You are on page 1of 10

EPP-HOME ECONOMICS

QUARTER2 WEEK6
LM

Paggamit ng Magasin, Aklat sa Pagsasaliksik ng Kasalukuyang Kagamitang


Pambahay

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman


at kasanayan sa mga “gawaing pantahanan”
at tungkulin at pangangalaga sa sarili.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
pantahanan na nakatutulong sa pagsasaayos
ng tahanan.

Code: EPP5HE-0f-15

Nilalaman:

Sa araling ito, ay lilinangin ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pananaliksik gamit ang
internet, magasin, aklat atbp upang malaman ang kasalukuyang kalakaran sa pamilihan ng mga kagamitang
pambahay at paraan ng paggawa nito.

Layunin:

1. Nakapagsasaliksik gamit ang internet, magasin, aklat at iba pa


2. Nalalaman ang kasalukuyang kalakaran sa pamilihan ng kagamitang pambahay tulad ng kurtina, table runner,
glass holder, cover, throw pillow, table napkin.

ALAMIN NATIN:

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Tsekan (/) ang thumbs up icon kung taglay mo na o
thumbs down icon kung hindi pa.

Kasanayan/Kaalaman

1. Nakapagsasaliksik ako gamit ang internet?

2. Alam ko ang iba’t ibang kagamitang pambahay?

3. Alam kong gumawa ng iba’t ibang kasangkapang pambahay?

4. Marami na akong nabasang aklat at magasin sa pagsasaliksik?


Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba, ito ba ay madalas nating nakikita sa bahay?

Alin sa mga ito ang ginagamit mo sa araw-araw? Alin ang pinapalitan kung kinakailangan?

LINANGIN NATIN:

Sa kasalukuyan ang pagsunod sa mga trend sa Market Trends ay nangangahulugan ng pag-alam kung ano ang
nangyayari sa iyong merkado. Ayon sa negosyante, upang matukoy ang mga trend sa iyong merkado, isipin ang
tungkol sa mga uri ng mga bagay na nakakaapekto sa iyong iba't ibang mga segment ng merkado. Halimbawa, kung
nagbebenta ka ng mga punda ng unan, apron, kurtina cover, table napkin atbp dapat isaalang-alang ang anumang
mga mapagkumpitensyang mga banta o mga pagkakataon para sa paglago kapag makilala mo ang mga trend sa
iyong merkado.

Upang malaman natin ang kasalukuyang kalakaran kailangang maging mapamaraan, maghanap sa internet, mga
babasahin, aklat at magasin ng magagandang disenyo at alamin ang tamang pamamaraan ng paggawa sa
mgakagamitang pambahay(soft furnishings).

Kasalukuyang Kalakaran sa Pamilihan ng mga Kagamitan sa Bahay(Market Demands/Trends

1. Gobyerno
2. Pakikipagkalakalan sa ibang bansa
3. Mga panghinaharap na kalakaran
4. Dami ng produktona kayang ipagbili at mga nangangailangan nito
5. Maayos na plano ng produksyon
6. Paghingi ng payo sa eksperto
7. Pinag-aaralang mabuti ang gagawing hakbang
8. Iniisip ang kapakanan ng konsyumer
Paraan ng Paggawa ng Kagamitang Pambahay ( soft furnishing)
Kurtina
1. Isipin kung anong uri ng kurtina ang nais gawin.
2. Pag isipan kung gaano kalaki ang gagawing kurtina.
3. Tingnan kung gaano kadaming tela ang kakailanganin
4. Kung nagawa na ang na ang una hanggang ikatlong hakbang ihanda na ang mga materyales na kakailanganin.
5. Gupitin na ang kurtina sa tamang sukat nito.
6. Tahiin sa nais na disenyo.

TANDAAN NATIN:
Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang internet, aklat, magasin atbp. Sa tulong
ng mga ito maaari tayong makapagsaliksik at mangalap ng makabuluhang impormasyon sa mabilis na paraan.
Halimbawa, kung nagbebenta ka ng mga punda ng unan, apron, kurtina cover, table napkin atbp dapat isaalang-alang
ang anumang mga mapagkumpitensyang mga banta o mga pagkakataon para sa paglago kapag makilala mo ang
mga trend sa iyong merkado.
Tandaan na hindi lahat ng mababasang impormasyon sa Internet ay totoo at tama. Kailangang maging mapanuri pa
rin tayo sa mga impormasyong nakakalap.

GAWIN NATIN:

A. Itanong ang mga sumusunod:


1. Anu-ano ang mga halimbawa ng kagamitang pambahay?
2. Ipaliwanag ang kahalagahan nito.
3. Magsaliksik sa aklatan ng tamang paraan ng paggawa ng punda ng unan.

