You are on page 1of 4

PAKSA 5

Pamamalengke ng mga Sagkap sa Pagluluto

LAYUNIN:

 Naisasagawa ang pamamalengke ng mga sangkap sa pagluluto


-naipapakita ang husay sa pagpili ng sariwa, mura, at masustansiyang
sangkap
-naisasaalang- alang ang mga sangkap na nakikita sa paligid at
nakapagkukwenta nang mahusay sa pamamalengke.
Alamin Natin

Panimulang Gawain
Saan binibili ang sumusunod na mga pangangailangan ng inyong mag- anak? Itala sa
talahanayan ang iyong sagot.
Mga Pangangailangan ng Mag- anak Lugar Kung Saan Binibili
1. Damit
2. Sapatos
3. Pagkain
4. Gamit sa paaralan
5. Gamit sa pagkukumpuni ng sirang kasangkapan
sa tahanan
Sa mga lugar na iyon din ba bumibili ng pangangailangan ang iba mong kamag- aral? Anong kabutihan
ang idinudulot ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa lugar kung saan mabiili ang nabanggit na mga
pangangailangan? Isulat ang iyong sagot sa espasyo sa baba.

Talakayin Natin

Ang pamamalengke ay ang pamimili ng pagkain sa palengke. Ito ay mahalagang pag- ukulan ng
oras ng isang namamahala sa tahanan. Nangangailangan ito ng matalinong pagpapasiya upang mabili ang
pinakamaayos na pagkain sa pinakamurang halaga katumbas ng oras at enerhiyang ginugugol para dito. Maaari
itong isagawa araw- araw, lingguhan, o ayon sa pangangailangan. Maraming pamilya ang namamalengke isang
beses sa isang linggo upang makatipid sa pamasahe, oras, at enerhiya.

Gawing pangunahing gabay sa pagsasagawa nito ang plano o menu at ang resipe ng lulutuing
pagkain. Sa naunang aralin ay nakagawa na kayo ng talaan ng mga bibilhing sangkap.

Kinakailangang maging matalino at mahusay sa pamimili. Pag- aralan ang sumusunod na mga
gabay sa wastong pamimili.

1. Paghandaan ang pamimili. Bago pumunta sa palengke o supermarket, gumawa ng listahan ng mga bibilhin
batay sa ginawang plano o menu at resipe. Batay sa resiping Ginataang Kalabasa at Sitaw sa Aralin 4, maaari
ito ang sunding talaan ng mga bibilhing sangkap.
¼ kalabasa Php. 40.00

1 taling sitaw Php. 20.00

Gata ng niyog Php. 30.00

1 ulo ng bawang Php. 5.00

1 sibuyas Php. 10.00

bagoong Php. 10.00

1 guhit na hipon Php. 50.00

2. Bago mamalengke, tingnan ang nakaimbak na mga sangkap. Gamitin muna ang mga unang nabili bago bumli
ng bagong sangkap. Huwag kalimutan ang bagong batas sa pag- iingat ng kapaligiran. Iwasan ang paggamit ng
plastic na lalagyan. Magdala ng eco bag o basket na paglalagyan ng pinamili.

3. Pagkaing sariwa at napapanahon ang bilhin. Ang mga pagkaing napapanahon ay kadalasang mura kaya
makakatipid kung ito ang bibilhin. Maaaring humanap ng panghalili kung mahal ang sangkap dahil hindi
napapanahon. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng maaaring gamiting panghalili: dahon ng malunggay para
sa dahon ng ampalaya at sayote para sa papaya.

4. Alamin kung saan makakabili ng mura subalit mataas ang kalidad na pagkain.

5. Maging maingat sa pamimili at maging mapanuri sa pagbili ng pagkain. Makatutulong ang pagkakaroon ng
suki o taong palagiang binibilhan ng mga kailangan. Dahil suki, hindi ka pagbibilhan ng sangkap na mababa ang
kalidad. Asahan mo rin na wasto ang timbang ng bibilhi mo sa kaniya.

6. Mahalaga na may kaalaman sa mga katangiang dapat hanapin sa pagkaing bibilhin. Narito ang mga
palatandaan ng sariwa at may mataas na uri ng pagkain.

Sariwang Isda Sariwang Karne Sariwang Gulay at Prutas

 mapula ang hasang


 malinaw at maumbok na mga  may tatak na patunay na  matingkad ang kulay
mata nasuri ng pamahalaan bago  walang palatandaan ng
 nakakapit ang balat kinatay pagkabulok
 ang mga kaliskis ay buo at  mamula- mula (pinkish) ang  ang balat ay di kulubot
makintab kulay ng laman  ang dahon ay hindi lanta
 matigas ang laman  walang di kanais- nais na  walang pasa at butas na
 walang di kanais- nais na amoy dinaanan ng bulate (worm)
amoy
7. Maging magalang sa pagtatanong sa mga nagtitinda. Tandaan na kapag nagpakita ng paggalang sa kanila,
paggalang din ang ibabalik nila sa iyo.

8. Maging mabilis sa pagkukwenta. Tiyakin ang presyo. Kung tatawad, gawin ito sa magalang na paraan.
Bilangin ang sukli bago umalis.
Isagawa Natin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang dapat gawin sa sitwasyon.

1. Ikaw ang namamalengke ng mga sangkap sa pagluluto ng adobo. Nabili mo na ang lahat ng kailangan bukod
sa kalahating kilong baboy. Napansin mong magkukulang na ang iyong dalang pera. Ano ang iyong gagawin?

2. Napansin mong may di kanais- nais na amoy ang isda na tinitinda ni Aling Linda. Inalok niya ito sayo ng
murang halaga. Nagpunta ka sa katabing tindahan at napansin mong maganda ang kalidad ng tinda niyang isda
ngunit mahal ang kanyang alok sa iyo. Ano ang iyong gagawin?

3. Namili ka ng mga sangkap sa pagluluto ng sinigang ngunit marami kang nakalimutang bilhin na sangkap. Ano
ang dapat mong gawin?

Pagtataya

Panuto: Isulat ang W kung ang pangungusap ang TAMA, isulat ang HW kung ang pangungusap ay
MALI. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

______1. Si Ana ay naglista muna ng mga bibilhin bago pumunta ng palengke upang wala siyang makalimutan.

______2. Bumili si Kaye ng manok kapalit ng baboy para sa adobo dahil mas mura ang manok.

______3. Mas pinili ni Trisha ang murang petchay kahit ito ay lanta na upang makatipid.

______4. Hindi na namili si Renz ng gulay at hinayaan na ang tindera ang mamili at magtimbang. Paguwi niya
ay puro butas at bulok ang kanyang nabiling gulay.

______5. Magalang na tumawad si Lloyd sa tinder upang makamura.

You might also like