You are on page 1of 130

Department of Education

Schools City Division


Cabanatuan City

LEARNING
MATERIAL
(EPP- Entrepreneurship and ICT)
GRADE 5

(Quarter 2)
Department of Education
Schools Division Office
Cabanatuan City

LEARNING MATERIAL

EPP 5
Entrepreneurship & ICT

Author/Developer:

Marvin R. Leano
Teacher I, Ibabao-Bana ES

Edison G. Garcia
Teacher III, Valle Cruz ES

Quality Assurance:

Alexander D. Neri, Ph.D.


EPS-I EPP/TLE

Ever M. Samson
EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D.


Chief ES, Curriculum Implementation Division

_____________________________________________________
This Learning Material is a property of DepEd Schools Division Office of Cabanatuan City.
Outside of the public schools in this Division, no part of this Learning Material may be sold,
distributed or reproduced in any means without its explicit consent.
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CONTENTS

Aralin Paksa Pahina


Oportunidad na maaring Pagkakitaan (Products and
1 1
Services) sa Tahanan at Pamayanan
2 Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo 6
Mga Taong Nangangailangan ng Angkop na Produkto
3 10
at Serbisyo
Mga Negosyong maaaring Pagkakitaan sa Tahanan at
4 15
Pamayanan
5 Pagbebenta ng Natatanging Paninda 19
Panuntunan sa Pagmamahagi ng mga Dokumento at
6 24
Media File
Ligtas at Responsableng Pamamaraan sa Pamamahagi
7 28
ng mga Dokumento at Media File
Mga Panuntunan sa Pagsali sa Discussion Forum at
8 34
Chat
Pagsali sa Discussion Forum at Chat sa Ligtas at
9 38
Responsableng Pamamaraan
Paggamit ng Adavanced Features ng Isang Search
10 44
Engine sa Pangagalap ng Impormayson
Angkop na Search Enginesa Pangangalap ng
11 51
Impormasyon
Pangagalap at Pagsasaayos ng Impormasyon gamit ang
12 56
ICT
13 Pag Bookmark ng mga Websites 61
14 Pagsasa-ayos ng Bookmarks 66
Paggawa ng Diagram ng Isang Proseso Gamit ang Word
15 74
Processing Tool
16 Pagsusuri ng Impormasyon Gamit ang ICT 83
Pagsunod sa Usapan sa Online Discussion Forum at
17 92
Chat
Pagsisimula ng Bagong Discussion Thread o Pagbuo ng
18 99
Sariling Discussion Group
Pamamahagi ng Media File Gamit ang Isang File
19 108
Sharing Website o discussion sa forum
Paglikha ng Knowledge Product
20 112
(Slide Presentation Tool)
Paglikha ng Knowledge Product (Word Processing Tool
21 o desktop publishing tool ) 122

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 2 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT OPORTUNIDAD NA MAARING PAGKAKITAAN


Aralin 1 (PRODUCTS AND SERVICES) SA TAHANAN AT
PAMANTAYAN

Naipapamalas ang kaalaman at kasanayan


Pamantayang Pangnilalaman: upang maging matagumpay na
entrepreneur
Mapahusay ang isang produkto upang
Pamantayan sa Pagganap:
maging iba sa iba.

Code: EPP5IE-0a-1

Nilalaman:
Sa araling ito, matutukoy ang mga oportunidad na maaaring
mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan. Ito ay mahalagang malaman upang
matuto kung paano pauunlarin ang isang produkto o serbisyo ng iba sa iba.
Layunin:
1. Natutukoy ang mga oportunidad na maaaring mapagkakitaan
(products and services) sa tahanan at pamayanan
1.1 spotting oportunities for products and services

ALAMIN NATIN:

Suriin ang mga larawan at tukuyin kung ang mga sumusunod ay


maaring mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan

___________________________________________________________________________
Page | 1 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

1. Ano ang mga pinagkakakitaang negosyo na makikita sa larawan?


2. Ang mga sumusunod na negosyo ba ay maaring pagkakakitaan sa
tahanan at pamayanan?
3. Sa inyong pamilya, mayroon ba na ang pinagkakakitaan ng mga
magulang ay pagtitinda?
4. Paano ang simpleng gulayan sa tahanan ay maaring mapagkakitaan?

Napakadaming puwedeng pagkunan ng kita kung ikaw ay magiging


maalam sa dapat gawin upang mapaunlad ang isang produkto o serbisyo.
Ang simpleng bakanteng lupa sa inyong bakuran ay maaring mapagtaniman
ng mga gulay na puwedeng ialok o itinda sa mga bahay-bahay kung
magiging masipag at matiyaga lamang. Maari din na kumita sa pag-gawa ng
parol kung ikaw ay may alam sa pagbuo nito. Kailangan lang na huwag
matakot sumubok at dapat laging positibo sa kalalabasan ng negosyo o
proyekto na gustong itayo mula sa mga produkto o serbisyong gustong
paunlarin. Upang mabatid ang mga dapat tandaan sa pagpapaunlad ng ng
produkto o serbsiyo sa inyong tahanan o pamayanan. Basahin ang kuwento
ni aling Sonia kung paano nagkaroon ng isang malagong tinginag tindahan
sa harap ng kanilang bahay.


LINANGIN NATIN:

Gawain A- Basahin at Sagutin!


Basahing mabuti ang kuwento ni Alin Sonia at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
“Ang Tingiang Tindahan ni Aling Sonia”
Si Aling Sonia ay simpleng may bahay lamang. Siya ay may
tatlong anak na nag-aaral sa elementarya. Nakatira sila sa isang maliit na
bahay gawa ng kakupusan sa buhay.

Problema niya kung paano matutustusan ang pangangailangan ng


pamilya dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa. Ang tanging mayroon
lamang siya ay ang naitabi niyang pera noong nagtatrabaho pa ang
kaniyang asawa para sa kanila.

Naisip niya na magtanim ng gulay sa kanilang bakuran na kahit


papaano ay may mapagkukunan ng gulay kung sila ay wala na talagang
pera. Hindi akalain ni Aling Sonia na mamumunga ng marami ang
kaniyang tanim na talong at upo. Iniiip niya na baka mabulok lamangg
ang inani niyang gulay. Minabuti niyang itinda na lamang ito sa kalye.

Laking gulat niya na kumita sya ng halos tatlong daang piso.


___________________________________________________________________________
Page | 2 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Pinagpatuloy niya ang pagtatanim at pagbebenta hanggang sa makaipon


siya ng malaking puhunan upang magsimula ng isang maliit na tindahan
ng gulay sa harap ng kanilang bahay.

Lumaki ng husto ang tindahan ni Aling Sonia hanggang sa unti-


unting nadagdagan ang kanilang tinda. Laging sinisigurado ni Aling
Sonia na laging malinis ang kaniyang tindahan, ayos ang mga paninda
ayon sa uri, malinaw ang pagkakasulat ng presyo sa paninada, nagbibigay
ng sukli ng tama at pagkukuwenta ng binilhan, at laging tapat sa
pakikipag-usap sa mamimili at nagpapakita ng maayos na serbisyo.

1. Sino ang may- ari ng tingiang tindahan?


2. Ano ang ginawa ni Aling Sonia sa kanilang bakuran?
3. Paano siya nagkaroon ng tingiang tindahan?
4. Ano ang mga ginawa ni Aling Sonia upang mapaunlad ang kanyang
tingiang tindahan?

Isa lamang sa mga halimbawa ng mga entrepreneur si Along Sonia na


kumita ng malaki mula sa pagtatanim ng gulay hanggang sa makapagtayo
ng tingiang tindahan. Nakita niya ang oportunidad at potensyal na mag-
benta ng gulay mula sa kanilang bakuran na sinabayan ng pagsunod sa
dapat gawin upang mapaunlad ito.

Mga halimbawa ng mga oportunidad na maaring pagkitaan sa tahanan at


pamayanan
1. Kung mayroon kayong refrigarator o freezer sa bahay ay maaaring
magtinda ng ice, ice water, ice candy, ice buko at ang nauuso ngayon na
ube cream.
2. Kung marunong kayong magluto ay maaari rin namang magtinda ng
hotcake na isa sa mga paborito ng Pinoy na pang-almusal o di kaya'y mga
kakanin katulad ng suman, biko, kutsinta, puto at iba pa. Gayundin ay
magluto ng mga ulam at gulay. Pwede ka ring tumanggap ng orders o
magpa-cater o ipalako mo sa iyong anak sa mga bahay-bahay, at pwede
rin namang magbukas ng maliit na pwesto sa harap ng iyong bahay.
3. Kung marunong kang manggantsilyo, magburda at manahi kung may
makina sa bahay. Isa rin ito sa mga maaaring pagkakitaan kahit madalas
ay libangan lamang ito ng mga babae lalo na ng mga may edad na.
Gumawa ng mga kurtina, sapin, basahan, punda, at kung may mas
malaking puhunan ay manahi ng mga damit o mga abaya, belo, totob
(kupya).
4. Kung marunong gumawa ng mga burloloy katulad ng mga kuwintas,
singsing, hikaw at iba pa. O gumawa ng mga paper bag, headband,
basket, gift souvenirs at mga native items.

___________________________________________________________________________
Page | 3 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

5. Maari ding magtayo ng isang tingiang tindahan. Magsimula sa maliit na


puhunan at siguraduhin lamang nakasusunod sa mga dapat gawiun
upang ito ay masigurading kikita.

Gawain B- Isipin Mo!

Ibigay ang mga katangian na dapat taglayin ng isang entrepreneur.


Punan ang bilog nginyong sgaot.

Katangian ng isang
Entrepreneur

Tingnan kung ang sagot ng mga mag-aaral ay ang mga sumusunod:

1. Ang namamahal ng negosyo bilang isang entrepreneur ay handang


makipagsapalaran.
2. Siya ay may tatag ng loob, at tiwala sa sarili, at kakayahan sa pagpaplano,
magaling gumawa ng desisyon, sipag sa pagtrabaho, masigasig, at
marunong lumutas ng suliranin
3. Ang isang entreprenuer ay napapaunlag ang pamamahala, nauunawaan
ang pangangailangan ng mga tao at handang tumulong sa papamgitan ng
kaniyang negosyo.

4. Siya ay hindi mapagsamantala sa pagtaas ng presyo ng paninda.

TANDAAN NATIN:

Upang magkaroon ng kita kahit nasa bahay lamang mahalagag


matuto ng mga kaalaman kung paano pauunlarain ang isang
produkto o serbisyo sa isang negosyo. Madaming puwedeng
pagkakakitaan tulad ng tingiang tindahan at karinderya at iba pa.
Upang masigurado ang pag- unlad ng negosyo, dapat ay taglayin
ang mga katangian ng isang entrepreneur.

___________________________________________________________________________
Page | 4 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Masdan ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang mga
larawan ng mga produkto o serbsiyong kung ito ay may oportunidad na
pagkakitaan sa tahanan o pamayanan. Ekis (x) kung wala.

Pagtatanim ng Okra Pananahin ng damit Pag-aalga ng manok

Pag-aalaga ng baboy Tingiang Tindahan

PAGYAMANIN NATIN:

Magmasid sa inyong barangay. Kapanayamin ang isang entrepreneur


kung paano nila napagyaman at napagtagumpayan ang kanilang tingiang
tindahan. Iulat sa klase.

SANGGUNIAN:

MISOSA V- Pamamahala ng tingiang tindahan

https://www.scribd.com/doc/315671878/ICT-Aralin-1-3-TG-EPP5IE-0a-1-3-

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana

___________________________________________________________________________
Page | 5 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT KAHULUGAN AT PAGKAKAIBA NG PRODUKTO AT


Aralin 2 SERBISYO

Naipapamalas ang kaalaman at kasanayan


Pamantayang Pangnilalaman: upang maging matagumpay na
entrepreneur
Mapahusay ang isang produkto upang
Pamantayan sa Pagganap:
maging iba sa iba.

Code: EPP5IE-0a-2

Nilalaman:
Bilang isang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong
pantahanan o pampamayanan. Mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng
produkto at serbisyo upang mabigyan ng tama at maayos na paghahanda
kung alin sa dalawa ang maaaring ialok sa mamimili batay sa kanilang
pangangailangan at kagustuhan.
Layunin:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at
serbisyo.

ALAMIN NATIN:

Basahain ang mga talata at sagutin ang sumusunod na katanungan.


Si Alexa Magtalas ay isang doktor sa sikat na ospital, dahil sa
sobrang dami ng pasyente na nagpapagamot, wala na siyang oras
upang magpahinga. Ito ang naging sanhi upang siya ay magkasakit
kaya minabuti niyang magpaalam muna na hindi papasok ng ilang
araw.
Sa unang araw ng kanyang pahinga, minabuti niyang
pumunta sa isang supermarket upang mamili ng mga gamit at
pagkain sa bahay. Kumuha siya ng gatas, sardinas, pasta, sariwang
isda, karne, gulay at tinapay na tulad ng Gardenia. Pagkatapos ay
umuwi na siya upang makapagluto.
Sa ikalawang araw, siya ay pumunta sa isang Beauty Parlor
upang magpalinis ng kuko at magpagupit ng buhok. Sinubukan din
niya ang magpamasahe sa isang “Massage Parlor”, hinilot sya ng
isang masahista sa loob ng isang oras na nagbigay ng kaginhawaan
sa kanya.
At sa huling araw, ay pumunta sya sa kaibigan nyang doktor
upang magpakunsulta kung ano ba ang kanyang kalagayan.

___________________________________________________________________________
Page | 6 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Ano ang naging problema ni Alexa Magtalas?


 Ano ang kanyang trabaho?
 Ano ang ginagawa nya sa kanyang trabaho?
 Ano- anong mga paninda ang kanyang binili sa super market? Ito ba ay
maituturing na produkto?
 Saang lugar siya nagpunta maliban sa super market?
 Ano ang ginawa kay Alexa Magtalas ng siya ay nagpunta sa Beuty
Parlor? Massage Parlor? Ito ba ay maitutuing na serbisyo?

LINANGIN NATIN:

Basahin ang kahulugan ng produkto at serbisyo. Alamin ang pagkakaiba


ng dalawa.

 Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa merkado na


nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o
kagustuhan ng isang mamimili.
Halimbawa: prutas, gulay, basket, at iba pa
 Serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok ng taong nagtatrabaho
o ng isang uri ng negosyo sa mga konsyumer o mamimili.

Gawain A-Subukin Mo!

Tukuyin ang mga larawan kung ito ay produkto o serbisyo. Ilagay ito
sa tamang hanay.
Produkto Serbisyo

___________________________________________________________________________
Page | 7 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Lagi pakaisipan na ang produkto ay ang mga bagay na maaaring


inaalok sa merkado na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing
pangangailangan o kagustuhan ng isang mamimili samantalang ang
serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok ng taong
nagtatrabaho sa isang uri ng negosyo.

GAWIN NATIN:

Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita o grupo ng mga salitang


may salunguhit ay produkto o serbisyo. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.

______________1. Si Luisa ay pumunta sa Baguio upang mamasyal sa loob ng


isang araw. Sa huling araw ng kanyang pananatili, pumunta siya sa
pamilihan at bumili ng peanut brittle, strawberry at ube jam.

______________2. Nasira ang tubo ng tubig sa bahay nila Miko, tumawag ang
kanyang ina ng tubero upang palitan at ayusin ang tagas nito.

______________3. Nagkaroon ng isang sunog sa malaking bahagi ng


pamilihang bayan, tumawag si Jenna ng bumbero upang patayin ang apoy na
likha ng pagsabog ng tangke ng gasul.

___________________________________________________________________________
Page | 8 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

______________4. Malapit na ang kaarawan ng kapaitd ni Lorena kaya


minabuti niya na bumili ng isang bagna mataas ang kalidadbilang regalo.
______________5. Bilang isang propesyonal, pagtuturo sa mga mag-aaral ang
palaging iniisip ni G. Melody tuwing siya ay papasok sa paaralan.

PAGYAMANIN NATIN:

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga produkto


at serbisyong makikita sa inyong barangay.

Produkto Serbisyo
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

SANGGUNIAN:

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_produkt

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana ES

___________________________________________________________________________
Page | 9 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT MGA TAONG NANGANGAILANGAN NG ANGKOP NA


Aralin 3 PRODUKTO AT SERBISYO

Naipapamalas ang kaalaman at


Pamantayang Pangnilalaman: kasanayan upang maging
matagumpay sa entrepreneur.
Mapahusay ang isang produkto
Pamantayan sa Pagganap: upang maging iba sa iba.

Code: EPP5IE-Oa-3

Nilalaman:
Ang mga tao ay may iba’t ibang pangangailan na produkto o serbisyo.
Dapat nating alamin ang mga pangangailangan at serbisyo ng ating
konsumer upang maging matagumpay na entrepreneur.

Layunin:
1. Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na
produkto at serbisyo.

ALAMIN NATIN:

Magaling ba kayo sa pahulaan? Hulaan nga ninyo kung sino ang

Ordinaryong tao lamang ako, may mga pangangailangang material sa


buhay.Hanap ko’y serbisyo at produkto na makasasagot sa aking
pangangailangan. Kapag iyong natugunan ang
aking pangangailangan, ikaw ay tatangkilikin
magpakailanman.Sino ako?

pinahuhulaan nito?

___________________________________________________________________________
Page | 10 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Nasagot mo ba? Kung kostumer ang sagot mo, tama ka! Ikaw ay isang
kostumer din, hindi ba? Bilang isang kostumer, ano ang mga inaasahan mo sa
isang produkto o serbisyo?

Pangkatang Gawain: Ipangkat ang klase sa apat. Ididikit ng bawat pangkat sa


loob ng tahanan ang mga serbisyo at produkto na kailangan sa ating
pamayanan.

Sagutin ang tanong:

___________________________________________________________________________
Page | 11 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Bilang konsumer anu-ano ang mga pangangailan mong serbisyo at


produkto?
Alamin kung katulad ng nasa ibaba ang mga pangangailangan mo.
Bilang isang kostumer, ang mga pangangailangan ko ay:

1. maaasahang produkto at serbisyo


2. produktong mapapakinabangan nang matagal
3. mga produktong makatutulong sa akin sa pang-araw-araw na trabaho,
katulad ng paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay, atbp.
4. mga produkto o serbisyong maaari kong gamitin nang walang pangamba
na ito’y magiging mapanganib sa aking kalusugan o kaligtasan
5. serbisyong nariyan lagi sa oras na kailangan ko
6. produkto o serbisyong magaan sa bulsa.

LINANGIN NATIN:

Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at


serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon. Pumili sa loob ng kahon.

pasyente sanggol mag-aaral guro dyanitor

_________________ 1. Matibay, maganda at murang lapis at papel.


__________________ 2. Sapat na gamit panturo sa paaralan.
__________________ 3. Masustansayang, pagkain, gatas, bitamina at malinis
na boteng pinagdedehan.
___________________ 4. Matibay na kasangkapang panlinis ng paaralan.
__________________ 5. Maayos na panggagamot ng mga kawani ng ospital.

TANDAAN NATIN:

 Mahalaga ang kalidad sa anumang negosyo. Maaaring maging


sanhi ngpaglayo ng kostumer ang kawalan ng kalidad na siyang
magdudulot ng pagkalugi sa negosyo.
 Mahalagang tugunan ang mga pangangailangan ng kostumer.
Kasama rito ang produktong may rasonableng presyo at mataas na
kalidad at serbisyong nagbibigay ng tulong, respeto, ginhawa,
simpatiya at tumutugon sa pangangailangan ng kostumer.