B. Lagyan ng bilang 1-6 ang Paraan ng Paggawa ng Kagamitang Pambahay ( soft furnishing)
______Tahiin sa nais na disenyo
______Pag isipan kung gaano kalaki ang gagawing kurtina.
______Tingnan kung gaano kadaming tela ang kakailanganin
______Isipin kung anong uri ng kurtina ang nais gawin.
______Gupitin na ang kurtina sa tamang sukat nito
______Kung nagawa na ang na ang una hanggang ikatlong hakbang ihanda na ang mga materyales na
kakailanganin.

PAGYAMANIN NATIN:

Magsaliksik tungkol sa paraan ng paggawa ng apron.

PAGGAWA NG PLANO PARA SA PAGBUO NG MGA KAGAMITANG PAMBAHAY

Nilalaman:

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman


at kasanayan sa mga “gawaing pantahanan”
at tungkulin at pangangalaga sa sarili.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
pantahanan na nakatutulong sa pagsasaayos
ng tahanan.

Code: EPP5HE-0f-16

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay makabubuo ng bagong plano sa pagbuo ng kagamitang pambahay. Ang mga
mag-aaral ay makapag-iisip ng iba pang kapaki-pakinabangna gawain. Sila ay gagabayan ng guro sa pagpaplano
upang kanilang matukoy ang mga proyektong maaari nilang gawin. Tinatalakay sa araling ito ang wastong
pamamaraan sa paggawa ng mga sumusunod:

1. Paghahanda ng kagamitang gagamitin.


2. Paggawa ng padron.
3. Paglalatag ng padron sa tela.
4. Pagtatabas ng tela.
5. Paglilipat ng marka sa tela.

Layunin

1. Nakagagawa ng plano ng kagamitang pambahay tulad ng apron.

2. Naipakikita ang kasanayan sa pagpaplano ng kagamitang pambahay.


3. Nakagagawa ng padron at nailalatag ito upang matabas sa wastong pamamaraan.
4. Napahahalagahan ang pagpaplano para sa pagbuo ng kagamitang pambahay.

ALAMIN NATIN:

Ang alinmang gawain o proyertong binabalak ay kailangan ng pagpaplano. Ang paggawa ng kagamitang pambahay
ay lubhang nakatutulong upang maging maayos ang isang tahanan. Sa paggawa ng plano kailangang sundin una
ang paghahanda ng kagamitang gagamitinpaggawa ng padron, paglalatag ng padron sa tela, pagtatabas ng tela at
paglilipat ng marka sa tela.

Ang isang batang tulad mo ay kayang kayang magplano ng kagamitang ito, upang umunlad ang kasanayan at
kaalaman. Ang mga kagamitang pambahay ay gaya ng mga sumusunod:

1. Throw pillow
2. Kurtina
3. Cover
4. Glass holder
5. Table Napkin,
6. Pot holder
7. Apron
LINANGIN NATIN:

Narito ang mga hakbang sa pagplano para sa pagbuo ng mga kagamitang pambahay tulad ng apron. Kailangan
mong matutunan ang paraang ito upang maging maayos ang paggamit ng panahong gugugulin mo sa paggawa.

1. Telang tatahiin
2. Paraan ng paghahanda ng tela
3. Pagsipi ng Batayan ng padron
4. Paglalarag ng padron sa tela
5. Pagtatabas ng padron sa tela
6. Pagtatabas ng tela
7. Paglilipat ng marka sa tela

Mga Bahagi ng Plano Para sa Paraan ng paggawa ng kamitang pambahay.

Pangalan ng Proyekto: Apron


Layunin: Ito ay tumutukoy sa mithiin sa paggawa ng plano sa pagbuo ng mga kagamitang pambahay.
Sketch: drowing ng apron na yari sa katsa
Talaan ng materyales: dito makikita ang kompletong listahan ng matryalers at halaga nsa pagbuo ng plano.
Hakbang sa Paggawa: ang sunud-sunod na detalye sa pagbuo ng proyekto.
Talaan ng kasangkapan: kasangkapang kailang sa sa pagbuo ng plano.

TANDAAN NATIN:

Ang pagpaplano nang mabuti ay kailangan sa pag-uumpisa ng isang proyekto o gawain. Kung may pagpaplano at
planong nagawa, magiging madali ang paggawa ng anumang gawain. Ang plano ay karaniwang ginagawa ng
arkitekto o inhinyero bilang batayan sa gagawing proyekto maliit man o malaki. Ang pagpaplano o paggawa nito ay
naayon sa pamamagitan ng mahusay at maingat na pagsusuri upang ang gagawing proyekto o gawain ay magiging
maayos. Kung maihahandang mabuti ang disenyo at plano, magiging madali ang paggawa ng isang gawain.

