You are on page 1of 9

5

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

ICT & Entrepreneurship

0
EPP - ICT and ENTREPRENEURSHIP 5

MODIFIED STRATEGIC INTERVENTION


MATERIAL
(SIM)

Modyul 1
Mga Pamamaraan sa
Matagumpay na
Entrepreneur

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Mary Ann Joyce L. Gubatan-Teacher III /Suclaban Elem. School, Mexico North District

Editor : Anna Liza Intal-Pineda / Public Schools District Supervisor

Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Michael Q. Manansala – Teacher I / Palimpe Elem. School, Masantol North District
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
1
Alamin

Magandang buhay! Ako si Ma’am Joyce, ang iyong


gabay sa pag-aaral sa araw na ito. Tungkol saan ba
and modyul na ito?

Sa kasalukuyang sistema ng kalakaran sa ating bansa, karamihan sa mga


mamamayan ay naghahanap ng mga pagkakakitaan. Dahil na rin sa tumitinding
kompetisyon kailangan ng mga iba’t ibang pamamaraan upang mapahusay ang
iniaalok na produkto, serbisyo at matukoy ang higit na pangangailangan ng mga
mamamayan.
Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pamamaraan upang maging
matagumpay na entrepreneur tulad ng mga oportunidad na maaaring
mapagkakitaan (products and services) sa tahanan at pamayanan, kahulugan at
pagkakaiba ng produkto at serbisyo, at ang mga taong nangangailangan ng angkop
na produkto at serbisyo.
Learning Competencies:
 Natutukoy ang mga oportunidad na maaaring mapagkakitaan (mga produkto
at serbisyo) sa tahanan at pamayanan.
 Naipapaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo.
 Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo.

Subukin

Bago simulan ang pag-aaral sa modyul na ito,


dapat suriin muna kung ano ang iyong
nalalaman tungkol sa mga araling ating
tatalakayin.

Buuin ang mga salita sa bawat bilang sa pamamagitan ng paglalagay ng katumbas


na titik ng bilang sa bawat kahon.
A=1 G=7 M=13 S=19 Y=25
B=2 H=8 N=14 T=20 Z=26
C=3 I=9 O=15 U=21
D=4 J=10 P=16 V=22
E=5 K=11 Q=17 W=23
F=6 L=12 R=18 X=24

1. ___________________________ 2. ___________________________
16 18 15 4 21 11 20 15 19 5 18 2 9 19 25 15

2
3. ___________________________ 4. ___________________________
13 1 11 9 14 1 20 5 11 14 9 11 1 12

5. ___________________________ 6. ___________________________
14 5 7 15 19 25 15 16 1 14 9 14 4 1

7. ___________________________ 8.____________________________
16 18 5 19 25 15 20 9 14 4 1 8 1 14

9. ___________________________ 10. __________________________


9 14 4 21 19 20 18 9 25 1 20 18 1 2 1 8 15

Balikan

Ang pagiging isang entrepreneur ay maaaring


matutuhan subalit tulad na rin sa ibang gawain o
hanapbuhay may ilang mahalagang katangiang
kailangang taglayin ng isang tao na makakatulong
upang maging matagumpay sa larangan na ito.
Kabilang sa mga ito ang pagiging masipag, malikhain,
matapat, matiyaga, maunawain, matulungin, malinis,
maayos, at may tiwala sa sariling kakayahan.

Tuklasin
Matapos mong matukoy ang mga mahahalagang salita,
punan naman ng mga sariling pagkaunawa sa salitang
“PRODUKTO” at “SERBISYO” ang mga kahon sa ibaba.

Halimbawa: bunga
ng gawain

PRODUKTO

3
Halimbawa:
paglilingkod

SERBISYO

Suriin

Pagmasdan ang iyong paligid at magsagawa


ng survey upang malaman kung anong posibleng
negosyo ang maaaring pagkakitaan sa inyong
pamayanan. Matapos ang pagsisiyasat, sagutin ang
mga sumusunod na katanungan:
a. Anong mga produkto o serbisyo ang maaaring
ibenta sa inyong pamayanan?
b. Nakatulong ba ang pagsagawa ng survey sa
pagtukoy ng mga produkto o serbisyong
maaaring ibenta sa inyong pamayanan?
c. Paano naman kaya magagamit ang
pamamaraang ito upang matukoy ang mga
oportunidad sa pagnenegosyo sa tahanan
at pamayanan?

PAGKAKAIBA NG PRODUKTO AT SERBISYO


PRODUKTO- karaniwang likha ng mga kamay o makina. Mayroon din
namang likha ng isipan.
Halimbawa:
MGA PRODUKTONG LIKHA NG:
KAMAY MAKINA
hinabi bolpen
bag kotse
basket computer

ISIPAN
pagsusulat ng libro
paggawa ng computer
program

4
SERBISYO-paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-aalay ng mga gawain na
may kabayaran ayon sa iba’t ibang kasanayan at pangangailangan sa
pamayanan.
Ang sari-saring serbisyo ay nahahati sa iba’t ibang sektor ayon sa
uri ng kaalaman at kasanayang ipinamamahagi sa iba. Ilan sa mga
sektor na ito ay ang propesyonal, teknikal, at may kasanayan.
Halimbawa:

PROPESYONAL TEKNIKAL (TECHNICAL) MAY KASANAYAN


(PROFESSIONAL) (SKILLED)
guro electrician mananahi
doktor computer programmer manikurista
nars computer technician pintor
abogado aircraft mechanic tubero
dentista pintor
Sa propesyonal na sektor kailangang makatapos ng kurso
sa kolehiyo at makapasa sa board o bar examination makakuha
ng lisesnsiya para makapaglingkod sa professional service sector.
Kailangan naman ng sapat na kaalaman at kasanayan
para makapaglingkod sa sektor na teknikal at may kasanayan.
MGA OPORTUNIDAD SA PAGNENEGOSYO
Ang mga tao ay may iba’t ibang pangangailangan. Maaari itong
pampisikal, intelektuwal, sosyal, o emosyonal. Maaaring matugunan ng
iba’t ibang produkto o serbisyo ang halos lahat ng pangangailangan ng
tao. Nagkakaiba-iba din ito sa pamamaraan ng pagbebenta at pag-
aalok sa mga tao, at sa pagkuha o paghingi ng kabayaran.

