You are on page 1of 17

5

Home Economics 5
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang mga Taong Nangangailangan ng
Angkop na Produkto at Serbisyo

1
Home Economics – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Feliciana G. Javier
Editor: Carmelina D.M. Tan
Tagasuri: Fe B. Bele
Tagaguhit: Feliciana G. Javier
Filipina O.Tolentino
Ellen Kate C. Jhonson
Tagalapat: Feliciana G. Javier
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS in Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, Chief-CID
Lucky S. Carpio, Division EPS in Charge of LRMS and
Division ADM Coordinator

2
ENTREP.5, Q1,W2,LM2

MODYUL 1- ENTREPRENEURSHIP

Alamin

Ang pamayanan ay may


iba’t-ibang taong nakatira sa
paligid nito at ang bawat isa ay
may angkop na
pangangailangang produkto at
serbisyo.Mahalaga na
matugunan ang mga ito sa
pamamagitan ng paggamit ng
produkto at kaukulang
serbisyo.
Ang mga bumibili ng
produkto ayon sa kanilang
gamit, kagustuhan, kakayahan
at pangangailangan ay
tinatawag nating konsyumer.
Sila ang mga buntis, sanggol,
bata, matanda, maysakit, mag-
anak, mag-aaral at mga taong
may hanapbuhay na tinatawag
nating kostomer o mamimili.
Ang mga gumagawa ng
produkto at naghahandog ng
serbisyo para sa mga mamimili ay tinatawag naman nating entreprenyur o
negosyante. Tungkulin nil ana pangalagaan ang kapakanan ng mga
nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng de kalidad na produkto
at serbisyo.

3
Mga Layunin
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
 Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo
Unang Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nakikilala ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo
 Natutukoy ang mga produkto at serbisyo na angkop sa pangangailangan
ng tao

1
Ang mga Taong Nangangailangan ng
Aralin

Angkop na Produkto at Serbisyo

Sa pamamagitan ng araling ito, tatalakayin dito ang mga taong


nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo.

Mga Gawain
Basahin at unawaing mabuti
Gawain 1:

Ang bawat tao ay may kani-kaniyang pangangailangang produkto at


angkop na serbisyo ayon sa kanilang kalagayan. Ang mga taong bumibili at
namimili ay ang mga buntis, sanggol, bata, matanda, maysakit, mag-aaral,
mag-anak, teenager at mga taong naghahanapbuhay. Ang tawag sa mga
taong ito ay kostomer o konsyumer. Ang bawat isa ay may kani-kaniyang
pangangailangan na angkop sa kanilang edad, kalagayan, kalusugan,
hanapbuhay o gawain at kasarian. Karapatan ng bawat isa na makamit ang
mga bagay at serbisyo upang maipagpatuloy ng matiwasay ang pang araw-
araw na Gawain .
Ang mga negosyante o entreprenyur ang siyang gumagawa o nagbibili
ng mga produkto at serbisyo na may katumbas na mahusay na kalidad.

4
Panuto: Kilalanin at ituro ang mga taong nasa larawan.
Gawain 2:

sanggol

mag-anak

taong
naghahanapbuhay

mag-aaral

matanda

buntis

Gawain 3:
Panuto: Tukuyin ang mga taong nangangailangang ng serbisyo at
produkto.
1. gatas, diaper, bolero

2. lugaw, gamot, thermometer

3. martilyo, metro, lagare

4. color, bag,

uniform
5. maternity dress, ob gyne.

Gawain 4:

Panuto: Kung ang kapatid mo ay maysakit at wala ang iyong nanay.


Ano ang nararapat mong gagawin ?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5
Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.