___________________________________________________________________________
Page | 12 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Tingnan ang mga sumusunod na larawan. Isulat ang angkop na


serbisyo at produkto ayon sa kanilang pangangailangan.
1.
Guro

____________________
____________________
____________________
____________________

2.
Nanay

____________________
____________________
____________________
____________________

3. Pulis

____________________
____________________
____________________
____________________

___________________________________________________________________________
Page | 13 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

4.
Magsasaka

____________________
____________________
____________________
____________________

Mag-aaral
5. ____________________
____________________
____________________
____________________

PAGYAMANIN NATIN:

Isualat sa kwaderno ang mga serbisyo at produkto na kailangan ng tao sa


ating pamayanan.

SANGGUNIAN:

https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/produkto-at-serbisyo.pdf

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana ES

___________________________________________________________________________
Page | 14 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT MGA NEGOSYONG MAAARING PAGKAKITAAN SA


Aralin 4 TAHANAN AT PAMAYANAN

Naipapamalas ang kaalaman at kasanayan


Pamantayang Pangnilalaman: upang maging matagumpay na
entrepreneur
Mapahusay ang isang pprodukto upang
Pamantayan sa Pagganap:
maging iba sa iba.

Code: EPP5IE-0a-4

Nilalaman:
Sa araling ito, malalaman ang mga negosyong maaring pagkakitaan sa tahanan
at pamayanan.
Layunin:
1. Natutukoy ang mga negosyong maaaring pagkakitaan sa tahanan at
pamayanan.

ALAMIN NATIN:

Isulat ang mga nawawalang titik sa loob ng kahon upang mabuo ang uri
ng negosyong hinahanap
1. Ito ay negosyo kung saan gumagawa ng mga damit, basahan o
anumang produktong gawa sa tela sa pamamagitan ng makina.
T h

2. Ito ay bilihan ng mga tao ng mga anumang uri ng produkto sa isang


barangay.
S r - a S t r

3. Ito ay negosyo kung saan kumakain ang mga tricycle driver, mag-
aaral, at nag-oopisina sa murang halaga.
K r n D R
4. Ito ay negosyo na nag-aalok ng gupit sa buhok ng lalaki.
B b R S h

___________________________________________________________________________
Page | 15 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

5. Ito ay negosyo kung saan ginagawa ang butas na gulong ng mga


motor.
V c n I n S o

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang mga negosyong natalakay sa unang gawain?
2. Ano ang mga serbisyong ibinibigay o iniaalok nito?
3. Ano ang mga negosyong maaring isagawa sa tahanan? Pamayanan?
Ito ay ilan lamang sa mga negosyong maaring pagkakitaan sa tahanan at
pamayanan. Maliban dito marami pang pwedeng pagkakakitaan na
matatalakay sa mga susunod na gawain.

LINANGIN NATIN:

Gawain A- Piliin mo!


Tukuyin kung anong uri ng negosyo sa tahanan at pamayanan ang
makikita sa larawan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot

Computer shop Motorcycle parts and accessories store


Loading Station Beauty Parlor
Talyer

Saguting ang mga tanong:

 Ano ang mga serbisyo na maaring makuha o maranasan sa mga


negosyong nakikita sa larawan?

___________________________________________________________________________
Page | 16 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Ang mga sumusunod ba na negosyo ay maituturing na negosyong


pantahan o pampamayanan? Bakit?

Ilahad ang mga serbisyong maaring makuha sa mga negosyong


ipinapakita ng mga larawan.

Computer Shop- negosyong nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na


maghanap ng mga impormasyon sa internet gamit ang computer.

Loading Station- negosyo tungkol sa pagpapasa o pagbibigay ng load sa mga


gumagamit ng cellphone.

Motorcycle Parts and Accessories Store- bilihan ng mga bahagi ng motor na


may sira.

Talyer- pagawaan ng mga sirang sasakyan.

Beauty Parlor- negosyo na nag-aalok ng gupit at paglilinis ng kuko sa kamay


at paa.
Gawain B- Paghambingin Mo!

Hanapin sa hanay B ang mga serbisyong ibinibigay ng mga negosyong

Hanay A Hanay B

_____________1. Electrical shop a.pag-aayos ng bahay


_____________2.School bus services b.pananahi ng damit
_____________3.Home carpentry c.pagsundo at hatid sa eskwela
_____________4.Tahian ni Tasya d.pag-aayos ng sirang gamit
_____________5.Vulcanizing shop e.pag-ayos ng gulong
nasa Hanay A.

TANDAAN NATIN:

Mahalagang matukoy kung ano ang mga negosyong maaring


itayo sa tahanan at pamayanan upang magkaroon ng plano at
masigurado na magkakaroon ng kita. Ilan sa mga halimbawa
ngnegosyong maaaring pagkakitaan sa pamayanan at tahanan:
pagkain,pagawaan ng sirang gamit, parlor/barber shop, tingiang
tindahan, laundry shop, at iba pa.

___________________________________________________________________________
Page | 17 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung


mali.Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
____________1. Ang sari-sari istor ay isang negosyong pantahanan at
pampamayanan.
____________2. Nagbibigay ng gupit sa lalaki ang vulacanizing shop.
____________3. Ang resort ay isang uri ng negosyong pantahanan at
pampamayanan.
____________4. Ang pagtatayo ng karinderya ay kailanman hindi
maituturing na negosyo sa tahanan.
____________5. Ang Home Carpentry ay paggawa ng mga sirang kable ng
mga gamit sa bahay.

PAGYAMANIN NATIN:

Gumawa ng talaan ng mga negosyong makikita sa inyong barangay.


Isulat ang mga serbisyong iniaalok nito. Gamitin ang tsat sa ibaba.

Negosyo Serbisyo

SANGGUNIAN:

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana ES

___________________________________________________________________________
Page | 18 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGBEBENTA NG NATATANGING PANINDA


Aralin 5

Naipapamalas ang kaalaman at kasanayan


Pamantayang Pangnilalaman: upang maging matagumpay na
entrepreneur
Mapahusay ang isang produkto upang
Pamantayan sa Pagganap:
maging iba sa iba.

Code: EPP5IE-0a-5

Nilalaman:
Sa araling ito, matututunan ang mga paraan at paalala kung paano maibebenta
ang mga natatanigng paninda. Makatutulong ito upang matiyak na ang produkto ay
magiging patok sa mga mamimili at magkakaroon ng tiyak na kita.
Layunin:
1. Nakapagbebenta ng natatanging paninda.

ALAMIN NATIN:

Pagmasdan ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang trabaho ng mga taong makikita sa mga larawan?


___________________________________________________________________________
Page | 19 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

2. Ano ang kanilang ginagawa?


3. Anong mga paninda o produkto ang kanilang tinitinda?
4. Batay sa larawan, paano nila ibinebenta ang kanilang paninda?
5. Magbigay ng mga iba pang uri ng paninda na pwedeng ibenta sa
pamilihan.
Tingnan mabuti ang ika-anim na larawan, Ano ang nakikitang
produkto? Alam nyo ba na ang Cabanatuan ay kilala sa masarap na
Longganisa. Ito ay may manamis-namis na lasa gawa ng napakadaming
bawang na sangkap nito. Ito ang palaging binibili ng mga turistang pupunta
ng Cabanatuan. Ito ay kilala sa tawag na Batutay. Subalit ang tanong, paano
nga ba ibinebenta o masisiguradong mabibili ang mga natatanging produkto
tulad ng batutay ng Cabanatuan? Pag-aaralan mabuti ang mga dapat
tandaaan sa pagbebenta ng produkto sa susunod na mga pag-sasanay.

LINANGIN NATIN:

A. Basahin ang mga paalala upang masigurado na maibebenta ang mga


nataataning paninda.

PAMAMAHALA NG MGA PAG-IINGAT SA


PRODUKTO IPINAGBIBILING PRODUKTO

Pangasiwaan nang wasto Malinis at maayos


at maayos ang paninda ang pagkakaluto

Panatilihing mahusay at Malinis at may takip


mataas ang uri ng ang pinaglalagyan
produkto
Nasuri ng inspector
Alamin ang ng kalusugan ang
pangkasalukuyang pinaglulutuan at ang
presyo upang di malugi paninda

Nakasusunod sa
pamantayang
pangkalusugan ang
tindero at tinder

B. Tingnan ang mga larawa at sagutin ang tanong tungkol dito.

1. Ano ang natatanging panindang nasa larawan?


2. Paano ba ito ibinebenta?
___________________________________________________________________________
Page | 20 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Sa tingin nyo ba, nakasusunod sa mga paalala ang mga taong


nagbebenta nito?
Karagdagang kaalaman:

Tingnan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga paraan ng


pagbebenta ng mga sumusunod na produkto:
Produkto Paraan ng Pagbebenta
- ipinagbibili ng per bilao o per piraso
- inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
Puto - pwede ding ilagay sa malinis na plastic per dosena
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto
- ipinagbibili ng per bilao o per piraso
-inilalagay sa malinis na bilao na may nilaib na dahon
Bibingka ng saging na may takip
- hinihilis ng hugis tatsulok
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto
- ipinagbibili ng per piraso
- inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
Suman
- pwede ding ilagay sa malinis na plastic per dosena
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto

C. Subukin Mo!
Gumawa ng talaan tungkol sa pagbebenta ng produto sa inyong
kwaderno o sa isang malinis na papel.Punuan ang mga datos na
kailangan.

Paninda Presentasyon Paraan ng Halaga/Presyo


Pagbebenta

TANDAAN NATIN:

Mahalagang maunawaan at matandaan ang mga pamamaraan


sa pagbebenta ng natatanging produkto o paninda upang matiyak na
magiging patok ito sa mga konsyumer o maimimili. Makasisigurado
rin na magkakaroon ng kita at hindi malulugi ang negosyo.

___________________________________________________________________________
Page | 21 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Suriin ang talaan at sagutin ang mga tanong. Iulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.

Paninda Paraan ng pagbebenta Halaga


per supot P 25.00
Yema
per piraso P 1.00
per tray P 130.00
Itlog
per piraso P 5.00
per kilo P 50.00
Kalamansi
per supot P 10.00
per kilo P 50.00
Longganisa
per piraso P 9.00

1. Anu-ano ang mga panindang nasa talaan?


2. Paano ipinipresenta ang mga paninda?
3. Paano ipinagbibili ang mga ito?
4. Magkano mabibili ang bawat isa ng natatanging paninda?
5. Kung ikaw ang tindero o tindera ng mga natatanging paninda
paano mo ibebenta ang bawat isa? Anong pamamaraan ang iyong
gagawin upang maging mabili at maubos ito.

PAGYAMANIN NATIN:

Mag sagawa ng isang panayam sa isang tindera o tindero sa inyong


Barangay. Pumili ng limang produktong makikita sa kanilang tindahan.
Tanungin kung ano ang mga pamamaraan na kanilang ginagamit sa
pagbebenta ng produkto. Isulat ang inyong sagot sa isang buong papel.

SANGGUNIAN:

Edukayong Pantahanan at Pangkabuhayan IV

___________________________________________________________________________
Page | 22 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

https://www.google.com.ph/search?q=puto&biw=1366&bih=657&source=l
nms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj02L_E56jOAhVDJZQKHdqOAzwQ_
AUIBigB#tbm=isch&q=bibingka&imgrc=AF-06kuWIJHesM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=puto&biw=1366&bih=657&source=l
nms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj02L_E56jOAhVDJZQKHdqOAzwQ_
AUIBigB#tbm=isch&q=bibingka&imgrc=AF-06kuWIJHesM%3A

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana ES

___________________________________________________________________________
Page | 23 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PANUNTUNAN SA PAMAMAHAGI NG MGA


Aralin 6 DOKUMENTO AT MEDIA FILE

Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan


Pamantayang Pangnilalaman: ng ligtas at responsable sa pamamahagi ng
dokumento at media file
Nakapamamahagi ng mga dokumento at
Pamantayan sa Pagganap: media file sa ligtas at responsableng
pamamaraan

Code: EPP5IE-0c-6

Nilalaman:
Sa araling ito, maliliwanagan at muunawan ang mga panuntunan sa
pamamahagi ng dokumento at media file sa ligtas at responsableng
pamamaraan upang maiwasan ang mga suliranin tulad ng pagkakaroon ng
virus ng computer at pagkawala ng mahahalagang detalye ng dokumento.
Layunin:
1. Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa pagmamahagi ng mga
dokumento at media file sa ligtas at reponsableng pamamaraan.

ALAMIN NATIN:

A. Ayusin ang mga titik upang malaman ang hinahanap na salita. Isulat sa
patlang ang inyong sagot.

1. emaid lefI- ay tumutukoy sa file na audio, video o kaya ay mga


larawan.
2. Mudoctne- ay humahalimbawa sa spreadsheet ,note pad,word,
presentation o slideshow
3. risvu- ay mga masasamang aplikasyon na pwedeng madamay
ang kompyuter ng isang tagagamit
4. niw piz-isang halimbawa ng file compression software
5. netinret- ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo
upangmapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng
mga kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng
telekomunikasyon.
___________________________________________________________________________
Page | 24 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

B. Tingnan ang mga larawan sa ibaba, tukuyin kung ano ang ipinapakita nito
at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
A B

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang kagamitan o bagay na makikita sa larawan A at B?
2. Ano ang naitutulong ng Information technology sa pang-araw-araw na
gawain lalo na sa pag-aaral at pagtatrabaho?
3. Ano ang prosesong nakapaloob dito batay sa pagkakasunod- sunod
nito? Ipaliwanag.
4. Ano ang dapat gamitin kung gustong ipamahagi ang isang
dokumento? Media file?
5. Ano ang maaring mangyari sa computer kung magkakaroon ng virus
ang flashdrive na ginamit mo?
6. Mahalaga ba na malaman kung paano ipamahagi ang isang
dokumento o media file lalo na kung ito ay hindi mo sariling gawa.?
Bakit?
7. Ano ang masamang maidudulot kung hindi makasusunod sa
panuntunan sa pamamahagi ng dokumento at media file?

LINANGIN NATIN:

I. Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart sa ibaba upang maunawaan ng


lubusan ang aralin.
Blg. Panuntunan sa Pamamahagi ng dokumento at media file
1 Humingi ng pahintulot sa kinauukulan bago mamahagi ng mga

___________________________________________________________________________
Page | 25 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

dokumento at media file.


Siguraduhin na ang ipamamahaging dokumento at media file ay
2
pinahintulutan ng tunay na nag- may-ari nito.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng virus ng computer device i-
3 scan muna ang removable device na gagamitin gamit ang antivirus
software.
Gumamit ng iba’t ibang aplikasyon sa internet sa pamamahagi ng
4
dokumento at media file.
Tiyakin na ang gagamiting device ay ligtas sa anumang virus na
5
nakapaloob dito.
Kung sakaling may matagpuang virus sa loob ng device, tiyaking
6
alisin muna ang virus sa loob nito bago gamitin.
Maging responsable dahil anumang virus na nasa loob ng removable
7 device ay maaring mailipat din kasama ng dokumento at media file
na nais ipamahagi.
Siguraduhin ding mailagay kung sino o kanino nagmula ang
8
ipamamahaging dokumento o media file.
Tiyakin na ang dokumento at media file na ipamamahagi ay hindi
9 naglalaman ng uri ng detalye na maaring makapanira o
makapagpapagalit sa taong makakatanggap nito.
Gumamit ng mga aplikasyon tulad ng 7 zip at win zip kung ang
10 media file o dokumento ay naglalamang ng sensitibong
impormasyon upang i-encrypt ang file.

II. Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong.

Isang araw , napag-utusan si Miko bilang pinakamagaling na


mag-aaral sa klase na pagsamasamahin sa isang folder ang lahat ng
takdang aralin ng kanyang kaklase. Upang ito ay madaling maibigay
sa kanilang guro na si Gng. Lolita Pajaron sa takdang oras, hindi na
gumamit si Miko ng aplikasyon tulad ng Winzip at Winrar sa
paglilikom ng dokumento kahit alam niya na may laman itong
sensitibong detayle. Pagkatapos makolekta lahat ng takdang aralin,
inilagay niya ito sa flash drive ng hindi ini-scan bago isaksak sa
computer. Nagmamadaling nilisan ni Miko ang kanilang silid- aralan
at tumungo sa kanilang guro. Pagkabigay na pagkabigay niya ng
flashdrive, isinaksak kaagad ito ni Gng. Lolita, ngunit nagulat sya
dahil nasira ang pagkaka-ayos ng mga detalye ng ginawang takdang
aralin ng kanyang mag-aaral.

a. Ano ang nilabag na panuntunan ni Miko tungkol sa pamamahagi ng


dokumento?
b. Ano ang maaring mangyari sa computer kapag ang ginamit mong flash
drive ay hindi na scan?
c. Bakit mahalagang gumamit ng aplikasyon tulad ng Winzip o Winrar sa
pamamahagi ng dokumento?
___________________________________________________________________________
Page | 26 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

d. Kung ikaw si Miko, gagawin mo rin ba ang ginawa nya?Bakit?

TANDAAN NATIN:

Mahalaga na makasunod sa panuntunan sa pamamahagi ng


dokumento at media file upang maiwasan ang mga suliranin tulad ng
pagkasira ng pagkaka-ayos ng mahahalagang detalye ng dokumento o
pagkawala nito, pagkakaroon ng virus na magsasanhi ng pagkasira ng
computer at pagkakaroon ng kaso ng pangongopya ng dokumento o
media file ng hindi humihingi ng pahintulot sa kinauukulan.

GAWIN NATIN:

Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pangungusap ay


panuntununan sa pamamahagi ng dokumento at media file at ekis (x) kung
hindi.
______________1. Kung sakaling may matagpuang virus sa loob ng device,
tiyaking alisin muna ang virus sa loob nito bago gamitin.
______________2. Ipamahagi ang dokumento o media file kahit walang
pahintulot ng may-ari.
______________3. Siguraduhin ding mailagay kung sino o kanino nagmula
ang ipamamahaging dokumento o media file.
______________4. Tiyakin na ang dokumento at media file na ipamamahagi
ay hindi naglalaman ng uri ng detalye na maaring makapanira o
makapagpapagalit sa taong makakatanggap nito
______________5. Gamitin ang flashdrive ng hindi ini-scan sa pagkuha at
pamamahagi ng dokumento at media file.

PAGYAMANIN NATIN:

Magsulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan na


maliwanagan ang mga panuntunan sa pamamahagi ng dokumento at media
files.

___________________________________________________________________________
Page | 27 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT LIGTAS AT REPONSABLENG PAMAMARAAN SA


Aralin 7 PAMAMAHAGI NG MGA DOKUMENTO AT MEDIA FILE

Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan


Pamantayang Pangnilalaman: ng ligtas at responsable sa pamamahagi ng
dokumento at media file
Nakapamamahagi ng mga dokumento at
Pamantayan sa Pagganap: media file sa ligtas at responsableng
pamamaraan
Code: EPP5IE-0c-7

Nilalaman:
Sa araling ito, matututo kung paano mapapamahagi ang mga
dokumento at media file sa ligtas at responsableng pamamaraan.
Layunin:
1. Nakapamamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at
responsableng pamamaraan

ALAMIN NATIN:

A. May mga bagay o aplikasyon na ginagamit sa pamamahagi ng dokumento


at media file tulad ng mga sumusunod na dapat maunawaan at
maintindihan ng lubusan upang maiwasan ang ano mang problema na
dulot nito:

Virus, Adware Maaaring makakuha ng mga virus sa


at Spyware pamamahagi ng mga dokumento at
media file.

