You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Pangasinan State University


College of Teacher Education
PROFESSIONAL EDUCATION DEPARTMENT
Bayambang, Pangasinan
2nd Semester A.Y. 2021-2022

Masusing Banghay Aralin sa Edukasyong

Pantahanan at Pangkabuhayan

Ang Pagbebenta ng Produkto

Ipinasa ni:

Ronalyn L. Lumanog

BEE EGE 3-1

Ipinasa kay:

Veronica Austria

Professor

Petsa ng Pagpasa:

June 2022
Masusing Banghay Aralin sa EPP IV

I. Layunin

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naiisa-isa ang pamamaraan sa pagbebenta ng produkto.


b. Naipakikita ang pagiging maingat sa pamamahala at pagbebenta ng produkto.
c. Natatalakay ang mga produktong naibebenta sa pag-eentrepreneur.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Pagbebenta ng Produkto

Sanggunian: K-12 Kagamitan ng Mag-aaral sa EPP 4 (Q1-Q4) pp. 2-5 at K-12 Patnubay ng
Guro sa EPP 4 (Q1-Q4) pp. 2-5

Kagamitan: PowerPoint Presentation at Mga Larawan ng Iba’t Ibang Produkto tulad ng itlog,
manok, baka, isda, at gulay

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang araw, mga bata. Magandang araw din po, Ma’am.

2. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin mga bata,
inaanyayahan ko kayo para sa ating Panginoon, nawa ay gabayan
panalangin. Nais kong hilingin na si______ ang niyo po kami sa aming pag-aaral.
mangunguna sa ating panalangin. Amen.

3. Pagtala ng Liban
Nais kong tanungin ang sekretarya ng klaseng
ito kung meron bang liban sa klase ngayon? Wala po, Ma’am.

Mabuti kung ganoon.


4. Balik-Aral
Naalala niyo pa ba mga bata ang mga napag-
aralan ninyo kahapon? Opo, Ma’am.

Anu-ano ang mga kailangang tubusin o


kuhaning mga dokumento kapag nagbubukas
ng isang negosyo? (Maaaring iba-iba ang sagot ng
mga bata)

Magaling!

B. Pagganyak
Dumako na tayo sa ating aktibidad.
Handa na ba kayo, mga bata? Opo, Ma’am.

Sa ating aktibidad, ako ay magpapakita ng mga


larawan. Pagmasdang mabuti ang larawan sa loob ng
mga talulot. Piliin kung alin dito ang madaling ibenta sa
pamilihan.

Madaling
ibenta sa
pamilihan na
malaki ang kita

Bakit ito ang iyong napili at ano ang iyong gagawin sa


perang kinita? (Maaaring iba-iba ang sagot ng
mga bata)
Mahusay, mga bata!

C. Paglalahad ng Paksa
Ang aralin natin sa oras na ito ay konektado sa
aktibidad na ating ginawa kanina. Ang aralin na ating
mapapakinggan ay patungkol sa pagbebenta ng
produkto.
Handa na ba kayong makinig, mga bata? Opo, Ma’am.

D. Pagtalakay
Tatalakayin sa araling ito ang pamamaraan ng
pagbebenta ng mga produktong ninanais na
pagkakitaan sa pag-eentrepreneur. Ito ay upang
maunawaan ng mga mag-aaral ang mga pamamaraan
sa pagbebenta ng produkto upang ang negosyong
pinasok ay kumita at umunlad.

Tingnan ang isang surbey sa Pamilihan ng


Commonwealth. Bigyang pansin ang mga nakatalang
paninda at mga produkto sa pamilihan. Tingnan at suriin
ang sumusunod na tala.

BAGAY PRODUKTO PAMANTAYANG HALAGA


SUKAT
Manok itlog por dosena P175.00
karne por kilo 190.00
paa por kilo 150.00
ulo por kilo 90.00
bituka por kilo 90.00
dugo por kilo 70.00
Dilis bagoong por bote 100.00

Basahin ang talaan ni Aling Tesya sa paraan ng


pagbebenta ng mga produkto.
1. Itlog ng itik, manok, at pugo ipinagbibili ng por dosena
 Pinagbubukod-bukod ayon sa laki
 Inilalagay sa basket o trey
 Maaaring ipagbili nang lansakan kung
marami
2. Gatas
 Pinakukuluan bago ilagay sa malinis na
bote
 Kailangang walang mikrobyo ang gatas
 Ipinagbibili nang nakabote
3. Karne ng baka ipinagbibili ng por kilo
 Maaari ding ipagbiling buhay
 Iniluluwas sa pamilihang bayan
 Ang baka o kambing ay ipinagbibili nang
lansakan kung maramihan
 Ang karne ay inilalagay sa palamigan
upang manatiling sariwa.