_____1. Ang taong mas nangangailangan ng pagmamahal at pag-aaruga


ay_______.
A.babae B. lalaki C.mag-aaral D.matanda
_____2. Ang mag-anak ni Aling Rosa ay tulirong-tuliro dahil ang anak niyang
bunso ay kinumbulsiyon sa mataas na lagnat. Kung ikaw si Aling
Rosa ano ang iyong gagawin?
A. ipagwalang bahala lang B. sumigaw ng sumigaw
C. punasan ng malamig na tubig bago D. umiyak ng umiyak
dalhin sa ospital
_____3. Si Mommy Rose ay bagong panganak, kaya’t natatakot niyang iwan
si baby sa kama na mag-isa.Ano kaya ang maaari niyang gawin?
A. kargahin na lang si baby oras-oras B. magpagawa ng crib
C. patulugin si baby D. Ipaubaya sa ibang tao
_____4. Ang mga taong bumibili o namimili ay tinatawag na ___________.
A. konsyumer B. negosyante
C. pasyente D. tindero
_____5. Ang mga taong gumagawaat nagbebenta ng mga produkto ay
tinatawag na_____________.
A. kostomer B. labandera
C. mag-anak D. negosyante

Mga Layunin
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
 Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo

Pangalawang Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nakikilala ang mga pangunahing kailangan ng buntis, sanggol at bata
 Natutukoy ang angkop na gamit ayon sa pangangailangan ng bawat isa

6
2
Aralin
Angkop na Produkto at Serbisyo para
sa Buntis, Sanggol at Bata

Mga Gawain
Basahin at unawaing mabuti
Gawain 1:

Sa bawat yugto ng buhay ng isang tao ay may angkop na


pangangailangan ayon sa sitwasyon o kalagayan ng kanilang buhay. Ang
mga bagay na ito ay kinakailangan nilang makamit upang hindi maging
mahirap ang pangangalaga at pamumuhay nila.May dalawang
magkaibang bagay na higit na kailangang malaman natin tulad ng
produkto at serbisyo. Ang mga ito ay nabibilang sa tinatawag na “basic
needs” o pangunahing pangangailangan. Anu-ano kaya ang
pangangailangan ng babaing buntis, sanggol at batang paslit?

Ang sanggol ay kailangang padedehin ng nanay o ipagtimpla ng gatas sa


bote upang maging malusog. Higit na mahirap sa isang tulad nila kung hindi
natin maipagkakaloob ang kanilang pangangailangan tulad ng mga sumusunod:
bitamina, gatas, lampin o diaper, crib na may malambot na sapin o tulugan,
tsupon, makulay na laruan, malambing na musika na pampatulog at damit
pambata. Kailangan din nila ng pediatrician o doctor pra sa kalusugan.

Ang mga babaing buntis ay may Sa lumalaking bata,


maselang kalagayan at dapat na pag- importante ang gabay ng
ingatan. Nararapat lamang na ibigay at magulang kaya’t nararapat na
makamit ang mga bagay na kanilang ipagkaloob sa kanila ang mga
kailangan tulad ng masustansyang bagay na kinakailangan sa
pagkain gaya ng gulay at prutas, kanilang paglaki. Ang mga
bitamina, damit na pambuntis, malambot pangunahing pangangailangan
na upuan at sapin sa paa (tsinelas) ng mga bata ay gatas,
kailangan din nilang komunsulta sa masustansyang pagkain,
doktor (OB Gyne) prutas o gulay maayos na
libangan o laruan, damit,
malinis na pook laruan,
makukulay na babasahin o
aklat, kapaki-pakinabang na
panoorin. Gayundin ang
doktor o pediatrician para sa
mga bakuna at gamot.

7
Gawain 2:
Panuto: Igawa ng maigsing iskrip ang tatlong mag-aaral tungkol sa
pangangailangang serbisyo at produkto ng buntis, sanggol at bata.
? ? ?

Gawain 3:
Panuto: Punan ang kolum ng tamang sagot ayon sa hinihinging
pangangailangan ng kostomer.
Kostomer Pangangailangang Pangangailangang
Serbisyo Produkto
buntis
sanggol
bata

Gawain 4:

Panuto: Kapanayamin sa pamamagitan ng onlin interview ang isang buntis


kung anu-ano ang kanyang pangangailangang produkto at serbisyo at
iugnay ito sa isisilang niyang sanggol?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagtataya
Panuto: Isulat ang N kung nararapat at HN kung hindi
nararapat ang mga bagay ng tinutukoy ng pangungusap.
______1. Ang mga batang lumalaki ay hayaang maglaro sa kalsada o kalye.
______2. Ang gatas, bitamina at crib ay para sa mga sanggol.
______3. Si Mila ay natatrabaho at nagbubuhat ng mabibigat habang siya ay
buntis.
______4. Ang laruan na ibibigay sa sanggol ay cellphone at i-pod.
______5. Mainam na sanayin ang mga bata na magbasa at kumain ng
masustansyang pagkain.