Ang paggamit ng removable


device ay makatutulong sa
Removable devices pagtatago at pagbabahagi ng media
file at dokumento subalit maaari
ding may napapaloob na virus na
makakaapekto sa mga files at
computer.
___________________________________________________________________________
Page | 28 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

“File Compression” ay makikita mo


ang iba’t ibang rebyu at apps na
File compresion
software
mapapakinabangan mo ng husto.
Ang ganitong uri ng aplikasyon ay
matutulungan ka mag tabi ng mga
files sa mas maliit na sukat lamang.
Ilang halimbawa ng mga file
compression software ay ang
WinZip at WinRAR.

B. Ilahad sa mga mag-aaral ang mga kasi-siya at tamang paraan ng


pamamahagi ng dokumento at media file.
 Tiyakin kung anong website ang maaaring bisitahin tulad ng
faceboook at instagram.
 Alamin kung gaano katagal maaaring gumamit ng kompyuter at
internet.
 Pumili ng magandang aplikasyon tulad ng Winrar at Winzip upang
maitabi ang iyong mga dokumento at media file ng sama-sama at
ng madaling maipamahagi sa anumang website na iyong napili at
maisave sa flashdrive para mapamahagi ng maayos.
 Sa paggamit ng removable device, siguraduhing i-scan muna ang
device bagot ito gamitin.
 Kung nais makapagpamahagi gamit ang nasabing device, tiyakin
na ang gagamiting device ay ligtas sa anumang virus na
nakapaloob dito.
 Ano mang uri ng dokumento o media file na pagmamay-ari ng iba
ay dapat munang ipagpaalam bago ipamahagi.

LINANGIN NATIN:

Inatasan ka ng iyong Principal na ipunin lahat ng mahahalagang


dokumento sa kompyuter ng inyong paaralan at i-compress ito gamit ang
winrar upang maipamahagi sa iyong kasamahan.

___________________________________________________________________________
Page | 29 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sundan ang mga hakbang upang maisagawa ang inuutos:

Gawain A:Paraan ng Paggamit ng Winzip at Winrar sa mga dokumentong


may sensitibong detayle

1. Siguraduhin na mayroong na ka-


install na file compression software
tulad ng winzip o winrar. Kung
wala, magdownload sa internet

2. Ilagay sa isang folder lahat


ng mga files na gustong ma
compress

3.Pagkatapos nito, i right click ang


folder kung saan nakalagay ang
iyong mga dokumento.

4. Click "add” to archive

5. Pumili ng archive format, RAR


kung balak i- open ang
compressed folder sa ibang
Winrar o kaya naman ZIP lang
kung ang computer na
gagamitan ay walang Winrar o
ibang archiving program.

___________________________________________________________________________
Page | 30 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

6. Lagyan ng pangalan ang


ginawang archive.

7. Click removable device para


siguradong sa flash drive ito
mapupunta.

8. Hintayin matapos ang


compression, makikita ang
compressed folder na ginawa
mo kung saan mo pinili ito
masave

Gawain B:Isagawa Mo!


Hatiin ang mag-aaral sa tatlong pangkat at ipagawa ang mga
sumusunod:
Pangkat I- Iarte Mo!

Magpakita ng isang senaryo o sitwasyon kung paano na pamamahagi


ang media files gamit ang iba’t ibang aplikasyon gaya ng Winrar at Winzip
sa ligtas at responsableng pamamaraan.

___________________________________________________________________________
Page | 31 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Pangkat II- Isalita Mo!

Gumawa ng isang diyalogo kung paano mapapamahagi ang isang


dokumento gamit ang flashdrive sa ligtas na paraan.
Pangkat III- Kumpletuhin Mo!

Ibigay ang mga pamamaraan kung paano na ipamamahagi ang


dokumento at media file sa ligtas at responsableng pamamaraan.

Paraan sa pamamahagi ng
dokumento at media file
gamit ang aplikasyon na
Winzip at Winrar

TANDAAN NATIN:

Siguraduhin na ang flash drive o anumang uri ng device na


gagamitin sa pamamahagi ng dokumento at media file ay maayos na na-
scan upang maiwasan ang pagkakaroon ng virus ng Kompyuter.

___________________________________________________________________________
Page | 32 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

A. Isulat ang LP kung ang pangungusap ay nagsasaad ng ligtas at


responsableng pamamaraan ng pamamahagi ng mga dokumento at HL
kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_________________1. Isalin ang mga dokumentong may sensitibong detayle


kahit hindi gumagamit ng Winzip o Winrar.
_________________2. Tiyakin kung anong website ang maaaring bisitahin
tulad ng faceboook at instagram.
_________________3. Kung nais makapagpamahagi gamit ang nasabing
device, tiyakin na ang gagamiting device ay ligtas sa anumang virus na
nakapaloob dito.
_________________4. Gumamit ng kompyuter at internet kahit gano katagal.
_________________5. Ano mang uri ng dokumento o media file na
pagmamay-ari ng iba ay dapat munang ipagpaalam bago ipamahagi.

B. Magsagawa ng hands on activity sa mga bata tungkol sa ligtas at


reponsableng pamamahagi ng dokumento gamit ang Winzip at Winrar.
Gumamit ng pamantayan sa pagmamarka.

PAGYAMANIN NATIN:

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang mabuting naiduulot ng pagsunod sa panuntunan?


2. Ano ang maaring mangyari kung ito ay hindi maisasagwa?
3. Gumawa ng sariling patakaran o panuntunan kung sasali sa isang
group chat.

Pamantayan sa pagbibigay ng iskor sa mga bata

Puntos Pamantayan
Nasunod ang mga paraan ng paglilipat o pamamahagi ng
5 dokumento at media file ng wasto at walang isa mang nalagpasan
o nalimutan.
Nasunod ang mga paraan ng paglilipat o pamamahagi ng
4
dokumento at media file subalit isa ang nalagpasan o nalimutan.
___________________________________________________________________________
Page | 33 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Nasunod ang mga paraan ng paglilipat o pamamahagi ng


3 dokumento at media file subalit dalawa ang nalagpasan o
nalimutan.
Nasunod ang mga paraan ng paglilipat o pamamahagi ng
2 dokumento at media file subalit tatlo ang nalagpasan o
nalimutan.
Hindi nasunod nag mga paraan ng paglilipat o pamamahagi ng
1
dokumento at media file

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana

___________________________________________________________________________
Page | 34 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT MGA PANUNTUNAN SA PAGSALI SA DISCUSSION


Aralin 8 FORUM AT CHAT

Naipamamalas ang kaalaman at


Pamantayang Pangnilalaman: kasanayan ng ligtas at responsable sa
pagsali sa discussion at chat
Nakasasali sa discussion group at
Pamantayan sa Pagganap: chat sa ligtas at responsableng
pamamaraan

Code: EPP5IE-0c-8

Nilalaman:
Sa araling ito, maipapaliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa
discussion forum at chat. Ito ay mahalagang malaman upang maiwasan ang
pagpopost o pagsagot ng hindi tama o taliwas sa pinag-uusapan sa isang
discussion forum o chat.
Layunin:
1. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at
chat.

ALAMIN NATIN:

Suriin ang comic stirip na nagpapakita ng pag- uusap ng dalawang mag-


aaral.

___________________________________________________________________________
Page | 35 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sagutin ang mga tanong:


 Ano ang pinag-uusapan ng mga mag-aaral?
 Ano ang webstie na nabanggit ng mga mag-aarral kung saan sila ay may
tinatawag na group chat?
 Ano ang suliranin na nabanggit sa kanilang pag-uusap?
 Ano ba ang discussion forum? Ano ang maitutulong nito?
 Ano ang mga dapat tandaan sa pagsali sa isang discussion forum at chat?

Ang Discussion Forum


Ang Discussion forum ay klase ng isang board kung saan maaaring
magpost o mag-iwan ng anumang mensahe o tanong. Maraming mga
website ang nagbibigay ng ganitong klase ng serbisyo tulad ng Yahoo, Google
at Facebook. Ang bentahe ng ganitong klaseng forum ay maaaring sumagot o
magtanong ang sinumang miyembro ng grupo saanman o kailanman. Sa
isang discussion forum ang moderator ay may kakayahang piliin o salain ang
mga impormasyong pumapasok sa forum. Samantalang mayroon mga
chatbox na maaaring pasukin ng sinuman kung kaya importante ring alamin
ang mga dapat gawin.

Ang Chat

Ang chat ay isang real time na pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit


pang mga tao. Di gaya ng isang discussion forum, ang pagsagot sa chat ay
agad-agad. Ito ay sa kadahilanang ang mga taong kasali sa chat ay online o
kasalukuyang nasa harapan ng computer at konektado sa internet.
Karaniwan ding mas mabilis ang palitan ng sagot sa diskusyon sa isang chat
kumpara sa isang discussion forum.

___________________________________________________________________________
Page | 36 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Mga Dapat Tandaan sa Pagsali sa Chat o Discussion Forum


1. Siguraduhing hindi makapaninira ang iyong sasabihin sa board o forum.
2. Tiyakin ring nakapaloob sa thread o sa pinag-uusapan o topic ang tanong.
Kung ganun, dapat alamin ang tamang lugar ng bawat tanong. Dahil
bawat tanong ay may iba’t-ibang thread.
3. Hindi maaaring magpost ng mga dokumento o anumang file na hindi mo
pagmamay-ari, kung sakaling magpost man kailangan ilagay ang kredito
ng nagmamay-ari ng file.
4. Hindi dapat magpost ng mga impormasyong sensitibo o impormasyong
hindi para sa pampublikong gamit.
5. Hindi maaaring magpost ng anumang advertisement o endorsement lalo
na’t labas naman sa topic ng forum.
6. Basahin ang mga naunang tanong o post sa thread bago magpost ng
tanong o sagot upang maiwasan ang pagdoble ng post, ganun din upang
ipakitang nagbabasa ng post bago magtanong.
7. Ang indibidwal na nagpost ng anumang mensahe o pahayag ang siyang
may resposibilidad dito.

LINANGIN NATIN:

Punan ang dayagram ng mga panuntunan sa pagsali sa chat o


discussion forum. Ilagay sa kuwaderno.

Panuntunan
sa pagsali sa
chat o
discussion
forum

___________________________________________________________________________
Page | 37 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Ang discussion forum at chat ay malayang nasasalihan ng mga


taong gumagamit ng internet upang magbigay o magpost ng mensahe
subalit kailangan itatak sa isipan na may mga panuntunan na dapat
sundin upang maging maayos ang pagsali.

GAWIN NATIN:

Gumuhit ng masayang mukha ( )kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng tamang gawi at malungkot na mukha ( ) kung hindi.
_________1. Gumawa si Luisa ng isang mensahe na ibig nya ipost sa
instagram tungkol sa kayang kamag-aral dahil sa kanyang pagkainis at
sobrang galit.
_________2. Nagkaroon ang grupo ng mag-aaral ng isang discussion forum.
Isa sa mga ito ang nagtanong na malayo sa pinag-uusapan.
_________3. Tiningnan muna ni Alberto ang thread ng usapan bago sya muli
magpost upang maiwasan ang pagkadoble nito.
_________4. Nagpost ng isang advertisement si Jenny sa isang chat na
sinalihan nya.
_________5. Sa halos isang buwang pagsali ni Carlo sa isang discussion
forum, kailanman hindi nya ginawang magpost ng mga sensitibong mensahe.
_________6. Sumali ang tatlong mag-aaral ni Gng. Rowena Balagtas sa isang
chat ng hindi inaalam ang panuntunan.

PAGYAMANIN NATIN:

Magsulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan na


maliwanagan ang mga panuntunan sa pagsali sa isang discusion forum o
chat? Ilahad ang masama at mabuting dulot ng pagsali sa mga ito.

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana ES


___________________________________________________________________________
Page | 38 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGSALI SA DISCUSSION FORUM AT CHAT SA LIGTAS


Aralin 9 AT REPONSABLENG PAMAMARAAN

Naipamamalas ang kaalaman at


Pamantayang Pangnilalaman: kasanayan ng ligtas at responsable sa
Pagsali sa discussion at chat
Nakasasali sa discussion group at
Pamantayan sa Pagganap: chat sa ligtas at responsableng
pamamaraan

Code: EPP5IE-0c-9

Nilalaman:

Sa araling ito, matutunan kung paano makasasali sa discussion


forum at chat sa ligtas at responsableng pamamaraan. May mga website tulad
ng google, yahoo, at facebook ang maaring bisitahin upang makalahok sa
isang pag-uusap.

Layunin:
1. Nakasasali sa discussion forum at chat sa ligtas at responsableng
pamamaraan.

ALAMIN NATIN:

Walang problema Jenna. Kung


Hello! Carlo, pwede ko bang
yan ang problema mo. Tungkol
maitanong kung ano ang mga
diyan ang aralin natin sa araw na
websites na pwede nating gamitin
ito sa subject nating ICT sa EPP
sa pagsali sa chat o discussion
sabi ni Ma’am Hanna.
group at kung paano makasali
dito sa ligtas at responsableng
paraan.

___________________________________________________________________________
Page | 39 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang pangalan ng dalawang nag-uusap na mag-aaral?


2. Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?
3. Saang asignatura nila inaasahan na matutunan ang pagsali sa isang
discussion forum o chat?

Bago sumali sa mga discussion forum o chat dapat na malaman muna


kung ano ang mga websites na maaring gamitin. Ang mga larawan sa ibaba
ay ilan lamang sa mga websites na makikita kung gagamit ng internet.
Tukuyin kung alin sa mga ito ang pwede at ligtas gamitin sa pagsali.

Karagdagang kaalaman.......

Isa-isahin ang mga patakaran na ipinatutupad sa paggamit ng


kompyuter laboratory upang maisaisp na may panuntunan o paraan sa
paggamit at pagsali sa anumang gawain.

Panuntunan sa Paggamit ng Computer Laboratory

Sundin ang
Gamitin
Ingatan lahat mga Bawal ang lamang ang
ng kagamitan direksyon ng Huwag
magdala ng mga ligtas na
sa loob ng guro tungkol anumang uri search engine
iwanang
computer sa tamang makalat ang
ng pagkain o upang
paggamit ng laboratory.
laboratory. inumin. makaiwas sa
anumang
virus.
kagamitan

Ang pagsunod sa mga panuntunan sa paggamit ng Computer


Laboratory ay malaki ang maitutulong upang maiwasan ang pagkasira ng
anumang uri ng kagamitan. Tulad nito, may mga paraan naman na dapat
sundin sa pagsali sa anumang uri ng discussion forum o chat kapag gumamit
___________________________________________________________________________
Page | 40 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ng kompyuter at internet upang maging ligtas at responsableng mag-aaral.


Subukin ang mga gawain upang mapaunlad ang kaalaman at kakayahan sa
pagsunod sa mga paraan ng pagsali.

LINANGIN NATIN:

Gawain A – Tseklist ng ligtas at responsableng paraan sa pagsali sa


discussion forum.

Maglagay ng tsek (/) sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot


at thumbs down icon kung HINDI.

Paraan ng Pagsali sa Discussion Forum

1. Palaging isaisip at isagawa ang mga netiquette, o ang


mga panuntunan sa kagandahang –asal sa paggamit ng
internet.
2. Basahin ang mga patakaran sa sasalihang discussion
forum upang lubos na maunawaan ang mga kailangan
gawin.
3. Sa tuwing magpopost ng paksa, siguraduhing ito ay
malinaw para sa lahat ng makakabasa. Ugaliin din na
sundin ang lengwaheng nirerekomenda upang lubos
pa itong maintindihan ng lahat.

4. Siguraduhing tama sa paksa ang discussion forum na


sasalihan. Iwasan ang pagpopost ng mga paksang
malayo sa layunin ng discussion forum.
5. Bago mag-post ng paksa, magsiyasat muna kung may
kaparehong paksa na ang nasagot at napag-usapan
upang maiwasan ang pag-uulit nito.
6. Kung sasagot naman sa isang paksa, sigurahing tama
at totoo ang isasagot. Huwag maglalagay ng sagot na
walang basehan dahil maaari itong ikapahamak ng
makababasa.

Gawain B – Ligtas at responsableng paraan sa pagsali sa Chat

Banggitin ang salitang “Puwede” kasabay ng thumbs up na senyas


kung ang pahayag ay ligtas at responsableng paraan sa pagsali sa chat.
Sabihin naman ang “Di- puwede” kasabay ng thumbs down na senyas kung
hindit ito nararapat gawin.
___________________________________________________________________________
Page | 41 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Isagawa ang
netiquette.
Maging
Magpaalam ng malinaw sa
maayos sa mga pahayag
kausap upang
Ligtas at maunawaan
bago mag-
reponsableng nang lubos
offline.
paraan sa pagsali sa ang kausap.
chat
Sumagot Sumagot ng
kaagad dahil ayon sa
tiyak na tinatanong ng
kausap. Iwasan
naghihintay ng ang pagsagot
mabilis na nang hindi tama
sagot ang o walang
kausap. batayan.

Gawain C – Mag- Skit Tayo........

1. Bumuo ng tatlong grupo.


2. Ang bawat grupo ay tatalakay tungkol sa ligtas at reponsableng paggamit
ng computer laboratory at pagsali sa dicussion forum o chat at ang mga
posibleng mangyari kapag ito ay hindi naisagawa. Tingnan ang
pagkakaayos ng grupo batay sa paksang tatalakayayin sa ibaba.
Pangkat 1 : Panuntunan o patakaran sa paggamit ng computer
laboratory
Pangkat 2 : Ligtas at responsableng pamamaraan sa pagsali sa
discussion forum
Pangkat 3 : Ligtas na pamamaraan sa pagsali sa chat

3. Gumawa ng skit o anumang uri ng presentasyon na tumatalakay sa


panuntunan sa reponsableng paggamit ng computer laboratory at mga
ligtas na paraan sa pagsali sa discussion forum o chat.

___________________________________________________________________________
Page | 42 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat sundin tungkol sa


ligtas at responsableng paraan ng pagsali sa discussion forum o chat. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Sa pagsali sa isang chat, alin sa mga sumusunod ang dapat


gawin?

a. Maging malinaw sa mga pahayag upang maunawaan nang lubos ang


kausap.
b. Mag- offline kung kinakailangan kahit nasa kasagsagan ng chat dahil
hindi ka naman mapapansin gawa ng marami kayo.
c. Mag reply ng kahit anong gustong sabihin.

__________2. Sa tuwing magpopost ng paksa sa dicussion forum,


siguraduhin na.........

a. gumamit lamang ng linggwaheng Ingles


b. maging malinaw para sa lahat ng kasali
c. laging mauna sa pag popost kaysa sa iba

__________3. Kung sasagot naman sa isang paksa, ano ang dapat tandaaan?

a. Huwag sasagot ng walang kinalaman sa pinag-uusapan.


b. Laging mag pasimula ng panibagong usapin kahit may nag popost pa.
c. Sagutin ng taliwas ang post na hindi kaaya-aya

__________4. Kung sasali sa discussion forum, ano ang dapat sundin sa


paggamit ng internet?

a. Etiquette b. Netiquette c. wala sa nabanggit

__________5. Alin sa mga sumusunod ang dapat ugaliin o sundin upang


maiwasan ang hindi pagkakaintindihan ng iyong kausap sa chat o discussion
forum?

a. Sumagot ng mabilis at huwag pag-intayin ang kausap.


b. Huwag mag reply kung hindi kanai-nais para sa iyo ang sagot ng
kausap mo at mag-offline kaagad.
c. Hayaan ang kausap na magpost ng magpost hanggang sa magsawa.