Kadalasan, ang karaniwang itinatayong negosyo ay iyong mga


nakatutugon sa mga pangunahing pangangailangang pisikal ng tao
tulad ng pagkain, damit, at tirahan. Ngunit sa pagdaan ng panahon,
nagkaroon ng kaunlaran sa ating lipunan na nangangailangan ng mas
maraming serbisyo. Nagkaroon na tayo ng mas maraming industriya at
trabaho kaya ang mga tao ay nangangailangan na rin ng mas
maraming kagamitan na makakatulong sa pagpapabilis ng kanilang
mga gawain. Ang mga kagamitang ito ay maaaring computer o
gadget na may access sa internet. At dahil naging labis nang abala ang
mga tao, kahit serbisyong personal ay itinataguyod na rin tulad ng mga
beauty parlor para sa usaping pagpapaganda gaya ng pagpapaayos
ng buhok, pagpapa-make-up, at pagpapalinis ng kuko.

Samantala, nauso rin ang mga ready to wear o RTW at may


mga nagbukas na rin ng mga shop na nag-aalok ng serbisyo para
baguhin ang mga damit para tumugma ito sa tamang sukat ng
katawan. Nauuso na rin ang mga maliliit na negosyo tulad ng mga sari-
sari store, karinderya, paggawa ng ng mga pagkaing pang meryenda
at processed meat.

5
Pagyamanin
Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin
ang titik ng tamang sagot.

1. May malapit na paaralan sa inyong bahay. Anong negosyo ang maaari mong
itayo?
A. Junk shop C. Pagawaan ng upuan
B. Tindahan ng karne D. Tindahan ng school supplies

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring pagkakitaan?


A. Karinderya C. Computer Shop
B. Sari-sari Store D. Paglalaro ng computer

3. Si Mang Isko ay isang sapatero. Ano ang nais ipahiwatig ng pangungusap?


A. Si Mang Isko ay nagbibigay ng sapatos.
B. Si Mang Isko ay nagbibigay ng serbisyo.
C. Si Mang Isko ay nagbibigay ng produkto.
D. Si Mang Isko ay nagbibigay ng produkto at serbisyo.

4. Si Kuya Reymond ay isang magsasaka at mayroon siyang mga bagong tanim na


palay. Ano ang produkto na maaari niyang pagkakitaan?
A. Lupa C. Bigas
B. Pataba D. Sapatos

5. Tumutulo ang lababo ni Aling Grace, sino ang dapat tawagin para ito ay
makumpuni?
A. tubero C. electrician
B. welder D. karpintero

Isaisip

Ang mga produkto ay likha sa kamay,


makina o isipan. Ang serbisyo naman ay ang
paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-aalay ng
mga gawain na may kabayaran ayon sa iba’t
ibang kasanayan at pangangailangan ng
pamayanan.
Maraming oportunidad sa
pagnenegosyo tulad ng pagtayo ng maliit na
sari-sari store, pagbenta ng mga meryenda at
processed meat.

6
Isagawa

Iguhit ang kung ang kaisipang isinasaad


ay tama at kung hindi tama ang
isinasaad ng kaisipan.

______ 1. Ang mga produkto ay karaniwang likha sa kamay, makina o isipan.

______ 2. Sa propesyonal na sector, hindi kailangang makapagtapos


ng kurso sa kolehiyo.
______ 3. Kailangan ng sapat na kaalaman at kasanayan para makapaglingkod
sa sektor na teknikal at may kasanayan.
______ 4. Ang sari-saring serbisyo ay nahahati sa iba’t ibang sektor ayon sa uri ng
kaalaman at kasanayang ipinamamahagi sa iba.
______ 5. Isa sa halimbawa ng hanapbuhay sa propesyonal na sektor ay pintor.

Tayahin

Sa anong sektor ng serbisyo nabibilang ang mga


sumusunod na hanapbuhay? Isulat ang P kung
Propesyonal, T kung Teknikal, at S kung may Skilled o may
kasanayan.

_____ 1. karpintero _____ 6. guro


_____ 2. barbero _____ 7. computer programmer
_____ 3. sastre _____ 8. abogado
_____ 4. auto mechanic _____ 9. tubero
_____ 5. nars _____ 10. dentista

7
8
Subukin:
1. PRODUKTO 6. PANINDA
2. SERBISYO 7. PRESYO
3. MAKINA 8. TINDAHAN
4. TEKNIKAL 9. INDUSTRIYA
5. NEGOSYO 10. TRABAHO
Tuklasin:
Iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral.
Pagyamanin:
1. D
2. D
3. D
4. C
5. A
Isagawa:
1.
2.
3.
4.
5.
Tayahin:
1. S 6. P
2. S 7. T
3. S 8.P
4. T 9. S
5. P 10. P
Modyul 1
Susi sa Pagwawasto

You might also like