GAWIN NATIN:

Kumpletuhin ang sumusunod na bahagi ng plano ng paggawa ng kagamitang pambahay.

1. Pamagat/Pangalan ng Proyekto___________________________
2. Layunin______________________________________________
3. Sketch_______________________________________________
4. Talaan ng materyales___________________________________

5. Hakbang sa paggawa___________________________________
6. Talaan ng kasangkapan_________________________________

PAGYAMANIN NATIN:
A. Ang pagsunod sa mga bahagi ng plano sa pagbuo ng kasangkapang pambahay ay mahalaga upang maging ganap
na maayos ang gawain.
B. Sagutin ang tanong:
1. Ano-ano ang mga bahagi sa pagbou ng isang plano ng proyekto o gawain?
2. Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga bahagi ng isang plano ng proyekto o gawain?

MGA BAHAGI NG MAKINANG DE-PADYAK

Nilalaman:

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman


at kasanayan sa mga “gawaing pantahanan”
at tungkulin at pangangalaga sa sarili.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang kasanayan sa


pangangalaga sa sarili at gawaing
pantahanan na nakatutulong sa pagsasaayos
ng tahanan.

Code: EPP5HE-0f-17

Tinatalakay ng araling ito ang iba’t ibang bahagi ng makina at mga gamit ng bawat isa.Ipinakikta rin sa araling itp ang
mga paraan ng pangangalaga ng makina upang ito’y matagal na mapakinabangan sa mahabang panahon.

Layunin

1. Natutukoy ang mga bahagi ng makinang de padyak.


2. Naiisa isa ang mga bahagi ng makina.
3. Nalalaman ang kahalagahan ng bawat bahagi nito.

ALAMIN NATIN:

Tingnan ang inyong kasuotan. Sino sa tingin nyo ang


tumahi ng mga iyan? Ang nakikita nyo sa larawan ay
isang makinang de padyak na panahian. Ang makinang
iyan ay nakatutulong upang ang ating kasuotan ay mabuo
ng maayos, Hindi magiging maayos ang damit na tatahiin
kung may kulang sa mga bahagi nito. Kaya kailangan
malaman ang ibat’ibang bahagi nito upang magamit
sa wastong pamamaraan.

LINANGIN NATIN:

Tingnan ang makina at pag-aralang mabuti ang bawat bahagi nito.


Naririto ang iba’t ibang bahagi ng makina at mga gamit ng bawat isa.
1. Spool pin- lagayan ng karete ng sinulid na pang-itaas.
2. Presser foot - umiipit sa tela habang tinatahi
3. Tension regulator - bahaging nagpapaluwag o nagpapahigpit ng tahi.
4. Thread guide - gabay ng sinulid mula sa spool pin hanggang karayom upang hindi mawala sa lugar.
5. Thread take up lever- humuhila sa sinulid na panahi sa tela.
6. Needle Clamp – humahawak sa karayom ng makina.
7. Presser bar lifter – nagbababa o nagtataas ng presser foot.
8. Feed dog – bahaging nasa ilalaim ng presser foot na nagtutulak sa tela habang ito ay tinatahi.
9. Bobina o bobbin – lagayan ng pangilalim na sinulid.
10. Bobbin case – kaha na lalagyan ng bobina.
11. Balance wheel – gulong sa ibabaw na hinahawakan kung sisimulan ang pagpapaandar o ihihinto ang pananahi.
12. Stop motion screw – ang malaking turnilyo na nakakabit sa balance wheel na siyang nagpapahinto.
13. Bobbin winder – kidkiran ng sinulid sa bobina.
14. Stich regulator- bahaging nagpapaikli o nagpapahaba sa tahi.
15. Belt – koriyang nag-uugnay sa balance wheel at drive wheel.
16. Drive wheel – malaking gulong na pang-ilalim.
17. Treadle – tapakan na nagpapaandar sa malaking gulong habang nananahi.
18. Belt guide – pumapatnubay sa koriya upang hindi ito mawala sa lugar.

TANDAAN NATIN:

1. Ang kaalaman sa mga bahagi ng makina at ng gamit ng bawat isa ay kailangan upang magamit itong mabuti sa
pananahi ng iba’t ibang kasuotan at iba pang pangangailangan.
2. Mapakikinabangan mo ng matagal ang makinang panahian kapag ito’y gagamitin sa wastong paraan at
pangangalagaan nang mabuti.