___________________________________________________________________________
Page | 43 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Sundin ang mga paraan sa pagsali sa isang discussion forum o chat


upang maging ligtas at responsableng individual na gumagamit ng internet at
computer. Makatutulong ito upang maging maayos ang pakikipag-usap sa
isang tao at magkaroon ng pagkakaintindihan tungkol sa pinag-uusapan.

PAGYAMANIN NATIN:

Hatiin ang klase sa tatlong grupo at ipagawa ang mga sumusunod.

1. Gumawa ng isang group chat gamit ang inyong account sa facebook.


2. Bumuo kayo ng talakayan tungkol sa napag-aralan sa araw na ito.
3. Sundin ang paraan sa pagsali sa gawaing ito.
4. Upang matiyak kung naisagawa ito ng tama, iprint screen ang naging
pag-uusap sa facebook account.
5. Ilagay ito sa isang buong papel at ipasa kinabukasan.

SANGGUNIAN:

K-12 books grade IV EPP

https://www.google.com

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana ES

___________________________________________________________________________
Page | 44 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGGAMIT NG ADVANCED FEATURES NG ISANG SEARCH


Aralin 10 ENGINE SA PANGANGALAP NG IMPORMASYON

Naipapamalas ang kaalaman at


kasanayan na gamitin ang computer
Pamantayang Pangnilalaman:
at Internet sa pangangalap at
pagsasaayos ng impormasyon
Nakagagamit ng computer at Internet
Pamantayan sa Pagganap: sa pangangalap at pagsasaayos ng
impormasyon
Code: EPP5IE-0d-10

Nilalaman:
Sa araling ito, ay tatalakayin ang paggamit ng advanced features ng isang
search engine sa pangangalap ng impormasyon. Magiging mas madali at
mabilis ang pangangalap ng impormasyon ng salita, paksa, libro, pangyayari,
lugar at iba pakung magkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng
advanced features ng search engines. Bilang isang mag-aaral, mabuti na ito ay
maunawaan dahil makakatulong ito ng malaki sa paggawa ng mga takdang
aralin at proyekto.

Layunin:
1. Nagagamit ang adavanced features ng isang search engine sa
pangangalap ng impormasyon

ALAMIN NATIN:

Gawain A- Buuin Mo!


1. Hatiin sa apat na pangkat ang mag-aaral.
2. Bigyan ang bawat pangkat ng piraso ng ginupit na titik ng salitang
“Search Engine”
3. Hayaan sila na isaayos ang bawat titik upang mabuo ang hinahanap na
salita.
4. Bigyan sila ng limang minuto upang magawa ang gawain.
5. Ipakita sa pisara ang pangungusap sa ibaba bilang tulong.

Ito ay ginagamit sa paghahanap ng mahahalagang


impormasyon kapag may internet.

___________________________________________________________________________
Page | 45 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang nabuong salita mula sa mga inayos na titik.


2. Ano ang kahulugan ng salitang nabuo?
3. Paano ba ito ginagamit sa pangangalap ng impormasyon?

Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang maghanap


ng dokumento gamit ang isang keyword o salita. May iba’t ibang search
engine na ginagamit sa internet. Ilan sa mga ito ay ang mga icons na nasa loob
ng kahon.

Ang mga halimbawa ng searh engine na ibinigay ay nagtataglay ng


tinatawag na advaced features. Ginagamit ito upang mas mapadali pa ng
husto ang paghahanap ng impormasyon. Subalit ang tanong, Paano ba ito
ginagamit? Subukin ang mga sumusunod na gawain upang maging pamilyar
sa paggamit nito.

LINANGIN NATIN:

GAWAIN A: Paghahanap ng impormasyon gamit ang advanced


feature ng isang search engine

Subuking gamitin ang advanced feature ng isang search engine tulad


ng google sa pangangalap ng impormasyon. Sundan lamang ang panuto:

 Matatagpuan ang advanced feature ng Google sa “Mga Setting” na


makikita sa bandang ibaba ng pahina.
___________________________________________________________________________
Page | 46 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 I-click lamang ang “Mga Setting” at


may lalabas na isang box kung saan
makikita ang iba’t ibang
pamimilian. Piliin ang “Advanced
na Paghahanap”.

 Pagkatapos pindutin ang


“Advanced na Paghahanap”,
dadalhin kayo nito sa susunod na
pahina.

 Sa unang kahon o box dapat ilagay


ang mga salita o salitang nais hanapin
sa internet.

 Sa sumunod na kahon naman dapat


ilagay ang salitang nais hanapin sa
loob ng quote (“). Ito ay
nangangahulugan na ang salitang
nakasulat sa loob ng box na ito ang
eksaktong salitang iyong hinahanap.

 Samantalang sa ikatlong kahon


naman dapat ilagay ang mga
salitang nais hanapin. Kailangang
ilagay ang “or” sa pagitan ng mga
salita upang ipakita na alinman sa
mga salitang ito ay maaaring
hanapin ng Google.
___________________________________________________________________________
Page | 47 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Ang pangalawa sa huling pahina


naman ay ginagamit upang tukuyin
alin sa mga salita ang ayaw o hindi
kasama sa mga hahanapin sa
internet. Ginagamitan ito ng simbolo
na (–).

 Ang sumunod na bahagi ng


Advanced Feature ng Google ay
matatagpuan o maaaring piliin ang
lengwahe o wika ng dokumento o
impormasyong hinahanap, rehiyon,
huling update, site o domain, mga
terminong lumilitaw, Safe Search,
uri ng file, at karapatan sa paggamit.

Karagdagang kaalaman
Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang na maaring gawin kapag
gagamitin ang sunod na bahagi ng Advanced Feature ng search engine.

1. Una, pumili ng lengwahe o wika


na nais hanapin.

2. Pangalawa, piliin ang particular


na rehiyong nais pagmulan ng
impormasyon. Makikita ang mga
rehiyon kapag pinindot ang arrow
na paibaba.
___________________________________________________________________________
Page | 48 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Pangatlo, ang huling pag-


update. Katulad ng na sa
ikalawang hakbang pindutin
lamang ang arrow na paibaba
upang pumili. Maaaring pumili
kung: kahit kailan, nakaraang 24
oras at iba.

4. Pang-apat ay ang domain o site,


maaaring maglagay dito ng isang
site or domain kung saan gustong
hanapin ang iyong hinahanap.
Maaaring ito ay .edu, .com.org or
youtube.com or upd.edu at iba
pa.
5. Panglima ang mga terminong lumilitaw, katulad ng iba pang mga
naunang hakbang maaaring pindutin lamang ang arrow na pababa upang
hanapin ang isang partikular na pahina.

GAWAIN B: Iayos mo!


Gamit ang graphic organizer sa ibaba, ilahad lahat ng paraan ng
paggamit ng advanced feature ng search engine.

TANDAAN NATIN:

Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang


maghanap ng dokumento gamit ang isang keyword o salita. Isang
mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang web
browsers at search engines.Sa pamamagitan ng computer at
internet,maaari tayong makapagsaliksik at mangalap ng makabuluhang
impormayon sa mabilis na paraan.

___________________________________________________________________________
Page | 49 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

A. Gamit ang iyong kasanayan sa pagsasaliksik o pangangalap ng


impormasyon gamit ang search engine, punan ang sumusunod na
talaan:
Pangunahing
Lugar Festival Tourist Spot
Produkto
Baguio
Nueva Ecija
Aurora
Bohol
Pampanga

B. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon batay sa paglalarawan gamit


ang mga pangungusap.

Advance Features Google Setting Search Engine (-)

________1. Pinakakilalang search engine sa kasalukuyang panahon.

________2. Isang programang ginagamit upang maghanap ng dokumento


gamit ang isang keyword o salita.

________3. Dito matatagpuan ang advanced features ng google


________4. Simbolong ginagamit sa mga salitang ayaw o hindi kasama sa
mga hahanapin sa internet.
________5. Ito ang ginagamit upang mas maging ispesipiko ang pangangalap
ng impomasyon gamit ang isang key word.

PAGYAMANIN NATIN:

Magsagawa ng matalinong pagsasaliksik tungkol sa mga sumusunod na


mga paksa.Ibigay ang keywords na ginamit upang makita ang mga ito. Isulat
sa table o talaan sa ibaba ang keywords na ginamit.
Paksa Keyword
Proyektong na pinatupad ni
Pangulong Noynoy
Mga sikat na pasyalan sa Pilipinas

___________________________________________________________________________
Page | 50 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Mga sikat na simbahan sa buong


bansa
Mga sikat na pintor
Mga kilalang manunulat

SANGGUNIAN:

QUIPPERSCHOOL.COM

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana ES

___________________________________________________________________________
Page | 51 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT ANGKOP
PANGANGALAP
NA SEARCH ENGINE
AT PAGSASAAYOS
SA PANGANGALAP
NG NG
Aralin 11 IMPORMASYON
IMPORMASYON
GAMIT ANG ICT

Naipapamalas ang kaalaman at


kasanayan na gamitin ang computer
Pamantayang Pangnilalaman:
at Internet sa pangangalap at
pagsasaayos ng impormasyon
Nakagagamit ng computer at Internet
Pamantayan sa Pagganap: sa pangangalap at pagsasaayos ng
impormasyon
Code: EPP5IE-0d-11

Nilalaman:
Sa araling ito, matutukoy ang mga angkop na search engine sa
pangangalap ng impormasyon. Maraming mga search engine ang maaaring
gamitin kung nais mangalap ng mga impormasyon o datos mula sa internet.
Ganun pa man, may iba’t-ibang kakayahan ang mga search engine na ito na
dapat nating alamin at subuking gamitin.
Layunin:
1. Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng
impormasyon.
Huwag kang mag-
aalala Jack. May
solusyon sa problema
ALAMIN NATIN:
mo. Hanapin natin sa
internet at gumamit
Gawain A- Sagutin Mo! tayo ng iba’t ibang
search engine.
Good morning Gina!
Mayroon akong problema
tungkol sa aming takdang
aralin. Kailangan ko kasing
alamin ang iba’t-ibang bahagi
ng halaman at kung ano ang
nagagawa nito. Paano ko
makakahanap ang mga
impormasyon tungkol
dito?Maari mo ba akong
tulungan? Ano ba ang dapat
kong gawin?
___________________________________________________________________________
Page | 52 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang dalawang mag-aaral na nag-uusap?
2. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
3. Tungkol saan ang takdang aralin ni Jack?
4. Ano ang problema nya tungkol sa kanyang takdang aralin?
5. Ano ang minungkahi ni Gina sa kanya?
6. Ano ang iba’t ibang search engine na puwedeng gamitin sa
pangangalap ng impormasyon?

Upang masagot ang ika-anim na katanungan. Gawin ang pagsubok na


inihanda o makikita sa Gawain B.
Gawain B- Buuin Mo!
Buuin ang mga ginupit na piraso ng mga larawang makikita sa ibaba.

Ano ang mga search engine na nabuo? Alam nyo ba kung kailan at
saan ito dapat ginagamit? Tuklasin at kilalanin itong mabuti sa pamamagitan
ng pagsisiyasat sa mga sumusunod na datos bilang paglalarawan sa
katangian nito.

LINANGIN NATIN:

Talakayin ang mga katangian ng mga sumusunod na search engine.


Maaring gumamit ng ibang graphic organizers sa pagpapakita ng mga
sumusunod na detayle o datos.

 Ang search engine na ito ay bunga ng kolaborasyon ng Microsoft


at Yahoo.
 Ang mga resultang inilalabas nito ay nakabatay sa kalidad ng
artikulo o website.
 Ang paghahanap ay nakabatay sa titulo ng artikulo.
 Nakapaghahanap ito ng mga produkto, balita , music, video at iba
pa.

___________________________________________________________________________
Page | 53 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine.


 May kakayahan ang search engine na ito na magsagawa ng
advanced search.
 Ito ay may espesyal na feature para sa paghahanap ng mga
pang-akademiko at mas siyentipikong akda gamit ang Google
Scholars.
 Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa pinaka-popular
o pinaka-madalas dalawin na websites.
 Ito ay maaaring magsalin-wika ng mga pahina batay sa
atomatikong wika na itinakda sa setting.
 May kakayahan din itong maghanap ng mga video dahil isa
rin sa kanilang produkto ang Youtube

 Ang Yahoo Search kilalang dating yellow page directory


 Mas kilala ito bilang isang email provider site.
 Ang mga resultang inilalabas nito ay ayon sa relevance o
kahalagahan ng nais hanapin.
 Wala itong kakayahang magsalin-wika ng mga pahina.
 Isa sa mga tampok na puna dito ay ang hindi organisadong
ayos nito at ang mga pop-up ads na lumalabas gamit ang
search engine na ito.
 Ang mga ginamit na salita bilang keywords sa paghahanap ay
makikita sa titulo ng artikulo.
 Ito ay may kakayahang maghanap ng mga lokal na resulta
dahil mayroong mga lokalisadong bersyon

Gawain C- Subukin Mo!


Pangkatin sa 4 ang mga mag-aaral. Pumili ng isang search engine na
gustong gamitin at humanap ng impormasyon tungkol sa mga sumusunod
na paksa.

___________________________________________________________________________
Page | 54 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Pangkat I - Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Pangkat II - Pangulong Beningo “Noynoy” Aquino” Jr.

Pangkat III - Pangulong Gloria Macapagal Arroyo

TANDAAN NATIN:

Bawat website ay may layunin. Maaari itong magbigay ng


mga impormasyon,makatulong sa iyong pagkatuto,maging daan sa
mas mabilis na komunikasyon. Bagaman may iba-ibang mga feature
ang mga search engine. makakatulong pa rin ang pagkuha ng
impormasyon gamit ang isa o dalawang search engine upang masala
at mahusay na makapangalap ng mga datos na kakailanganin.
Marami pa ring mga search engine na pamimilian tulad ng
Ask.com,ogpile, Mahalo at iba pa. Ngunit hindi lahat ng search
engine ay may kakayahang kalapin ang mga datos na kailangan kaya
kailangan ang masinop at matiyagang paghahanap

GAWIN NATIN:

Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

a. Yahoo b. Google c. Bing

_______________1. Ito ay kilalang dating yellow page directory.


_______________2. Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine.
_______________3. Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa pinaka-
popular o pinaka-madalas dalawin na websites.
_______________4. Ang search engine na ito bunga ng kolaborasyon ng
Microsoft at Yahoo.
_______________5. May kakayahan ang search engine na ito na magsagawa
ng advanced search.
___________________________________________________________________________
Page | 55 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

Magsagawa ng isang panayam sa isang propesyonal tulad ng guro o


tagapagsiyasat na gumagamit ng internet. Gamitin ang mga katanungan
upang magawa ng maayos ang panayam.

1. Ano ang madalas mong gamiting search engine?


2. Ano ang halimbawa ng paksa na iyong karaniwan mong hinahanap?
3. Naging angkop ba ang napili mong search engine sa pangangalap ng
impormasyon?
4. Ano ang magandang naidudulot ng paggamit ng angkopna search
engine?

SANGGUNIAN:

Para sa mga larawan:

https://www.google.com.ph/search?q=yahoo+images&biw=1366&bih=657
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiw7LDj2qbOAhVJjZQKHRF
2C4oQ_AUIBigB#imgrc=hPGE6Ffmq4z9cM%3A

https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=657&noj=1&tbm=isch&
sa=1&q=children+clip+art&oq=children+clip+art&gs_l=img.3...1289.6759.0.69
31.29.16.0.0.0.0.0.0..0.0....0...1c.1.64.img..29.0.0.2dYdglgzjXI#imgrc=w_2k2RVc
TQE-eM%3A

Prepared by:

Marvin R. Leaño

Teacher I, Ibabao- Bana ES

___________________________________________________________________________
Page | 56 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PANGANGALAP AT PAGSASAAYOS NG
ICT
IMPORMASYON GAMIT ANG ICT
Aralin 12

Naipapamalas ang kaalaman at


kasanayan na gamitin ang computer
Pamantayang Pangnilalaman:
at Internet sa pangangalap at
pagsasaayos ng impormasyon
Nakagagamit ng computer at Internet
Pamantayan sa Pagganap: sa pangangalap at pagsasaayos ng
impormasyon
Code: EPP5IE-0d-12

Nilalaman:
Sa araling ito, makikilatis ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng
mga website na pinanggalingan nito. Mahalaga na hindi basta- basta
kumukuha ng datos dahil hindi lahat ng ng makikita sa internet ay tama.
Mayroong mga impormasyon na mali at may mga website na hindi ligtas
gamitin na maaring makakuha ng virus.
Layunin:
1. Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga website na
pinanggalingan nito.

ALAMIN NATIN:

Ipakita ang larawan na may impormasyong nakalap mula sa internet


gamit ang search engine.

Sagutin ang mga tanong:


1. Anong paksa ang makikitang hinanap sa internet batay sa larawan?
2. May mga impormasyon bang kasama sa pinakitang larawan?
___________________________________________________________________________
Page | 57 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Sa tingin mo, ito ba ay may kalidad o wala? Paano nyo nalaman kung
ito ay may kalidad o wala?

Upang masiguro o matiyak na ang makikita o makukuhang impormasyon


sa anumang uri ng website ay may kalidad, pag- aralan mabuti kung paano
ito nasusuri sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga sumusunod na gawain.

LINANGIN NATIN:

A. Tumawag ng mga batang gaganap sa diyalogo ng guro sa kanyang


mag-aaral.

Karlo: Magandang umaga po Gng. Diana.


Gng. Diana: Magandang umaga rin sayo Karlo.
Karlo: Mam, kaya po ako naparito ay dahil sa may gusto po akong
itanong sa inyo.
Gng. Diana: Ano iyon Karlo?
Karlo: Mam, paano po ba nalalaman kung de- kalidad ang
impormasyong nakalap sa internet at ang mga websites na
ginagamit namin? Hindi po kasi ko sigurado kung tama po iyong
ginawa kong proyekto sa Araling Panlipunan.
Gng. Diana: Madali lang iyan, makinig ka ng mabuti.
Karlo: Sige po mam.
Gng. Diana: Para makatiyak ka kung de- kalidad ang
impormasyong nakuha mo, sundin mo ang mga sumusunod na
paraan:
 Hanapin ang mga website na mayroong .edu at .gov sa address.
Halimbawa:
www.upd.edu.ph, www.nha.gov.ph-
 Kilalanin ang awtor.
 Tingnan ang pagiging obhetibo ng impormasyon
 Alamin kung napapanahon ang impormasyon
 Hindi rin dapat agad na pagkatiwalaan ang mga artikulo na
hindi nakalagay ang petsa ng pagkakagawa nito.
 Alamin ang kahalagahan ng impormasyon
Karlo: Maraming salamat po mam sa inyong tulong.

___________________________________________________________________________
Page | 58 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sagutin ang mga tanong tungkol sa diyalogong napakinggan.


1. Sino ang mga nag-sasalita sa diyalogo?
2. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
3. Isa-isahin ang mga dapat sundin upang matiyak na de- kalidad ang
impormasyong nakakalap sa internet at websites na ginagamit.

