraan ng taong kinaiinisan mo.
F. Paglinang sa kabihasaan
(Tungo sa Formative Paggamit ng laro “MASAYA O MALUNGKOT NA MUKHA”
Assessment) Panuto: Ipakita ang masayang mukha kung ang isinasaad ng
pangungusap ay tama at malungkot na mukha kung mali.

1. Gumawa si Luisa ng isang mensahe na ibig nyang ipost sa


instagramtungkol sa kanyang kamag-aral dahil sa kanyang pagkainis at
sobrang galit.
2. Nagkaroon ang grupo ng mga mag-aaral ng isang discussion forum.
Isa sa mga ito ang nagkomento na malayo sa pinaguusapan.
3. Ipagkalat ang napakinggan sa group discussion
at chat
4. Gamitin ang mga magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa
discussion forum at chat.
5. Gumamit ng fake account para siraan ang taong kagalit.
Paglalapat ng Differentiated Instruction/Activities

Pangkatang Gawain

Grupong Lingwistik: Maglista ng limang (5) mabuting karanasan mula


sa pagsama sa isang forum o chat.

Grupong Artistik - Lumikha ng isang poster na nagpapakita ng mga


hindi nararapat ng gawin sa isang forum o chat.

Grupong Musikal - Gumawa ng isang jingle na nagpapahayag ng


pagiging responsableng miyembro ng isang forum o chat.

Paglalapat ng Higher Order Thinking Skills


Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Pagpapahalaga:
G. Pag-uugnay sa pang araw- Itanong:
araw na buhay -Nagustuhan ninyo ba ang inyong ginawa?
-Madali ba ang inyong ginawa?
-Bakit kaya ito naging madali? *HOTS
Dahil sa pagkaka-isa at pagtutulungan

Numeracy: Integrasyon sa Matematika


Ikompyut ang mga napanalunang premyo ng mga bata sa mga laro.

Paggamit ng laro “DEAL OR NO DEAL”


Panuto: Sabihin ang Deal kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at
No Deal kung mali.

1. Gamitin ang mga magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa


discussion forum at chat.
2. Ipagkalat ang napakinggan sa group discussion at chat.
3. Gumamit ng fake account para magpakalat mg mga fake news.
4. Magpaalam sa kausap bago mag offline.
5.
Itanong:
Ano ang ating pinag-aralan ngayun?

Sa paglahok sa isang DISCUSSION FORUM ay mayroon tayong mga


H. Paglalahat ng Aralin
panuntunang dapat tandaan. Ito ang magsisilbing gabay natin sa sa
pakikipagugnayan at wastong paggamit ng mga websites. Kaakibat ng
pagsali sa mga group chat at discussion forums ang responsibilidad.

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang pahayag.


Isulat ang tamang sagot sa sulatang papel.
______1. Ugaliin ang mabilis na pagsagot sa chat.
______2. Maging malinaw ang pahayag upang maunawaan nang
I. Pagtataya ng Aralin lubos ng kausap.
______3. Magpaliguy-ligoy sa pagsagot sa chat o forum.
______4. Hindi na kailangang magpaalam sa kausap bago mag-
offline.
______5. Ang chat ay isang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o
higit pang mga tao gamit ang computer at konektado sa internet
Sa iyong mga natutunan sa aralin. Ilahad mo ang mga mabubuting bagay
B. Karagdagang gawain para sa
na maidudulot sa iyo sa pagsali sa discussion forum at chat, at pag ka
takdang aralin at
tapos ay ilahad mo naman ang mga di magandang bagay na maidudulot
remediation
nito.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
nararanasan na nasulusyunan sa
tulong ng punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa kapwa ko guro?

CLERICA T. REALINGO SANDRA A. CANANEA


Teacher III/ Ratee Master Teacher I/ Rater

You might also like