GAWIN NATIN:
Bilugan ang wastong letra kung ito ang bahagi ng makina na tinutukoy.

a. Needle Clamp b. Belt c. Bobbin Case

a. Threadle b. Presser foot c. Feed Dog

a. Balance wheel b. Spool pin c. Tension Regulator

a. Presser foot b. Bobbin winder c. Belt

a. Thread Guide b. Thread take up lever c. Balance wheel

PAGYAMANIN NATIN:
GAWAIN A
Ang una at ikalawang pangkat ay maglalagay ng mga bahagi ng makina na nasa tsart sa loob ng 10 minuto.
GAWAIN B
Ang ikatlo at ika-apat na pangkat naman ay tutukuyin sa harap ng klase ang bawat bahagi ng aktwal na makina at ang
gamit nito.

WASTONG PAGGAMIT NG MAKINANG DE-PADYAK

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman


at kasanayan sa mga “gawaing pantahanan”
at tungkulin at pangangalaga sa sarili.
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang kasanayan sa
pangangalaga sa sarili at gawaing
pantahanan na nakatutulong sa pagsasaayos
ng tahanan.

Code: EPP5HE-0f-17
Nilalaman:
Ang makina ay kailangang pangalagaan. Mapapanatili nito ang tiyak na magandang kondisyon kapag ginagamit. Sa
pamamagitan din nito maaring magamit ang makinang panahian sa matagal na panahon.

Layunin
1. Natatalakay at naipapakita ang wasto at maingat na paggamit ng makina.
2. Napahahalagahan ang mga paraan sa paggamit ng makina

ALAMIN NATIN:

Ang makinang panahian ay naimbento noong 1846 ni Elias Howe at lalo itong pinagbuti ni Isaac Merrit noong 1851.
Ang pagkakaimbento ng makina ay isang malaking hakbang upang mapabuti at mapabilis ang gawaing pananahi.
Kumpara sa pananahi gamit ang kamay, mas makatitipid ng oras, pagod, at salapi kung mananahi sa makina.
Makatitiyak pa na matibay at maayos ng pagkakatahi ng kasuotan o kagamitan.
May iba’t ibang pamamaraan sa paggamit ng makina. Maaari itong panahian gamit ang kamay o kuryente. Anuman
ang uri ng makinang gagamitin, ang mahalaga ay maayos at masinop ang magbibigay nitong serbisyo sa pananahi.
LINANGIN NATIN:

Wasto at Maingat na Paggamit ng Makina


1. Palagiang punasan ang makina bago at matapos itong gamitin.
2. Lagyan ng langis ang makina
3. Tanggalin kaagad ang putol na sinulid at retaso upang hindi ito bumuhol pa sa gulong ng makina
4. Panatilihing malayo ang kamay sa karayom habang ito ay pinapaikot
5. Iwasang magalaw ng ibang tao ang v-belt ng inyong makina
6. I-check ang bobbin ay umiikot sa direksyon ng arrow, kung saan ang sinulid ay hinihila
7. Maging maayos at maingat sa pagnbababa at pagtatas ng ulo ng makina.
8. Mag-iwan ng kapirasong tela sa pagitan ng presser foot at feed dog bago itago ang makina
9. Ilagay ang makina sa lugar na hindi na hindi mapaglalaruan ng bata
10. Iwasan ang palagiang paglilipat ng makina
11. Tiyakin na ang lugar ng makina ay malinis, maayos at ligtas sa ulan at palagiang pagkabangga.
12. Maglaan ng panakip upang mapanatili ang kalinisan ng makinang panahian.

TANDAAN NATIN:
Ang makina ay kailangang pangalagaan upang matiyak na palaging nasa magandang kondisyon kapag ginagamit. Sa
pamamagitan nto magagamit ang makinang panahian sa matagal na panahon.

GAWIN NATIN:

PANUTO: Lagyan ng tsek ang guhit bago ang bilang kung nagpapakita ng tamang paggamit ng makina.
______1. Lagyan ng langis ang makina
______2. Huwag kaagad ang putol na sinulid at retaso upang hindi ito bumuhol pa sa gulong ng makina.
______3. Palagiang punasan ang makina bago at matapos itong gamitin.
______4. Ilagay ang makina sa lugar na mapaglalaruan ng bata
______5. Iwasan ang palagiang paglilipat ng makina

PAGYAMANIN NATIN: Pangkat A:


Pagpapakita sa klase ng wasto at maingat na paraan ng paggamit ng makina.
Pangkat B:
Magtala ng mga bagay na nagpapakita sa tamang paggamit ng makina.

You might also like