B. Talakayin ang mahahalagang detalye o kadahilanan kung bakit


kailangang sundin ang mga paraan upang matiyak na de- kalidad ang
impormasyong nakalap at ang mga websites na pinanggalingan nito.
1. Ang mga impormasyon na makukuha sa mga website na mayroong
.edu ay tiyak na mapagkakatiwalaan at tiyak na de-kalidad. Ang
mga gumagamit ng site na mayroong .edu sa address ay mga
eskwelahan o di kaya ay mga institusyon na may kinalaman sa
edukasyon. Madalas na mayroong publikasyon at journal sa loob
ng website ng mga eskwelahan. Ang mga impormasyon na
nakalagay rito ay dumaan sa masinop at malalim na pag-aaral kung
kaya tunay na mapagkakatiwalaan ang nakapaskil sa kanilang
website.
2. Ang mga website na may .gov sa address ay mga opisyal na
website ng ahensya ng gobyerno. Dito ipinapaskil ang mga
anunsyo o di kaya’y mga bagong programa ng gobyerno.
3. Kinikilala ang awtor upang makatiyak sa kalidad ng impormasyon
na makukuha sa internet, maaaring magsaliksik ng mga
impormasyon tungkol sa awtor. Maaaring alamin ang kanyang
pinag-aralan, hanap-buhay, mga artikulong nailathala, at iba pang
impormasyon na makapagpapatunay na siya ay dalubhasa tungkol
sa paksa na nais malaman.
4. Ang pagiging obhetibo ay tumutukoy sa impormasyong walang
kinikilingan o pinapanigan na kahit sino. Tanging katotohanan
lamang ang nais na ihatid sa mambabasa. Mapapansin ito kung
ipinapakita ng impormasyon ang kahinaan at kalakasan ng bawat
panig ng paksang tinatalakay.
5. Ang pag-alam kung kailan naisulat ang impormasyon na nakuha
ay may kinalaman sa kalidad ng impormasyon lalo na kung ang
paksa ay madaling maapektuhan ng panahon tulad ng teknolohiya
o kaya’y ekonomiya. Dahil patuloy ang pag-unlad ng lipunan,
umuunlad din ang pag-aaral na nakapaloob dito.
6. Maaaring wala nang halaga ang isang impormasyon na matagal na
panahon nang naisulat dahil may mga bago nang impormasyong
nakalap hinggil dito.

___________________________________________________________________________
Page | 59 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

7. Ang kahalagahan ng impormasyon ay nakasalalay sa kung anong


uri ng impormasyon ang nais hanapin. Kung maghahanap ng de-
kalidad na impormasyon sa internet, kailangan matiyak muna natin
ang halaga nito sa ating inaaral o sinasaliksik. Alamin kung
mayroon ba itong sinasabing bago hinggil sa bagay na ating inaaral.
Kinakailangan ba itong malaman ng mga tao dahil makakaapekto
ito sa kanilang buhay? Ilan lamang iyan sa mga kailangang
isaalang-alang upang malaman ang kahalagahan ng impormasyon.

C. Gamit ang mga piraso ng kartolina na hugis bilog sa loob ng kahon,


piliin ang may nakasulat na paraan upang matiyak na de-kalidad ang
impormasyong nakalap at ang websites na pinggalingan nito, punan
ang espasyo ng graphic organizer.

TANDAAN NATIN:

Bawat website ay may layunin. Maaaring magbigay ang mga ito ng


makabuluhang impormasyon, makatulong sa iyong pagkatuto,
maging daan sa mas mabilis na komunikasyon, magbenta o di kaya
ay makapaglibang. Mahalagang maging mapanuri sa pagpili ng
website na pagkukunan ng impormasyon. Dapat din tandaan na
maging responsable at mapanuri sa mga impormasyong makukuha sa
Internet dahil hindi lahat ng mga ito ay tunay at may basehan. Upang
maiwasan ang pagkuha ng maling impormasyon, pumunta lamang sa
mga website na kilala at mapagkakatiwalaan

___________________________________________________________________________
Page | 60 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

Lagyan ng tsek ang kahon ng OO kung ang websites at


impormasyon na makikita dito ay may kalidad at ang kahon ng HINDI
kung walang kalidad.
Websites Oo Hindi
1. http://www.gov.ph/programs/conditional-
cash-transfer/
2. http://www.deped.gov.ph/
3. http://www.ched.gov.ph/
4. http://www.dilg.gov.ph/
5. ttp://www.ncmf.gov.ph/

PAGYAMANIN NATIN:

Gamit ang internet, kumilatis ng isang website at ang


impormasyon na makikita dito kung may kalidad o wala. Lagyan ng K ang
patlang bago ang bilang kung makikita ang nakasulat na pamantayan sa
ibaba o DK kapag hindi. Isulat ang pangalan ng website at ang iyong sagot sa
isang buong papel.

_______________1. Nailahad ng malinaw ang layunin ng website.

_______________2.. Malinaw ang mga impormasyong nakasulat.

_______________3. Gumagana lahat ng links.

_______________4. Makabuluhan ang mga impormasyong makukuha sa


website.

_______________5. Madaling malaman kung sino ang gumawa ng website.

SANGGUNIAN:

QUIPPERSHOOL.COM
https://www.google.com.ph/search?q=caterpillar+graphic+or
ganizer+blank&biw
Prepared by:
Marvin R. Leaño
Teacher I, Ibabao- Bana ES
___________________________________________________________________________
Page | 61 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT
Aralin 13 PAG BOOKMARK NG MGA WEBSITES

Nilalaman:

Naipapamalas ang kaalaman at


kasanayan na gamitin ang computer at
Pamantayang Pangnilalaman:
Internet sa pangangalap at
pagsasaayos ng impormasyon.
Nakagamit ng computer at Internet
Pamantayan sa Pagganap: sa pangangalap at pagsasaayos ng
impormasyon.

Code: EPP5IE-0e-13

Sa dami ng website sa internet na maaaring pagkalapan ng


impormasyon, minsan ay hindi mo na tanda ang pangalan ng mga ito.
Upang mabilis mong mabuksan ang website na iyong paborito, ang
pagbookmark ng mga WEBSITES ay makakatulong upang mabilis kang ma
access sa mga ito.

Sa araling ito, matutunahan mo ang pag bookmark ng websites


upang mabilis kang makakuha ng impormasyong nais mo

Layunin:

Nakakapag-bookmark ng mga websites.

ALAMIN NATIN:

Pangkatang Gawain: Gamit ang mga larawan sa ibaba. Isulat ang


website ng bawat isa metacard at ilagay ito sa folder.

___________________________________________________________________________
Page | 62 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ang mga sumusunod na katanungan ang gagawing gabay sa pag-uulat ng


bawat pangkat:

1. Ano-anong websites ang naisulat nyo sa metacard?


2. Ano ang silbi ng folder na pinaglagyan nyo ng mga metacards?
3. Makakatulong ba ang folder sa pagsasaayos ng websites?

Piliin ang mga paboritong web sites na madalas mong gamitin, ilagay ang
mga ito sa star na magsisilbing bookmarks sa mga websites na nais mong i-
bookmarks.

LINANGIN NATIN:

Pagbookmark ng Website
Ang bookmark ay napakahalagang katangian ng isang search engine na
makikita sa window ng halimbawa ay google. Ang bookmark ay parang
minahan ng piling-pili mo na mga gawa, datos, presentasyon at marami pang
iba.

___________________________________________________________________________
Page | 63 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Isagawa ang Paraan ng Pagbookmark ng Website


1. Sa URL bar hanapin ang STAR sign at i-click ito.

2. Lagyan ng title na gusto mo ang website na iyon at pangalanan


ang folder para madali itong Makita tuwing mo itong balikan. I-
click ang done.

3. Para buksan o balikan ang bookmark, i-click ang icon na may


tatlong maikling horizontal lines para mag-dropdown ang mga
commands. Pumunta sa bookmark, at puntahan ang folder. Maaari
ka gumawa ng folder ayon sa iyong pangangailangan.

Isa pang paraan ng pag-bookmark


1. Kung nakabukas ang website na nais mong i-bookmark,
pindutin lamang ng sabay ang Crtl + D.
2. Makikita mo ang kahon na katulad nito pindutin lamang ang
done.

___________________________________________________________________________
Page | 64 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Tingnan sa Bookmark bar ng Chrome kung makikita mo na


ang iyong kinopyang URL ng website

TANDAAN NATIN:

Ang bawat website ay may layunin na maaring makatulong sa atin sa


pagkalap ng impormasyon. Malaki ang tulong ng Pag bookmarks sa mga
website na paborito mo o lagi mong ginagamit dahil dito napapabilis ang pag
access mo at di mo na kailangan na magtype pa ng mahahabang url ng
websites. Tandaan I-click ang hugis bituin na button para isave ang address
ang website. Sa ganitong paraan madaling mabalikan ang save na address ng
websites kapag muli itong kailanganin.

GAWIN NATIN:

A. Gawain: Pagbookmark ng website.


Gamit ang computer at internet, subukang
ibookmark ang 5 websites na makakatulong sa iyo sa pagkalap
ng mga mahahalagang impormasyon.

Rubrics:
Puntos Batayan
5 Nakapagbookmarks ng 5 websites na maaaring pagkunan ng
impormasyon.
4 Nakapagbookmarks ng 4 websites na maaaring pagkunan ng
impormasyon.
3 Nakapagbookmarks ng 3 websites na maaaring pagkunan ng
impormasyon.
2 Nakapagbookmarks ng 2 websites na maaaring pagkunan ng
impormasyon.
1 Nakapagbookmarks ng 1 website na maaaring pagkunan ng
impormasyon.
___________________________________________________________________________
Page | 65 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

B. Tama o Mali
Isulat ang / kung tama ang diwa na isinasaad ng pangungusap at x
naman kung hindi.
_____1. Ang pagbookmark ng website na nakakatulong upang
mapadali ang pag-access sa mga paboritong websites.
_____2. Kahon ang simbolo ng bookmark.
_____3. Hindi maaaring mabookmark ang isang website.
_____4. Maaaring magbookmarks ng maraming websites.
_____5. Hindi nababalikan ang mga websites na nabookmark na.

PAGYAMANIN NATIN:

Balikan ang lahat ng mga websites na naibookmark na.


Surrin ang mga ito kung makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon na
magagamit sa pag-aaral. Isulat ang mga websites at lagyan sa tapat ng / kung
ito mainam na website at X naman kung hindi.

SANGGUNIAN:

dl.downloadastro.com
support.google.com

Prepared by:

EDISON G. GARCIA
Teacher III, Valle Cruz ES

___________________________________________________________________________
Page | 66 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGSASA-AYOS NG BOOKMARKS


Aralin 14

Naipapamalas ang kaalaman at


kasanayan na gamitin ang computer at
Pamantayang Pangnilalaman:
Internet sa pangangalap at
pagsasaayos ng impormasyon.
Nakagamit ng computer at Internet sa
Pamantayan sa Pagganap: pangangalap at pagsasaayos ng
impormasyon.

Code: EPP5IE-0e-14

Nilalaman:
Ang Bookmarks ay isang mahalagang bahagi ng browser. Ito ay isang
mahusay na paraan para sa browser upang matandaan ang isang webpage
upang maaaring nating panatilihing bumalik dito sa ibang pagkakataon.

Sa araling ito, matutunahan mo ang pagsasa ayos, pagdadagdag,


pagde-delete ng bookmarks.
Layunin:
Naisasaayos ang mga bookmarks.

ALAMIN NATIN:

Pangkatang Gawain: Pagsasaayos ng website.


Pangkatin sa apat ang klase. Bigyan ang mga pangkat ng logo ng
mga websites at ito ay iayos ng sunud-sunod paapabeto sa folder.

___________________________________________________________________________
Page | 67 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ang ang sumusunod na katanungan ang gagawing gabay sa pag uulat ng


bawat pangkat:
1. Anu-anong websites ang nasa larawan?
2. Ano ang silbi ng pagkakasunod sunod paalpabeto ng websites na
inilagay mo sa folder?
3. Makakatulong ba ang folder sa pagsasaayos ng websites?
Pagsasaayos ng Bookmarks
Ang pag bookmark ay isang link sa mga websites at paraan upang Ang
Bookmarks ay isang mahalagang bahagi ng browser. Ito ay isang mahusay na
paraan para sa browser upang matandaan ang isang webpage upang maaaring
naming panatilihing bumalik dito sa ibang pagkakataon.
Paano gamitin ang bookmarks bar
Kung gumagamit ka ng Chrome sa isang computer, maaari mong
palabasin ang iyong mga bookmark sa bar sa itaas ng bawat webpage. Maaari
ka ring magdagdag, mag-alis o magbago ng ayos ng mga item sa bookmarks bar
anumang oras.
Magdagdag ng mas maraming bookmark sa bar. Makakapaglagay ka
ng mas maraming item sa bookmarks bar sa pamamagitan ng pagpapaikli o
pag-aalis sa mga label ng mga ito. Narito kung paano:
1. I-right click (Windows) o i-control click (Mac) ang bookmark
na gusto mong i-edit.

2. Piliin ang I-edit.

3. Sa field na "Pangalan," mag-type ng mas maikling


pangalan. O i-delete nang tuluyan ang pangalan upang
isang favicon lang ang lalabas sa bar.

___________________________________________________________________________
Page | 68 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

4. I-click ang I-save.

Hakbang sa Pagsasaayos ng Bookmark Paalpabeto.


1. Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon
na nakikita mo: Menu o Higit Pa .

2. I-click ang Mga Bookmark> Manager ng Bookmark.

3. I-browse ang folder kung saan mo gustong isaayos ang iyong


mga bookmark ayon sa alpabeto.

4. Sa itaas ng iyong mga bookmark, i-click ang organize.

___________________________________________________________________________
Page | 69 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

5. I-click ang Muling Isaayos ayon sa Pamagat. Ngayon, kapag


binuksan mo ang menu ng Chrome at na-click ang Mga
Bookmark, makikita mo ang iyong mga bookmark na
nakalista sa ayos na ayon sa alpabeto.

Hakbang sa Pagdedelete ng folder ng bookmark


Maaari kang mag-delete ng folder ng bookmark anumang oras.
Ide-delete nito ang lahat ng bookmark dito at hindi mo na
maibabalik ang mga ito.
1. Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang
icon na nakikita mo: Menu o Higit Pa .

2. I-click ang Mga Bookmark>Manager ng Bookmark.

___________________________________________________________________________
Page | 70 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. I-hover ang iyong cursor sa folder na gusto mong i-delete.

4. I-click ang drop-down na arrow sa dulo ng row.

5. Sa lalabas na menu, i-click ang I-delete. Permanente


nitong ide-delete ang lahat ng bookmark na nasa folder na iyon.

___________________________________________________________________________
Page | 71 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Paraan nangpagpapalit ng pangalan ng folder ng bookmark


1. Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click
ang icon na nakikita mo: Menu o Higit Pa .
2. I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
3. I-hover ang iyong cursor sa folder na gusto mong palitan
ang pangalan.

4. I-click ang drop-down na arrow sa dulo ng row.

5. I-click ang rename at itype ang nais na pangalan.

LINANGIN NATIN:

A. Pagsunod sunurin ang mga paraan ng pagsasa-ayos ng bookmark


paalpabeto Lagyan ng bilang 1-5.

_______I-click ang Muling Isaayos ayon sa Pamagat. Ngayon, kapag binuksan


mo ang menu ng Chrome at na-click ang Mga Bookmark, makikita mo ang
iyong mga bookmark na nakalista sa ayos na ayon sa alpabeto.
_____Sa itaas ng iyong mga bookmark, i-click ang Isaayos.
______I-browse ang folder kung saan mo gustong isaayos ang iyong mga
bookmark ayon sa alpabeto.
______I-click ang Mga Bookmark>Manager ng Bookmark.
________Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na
nakikita mo: Menu o Higit Pa

___________________________________________________________________________
Page | 72 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

B. Pagsunod sunurin ang mga paraan ng pagdedelete ng folder ng


bookmarks. Lagyan ng bilang 1-5.
_________Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na
nakikita mo: Menu o Higit Pa
__________I-hover ang iyong cursor sa folder na gusto mong i-delete.
__________Sa lalabas na menu, i-click ang I-delete. Permanente nitong ide-
delete ang lahat ng bookmark na nasa folder na iyon.
________I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
________I-click ang drop-down na arrow sa dulo ng row.

C. Pagsunod sunurin ang mga paraan ng pagpapalit ng pangalan ng


folder ng bookmarks. Lagyan ng bilang 1-5.
_______I-click ang drop-down na arrow sa dulo ng row.
_______I-click ang Mga Bookmark>Manager ng Bookmark.
_______I-hover ang iyong cursor sa folder na gusto mong palitan ang
pangalan.
______ I-click ang rename at itype ang nais na pangalan.
_______Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na
nakikita mo: Menu o Higit Pa.

TANDAAN NATIN:

Malaki ang maitutulong ng kaalaman sa pagsasaayos ng bookmarks,


dahil dito mas mabilis nating makikita ang mga websites na nais nating
muling gamitin na maaaring makapagbigay sa ating ng impormasyon.

GAWIN NATIN:

A. Gawain: Buksan sa Chrome ang Bookmark Manager. Isaayos


paalpabeto ang mga saved bookmarks. Burahin din ang folder na
hindi na kailangan at palitan ng iyong pangalan ang folder na EPP.

Rubrics:
Puntos Batayan
4 Mahusay na naisayos paalpabeto ang bookmarks, nabura
ang folder na hindi na kailangan at napalitan ng pangalan
ang folder na EPP sa kanyang pangalan.
3 Mahusay na naisayos paalpabeto ang bookmarks at nabura
ang folder na hindi na kailangan ngunit hindi napalitan ng
___________________________________________________________________________
Page | 73 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

pangalan ang folder na EPP sa kanyang pangalan.


2 Mahusay na naisayos paalpabeto ang bookmarks ngunit
hindi nabura ang folder na hindi na kailangan at hindi
napalitan ng pangalan ang folder na EPP sa kanyang
pangalan.
1 Sinubukan gawin ang aktibidad ngunit hindi naisayos
paalpabeto ang bookmarks, hindi nabura ang folder na
hindi na kailangan at hindi napalitan ng pangalan ang
folder na EPP sa kanyang pangalan.

B. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang T kung tama ang diwa ng pangungusap at M
naman kung mali.
_____1. Maaaring burahin ang mga saved bookmarks.
_____2. Hindi napapalitan ang pangalan ng folder ng bookmarks.
_____3. Mas madali hanapin ang bookmark kung ito ay paalpabeto.
_____4. Sa kaliwang sulok ng toolbar makikita ang bookmark.
_____5. Maaaring ilagay sa folder ang mga bookmarks.

PAGYAMANIN NATIN:

Ayusin ang mga sumusunod na websites paalpabeto.

SANGGUNIAN:

dl.downloadastro.com
support.google.com

Prepared by:
EDISON G. GARCIA
Teacher III, Valle Cruz ES

___________________________________________________________________________
Page | 74 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGGAWA NG DIAGRAM NG ISANG PROSESO GAMIT


Aralin 15 ANG WORD PROCESSING TOOL
Nilalaman:

Naipapamalas ang kaalaman at


kakayahan sa paggamit ng
Pamantayang Pangnilalaman:
productivity tools sa paggawa ng
diagram at sa paglalagom ng datos.
Naipapakita ang impormasyon
Pamantayan sa Pagganap: tekstual sa pamamagitan ng diagram
gamit ang word processing tool.

