You are on page 1of 12

EDUKASYON 4

PANGTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

ICT & ENTREPRENEURSHIP


Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Clotilde M. Suba – T-1 /


Editor : Anna Liza Intal Pineda / Public School District Supervisor
Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Cristopher P. Trajano – T-1 / Guillermo D. Mendoza NHS
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

2
ALAMIN

Ang salitang “entrepreneur” ay hango sa salitang French na


“Entreprende” na nangangahulugang “isagawa:.

Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal na nagsasaayos,


nangangasiwa, at nakikipagsapalaran sa isang negosyo. Siya ay may
kakayahang mabatid ang mga kalakal at serbisyo na kailangan ng tao
at maihatid ang mga ito sa tamang panahon, tamang lugar at tamang
pamilihan at maibenta sa tamang halaga.

Dapat magkaroon ang isang nagnanais na maging entrepreneur ng


determinasyon, sapat na kaalaman sa negosyo at marketing skills upang
ang kanyang produkto ay magkaroon ng kapakipakinabang na serbisyo,
maganda at kumikita ang negosyo.

Ang isang entrepreneur ay handang makipagsapalaran. Siya ay


nararapat magkaroon ng tatag ng kalooban, tiwala sa sarili, sapat na
kakayahang magplano, magaling sa pagdedesisyon, masipag sa
pagtatrabaho, matipid, masigasig at marunong lumutas ng suliranin.

May natatanging kaalaman sa kanyang produktong ipinagbibili at


may sapat na kasanayan na mapalago ang kanyang negosyo ang
isang magaling na entrepreneur.

Maaring simulan sa maliit na puhunan ang pagtitinda dahil ang


maliit na tinda o negosyo ay maliit ang nakaukol na pamamalakad.

Learning Competency:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng


intrepreneurship”
(EPP4IE-0a-1)
2. Natatalakay ang mga katangian ng isang entrepreneur
(EPP4IE-0a-2)
3. Natutukoy ang mga naging matagumpay na entrepreneur sa
pamayanan, bansa at sa ibang bansa. (EPP4IE-Ob-3)

3
SUBUKIN

Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng angkop
na sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pagtupad ng ating gustong marating sa buhay.
a. Estratehiya c. Pagtitiwala sa sarili
b. Pagtitiyaga d. Bisyon
2. Ito ang kasabihan na dapat nating tandaan. Ang mga kasawian natin ay
dapat na hind maging dahilan upang panghinaan ng loob.
a. Pagtitiyaga c. Pagtutuwid sa Pagkakamali
b. Pagtitiwala sa sarili. d. Vision
3. Isang katangiang maganda na tutulong sa atin upang makamit natin ang
mga pangarap sa buhay.
a. Estratehiya c. Pagtitiwala sa sarili
b. Pagtitiyaga d. Vision
4. Ito ay pagkatuto sa mga maling hakbang at pagsasagawa ng tama sa
pagkakamali.
a. Pagtitiyaga c. Pagtuwid sa pagkakamali
b. Pagtitiwala sa sarili d. Vision
5. Kailangan nating magkaroon ng paniniwala sa sarili nating kakayahan.
Dapat nating alamin ang ating katangian na tutulong sa atin upang
makamit natin ang ating pangarap sa buhay.
a. Pagtitiyaga c. Pagtuwid sa pagkakamali
b. Pagtitiwala sa sarili d. Vision
6. Siya ang nagmamay-ari ng Philippine Airlines, Asia Brewery at Fortune
Tobacco.
a. Lucio Tan c. Tony Tan Caktiong
b. Manny Villiar d. Socorro Ramos
7. Siya ang may ari ng Pampanga’s Best, ang nangunguna sa pagbebenta ng
tosino at ibang produktong gawa sa karne.
a. Eduardo “Danding” Cojuangco c. Lolita Hizon
b. Tony Tan Caktiong d. Socorro Ramos
8. Siya ang nagtatag ng Chief Executive Officer “CEO” ng Facebook, ang
pinakasikat na social networking site na nag-umpisa sa Estados Unidos.
a. Jawed Karim c. Mark Zuckerberg
b. Lucio Tan d. Steve Chen
9. Siya ang tagapamahala ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking
korporasyon ng pagkain, inumin at iba pang produkto na may mga
tanggapan sa China, Indonesia, Malaysia, Thailand at Vietnam.
a. Eduardo “Danding” Cojuangco c. Lolita Hizon
b. Socorro Ramos d. Tony Tan Caktiong
10. Siya ay isa sa mga nag-umpisa ng website na tinatawag na Youtube. Ang
website na naging kilala sa buong mundo at ito ay patuloy na nasa listahan
ng sampung pinaka binibisitang sites.
a. Henry Sy c. Mark Zuckerberg
b. Jawed Karim d. Sergey Brin