8
Mga Layunin
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
 Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo

Ikatlong Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nauunawaan ang mga pangunahing pangangailangan ng
matanda, maysakit at mag-anak
 Natutukoy ang mga bagay na kailangan ng matanda, maysakit at mag-
anak

3
Aralin

Angkop na Produkto at Serbisyo


para sa Matanda, Maysakit at

Mga Gawain
Basahin at unawaing Mabuti
Gawain 1:
Mag-anak Maysakit Matanda
a. masustansyang a. gamot a.gamot at bitamina
pagkain at malinis b. doctor b.gatas / prutas
na tubig c. masustansyang c. masustansyang
b. gamit panlaba pagkain,prutas pagkain
c. gamot at bitamina at gulay d.damit na maayos
d. kasuotang d. mahusay na e. ligtas na kapaligiran
pambahay, tagapag-alaga o f. tagasilbi at tagapag-
pamasok sa nars alaga o care giver
eskwela at trabaho e. Ligtas na tirahan g. doktor
e. maayos na tirahan f. punasan ng h.maayos na
f. gamit sa eskwela malamig na tubig mapaglilibangan
at trabaho g. tagapag-alaga i. pagmamahal at
paggalang

Ang mga matatanda at maysakit ay mga taong nangangailangan ng higit na


kalinga at pang-uunawa. Sa panahon ng kanilang kabataan at kalusugan sila
ay naging mabuti at kapaki-pakinabang na bahagi ng ating lipunan. Nag-

9
ambag sila ng serbisyo at tulong sa ating bayan upang maging tuloy-tuloy
ang pag-unlad natin. Hindi ba’t nararapat lamang na gantihan sila ng
katumbas at karampatang tulong mula sa ating kababayan lalong-lalo na ang
ating pamilya. nila.

Gawain 2:
Panuto: Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng angkop na
pangangailangan ng mag-anak, maysakit at
matanda.

Gawain 3:

Panuto: Tukuyin ang kasapi ng mag-anak at itala ang angkop na produkto


at serbisyong kinakailangan nila.
KASAPI NG MAG-ANAK KINAKAILANGANG KINAKAILANGANG
PRODUKTO SERBISYO

Gawain 4:

Panuto: Magbigay ng maigsing paliwanag.


1.Sa inyong palagay magkakapareho ba sila ng pangangailangang. Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
Pagtataya
Panuto: Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng

wastong sagot.
Hanay A Hanay B
_____1. tagapag-alaga o nars A. matanda
_____2. punasan ng malamig na tubig B. maysakit
_____3. doctor C. mag-anak
_____4. pagkaing madaling tunawin
_____5. maayos na tirahan

Mga Layunin
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
 Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo

Ikaapat na Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Maipamalas ang angking talino sa pagtuklas ng iba’t-ibang
pangangailangan
 Naiisa-isa ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-aaral,
teenager at nagtatrabaho

4 Mga Pangangailangan ng Mag-aaral,


Aralin

Teenager at mga Taong


Naghahanapbuhay

11
Mga Gawain

Basahin at unawaing mabuti


Gawain 1:
Ang mga taong naghahanapbuhay ay sadyang abala at halos ay
walang panahon upang gumawa ng mga pansariling gawain. Ang oras
nila ay mahalaga at inilalaan nila ito sa kanilang hanapbuhay.
Samantalang ang mga mag-aaral ay may mahahalagang
pangangailangan din tulad ng mga pansarili at pangpaaralan Gayundin
ang mga pangangailangan ng teenager. Bilang mamamayan tayo ay
may kani-kaniya pangangailangan na dapat matugunan.
Ang halimbawa ng kanilang pangangailangan ay ang mga
sumusunod:

Pangangailangan ng Pangangailangan
Mag-aaral ng Teenager
a. Damit na uniporme a. Kasuotang panlaro
b. Mananahi b. Mananahi ng damit
c. Gamit sa eskwela c. Kagamitang panlaro
d. Bitamina d. Pagkaing masustanya
e. Masustansyang pagkain e. Bitamina
f. Tutor f. Libangang maaayos
g.Tagahatid at sundo sa paaralan g. Gadgets na kailangan sa eskwela
h. Maayos na palaruan

Gawain 2:
Panuto: Isulat ang mga produkto at serbisyong kailangan ng mga
sumusunod na uri ng tao.
Uri ng tao Produkto Serbisyo
1. Nagtatrabaho - -
- -
2. Mag-aaral - -
- -
3. Teenager - -
- -

12
Gawain 3:

Panuto: Punan ang kahon ng angkop na taong nangangailangan ng mga


sumusunod na produkto at serbisyo.
1. sinulid, tela, karayom, makina
2. talyer, kotse, mga gamit sa pagkukumpuni
3. chalk, ballpen, bag, papel
4. gunting, suklay, blower, pang-ahit
5. pasyente, gamot, clinic, istetoskop

1 M A H
2 E K N
3 G R
4 A B O
5 O O

Gawain 4:

Panuto: Kung ikaw ay magnenegosyo, anu-ano produkto o serbisyo ang


gagawin mo para kumita. Magbigay ng 2 sa bawat pangkat ng tao sa ibaba.

Pangangailangan ng Uri ng Pangangailangang


mga Taong Hanapbuhay serbisyo at produkto
Naghahanapbuhay
a. Tagapaglaba ng damit Kapintero Gumagawa ng Bahay,plais,
(labandera) bahay martilyo
b. Tagahugas ng Sapatero Gumagawa ng Rugby,katad
sasakyan (car wash) sapatos Sinulid
c. Lutong pagkain Guro Nagtuturo Yeso, laptop
d. Maayos na kasuotan Abogado Tagatanggol Talino
(uniporme) Tubero Nagkukumpuni Liyabe tubo
e. Magandang libangan ng tubo Lagareng bakal
f. Bitamina Harina,oven
g. Pagawaan ng Panadero Gumagawa ng
sasakyan tinapay Blueprint
h.Kagamitang Arkitekto Gumagawa ng
panghanapbuhay plano Jeep,kotse
Drive Nagmamaneho

13
Produkto
Tao

Serbisyo

Tao Serbisyo

Produkto

Pagtataya
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot.

Mag-aaral teenager mananahi


barbero nars driver

1. Si Rene ay papasok sa paaralan, napansin niyang mahaba pala ang


buhok niya, kaya siya ay nagpunta sa_________.
2. Ang mga batang ___
3. ____ ngayon ay mahilig ng gumamit ng gadget.
4. Ang katuwang ng doktor sa panggagamot at nag-aalaga sa mga
pasyente ay________.
5. Si Arman ay may ari ng isang school bus ngunit hindi siya marunong
magmaneho, kaya siya ay kailangang kumuha ng __________.
6. Si Aling Rosa ay namili sa Divisoria ng mga damit na ititinda kabilang
dito ang uniporme ng mga _______.

Mga Layunin
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
 Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo

14
Ikalimang Araw
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Nasasagot nang wasto ang mga tanong sa lagumang pagsusulit
 Naisasapuso ang mga natutuhan sa modyul na ito
 Naipakikita ang katapatan sa pagsagot ng aralin

5
Aralin

Lagumang Pagsubok

Lagumang Pagsubok sa Entreprenyur 5


Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat:____________
Guro:____________________________________ Bilang ng test: #2
Iskor:
Petsa:___________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng pangungusap. Piliin


ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay pangunahing______ng tao na hindi maaring alisin sa ating


pamumuhay.
A. kalidad B. pangangailangan
C. produkto D. serbisyo
2. Ang salapi na kailangan upang maitayo o masimulan ang isang
negosyo.
A. kostumer B. produkto C. puhunan D. serbisyo
3. Sa pagnenegosyo ang pag-uugali ng may-ari at nagpatakbo nito ay
A. mabait B. magiliw C. masipag D. lahat ng nabanggit
4. Ang pangunahing pangangailangan ng mag-aaral ay_______.
A.libro B. papel C. uniporme D. lahat ng nabanggit
5. Ang pediatrician ay manggagamot ng
A.bata B. matanda C. naghahanap-buhay D. teenager
6. Kung ikaw ay maysakit, ang unang-unang kailangan mo ay____.
A.gamot B. libangan C. tirahan D. tulugan
7. Ang pangunahing pangangailangan ng teenager upang maging
maayos sa sarili ay _______.
A.pasyalan B. malinis na damit C. gadget D. laruan
8. Ang gamot at doktor ay kailangang kailangan ng mga_______.

15
A.bata B. matanda C. maysakit D. asawa
9. Ang mga naghahanapbuhay ay laging kulang ang kanilang oras
upang asikasuhin ang mga pansariling kasuotan kaya’t kailangan nila
ng _______.
A.driver B. kusinera C. labandera D. tubero
10.Ang serbisyo at produkto ay mga bagay na maaaring mapagkakakitaan
ngunit kailangang alamin muna ang_________.
A.kondisyon B. gusto
C. hanapbuhay D. pangangailangan ng tao
11. Sa pagbebenta ng produkto nararapat na isaalang-alang natin
ang_____.
A. kalidad B. halaga C. hirap D. puhunan
12.Ang matanda at maysakit ay nangangailangan ng pagkaing_____.
A. madaling tunawin B. maasim C. matatamis D. matigas
13. Ang mga __________ ay kailangang kumain ng masustasiyang pagkain para
maging malusog ang kanilang magiging anak.
A. buntis B. dalaga C. matanda D. teenager
14. Ang mga bumibili at namimili ay tinatawag nating ____.
A. kapitbahay B. kostomer C. magsasaka D. tindera
15. Ang _______ na pangangailangan ng tao ay pagkain, damit at tirahan .
A. angkop B. dapat C. sapat D. sobra
16. Ang mga matatanda ay kailangang bigyan ng sapat na ________.
A. damdamin B. kayamanan C. pagmamahal D. pag-uutos
17.-18. Ang mag-aaral na may kahinaan sa pag-aaral ay nangangailangan ng
pagsubaybay ng ________ gayundin ng kanyang ______.
A. tutor B. kapitbahay
C. magulang D. pinsan at lolo
19. Ang pangunahing pangangailangan ng sanggol ay_____.
A. diaper, lampin, gatas B. magarang damit, sapatos, bag
C. uniporme, libro, duyan D. ulam, kanin, saging
20. Ang mga kabataan natin ngayon ay mahusay sa paggamit ng makabagong
teknolohiya kaya sila ay dapat ____________.
A. bantayan B. gabayan C. palayasin D. sundi

16
Sanggunian

*Tungo sa Pag-unlad K to 12, Ligaya A. Marcelo ang Virgilio R. Marcelo, Rex Book Store, pahina 12-
14

*EPP 5 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan K TO 12, Victor N. Mendoza et.al., Trinitas Pub.
Inc., pahina 21-25

*Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan and Technology Livelihood Education grade 5, K to 12


Curriculum 2017, Oliveros, Reyes, Aragon, pahina 301-305

http://2040.neda.gov.ph/about-ambisyon-natin-2040/https://www.istockphoto.com/vector/cute-kids-chef-
on-white-background-children-cooking-kitchen-children-cooking-lessons-gm898549582-247951471

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/cartoon-little-boy-studying-vector-22369019

https://www.slideshare.net/edithahonradez/epp-he-aralin-https://www.slideshare.net/edithahonradez/epp-
he-aralin-10

https://web.facebook.com/DWODefenders/posts/969359090062182?comment_tracking=%7B%22tn%22%3A
%22O%22%7D&_rdc=1&_rdr

http://clipartbarn.com/babies-clipart_13993/

https://www.festivalclaca.cat/festvi/oTiRxb_happy-family-cartoon-png-clipart-of-my-familyhttp://

https://www.qs-2.com/false-news-fast-news-isnt-good-thing/

https://www.canstockphoto.com/carpenter-cartoon-illustration-35438344.html

17

You might also like