Code: EPP5IE-0f-15

Nilalaman:

Ang diagram ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon


hinggil sa isang bagay o proseso. Ito rin ay tinatawag nating graph. Noon
hindi pa uso ang paggamit ng computer, ang mga diagram ay mano-manong
nililikha, ngayong makabagong panahon, maaari nang gamitin ang computer
upang gumawa ng diagram gamit ang word processing tool.

Layunin:

Nakakagawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing


tool.

ALAMIN NATIN:

Buuin ang mga salita gamit ang larawan na makikita sa ibaba.

c a

___________________________________________________________________________
Page | 75 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

l p t

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang tinutukoy sa dalawang picture puzzle?


2. Magbigay ng mga halimbawa para sa dalawang uri ng impormasyong ito.

Ano ang word processor?


Ang word processor o word processing application ay isang software
na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa pag-eedit at
pag-save ng mga ito sa computer file system.
Sa tulong ng word processing tools, maaari din nating isaayos ang
hugis na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa isang bagay o proseso
na impormasyon sa pamamagitan ng paggawa ng diagram.

Diagram
Ang diagram ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon
hinggil sa isang bagay o proseso. Ito rin ay tinatawag nating graph. Noon
hindi pa uso ang paggamit ng computer, ang mga diagram ay mano-manong
nililikha, ngayong makabagong panahon, maaari nang gamitin ang computer
upang gumawa ng diagram gamit ang word processing tool.

Halimbawa ng Diagram:

Sa Hapag ni Edison
Menu
Breakfast Dinner
Lunch
Hotsilog with Fried Chicken
coffee Menudo
Gising-gising
Afritadang Manok
Chicken Lugaw Chopsuey
Pinakbet
Hot cake

Hakbang sa Paggawa ng Diagram sa Microsoft Word


1. Sa toolbars na matatagpuan sa pinaka-itaas ng Word pindutin ang
Insert. Pagkatapos pindutin naman ang “SmartArt”.

___________________________________________________________________________
Page | 76 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

2. Pagkatapos pindutin ang “SmartArt” lalabas ang isang dialog box. Sa


dialog box na ito, piliin ang process na matatagpuan sa kaliwang
bahagi ng kahon. Maaaring pumili batay sa iyong kagustuhan upang
ilahad ang proseso ng paglalaba.

3. Sa mga kahon na may nakasulat na “Text” ilalagay ang mga hakbang o


prosesong dadaan. Maaaring isulat sa nasa kaliwang “Text Pane” o sa
mismong kahon na nasa pahina sa pamamagitan lamang ng pag-click
sa salitang Text. Kapag may lumabas na tuwid na linya na parang “l”
maaari nang simulan ang pagsusulat.

___________________________________________________________________________
Page | 77 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

4. Pagkatapos maisulat ang lahat ng detalye o prosesong dapat daanan


at mapansing kulang ang mga kahon, maaaring madadagdagan ang
mga ito sa pamamagitan ng pagpindot sa Add Shape na makikita sa
Toolbar.

5. Maaaring palitan ang design ng mga kahon sa pamamagitan ng pag-


click sa “Smart Art Styles”.

___________________________________________________________________________
Page | 78 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

6. Maaari ring palitan ang kulay ng diagram sa pag-click ng “Change


Colors”.

7. Gamit ang Format Toolbar/ Tab, sa pamamagitan nito maaaring


magdagdag o magbago ng kulay ng text , outline at kulay ng diagram.

8. Maliban sa paggamit ng Smart Art maaari ring mano-manong gawin


ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga Shapes.

___________________________________________________________________________
Page | 79 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

9. Pagkatapos piliin ang nais na shape, mano- mano itong i-drawing gamit
ang mouse.

10. Maaaring i-format ang shapes gamit ang Drawing Tools. Sa Format ng
task toolbar, makikita ang Shape Styles, Shadow Effects, 3-D Effects, Insert
Shapes at iba pa.

___________________________________________________________________________
Page | 80 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Hakbang sa Paggawa ng Process Vertical Diagram


Subukan naman
nating gumawa ng
processes diagram gamit
ang word processing
application. Sundan ang
sumusunod na hakbang.
1. Buksan ang
inyong word processing
application.
2. I-click ang Insert
tab na makikita sa gawaing
itaas ng inyong screen. I-
click ang SmartArt button.
3. Sa list button
hanapin ang vertical
process.
4. I-type ang datos sa
diagram

LINANGIN NATIN:

Piliin ang titik ng tamang sagot:


1. Ito ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa isang
bagay o proseso.
a. Chart b. Tools c. Diagram d.
Speadsheet
2. Ito isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na
dokumento, sa pag-eedit at pag-save ng mga ito sa computer file system.
a. Word Processor c. Spread Processor
b. Processesing Tools d. Diagram
3. Word processing tool na ginagamit upang makagawa ng isang diagram o
plano.
a. Smart Art b. Clip Art c. Diagram d. Graph

4. Maliban sa SmartArt ay maari ding gumamit ng _________ para gumawa


ng chart?
a. shape b. columns c. tabs d. space

5. Anong diagram ang tawag dito ? ?

a. cycle b. Process c. List d. Hierarchy

___________________________________________________________________________
Page | 81 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Ang diagram ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon


hinggil sa isang bagay o proseso. Ang word prossesor o word processing
application ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga
tekstuwal na dokumento, sa pag-eedit at pag-save ng mga ito sa
computer file system.

GAWIN NATIN:

I-click ang SmartArt at piliin ang Alternative flow chart upang ipangkat ang
mga sumusunod na pagkain ayon sa kanilang uri.

Go Foods Glow Foods Grow Foods

Rubrics:
Puntos Batayan
4 Mahusay na maipangkat ang mga pagkain gamit ang
alternative flow chart.
3 Mayroong pagkakamali sa pagkakapangkat ng pagkain
gamit ang alternative flow chart.
2 Naipangkat ang pagkain ngunit hindi alternative flow chart
ang nagamit.
1 Hindi natapos ang pagkakapangkat ng pagkain.

___________________________________________________________________________
Page | 82 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

PAGYAMANIN NATIN:

Taglay mo na ang mga sumusunod na kaalaman at kasanayan? Lagyan ng


tsek (/) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o sa thumbs updown
kung hindi pa.

Kasanayan/Kaalaman

1. Natutukoy ang gamit ng SmartART


2. Nakagagamit ng word processing toold sa
paggawa ng diagram
3. Naisasaayos sa diagram ang lipon ng mga salita
at impormasyon upang mas lalo itng maintindihan
4. Nababago (edit) ang properties ng diagram
upang mas maging Kaaya- aya
5. Nakagagamit ng word processing tools sa
paggawa ng diagram

SANGGUNIAN:

http://www.bbc.co.uk/education/guides/z7xcwmn/revision
pixabay.com/en/paperclip-clip-office-178126/
http://microsoft_word.tl.downloadastro.com/

Prepared by:

EDISON G. GARCIA
Teacher III, Valle Cruz ES

___________________________________________________________________________
Page | 83 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGSUSURI NG IMPORMASYON


Aralin 16 GAMIT ANG ICT

Naipapamalas ang kaalaman at


kakayahan sa paggamit ng
Pamantayang Pangnilalaman:
productivity tools sa paggawa ng
diagram at sa paglalagom ng datos.
Nilalagom ang impormasyong
numerical gamit ang mga basic
Pamantayan sa Pagganap:
function at formula sa electronic
spredsheet tool.

Code: EPP5IE-0f-16

Nilalaman:
Gamit ang electronic spredsheet tool ay mas mapapadali natin ang
pagtutuos. Dahil dito ay mas mabilis ang paglalagom ng mga numerical na
impormasyon na ating kailangan. Ang Microsoft Excel ay isa sa
pinakamainam na software na magagamit natin sa pagtutuos ng data.
Sa aralin ito ay malalagom natin ang mga impormasyong numerical
gamit ang mga basic function at formula sa electronic spredsheet tool.
Layunin:
Nakakagamit ng mga basic function at formula sa electronic
spreadsheet upang malagom ang datos.

ALAMIN NATIN:

Kaya ko ba ito?

Taglay mo na baa ng sumusunod na kaalaman at kasanayan? Lagyan ng tsek


( / ) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o thumbs down icon
kung hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1. Naiisa-isa ang mga basic functions at formula sa


spreadsheet application.
2. Nagagawa ang simpleng pagtutuos gamit ang
formula (AUTOSUM) sa spreadsheet application.
3. Nagagawa ang simpleng pagtutuos gamit ang mano
manong paggawa ng formula sa spreadsheet
___________________________________________________________________________
Page | 84 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

application.
4. Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet upang malagom ang mga
marka, edad at timbang
5. Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet upang malagom ang
puhunan, benta at tubo.

Ang Kabuuang Mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Valle Cruz


Ang Paaralang Elementarya ng Valle Cruz ay may sumusunod
na mag-aaral:
Baitang Lalake Babae Kabuuan
Kinder 55 60
Baitang I 56 54
Baitang II 54 49
Baitang III 53 44
Baitang IV 51 49
Baitang V 49 51
Baitang VI 44 47
Kabuuan
Nais malaman ni Mrs. Quiazon, Punong-guro ng paaralan ang
kabuuang mag-aaral ng bawat baitang at kabuuang mag-aaral ng paaralan.
May magagamit ba natin ang computer upang mabilis na malaman ang data
ng paaralan? Anong software ang magagamit natin upang mabilis na
malaman ang data ng paaralan?
Ang Microsoft Excel

Ang Microsoft, isa sa pinakakilalang lumilikha ng software may


electronic spreadsheet, ito ay ang Microsoft Excel na binubuo ng maraming
mga cells.
Maaari itong gamitin kung nais pagsama-samahin ang mga datos na
nakalap sa internet man o saan mang maaaring pagmulan ng impormasyon.
Maaari ding gamitin ang Excel sa accounting o pagtutuos ng mga gastos at
pera na pumasok. Naglalaman din ito ng marming mga formula upang
makamit ang iba pang pakinabang nito.
Kung gumagamit ng Microft Excel 2010, ganito ang larawang makikita
kapag binuksan ang excel.

___________________________________________________________________________
Page | 85 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Maaaring maglagay ng halaga o numero mula sa alinman sa mga


cell.Kung nais kunin ang sum o kung gustong pagsama-samahin ang halaga,
maaaring gumamit ng dalawang paraan. Una, maaaring i-click at idrag
lamang ang mouse upang pagsama-samahin ang mga halaga at i-click ang
“formulas” na matatagpuan sa itaas ng spreadsheet at i-click ang Auto Sum.

Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel. Pagkatapos mapindot ang


“Autosum” lalabas na ang resulta. Siguraduhing pasobrahan ang cell na ida-
drag kung saan awtomatikong mailalagay ang pinagsama-samang halaga.
Ikalawa, maaaring gamitin ang mano-manong paggawa ng formula sa isang
cell, kagaya ng nasa larawan sa ibaba:

___________________________________________________________________________
Page | 86 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Maari ding gumawa ng formula na nag-uumpisa sa equal sign,


pagkatapos ay sinusundan ito ng parenthesis (). Sa loob ng parenthesis
matatagpuan ang mga cell na nais pagsama-samahin. Maaaring ilagay ang
mga cell nang mano-mano o ilagay ito sa pamamagitan ng pag-click sa cell na
nais ilagay pagkatapos ay sundan ito ng plus sign +. Kung higit sa dalawa
ang cells na nais pagsamahin kailangan ilagay ang plus sign + sa pagitan ng
mga cell katulad ng ipinapakita sa larawan sa itaas. Pagkatapos ilagay ang
mga cell, pindutin lamang ang “Enter” o i-click lamang ang mouse o cursor saan
man sa spreadsheet at lalabas na ang resulta ng pinagsamang mga numero.

• Ang ganitong uri ng paraan ng pagtutuos o paggamit ng


function at formula ay nag-iiba lamang sa gamit. Halimbawa, kung may nais
mag-subtract, gagamit lamang ang minus sign (-) sa pagitan ng mga cell na nais
pagbawasin.

___________________________________________________________________________
Page | 87 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

• Samantala, ginagamit naman ang asterisk * kapag nais i-


multiply ang dalawang numero o higit pa.

• Kapag nais namang i-divide ang dalawang numero


ginagamit ang slash /.

Ang nasa itaas ay ilan lamang sa mga basic functions at formula


na maaaring gamitin. Ganunman, marami pang makikitang mga
formula sa “Formula Tab” ng Excel .

___________________________________________________________________________
Page | 88 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

GAWAIN A: Paglalagom ng datos gamit ang Auto Sum.

1. Magbukas ng electronic spreadsheet at ipasok ang mga datos. Gamit ang


AUTOSUM kuhanin ang kabuuan ng score ng bawat mag-aaral ni G.
Garcia.

2. Kuhanin ang kabuuang kita ng 3 tindahan bawat araw sa loob ng limang


araw gamit ang AUTOSUM

___________________________________________________________________________
Page | 89 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Gawain B: Paglalagom ng datos gamit ang mano-manong paggawa ng


formula.
Halimbawa: Gamitin ang formula na =(B2+C2+D2+E2+F2/5) para kay
Student 1.

TANDAAN NATIN:

Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel. Ang paggamit ng electronic


spreadsheet ay nakatutulong upang mapadali at mapabilis ang
pagbuo ng mga datos gamit ang mga function at formula.
Maaaring gumamit ng dalawang paraan sa paglalagom ng
datos:
 Una, ang “Autosum” na matatagpuan sa itaas ng
spreadsheet.
 Ikalawa, ang mano-manong paggawa ng formula sa
isang cell.

___________________________________________________________________________
Page | 90 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

A.
GAWIN NATIN:

MAGSIYASAT TAYO!

1. Bumuo ng apat na pangkat sa klase.


2. Siyasatin ang mga datos na ibibigay ng guro na nasa electronic spreadsheet
sa inyong computer.
Pangkat I : Kabuuang Timbang at Edad ng bawat kasapi ng
pangkat
Pangkat II : Kabuuang nakuha ng bawat kasapi ng pangkat sa
unang pagsusulit sa EPP at Math
Pangkat III : Kabuuang nakuha ng bawat kasapi ng pangkat sa
unang pagsusulit sa English at Filipino.
Pangkat IV : Kabuuang nakuha ng bawat kasapi ng pangkat sa
unang pagsusulit sa MSEP at HEKASI.
3. Gamitin ang mga function at formula sa electronic spreadsheet upang
malagom ang mga datos ng bawat grupo.
4. Pumili ng kasapi na mag-uulat. Ipresinta ang nalagom na datos sa klase.

Rubrics:
Puntos Batayan
4 Mahusay na natuos ang hinihingi sa bawat pangkat gamit
ang electronic spreadsheet.
3 May 1 pagkakamali sa pagkaktuos ang pangkat pangkat
gamit ang electronic spreadsheet.
2 Walang natamang natuos ang pangkat gamit ang electronic
spreadsheet.
1 Hindi natapos sa aktibidad.

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa inyong papel.

1. Ito ang tawag sa spreadsheet ng Microsoft.


a. Word b. Excel c. Power Point d. Publisher
2. Ano ang ibig sabihin ng icon na ito?
a. Formula b. Function c. Average d. Autosum
3. Ano ang ilalagay sa unahan ng formula?
a. (=) equal b. (+) plus c. (*) asteris d. (/) slash
4. Ito ang ginagamit kung nais i-divide ang isang cell sa isa pa.
a. (*) asteris b. (=) equal c. (/) slash d. (+) plus
5. Ito naman ang ginagamit upang mag-multiply na isang cell sa isa pa o
higit pa.
a. (*) asteris b. (=) equal c. (+) plus d. (/) slash
___________________________________________________________________________
Page | 91 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Kaya ko na ba ito?
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Lagyan ng tsek
( / ) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o thumbs down icon
kung hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1. Naiisa-isa ang mga basic functions at formula sa


spreadsheet application.
2. Nagagawa ang simpleng pagtutuos gamit ang
formula (AUTOSUM) sa spreadsheet application.
3. Nagagawa ang simpleng pagtutuos gamit ang
mano-manong paggawa ng formula sa spreadsheet
application.
4. Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet upang malagom ang mga
marka, edad at timbang
5. Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet upang malagom ang
puhunan, benta at tubo.

PAGYAMANIN NATIN:

Si G. Samson ay mayroon taniman ng talong. Kung


nakapagbenta siya ng P1,200 noong June 13, 2016, P650 noong June 20, 2016 at
P750 noong June 27, 2016, Magkano ang kanyang kabuuang napagbilhan ng
talong. Tuusin ito gamit ang autosum ng Microsoft Excel.

SANGGUNIAN:

NICDAO, RUTH MERILYN N. ( 2013 ). Computer @ Work 6. Neo Asia


Publishing Inc.
ANDES, MHERY-ANN S. , ANDES, ANTONIO Sr. S. ( 2012 ). My Computer
Book 6. National Book Store.
Http//:quipperschool.com ( K-12 ICT - grade 5 )

Prepared by:
EDISON G. GARCIA
Teacher III, Valle Cruz ES
___________________________________________________________________________
Page | 92 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGSUNOD SA USAPAN SA ONLINE DISCUSSION


Aralin 17 FORUM AT CHAT

Naipapakita ang kaalaman at


kasanayan sa pagsali sa discussion
Pamantayang Pangnilalaman:
forum at chat sa pamamahagi ng mga
dokumento at media files.
Nakapamamahagi ng mga
Pamantayan sa Pagganap: dokumento at media files sa file
sharing website at discussion group.
Code: EPP5IE-og-17-18

Nilalaman:

Ang online discussion at chat at discussion forum at nakakatulong sa mas


mabilis na komunikasyon. Ito ay magagamit kung ikaw ay may access sa
internet. Sa isang online discussionforum at chat, kailangang ang mga myembro
ay naka-online upang makasali sa usapan sa isang forum o chat. Kailangan
maging responsable sa pagagamit ng internet at sa pakikipag-chat sa iba.

Layunin:

Nakakasunod sa usapan sa online discussion forum at chat.


Nakapag-post ng sariling mensahe sa discussion forum at chat.

ALAMIN NATIN:

Kaya ko ba ito?

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na kaalaman o kasanayan?


Tsekan ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung
hindi pa.

Kaalaman/Kasanayan

1. Nakasusunod sa usapan sa isang onlinediscussion


forum at chat
2. Natutukoy ang mga website na may ganitong
kalakaran.

___________________________________________________________________________
Page | 93 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Nakapagpopost ng sariling mensahe sa online


discussion forum at chat.
4. Nakasasali sa mga group chat.

5. Naisasaalang-alang ang tamang pag-uugali sa


paggamit ng internet o pagsali sa isang online
forum.

Tingnan ang larawan:

Pangkatang Gawain: Pass the Message.


1. Pangkatin sa apat ang klase.
2. Pumili ng leader ang bawat pangkat.
3. Tanging ang leader lamang ang nakaharap at nakatalikod
ang bawat miyembro.
4. Ipapakita ng guro ang salita sa mga leaders. Kailangan
maipasa ng leaders ang mensahe sa miyembro ng hindi
gagamit ng salita. Gagawin ito ng kasunod na miyembro sa
kasunod niya hanggang makarating sa pinakadulong
miyembro.
5. Ang pinakadulong miyembro ay pupunta sa guro at
sasabihin ang salita.