4
BALIKAN

Punan ng tamang letra ang bawat kahon upang mabuo ang produktong
makikita sa pamilihan.

B G S 1. Pagkaing pampasigla ng katawan.

U A Y 2. Pagkaing pampasigla ng katawan.

D A 3. Mayaman sa protina.

T O 4. Karaniwang inihahanda sa almusal.

S N 5. Pampalasa ng pagkain

TUKLASIN

Ano ang ginagawa ng mga nasa


larawan?
Ano ang tawag sa kanila?

Mga Tanong:

1. Ano ang tawag sa bumibili ng produkto?


2. Ano-ano ang mga produktong ibinebenta?

5
SURIIN

Mahalaga ang pagiging entrepreneur sa pag-


unlad ng kabuhayan dahil nakapagbibigay ito ng
mga bagong hanapbuhay, bagong produkto at
nakakadiskubre ng mga makabagong paraan
upang magpahusay ang mga kasanayan.

Magiging madali ang pangangasiwa ng


tindahan bilang entrepreneur kung susundin ang
mga sumusunod na gabay.

1. Linisin ang loob at labas ng tindahan at


gayundin ang eskaparate, garapon at iba
pang lalagyan.
2. Ayusin ang paninda ayon sa uri ng madaling
Makita at makuha kapag may bumibili.
3. Tikaying malinaw ang pagkakasulat ng presyo
ng paninda.
4. Kung pagkaing luto ang itininda, lagyan ng
takip upang hindi dapuan ng langaw at
malagyan ng alikabok
5. Magbigay ng tamang at pagkukwenta ng
binilhan.
6. Maging matapat sa pakikipag-usap sa mamimili
at ipamalas ang maayos na serbisyo.

6
7
PAGYAMANIN

Pagtambalin ang mga salita na nasa Hanay A sa salitang kasing-


kahulugan sa mga nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B

______1. Nakatuklas a. Nagtatag ng kumpanya

______2. Intensiyon b. Website


______3. Ibenta
c. Ipagbili
______4. Tagapamuno
d. Ang may gawa
______5. Kuntento

______6. Site e. Wala ng mahihiling

______7. Kinikita f. Pera


______8. Matagumpay
g. Ninanais
______9. Umasenso
h. Lumago
______10. Produkto

i. Mahusay

j. itinitinda

8
ISAISIP

Hindi hadlang ang kahirapan upang


maging matagumpay sa buhay. Maaaring
indibidwal o samasamang pagkilos ang susi sa
tagumpay. Ang tagumpay ay hindi batay sa
suwerte kundi sa tamang hakbang na
maaaring gawin ng indibidwal o grupo.
Maaring panoorin ang link/video upang mas
maintindihan ang ating aralin.

https://www.youtube.com/watch?v=XOd5z242i
-M

https://www.youtube.com/watch?v=rfVIIUj89pY

ISAGAWA

Sagutin ang mga hinihingi sa sitwasyon. Isulat sa klase ang


inyong ginagawa.
Ipagpalagay na may kapitbahay na may negosyo
ng mga damit. Nakikita mo na maraming bumibili ng
damit dahil mababa ang presyo ng mga ito. Ngunit,
pagkalipas ng isang lingo itinaas niya ang presyo ng mga
damit sa kadahilanang marami ang bumibili nito.
Mga tanong:

1. Ano ang magiging epekto ng pagtaas ng presyo


ng paninda ng iyong kapitbahay sa mga mamimili?
2. Anong katangian mayroon ang may-ari ng
tindahan?
3. Sa palagay mo, makakatulong kaya sa pagsulong
ng may-ari ng tindahan ang kanyang
pamamaraan?
4. Anong uri ng entrepreneur ang tindera? Gusto mo
ba siyang tularan?

9
TAYAHIN

A. Iguhit ang kung ang pangungusap ay naayon sa pagiging


isang mabuting entrepreneur at kung hindi.

______1. Ang entrepreneur ay nakapagbibigay ng bagong hanapbuhay.

______2. Si Ana ay mapagsamantala sa presyo ng kanilang bilihin.

______3. Ang entrepreneur ay nakakadiskubre ng mga bagong paraan


na magpahusay ang isang kasanayan.

______4. Si Ramona ay may- ari ng tindahan. Siya ay nagbibigay ng


tamang sukli sa mga mamimili.

_____5. Ang mga entrepreneur ay walang kasanayan at kaalaman sa


produktong ipinagbibili.

_____6. Ang isang entrepreneur ay matapat sa pakikipag-usap sa


mamimili.

_____7. Si Jayty ay may-ari ng kumpanya. Siya ay nakapaghahatid ng


bagong produkto, teknolohiya at industriya sa pamilihan.

_____8. Ang entrepreneur ay nagpapaunlad ng pamamahala.

_____9. Ang entrepreneur ay hindi nagpapakilala ng bagong produkto sa


pamilihan.

_____10. Ang entrepreneur ay nagbibigay ng saya sa mga mamimili.

10
B. Piliin ang entrepreneur na tinutukoy sa bawat pangungusap gamit ang
mga salitang nasa loob ng kahon.

Lucio Tan Tony Tan Caktiong Lolita Hizon

Manny Villiar Soccoro Ramos Henry Sy

Eduardo “Danding” Coquangco Cecelilio Pedro

Alfredo Yao David Consujin John Gokongwei Jr.

_____________________1. Aklatan
_____________________2. Konstruksiyon at power plant
_____________________3. Sa pananalapi, kemikal na galing sa petrolyo
_____________________4. Panlinis ng ngipin
_____________________5. Pinakanangungunang bangko sa bansa
_____________________6. Juice
_____________________7. Kainan hango sa Bee
_____________________8. Produktong gawa sa karne
_____________________9. Pinakamalaking korporasyon ng pagkain

_______________________10. Pinakaunang kumpanya ng eroplano

11
12
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. E A.
1. D
2. D 1.LIKE
2. A 3. B 2. DISLIKE
3. A 4. A 3. LIKE
4. C 5. G 4.LIKE
5. B 6. C 5.DISLIKE
6. A 7. F 6.LIKE
8. I 7.LIKE
7. B
9. H 8.LIKE
8. C 10. J 9.DISLIKE
9. A Isagawa 10.LIKE
10. A 1. Mahihirapan silang B.
bilhin ang produkto 1. Soccoro Ramos
Tuklasin
2. Siya ay 2. David Consujin
1. Mamimili mapagsamantala sa 3. John Gokongwei Jr
2. Nagtitinda presyo ng produkto
4. Cecelilio Pedro
3. Gulay, prutas,bigas at niya.
3. Hindi 5. Henry Sy
sari-sari store.
4. Hindi
Tayahin 6. Alfredo Yao
A. 7.TonyTan Caktiong
1. B 8. Lolita Hizon
2. C 9.Eduardo “Danding”
3. A Coquangco
4. D 10.Lucio Tan
5. A
Balikan
1. Bigas
2. Gulay
3. Isda
4. Itlog
5. asin
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like