Ano ang napansin ninyo mga bata sa talaan ni


Aling Tesya sa paraan ng pagbebenta ng
produkto?
Maingat po siya sa pag-ayos ng
mga produkto, Ma’am.

Magaling!

Sino pa ang may ibang ideya? Pinapaplanuhan po ang


pamamaraan ng pagbebenta ng
produkto katulad po ng pagtala ni
Aling Tesya sa pagbebenta ng
produkto.

Mahusay!

Ngayon naman ay ating talakayin ang


pamamahala ng produkto at pag-iingat sa
ipinagbibiling produkto.

PAMAMAHALA NG PRODUKTO
 Maaaring ipagbili kung sobra
 Pangasiwaan nang wasto at maayos ang produkto
 Panatilihing mahusay at mataas ang uri ng
produkto
 Alamin ang pangkasalukuyang presyo upang hindi
malugi

PAG-IINGAT SA IPINAGBIBILING PRODUKTO


 Husto ang timbang
 Nabayaran ng tamang buwis
 Walang sakit
 Nasuri ng inspector pangkalusugan

E. Paglalahat
Balikan muli natin ang ating aralin na ating
napakinggan at pinag-aralan. Ito ang pamamaraan sa
Anu-ano ang pamamaraan sa pagbebenta ng pagbebenta ng produkto:
produkto? 1. Itlog ng itik, manok, at pugo
ipinagbibili ng por dosena
 Pinagbubukod-bukod
ayon sa laki
 Inilalagay sa basket o trey
 Maaaring ipagbili nang
lansakan kung marami
2. Gatas
 Pinakukuluan bago ilagay
sa malinis na bote
 Kailangang walang
mikrobyo ang gatas
 Ipinagbibili nang nakabote
3. Karne ng baka ipinagbibili ng
por kilo
 Maaari ding ipagbiling
buhay
 Iniluluwas sa pamilihang
bayan
 Ang baka o kambing ay
ipinagbibili nang lansakan
kung maramihan
 Ang karne ay inilalagay sa
palamigan upang
manatiling sariwa.

Sa pamamahala ng produkto
maaaring ipagbili kung sobra,
Paano ang pamamahala ng produkto? pangasiwaan nang wasto at
maayos ang produkto,
panatilihing mahusay at mataas
ang uri ng produkto, at alamin
ang pangkasalukuyang presyo
upang hindi malugi.

Ang pag-iingat sa ipinagbibiling


Anu-ano ang mga pag-iingat sa ipinagbibiling produkto ay dapat husto ang
produkto? timbang, nabayaran ng tamang
buwis, walang sakit, at nasuri ng
inspector pangkalusugan.

F. Paglalapat (Maaaring iba-iba ang sagot ng


Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon na makapamili mga bata)
ng produktong ibebenta, anu-ano ang pipiliin mo?
Bakit?

IV. Pagtataya
I. Lagyan ng tsek (/) ang nadarama kung sang-ayon o di-sang-ayon sa mga sitwasyon.
llagay ang sagot sa kuwaderno o malinis na papel.

SITWASYON Sang- Di Sang-


ayon ayon
1. Ang ina ni Perla ay tindera ng karne. Hindi niya inilagay
ang karne sa palamigan dahil abalang-abala siya sa ibang
ginagawa.
2. Matapos makuha ang itlog sa pugad ay pinagbubukod-
bukod ito ayon sa laki. Pagkatapos ay isinasalansan ang mga
ito sa trey.
3. Si Mang Gil na may bakahan ay nagbebenta nang
lansakan at por kilo ng karneng baka sa pamilihang bayan.
4. Ang isang mag-anak ay uunlad kung pabaya sa pag-
aalaga ng mga hayop.
5. Ang gatas ay kailangang painitan bago ilagay sa boteng
isterilisado ang sabi ng nanay ni Joy.

II. Lagyan ng tsek (/) kung tinutupad ang umiiral na batas sa pagbebenta. Kung hindi,
lagyan ito ng ekis (X). llagay ang sagot sa kuwaderno o malinis na papel.
____1. Tama sa bilang para sa dosena ng itlog ang ipinagbibili.
____2. Husto ang binabayad na buwis para sa mga itinitindang karne.
____3. Hindi dumadaan sa inspektor na pangkalusugan ang mga kakataying baboy
at baka.
____4. Walang sakit o pinsala ang ipinagbibiling produkto.
____5. Inilulubog ang manok sa tubig bago ipagbili.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Gumawa ng isang talaan sa pagbebenta ng produkto sa kuwaderno o sa isang


malinis na papel. Punuan ng mga datos na kailangan.

Pamantayang
Bagay Produkto Halaga
Sukat
Baka
Kambing
Itlog
Manok
Isda

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa papel.

 Anu-anong mga hakbang sa pagbebenta ang dapat sundin?


 Dapat bang ipatupad ang mga umiiral na batas sa pagbebenta? Bakit?

You might also like