___________________________________________________________________________
Page | 94 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

6. Ang pinaka-unang miyembro na makapagsabi ng tamang


salita ang panalo.

Tanong:
Madali ba ang ganitong paraan ng komunikasyon?
Paano kaya mapapabilis ang paraan ng komunikasyon sa iba gamit
ang ating computer.
Online Discussion Forum at Chat
Kapag nakasali na sa isang online discussion forum at chat, ang kasunod
na responsibilidad dito ay ang paraan upang masundan ang mga usapan sa
loob ng isang thread o buong forum. Dahil sa loob ng isang online discussion
forum maraming mga thread o topic na maaring pag-usapan, responsibilidad
ng mga kasapi ng grupo na sundan ang mga post na ito upang maiwasan na
rin ang paulit-ulit na post o pare-parehong tema sa loob ng discussion forum o
chat.

Mga Dapat Tandaan/Ilang Paalala


1. Basahin ang mga naunang post sa discussion forum o mensahe sa chat bago
mag-post o mag-iwan ng mensahe.
 Ito ay upang matiyak na hindi paulit-ulit ang mga post sa discussion
forum
 Ito rin ay upang matiyak bilang isang kasapi ng group responsible at
masinsin na nasusundan o naaaral ang ilang mga post.
 Upang maging responsible sa anumang komentong gagawin sa loob
ng thread.
2. Alamin ang mga post na hindi pa nababasa. Ang mga post na hindi pa
nababasa ay kadalasan nakabold ang mga letra o kaya naman ay iba ang
kulay. Halimbawa sa Yahoo Groups, ang kulay ng topic o thread na hindi pa
nabubuksan ay kulay asul ngunit pagkatapos itong mabasa ay magiging
kulay abo. Siguraduhing nabuksan ang mga topic upang makasunod sa mga
pinag-uusapan sa group.
3. Sa Yahoo Groups, makikita ang mga “Trending Topic.” Trending ang topic
kung ito ay nakakuha ng maraming post o reply. Makikita ang Trending
Topic Button sa kanang bahagi ng ng pahina ng Yahoo Group.
4. Sa Facebook naman, may ipinapadalang notification sa iyong account kung
sakaling may mga ng-update o nagpost ng mga bagong mensahe o topic sa
iyong group na sinalihan. Kung kaya magiging palagiang i-tsek ang iyong
notification box na makikita sa pinaka-itaas na pahina ang may hugis mundo
na icon katabi ng icon ng mensahe.
4. Sa Facebook Chat Group, makikita naman ang mga bagong mensahe sa
icon na katabi ng mundo o notification. Makikita doon kung ilang mga
mensahe o post ang hindi pa nakikita. Kapag nakita na ang mga mensahe
mawawala ang mga numero na nakapula. Makikita rin sa chat box kung sino-
sino ang nakakita ng post o mensahe dahil may makikitang “Seen by” sa
ilalim ng mga mensahe.

___________________________________________________________________________
Page | 95 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

5. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga paalaala sa pagsunod sa mga usapan sa
online forum at chat. Ang responsableng paglahok sa isang online discussion
o chat ay may kaakibat na obligasyon tulad ng pagsunod sa mga pinag-
uusapan para na rin sa sariling pang-unawa sa daloy ng thread.

Narito ang mga hakbang ng


Pagsasagawa ng Chat o Forum
sa Facebook

1. Gumawa ng acoount o
mag-log-in sa facebook.

2. Kung nais na
magpadala ng mensahe
, i-click lamang ang
icon na katabi ng hugis
mundo na nasa kaliwa.

3. Pagkatapos pindutin
ang icon na iyon, may
lalabas na chatbox sa
ibaba ng Facebook page
sa kanang bahagi. Sa
ibaba ng chatbox na ito
may makikitang
espasyo sa tabi ng
larawan na camera at
smileys , doon
maaaring isulat ang
mensahe na ipapadala
sa mga miyembro ng
chat group.
___________________________________________________________________________
Page | 96 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

4. Samantala kung nais


magdagdag ng kasapi sa chat
room na ito i-click lamang ang
icon ng dalawang tao na may
"plus" sign.

5. Pagtapos i-click ang icon na


iyon, may lalabas na isang
maliit na box sa ilalim ng
pangalan at ng mga icon.

6. Sa loob ng box na ito


maaaring i-type ang pangalan
ng mga nais maging kasapi
ng group chat. Pag napili na
ang lahat ng nais maging
miyembro pindutin ang “
DONE”. Lahat ng post o
mensahe na inilagay sa chat
box na ito ay makikita ng
lahat ng kasapi ng chat group.

LINANGIN NATIN:

Ipangkatang mga mag-aaral sa apat. Pumili ng isang leader ang bawat


pangkat. Magsagawa ang bawat pangkat ng group chat. Pag-usapan ang
gawaing bahay sa iba’t-ibang asignatura.

___________________________________________________________________________
Page | 97 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

TANDAAN NATIN:

Malaking tulong sa mabilis at epektibong komunikasyon ang kaalaman


at kasanayan sa pagsunod sa usapan at pagpost ng sariling mensahe sa online
discussion forum at chat. Kaakibat rin nito ay ang pagiging responsable sa
anumang gagawing komento sa loob ng thread.

GAWIN NATIN:

A. Gawain: Gamit ang sariling facebook account, nakipag-chat sa kamag-aral.


Pag-usapan ang paboritong asignatura. Ipakita ito sa inyong guro. Maari
din itong i-screen shot at ipadala sa inyong guro.

Rubrics:

Puntos Batayan
4 Naisagawa ng maayos ang online discussion forum o chat
at sumusunod sa responsableng paggamit ng internet.
3 Naisagawa ng maayos ang online discussion forum o chat
ngunit hindi naging responsible sa paggamit ng internet.
2 Nabuksan ang facebook account ngunit hindi makapagsend
ng mensahe.
1 Sinubukan ang aktibidad ngunit hindi nagawang gumawa
ng account sa facebook.

B. Tama o Mali
Panuto: Isulat ang T kung tama ang diwa ng pangungusap at M naman kung
mali.
______1. Maaari maging malaya at sabihin ang lahat ng komentaryo sa
pakikipag-chat.
______2. Mas mapapabilis ang komunikasyon gamit ang online discussion
forum at chat.
______3. Maaaring magkomentaryo kahit hindi pa nababasa ang buong post.
______4. Pwedeng makipaggroup-chat sa facebook.
______5. Lahat ng impormasyon na makikita sa facebook ay tama.

___________________________________________________________________________
Page | 98 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Kaya ko na ba?
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Tsekan ang
hanay ng thumbs upicon kung taglay mo na o thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman/Kasanayan

1. Nakasusunod sa usapan sa isang online


discussion forum at chat
2. Natutukoy ang mga website na may ganitong
kalakaran.
3. Nakapagpopost ng sariling mensahe sa online
discussion forum at chat.
4. Nakasasali sa mga group chat.
5. Naisasaalang-alang ang tamang pag-uugali sa
paggamit ng internet o pagsali sa isang online
forum.

Paghambingin ang naging resulta ng sagot mo sa simula at pagkatapos


ng araling ito.

PAGYAMANIN NATIN:

Nakipag-chat sa kamag-aral at pag-usapan ang natutunan sa ICT.

SANGGUNIAN:

https://school.quipper.com
www.facebook.com

Prepared by:

EDISON G. GARCIA
Teacher III, Valle Cruz ES

___________________________________________________________________________
Page | 99 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGSISIMULA NG BAGONG DISCUSSION THREAD O


Aralin 18 PAGBUO NG SARILING DISCUSSION GROUP

Naipapakita ang kaalaman at


kasanayan sa pagsali sa discussion
Pamantayang Pangnilalaman:
forum at chat sa pamamahagi ng mga
dokumento at media files.
Nakapamamahagi ng mga
Pamantayan sa Pagganap: dokumento at media files sa file
sharing website at discussion group.
Code: EPP5IE-0g-19

Nilalaman:

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang nakakapagsimula ng bagong


discussion thread o nakakabuo ng sariling discussion group.

Madalas nating gamitin ang internet para sa komunikasyon. Mas


lumalawak ang ating pag-iisip dahil sa komunikasyon. Kung gayon,
mahalagang matutuhan natin ang iba’t ibang paraan ng paggawa ng
discussion thread o discussion group sa Internet upang doon makapagpalitan ng
kaalaman, kuro-kuro at opinyon.

Layunin:

1. Nakapagsisimula ng bagong discussion thread o nakakabuo ng


sariling discussion forum.

ALAMIN NATIN:

Kaya mo na ba?

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na kaalaman o kasanayan?


Tsekan ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down
icon kung hindi pa.

Kaalaman/Kasanayan

1. Naipaliliwanag ang kung ano ang discussion


group.
2. Nakapagsisimula ng bagong thread o discussion
group.

___________________________________________________________________________
Page | 100 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Naipakikita ang responsableng paggamit ng


internet.

Tingnan ang mga sumusunod na larawan.

Tanong:
1. Ano ang mga larawang ito?
2. Nagamit na ba ninyo ang mga ito?
3. Nakagawa na ba kayo ng sariling discussion group?

Online Discussion Group


Ang discussion group ay isang impormal na pagtitipon online ng mga
indibidwal upang magpalitan ng impormasyon hinggil sa maraming bagay.
May mga iba,t ibang websites na may ganitong kalakaran na maaari
mong salihan tulad ng Facebook, Google, Yahoo at Skype
Sa facebook, nagtatagpo-tagpo ang mga magkakakilala at hindi
magkakakilala o kaya’y mga tao mula sa iba’t ibang lugar at iba’t ibang bansa.
Bukod sa pakikipagkaibigan, mahusay kung mapapakinabangan natin ang
facebook at iba pang social networking sites upang bumuo ng komunidad na
nag-uusap tungkol sa isang makabuluhang bagay. Narito ang paraan upang
makagawa ng group sa facebook na magagamit upang makapagtalakayan.

___________________________________________________________________________
Page | 101 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Pagsisimula ng Discussion Thread o Discussion Group Gamit ang


Facebook

1. Mag-log in sa Facebook.

2. Sa gawing kaliwa ng
facebook, hanapin ang
create group at i-click ito.

3. Sagutan ang mga hinihingi


tulad ng pangalan ng group.

4. Pumili ng naaayong privacy


setting. Ang mga pagpipilian
sa privacy setting ay Public,
Closed at Secret.

___________________________________________________________________________
Page | 102 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

5. Pagkatapos bumuo
ng discussion group, maaari
nang mag-post sa group ng
pag-uusapang paksa o di
kaya ay isang tanong na
magsisimula ng diskusyon.

Pagsisimula ng Discussion Thread o Discussion Group Gamit ang Google


Group

1. Pumunta sa Google page.


Hanapin ang itsurang tiles sa
gawing kanan sa itaas ng
pahina. Pindutin ito.

2. Hanapin ang group. Kung


hindi agad makita ang
group, pindutin ang “Higit
Pa” para makita ang iba
pang pagpipilian. Lalabas
ang iba’t ibang produkto ng
Google. Hanapin ang Social,
sa ilalim nito makikita ang
Group.

___________________________________________________________________________
Page | 103 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Pindutin ang Group.


Hanapin ang “Lumikha
ng Pangkat” at pindutin
ito.

4. Mag-log-in sa Google
account.

5. Sagutan ang mga


hinihingi upang
makabuo ng Group o
Pangkat. Sagutan ang
Group Name, Group
email-address at
deskripsyon ng pangkat.

___________________________________________________________________________
Page | 104 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

6. Sagutan ang iba pang


kinakailangan tulad ng
wika na gagamitin sa
pangkat.
7. Pumili ng uri ng group
na nais likhain. Kung
nais na bumuo ng
sariling discussion group
o discussion thread,
maiging piliin ang Web
forum.
8. Piliin ang setting ng pangkat. Pipili sa dalawa: Kung nais na mga
miyembro lamang ang makakita at makapag-post o ‘di kaya ang
pampubliko.

9. Pindutin ang Create sa


itaas.

10. Isulat ang verification code.

11. Maaari nang mag-imbita ng


mga miyembro ng pangkat.
12. Pagkatapos mag-imbita ng
mga miyembro ay maaari
nang mag-post ng paksa na
nais pag-usapan.

___________________________________________________________________________
Page | 105 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

LINANGIN NATIN:

Ipangkat sa apat ang klase. Gamit ang mga google account magkaroon
ang bawat pangkat ng discussion thread o discussion group. Gamitin ang
pangalan ng pangkat bilang pangalan ng group sa google. Ang magiging
miyembro ng google group ay ang miyembro ng ng bawat pangkat.

Rubrics:

Puntos Batayan
4 Nakagawa ng discussion thread o discussion group at lahat ng
kagrupo ay naging miyembro ng google group.
3 Nakagawa ng discussion thread o discussion group at may
1 sa kagrupo ang hindi naging miyembro ng google group.
2 Nakagawa ng discussion thread o discussion group at may
2 sa kagrupo ang hindi naging miyembro ng google group.
2 Nakagawa ng discussion thread o discussion group at may
3 sa kagrupo ang hindi naging miyembro ng google group.
1 Nakagawa ng discussion thread o discussion group at may
4 o higit pa sa kagrupo ang hindi naging miyembro ng
google group.

TANDAAN NATIN:

Ang pagbuo ng discussion threads o discussion group ay


nakakatulong sa mabilis sa pagbibigay ng impormasyon. Marami pang
ibang paraan upang makagawa ng discussion group sa internet upang
mamaksima ito sa kapakinabangan ng bawat gumagamit. Ang mga
nabanggit ay ilan lamang sa mga maaaring gamitin upang makagawa
ng discussion group.Inaasahan ang responsableng paggamit ng
internet sa ating lahat.

___________________________________________________________________________
Page | 106 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

GAWIN NATIN:

A. Gawain: Balikan ang mga google group na nagawa kanina.


Magkaroon ng talakayan at pagpapalitan ng impormasyon ang
mga miyembro ng bawat grupo. Maging responsable sa
paggamit ng internet.

Rubrics:

Puntos Batayan
5 Nagkaroon ng talakayan ang mga miyembro ng bawat
grupo at lahat ng miyembro ay nakalahok sa talakayan.
4 Nagkaroon ng talakayan ang mga miyembro ng bawat
grupo at may 1-2 miyembro ang hindi nakasali sa
talakayan.
3 Nagkaroon ng talakayan ang mga miyembro ng bawat
grupo at may 3-4 miyembro ang hindi nakasali sa
talakayan.
2 Nagkaroon ng talakayan ang mga miyembro ng bawat
grupo at may 5-6 miyembro ang hindi nakasali sa
talakayan.
1 Nagkaroon ng talakayan ang mga miyembro ng bawat
grupo at may 7 o higit pang miyembro ang hindi nakasali
sa talakayan.

B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Upang makabuo ng google group ay dapat hanapin ang hugis ___
sa google page.
A. puso B. bilog
C. tiles D. oblong
2. Ito ay isang impormal na pagtitipon online ng mga indibidwal
upang magpalitan ng impormasyon hinggil sa maraming bagay.
A. Discussion Board C. Discussion Group
B. Discussion Class D. Online Chat
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamitin sa paggawa ng
discussion thread o discussion group?
A. Facebook C. Internet
B. Google D. Yahoo
4. Ano ang maaaring pag-usapan sa mga discussion thread o sa
discussion group?
A. Buhay ng kapitbahay C. Mga problema sa buhay
B. Makabuluhang bagay D. Mga tsismis tungkol sa artista

___________________________________________________________________________
Page | 107 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

5. Kung nais mo na miyembro lamang ng grupo ang makakakita ng


mga post at conversation ng grupo, ano ang dapat mong piliin sa
privacy settings ng group?
A. Closed C. Secret
D. Public D. Private

PAGYAMANIN NATIN:

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga paraan ng pagsisimula ng bagong


discussion
thread o discussion group gamit ang Google. Gamitin ang numero 1 –
10 upang
maipakita ang pagkakasunod-sunod nito.

_____ 1. Mag-log-in sa Google account.


_____ 2. Maaari nang mag-imbita ng mga miyembro ng pangkat.
_____ 3. Sagutan ang mga hinihingi upang makabuo ng Group o Pangkat
Sagutan ang Group Name, Group email-address at deskripsyon ng
pangkat.
_____ 4. Pagkatapos mag-imbita ng mga miyembro ay maaari nang mag-post
ng
paksa na nais pag-usapan.
_____ 5. Pumunta sa Google page. Hanapin ang itsurang tiles sa gawing kanan
sa itaas ng pahina.
_____ 6. Piliin ang setting ng pangkat. Pipili sa dalawa: Kung nais na mga
miyembro lamang ang makakita at makapag-post o ‘di kaya ang
pampubliko.
_____ 7. Pindutin ang Group. Hanapin ang “Lumikha ng Pangkat” at pindutin
ito.
Mag-log-in sa Gmail.
_____ 8. Pindutin ang Create sa itaas.
_____ 9. Pumili ng uri ng group na nais likhain. Kung nais na bumuo ng
sariling
discussion group o discussion thread, maiging piliin ang Web forum.
_____10. Isulat ang verification code.

SANGGUNIAN:

https://school.quipper.com
www.facebook .com

___________________________________________________________________________
Page | 108 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAMAMAHAGI NG MEDIA FILE GAMIT ANG ISANG


Aralin 19 FILE SHARING WEBSITE O DISCUSSION SA FORUM

Naipapakita ang kaalaman at


kasanayan sa pagsali sa discussion
Pamantayang Pangnilalaman:
forum at chat sa pamamahagi ng mga
dokumento at media files.
Nakapamamahagi ng mga
Pamantayan sa Pagganap: dokumento at media files sa file sharing
website at discussion group.
Code: EPP5IE-0i-20

Nilalaman:
Ang teknolohiya tulad ng Internet ay nilikha at lalo pang pinauunlad
upang magamit sa pagpapabilis ng komunikasyon. Dahil dito mabilis na
naibabahagi ang mga larawan, videos o anumang files sa internet. Isang
mahalagang bahagi ang komunikasyon sa pagpapaunlad ng bansa. Isa rin
itong daan upang itaas ang antas ng kaalaman. Ang palitan ng kaalaman,
opinion at iba pa ay lalong nagpapatingkad ng mga palitan ng media file.

Layunin:
Nakapamamahagi ng media file gamit ang isang file sharing website o sa
discussion forum.

ALAMIN NATIN:

Tingnan ang mga sumusnunod na larawan:

___________________________________________________________________________
Page | 109 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sagutin ang mga tanong:


1. Nakita na ba ninyo ang mga larawang ito?
2. Ano ang mga ito?
3. Nagamit na ba ninyo ang mga ito?
4. Sino sa inyo ang mahilig magselfie? Magrecord ng audio? Magvideo
ng mga nangyayari sa kapaligiran?
5. Anu-ano ang inyong ginagawa matapos ninyong kumuha ng
larawan, audio at video?

LINANGIN NATIN:

Gawin natin ang mga sumusunod:


 Maaari nating ilipat ang mga files natin mula sa tablet o
cellphone papunta sa ating laptop. Gamit ang connector ikabit
lamang ito sa laptop at sa cellphone o tablet na ating kukuhanan
ng files. Pagkakabit hanapin sa computer ang pangalan ng
cellphone o tablet. I-click ito upang mahanap ang mga files na
nais kuhahin.

