You are on page 1of 22

EPP-AGRI.

ARALIN 19-MAHUSAY NA
PAGBEBENTA NG HALAMANG
ORNAMENTAL
TEODORA M. JAVIER
Layunin:
1. Natatalakay ang wastong
paraan nang mahusay na
pagbebenta ng halaman
2. Naisasagawa nang mahusay
ang pagbebenta ng halamang
pinatubo
PANIMULANG PAGTATASA:
 1. Ano-ano ang mga paraan ng
pagbebenta ng halaman?
 2. Paano isinasagawa ang
wastong pagbebenta ng halaman?
1. Ano-ano ang mga dapat
isaalang-alang sa pagtitinda
ng isang produkto?
2. Ano-ano ang mga paraan
ng pagbebenta?
Sa mga nag-aalaga ng halamang
ornamental na namumulaklak at di-
namumulaklak, may mga palatandaan
na titingnan kung ito ay maaari nang
ipagbili. Kadalasan, ang mga ito ay
matataas, malalago at magaganda ang
mga dahon
Ang tamang pagkuha ng mga
bulaklak ay kung ito ay malapit nang
bumuka at bumukadkad. Tinatanggal
ang ibang dahon at tinatali sa isang
malilim na lugar. Ang paglalagay sa
mga timba na may tubig na malinis
ay nagpapatagal ng kanilang
kasariwaan
Ang mga orchids mula sa Davao ay inilalagay
sa kahon upang mapanatiling sariwa at hindi
malagas ang mga bulaklak. Ang mga halamang
ornamental ay hinahanay sa narseri ayon sa
pangangailangan ng sikat ng araw. May mga
halamang ornamental na nangangailangan ng
sikat ng araw kaya ito ay inilalagay sa lugar na
nasisikatan ng araw. Samantalang ang mga
halamang hindi nangangailangan ay inilalagay
naman sa medyo malilim na lugar (partial
shade).
Maayos na pagtitinda
Malaki ang naitutulong ng mabuting
tindera sa pag-unlad ng isang tindahan. May mga
katangiang dapat taglayin ang isang mahusay na
tindera. Narito ang ilan sa mga katangiang dapat
taglayin ng isang mahusay na nagtitinda:
Sikaping maging malinis at maayos upang
maipakitang maganda ang mga paninda.
Maging mapagpasensya sa pakikitungo sa
iba’t ibang uri ng mamimili. Kung
maraming hinahanap at tinatanong ang mga
mamimili, dapat na maging matiyaga at
mapamaraan ang nagtitinda sa pagtugon sa
kanilang mga pangangailangan.
Maging magiliw at masayahin sa pakikipag-usap
at paglilingkod samga mamimili sa lahat ng oras
upang sila’y mawili sa pagtangkilik sa iyong
tindahan. Ang magaling na nagtitinda ay
marunong bumati at magpasalamat sa mamimili
marami man o kaunti ang kaniyang binili.
Tiyakin na maayos ang pagkukuwenta at
pagsusukli. Kapag nagbibigay ng resibo, ilagay
ang tamang dami at halaga ng panindang binili.
Pagsasaayos ng mga Paninda
1.Paghahalayhay ng Paninda
2.Pagmamarka ng Paninda
3.Pagkukuwenta ng Paninda
4.Pag-iimbentaryo ng Paninda
A. Pesos……………… Puhunan
r ……………... 15% idagdag sa puhunan
Presyong pantinda
Halimbawa:
Santan = 4.00 pesos puhunan
X .15
2000
400
.6000 o .60
4.00 pesos
+.60
4.60 pesos presyong pantinda
B. Kuwentahin ang halaga ng paninda na ginagamit ang sumusunod
na pormula.
Pesos – Puhunan
X – 15% idagdag sa puhunan
Presyong pantinda = Puhunan + 15%
Puhunan Presyong Pantinda
5.00 pesos _______________
10.50 pesos _______________
15.00 pesos _______________
18.50 pesos _______________
25.00 pesos _______________
C. Pormula sa Pagkuha Kabuuang
Tubo
Pinagbilhan – Puhunan = Kabuuang
Tubo
Halimbawa:
1,203.40 …………. Halaga ng
pinagbilhan
Pormula sa Netong Tubo
Kabuuang tubo – Mga gastos = Netong
Tubo
Halimbawa:
161.90 …………. Kabuuang Tubo
- 5.00 …………. ( pasahe, pambalot )
156.90 …………. Netong Tubo
D. Gamitin ang mga sumusunod na
pormula sa pagkukuwenta ng
kabuuang tubo at netong tubo.
Pinagbilhan – Puhunan = Kabuuang
tubo
Kabuuang tubo – Mga gastos =
Netong tubo
Ano-ano ang mga
dapat isa alang-alang, mga
paraan at mga alituntunin
ng pagbebenta ng isang
produkto?
Lagyan ng tsek (a) kung tama at ekis (r) naman kung
mali
  1. Mayroon tayong dalawang paraan ng pagbebenta,
tingian, at pakyawan.
2. Kailangang kaakit-akit ang mga paninda mo.
 _____3. Ang nagtitinda ay marunong makisama sa mga
namimili.
  4. Dapat isa alang-alang ang panahon, mga okasyon,
at lugar na pagtitindahan.
5. Ang nagtitinda ay may kaukalang tungkulin tulad
ng pagkuha ng lisensiya o magbayad ng kaukulang
PANGWAKAS NA
PAGTATASA:
  Sa palagay ninyo, bakit
kailangan, dapat isa alang-
alang ang lahat ng alituntunin
sa pagtitinda?

You might also like