 Maari din natin ibagi ang media file gamit ang file sharing
website tulad ng gmail. Mag log-in lamang gamit ang iyong
gmail account at I –click ang compose at ang drop box sa ibaba.
Piliin ang file na nais ibahagi na ka-save sa iyong computer.

___________________________________________________________________________
Page | 110 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Maari ding mag-upload ng mga videos o pictures sa facebook. I-


click lamang ang status at piliin ang photo/video na nais i-
upload.

 Maging responsible lamang sa pag-upload ng files.Ang


Cybercrime Prevention Act of 2012 o Act No. 10175 ay batas na
naglalayong protektahan ang mga mamayan laban sa malabis o
iresponsableng paggamit ng internet na nakapagdudulot ng
kapahamakan sa buhay ng tao.

TANDAAN NATIN:

Ang ating mga media files ay maaring ibahagi gamit ang mga
media file sharing websites tulad ng facebook at Gmail. Maging
responsible lamang sa paggamit ng internet dahil may mga batas na
naglalyong proteksyon ang mga mamayan laban sa iresponsableng
paggamit ng internet tulad ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

GAWIN NATIN:

Gawain: Kumuha ng isang magandang larawan mula sa kwarto. Ilipat ang


larawan sa laptop gamit ang connector, i-post ito sa iyong facebook account at
ipasa sa drop box ng gmail account ng ating paaralan.

___________________________________________________________________________
Page | 111 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Rubrics:

Puntos Batayan
4 Naisagawa ng maayos ang paglipat ng file, pag-post sa
facebook at pagpasa sa dropbox ng school.
3 Naisagawa ng maayos ang paglipat ng file, pag-post sa
facebook at ngunit hindi napasa sa dropbox ng school.
2 Naisagawa ng maayos ang paglipat ng file, ngunit hindi
nai-post sa facebook at hindi napasa sa dropbox ng school.
1 Nakuha ng larawan ngunit hindi naisagawapaglipat ng file,
pagpost sa facebook at pagpasa sa dropbox.

PAGYAMANIN NATIN:

Ibahagi sa kamag-aral ang magagandang kuha ng ating paaralan


gamit ang drop box.

SANGGUNIAN:

http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/
http://tl.wondershare.com/mobile-movie/how-to-share-
videos.html

Prepared by:

EDISON G. GARCIA
Teacher III, Valle Cruz ES

___________________________________________________________________________
Page | 112 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT PAGLIKHA NG KNOWLEDGE PRODUCT


Aralin 20

Naipapakita ang kaalaman at


kakayahan sa pagagmit ng
Pamantayang Pangnilalaman:
productivity tools upang lumikha ng
mga knowledge products.
Nakagagawa ng knowledge products
Pamantayan sa Pagganap: gamit ang productivity tools.

Code: EPP5IE-0i-21

Nilalaman:

Sa nagdaang aralin, nalinang ang iyong kakayahan sa paggamit ng


computer. Sa araling ito ay muli mong maipapamalas ang iyong
natutuhan sa paggamit ng word processing o publisher upang
makagawa ng isang proyekto tulad ng pagagawa ng flyer o brochure.

Layunin: (Unang Araw)


Nagagamit ang word processing tool o desktop publishing tool sa paggawa
ng flyer at brochure na may kasamang nalagom na datos at diagram,
table tsart, photo o drawing.

ALAMIN NATIN:

Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa ng flyer at brochure:

Sagutin ang mga tanong:


___________________________________________________________________________
Page | 113 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Nakabasa na ba kayo ng flyer at brochure?


Saan ito ginagamit?

Flyer at Brochure
Ang isang flyer o manlilipad, na tinatawag din na isang pabilog o
polyeto, ay isang anyo ng papel advertisement nilayon para sa malawak na
pamamahagi at karaniwang nai-post o ipinamahagi sa isang pampublikong
lugar o sa pamamagitan ng mail.
Ang flyer o brochure ay isang dokumentong nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa isang produkto, serbisyo o magagandang tanawin
ng isang lugar. Ito ay ibinibigay sa kliyente na naghahanap ng naturang
serbisyo o produkto.
Maaari tayong gumawa ng flyer at brochure gamit ang Microsoft Word at
Microsoft Publisher.

LINANGIN NATIN:

Narito ang mga Paalala sa Paggawa ng flyer at brochure gamit


ang Microsoft Word.

1. Buksan ang Microsoft


Office.

2. Pwede natin baguhin ang


font styles, font color at
font size ng text sa
gagawin nating brochure
at flyer.

___________________________________________________________________________
Page | 114 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Maaring maglagay ng
table. I-click lamang ang
Insert at table. Maaaring
i-drawing ang table o i-
click ang inset table at i-
type kung gaano
karaming rows at
columns ang table na
gagawin.

4. Maari ding mag –insert


ng mga shapes. I-click
lamang ang shapes na
napili at i-drag ito sa
lugar na iyong
paglalagyan

5. Maaaring lagayan ng
text ang napiling shape.
Right click lamang ang
shape at i-click ang add
text maaari ding palitan
ang kulay ng shape i-
click lamang ang
drawing tools.

6. Maari ding mag- insert


ng pictureclip art at chart
mula sa iyong computer
na magagamit mo sa
paggawa ng flyer at
brochure. Kailangan nga
lang ay naka-save sa iyong
computer ang nais mong
clip art atb larawan.

___________________________________________________________________________
Page | 115 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

 Ngayon naman ay gumawa ng layout o sketch ng inyong flyers


o brochure ng Lungsod ng Cabanatuan. Isipin kung saan ilalagay
ang mga sumusunod.
1. Pangalan ng ating lungsod.
2. Maikling talata na naglalarawan ng mga produkto ng ating lungsod.
3. Isa o dalawang larawang maaaring makatulong sa paglalarawan ng
produkto.
4. Mga datos na nagpapakita ng karakter ng ating lungsod, maaaring
dami ng tao, mga kakaibang hayop o produktong ipinagmamalaki.
5. Gamitin ang pamantayan o rubric na ibibigay ng guro upang
magabayan ang inyong paggawa.

Rubrics:

Puntos Batayan
4 Mahusay na nakagawa ng flyers o brochure. Nailarawan
nang mahusay ang lungsod at naipakita ang katangian nito.
3 Nakagawa ng flyers o brochure. Ngunit hindi masyadong
nailarawan ang katangian ng lungsod at produkto nito.
2 Nakagawa ng flyers o brochure. Ngunit hindi masiyadong
nailarawan ang katangian ng lungsod at produkto nito at
hindi maayos ang pagkakalagay ng table, pictures at clip
arts.
1 Hindi natapos ang flyers at brochure.

TANDAAN NATIN:

Ang word processor tool at desktop publishing ay maaaring


gamitin sa paggawa ng flyer o brochure. Mas magiging epektibo ito
kung may larawan , tsart o table.

GAWIN NATIN:

Sundan ang mga hakbang na sumusunod upang mabuo ang flyers o


brochure.
1. Buksan ang word processor. Gumawa ng bagong dokumento.
2. I-type ang pangalan ng bayang igagawa mo ng flyer at ilagay ito sa
gitnang taas ng papel gamit ang wastong button sa paragraph alignment,
pumili ng mas kaaya-ayang kulay at font ng mga letra.
___________________________________________________________________________
Page | 116 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

3. Mag-type ng bagong talata na naglalarawan sa sariling bayan.


Gamitin ang angkop na alignment para rito.
4. Mag-insert ng larawan (photo) at gamitin ang text formatting button
upang mailagay ng maayos ang larawan kasama ng talata.
5. Mag-insert ng table na nagpapakita ng mga datos ng bayan
6. Magtype ng pangungusap na naghihikayat na mas karapat-dapat
ang iyong bayan na tangkilikin.
7. I-save ang inyong dokumento/flyer

Rubrics:

Puntos Batayan
4 Mahusay na nakagawa ng flyers o brochure. Nailawan nang
mahusay ang lungsod/bayanat naipakita ang katangian
nito.
3 Nakagawa ng flyers o brochure. Ngunit hindi masiyadong
nailarawan ang katangian ng lungsod/bayan at produkto
nito.
2 Nakagawa ng flyers o brochure. Ngunit hindi masiyadong
nailarawan ang katangian ng lungsod at produkto nito at
hindi maayos ang pagkakalagay ng table, pictures at clip arts.
1 Hindi natapos ang flyers at brochure.

PAGYAMANIN NATIN:

Gumawa ng isangflyer na mang-ingganya na bumili ang mga bata na


bumili sa ating kantina.

SANGGUNIAN:

http://sdccomputersystems.blogspot.com
http://www.depinisyon.com/

Prepared by:

EDISON G. GARCIA
Teacher III, Valle Cruz ES

___________________________________________________________________________
Page | 117 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT
PAGLIKHA NG KNOWLEDGE PRODUCT
Aralin 20

Naipapakita ang kaalaman at


kakayahan sa pagagmit ng
Pamantayang Pangnilalaman:
productivity tools upang lumikha ng
mga knowledge products.
Nakagagawa ng knowledge products
Pamantayan sa Pagganap: gamit ang productivity tools.

Code: EPP5IE-0i-21

Nilalaman:
Sa nagdaang aralin, nalinang ang iyong kakayahan sa paggamit ng
computer. Sa araling ito ay muli mong maipapamalas ang iyong natutuhan sa
paggamit ng word processing o publisher upang makagawa ng isang
proyekto tulad ng pagagawa ng flyer o brochure.

Layunin: (Ikalawang Araw)


Nagagamit ang word processing tool o desktop publishing tool sa
paggawa ng banner at poster na may kasamang nalagom na datos at diagram,
table tsart, photo o drawing.

ALAMIN NATIN:

Tingnan ang mga larawan:

___________________________________________________________________________
Page | 118 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang mga larawang ito?
2. Nakakita na ba kayo ng mga banners at posters?
3. Kaya mo bang gumawa ng mga ito?

Bilang isang mag-aaral sa Grade 5 nais mong batiin ang isa sa iyong kaibigan
na nanalo sa isang paligsahan. Kailangan mong magpasa ng isang halimbawa
ng poster o banner. Ang plano ay naglalaman ng sumusunod.

1. Pangalan ng paligsahan.
2. Larawan ng iyong kaibigan kasama ang kanyang gurong tagapagsanay
3. Talata na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanyang
napanalunang paligsahan.

LINANGIN NATIN:

Ang poster o banner ay isang patalastas na nagbibigay ng


impormasyon tungkol sa isang magandang pangyayari, mangyayari pa lang
o isang pagbati sa kanyang nagawa.
Tingnan ang poster at sagutin ang tanong:

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang nais ipabatid ng poster o banner?
2. Ano ang kahalagahan ng pagbibigay impormasyon sa naturang poster?

___________________________________________________________________________
Page | 119 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ngayon naman ay gumawa ng layout o sketch ng inyong poster o


banner para sa inyong paaralan. Isipin ung saang bahagi ilalagay ang
sumusunod:

1. Pangalan paaralang igagawa nyo ng poster


2. Maikling talata na naglalarawan ng naganap na pangyayari
3. Isa o dalawang larawang maaaring makatulong sa
paglalarawan ng banner
4. Mga datos na nagpapakita ng resulta, maaaring dami ng tao,
mga nakatunggali sa paligsahan o medalya o sertipikong natanggap ng
nagwagi.
5. Gamitin ang pamantayan o rubric na ibibigay ng guro upang
magabayan ang inyong paggawa.

TANDAAN NATIN:

Ang word processor tool at desktop publishing ay maaaring


gamitin sa paggawa ng poster o banner. Mas magiging epektibo ito
kung may larawan, chart o clip art.

GAWIN NATIN:

Sundan ang mga hakbang na sumusunod upang mabuo ang poster o


brochure.

1. Buksan ang word processor/desktop publishing. Gumawa ng


bagong dokumento.
2. I-type ang pangalan ng paligsahang igagawa mo ng poster o banner
at ilagay ito sa ibabang bahagi ng dokumento gamit ang wastong button sa
paragraph alignment, pumili ng mas kaaya-ayang kulay at font ng mga letra.
3. Mag-type ng bagong talata na naglalarawan sa naturang paligsahan.
Gamitin ang angkop na alignment para rito.
4. Mag-insert ng larawan (photo) at gamitin ang text formatting button
upang mailagay ng maayos ang larawan kasama ng talatang naglalarawan.
5. I-save ang inyong dokumento/poster/banner.

___________________________________________________________________________
Page | 120 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Rubrics:
Puntos Batayan
4 Mahusay na nakagawa ng poster at brochure. Nabati ang
kamag-aral na nanalo sa paligsahan at natype ang
kompletong detalye.
3 Nakagawa ng poster at brochure. Nabati ang kamag-aral na
nanalo sa paligsahan at ngunit kulang ang detalye.
2 Nakagawa ng poster at brochure. Nabati ang kamag-aral na
nanalo sa paligsahan ngunit walang detalye.
1 Hindi natapos sa poster at brochure.

Balikan:

Katulad ng ibang nakaraang Gawain, pag-usapan ninyo ng iyong pangkat


ang ginawang flyer kung mapapaganda pa ito.

OO HINDI
1. Nagawa ba ang lahat ng ipinagawa sa inyo?
2. Malinaw bang naipahatid ang mensahe ng poster o
banner?
3. Naging mabisa bang tagapagbigay ng impormasyon o
pagbati ang iyong poster/banner?

PAGYAMANIN NATIN:

Gumawa ng isang poster para sa iyong nanay/tatay. Pasalamatan siya


sa kanyang pagiging mabuting magulang

SANGGUNIAN:

philippinecampaign.wordpress.com
http://stitoro.blogspot.com/
http://musigmaphisorority.com.ph

Prepared by:

EDISON G. GARCIA
Teacher III, Valle Cruz ES

___________________________________________________________________________
Page | 121 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

ICT
Aralin 21 PAGLIKHA NG KNOWLEDGE PRODUCT

Naipapakita ang kaalaman at


kakayahan sa pagagmit ng
Pamantayang Pangnilalaman:
productivity tools upang lumikha ng
mga knowledge products.
Nakagagawa ng knowledge products
Pamantayan sa Pagganap: gamit ang productivity tools.

EPP5IE-0j-22
Code:

Nilalaman:
Sa araling ito ay maipamamalas ang iyong natutuhan sa paggamit ng
mga basic features ng slide presentation tool na may kasamang teksto,
diagram table, tsart, larawan at drawing upang makagawa ng isang anunsyo.

Layunin:
Nagagamit ang mga basic features ng slide presentation tool sa pagbuo
ng anunsiyo na may kasamang teksto, diagram, table, tsart, photo o drawing.

ALAMIN NATIN:

Tingnan ang larawan:

___________________________________________________________________________
Page | 122 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Sagutin ang mga tanong:


1. Tungkol saan ang anunsiyo?
2. Saan nagmula ang anunsiyo?

KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Lagyan
ng tsek (/) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o ang tumbs down
icon kung hindi pa.

Kasanayan/Kaalaman

1. Nakagagawa ng slide presentation na gamit sa pag-


uulat
2. Nakagagawa ng slide presentation na gamit sa mga
programa

 Naranasan mo na ba ang gumawa ng slide presentation? Ang sumusunod


na pangkatang Gawain ay magpapakita kung paano isinasagawa ang mga
prosesong ito:

PAGSUBOK A
1. Bumuo ng pangkat na binubuo ng 5-6 na miyembro
2. Bawat grupo ay gagawa ng sariling slide presentation na magagamit sa
pag-uulat ng mga gawain.
3. Mag-uunahan ang bawat grupo sa pagsasaayos ng impormasyon at
paggawa ng ulat o report sa isang gawain.
4. Magwawagi ang grupong unang makapagbibigay ng mga tamang ulat

PAGSUBOK B
1. Bawat grupo ay muling bibigyan ng listahan ng mga halimbawa ng
programa.
2. Mag-uunahan ang bawat grupo sa pagsasaayos ng mga impormasyon
sa paghahanay ng programa sa bawat slide
3. Magwawagi ang grupong unang makapagbibigay ng tamang ulat.

LINANGIN NATIN:

___________________________________________________________________________
Page | 123 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Ang anunsiyo ay isang maikling pahayag na nagbibigay ng


impormasyon ukol sa isang bagay. Maaari itong manghikayat, magbigay ng
panuto o magbigay ng babala.

Maari tayong gumawa ng isang anunsiyo gamit ang isang slide


presentation. Maaari itong lagyan ng teksto, diagram, table, tsartt, photo o
drawing. Ang Microsoft Powerpoint ay isa sa software na magagamit natin sa
paggawa ng slide presentation:

Gumawa tayo ng isang anunsiyo na magkakaroon ng pagpupulong


ang Young Farmers Club sa Huwebes, July 11, 2016 sa ganap na 4:00 ng
hapon:

1. Buksan ang Microsoft


Powerpoint.

2. Maari tayong pumili


ng disenyo ng ating
slide presentation i-
click lang natin ang
design at pumili ng
gusting disenyo. I-
click ang napiling
disenyo.

3. Maaring lagyan ng
teksto ang anunsiyo.
Maaringpalitan ng
___________________________________________________________________________
Page | 124 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

kulay ang teksyo at lakihan ito.

4. Maaringg lagyan ng
larawan at click arts
ang slide presentation.
I-click lamang ang
insert at piliin ang
picture o clip art.
Kailangan naka-save
ang picture o clip art na
nais mo.

5. Maaaring lagyan ng
table ang anunsiyo. I-
click lamang ang
Insert at piliin ang
table. Matapos gawin
ang slide ay i-save ito.

TANDAAN NATIN:

Ang SLIDE PRESENTATION ay isang makabagong pamamaraan ng


mahusay na komunikasyon kung saan nakapagbibigay ng mas mahusay at
mas malinaw na impormasyon sa isang bagay.

GAWIN NATIN:

___________________________________________________________________________
Page | 125 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

Gumawa ng isang slide presentation tungkol sa nalalapit sa Unang


Markahang Pagsusulit. Isulat sa anunsiyo na sa August 18, 2016 ay sasagutan
ng mag-aaral ang mga asignaturang Math, Filipino, EPP at ESP at sa August
19, 2016 naman ay sasagutan ang mga asignaturang English, Science,
MAPEH at AP.

Rubrics:

Puntos Batayan
4 Mahusay na nakagawa ng anunsiyo. Naisulat ang lahat ng
impormasyon at nakapili ng magandang disenyo at kulay.
3 Nakagawa ng anunsiyo. Ngunit may kakulangn sa
impormasyon at hindi maganda nag kombinasyon ng
disenyo at kulay.
2 Nakagawa ng anunsiyo. Ngunit maraming kakulangan sa
impormasyon at hindi maganda nag kombinasyon ng
disenyo at kulay.
1 Hindi natapos ang anunsiyo.

KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Lagyan
ng tsek (/) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o ang tumbs down
icon kung hindi pa.

Kasanayan/Kaalaman

1. Nakagagawa ng slide presentation na gamit sa pag-


uulat
2. Nakagagawa ng slide presentation na gamit sa mga
programa

PAGYAMANIN NATIN:

Gumawa ng slide presentation ukol sa nalalapit na programa ng ating


paaralan.

SANGGUNIAN:

___________________________________________________________________________
Page | 126 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

http://www.gov.ph
http://fernietrails.com

Prepared by:

EDISON G. GARCIA
Teacher III, Valle Cruz ES

___________________________________________________________________________
Page | 127 Grade 5 ICT and Entrepreneurship Learning Materials

You might also like