You are on page 1of 26

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Aralin 6: Mga Suliraning
Pangkapaligiran at Kalagayang
Ekolohikal ng Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Mga Suliraning Pangkapaligiran at Kalagayang
Ekolohikal ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Flordeliza A. Jastia, Head Teacher- C.P. Garcia High School
Tagapatnugot: Amalia C. Solis, EPS Araling Panlipunan
Tagasuri: Ebuena P. Alvarez, Head Teacher
Tagaguhit:
Tagalapat: Flordeliza A. Jastia, Head Teacher- C.P. Garcia High School
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M, Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – National Capital Region
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Aralin 6: Mga Suliraning
Pangkapaligiran at Kalagayang
Ekolohikal ng Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Suliraning Pangkapaligiran at
Kalagayang Ekolohikal ng Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka;
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makapag-ugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Mga Suliraning Pangkapaligiran at Kalagayang Ekolohikal
ng Asya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at imahen na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

iv
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino- man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral sa
ikapitong baitang. Ito ay isang materyal sa pagkatuto na binuo alinsunod sa
itinalagang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto. Nakaayos batay sa
nakatakdang pagkakasunod-sunod ang mga saklaw na paksa. Handog nito ang
paglalahad ng mga kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga aralin o
paksa gamit ang iba’t ibang pamamaraan.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


 Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang
ekolohiko ng rehiyon.

Ang modyul ay nahahati sa dalawang paksa na:

 Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya


 Kalagayang Ekolohikal ng Asya

Sa modyul na ito ay inaasahang maisakatuparan mo ang sumusunod na layunin:

1. Natatalakay ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng mga


bansa sa Asya;
2. Naiisa-isa ang mga epekto ng suliraning pangkapaligiran sa pamumuhay ng
mga Asyano;
3. Naipapahayag ang sariling saloobin sa kahalagahan ng pananatili ng
balanseng ekolohikal ng Asya; at
4. Nakagagawa ng isang produkto na nagtatampok ng mga kaparaanan ng
pangangalaga sa kapaligiran at pagpapanatili ng balanseng ekolohikal ng
Asya.

1
SURI-LARAWAN.
PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na larawan na kinahaharap ng ating
kapaligiran at tukuyin ang pangyayaring isinasaad nito.

Pinagkunan:https://esdac.jrc.ec.euro Pinagkunan: https://eco- Pinagkunan:https://assetsds.cdnedg


pa.eu/public_path/shared_folder/proj business.imgix.net/uploads/ebmed e.bluemix.net/sites/default/files/styl
ects/DIS4ME/indicator_descriptions/i ia/fileuploads/plastic_waste.jpg?fit es/very_big_2/public/news/images/
ndicator_description_images/reclamat =crop&h=960&ixlib=django- dark_flows_the_river_turag.jpg?itok=
ion_of_affected_soils_1.jpg 1.2.0&w=1440 R6M_dxaW

Pinagkunan:
https://www.asianscientist.com/wp- Pinagkunan:
content/uploads/bfi_thumb/East-Asia- https://upload.wikimedia.org/wikip
Aerosol-Emissions-Linked-To- edia/commons/4/47/Deforestation_
Developed-Countries-Consumption- in_Borneo.jpg
328yedx4qhk7quz0fcvwu8.jpg

Sagutin!

1.Sa iyong palagay, ano ang mga dahilan ng


mga ganitong pangyayari sa ating kapaligiran?
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
2. Paano nakaaapekto ang mga ganitong
suliranin sa pamumuhay ng mga mamamayan
at kalagayan ng mga bansa sa Asya?
https://thumbs.dreamsti
me.com/b/student- _____________________________________________ Pinagkunan:https://thu
mbs.dreamstime.com/b/
thinking-doubting-young- _____________________________________________ girl-student-thinking-
boy-looking-up-hand- young-beautiful-girl-
chin-question-mark-side- _____________________________________________ student-thinking-blue-
117826370.jpg pen-mouth-
_____________________________________________ 120507076.jpg

________________________
2
_____________________________________________
________________________
Aralin Suliraning Pangkapaligiran
6 sa Asya at Kalagayang
Ekolohikal ng Asya

Ang Asya ay kontinente na mayaman ang biodiversity. Ang biodiversity ay


pagkakaiba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa
natural na kalikasan (Asya, Pag-usbong ng Kabihasnan-Batayang Aklat). Sa
kasalukuyan ang mga bansa sa Asya ay nahaharap sa masalimuot na suliraning
pangkapaligiran kasabay ng kanilang lumalagong ekonomiya at lumalaking
populasyon.

Balikan

Ang Asya ay may magkakaibang likas na yaman na siyang nagiging dahilan ng


pag-unlad ng kanilang bansa at pamumuhay ng mga Asyano. Subukin natin kung
iyo pang naaalala ang implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga
Asyano. Dugtungan at kompletuhin ang mga pahayag sa ibaba.

1. Kung ang bansa ay may malawak at matabang


lupain, matutugunan nito ang __________________ Pinagkunan:
https://lh3.googl
__________________________________________________ eusercontent.com
/proxy/LHP3-
________________________________________________ T4xUeASgJHUxZj
adNXaM34kAHub
_________________________________________________ cdEFoSTOYn6Zr4
KWdkHKfpIdp4N9
knF0x4HjC4HcVP
7Gn-
2. Maunlad ang ekonomiya ng isang bansa na may gdJCOz03ypf69Pc
r8WaFGTFXvVIXd
_________________________________________________ n

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
______________________________________________

3. Sa paglaki ng populasyon ng isang bansa ay


nangangahulugan na ___________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
______________________________________________

Pinagkunan:
https://grid.gograph.com/a-
young-girl-writing-vector-
stock_gg63636329.jpg

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga
mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Binigyang pansin din
sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(Communication): pagtutulungan (Collaboration); pagkamalikhain (Creativity);
mapanuring pag-iisip (Critical Thinking); at pagbuo ng pagkatao (Character
building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang tagapagdaloy ng modyul
na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-
aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa
modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay ng malinaw na instruksyon sa pagkatuto.

Tuklasin

ANO SA TINGIN MO? Suriin ang mga larawan sa ibaba at tukuyin ang mga
gawain na nakasisira sa mga sumusunod:

Pinagkunan:
https://mo
nique1home
_____________________________
.files.wordpr
ess.com/20 LUPA _____________________________
18/10/mais
.png?w=604
_____________________________
&h=453

Pinagkunan:
https://ww
w.techexplor _____________________________
ist.com/wp-
content/upl KATUBIGAN _____________________________
oads/2019/
04/ocean.jp _____________________________
g

Pinagkunan:
https://s3.a _____________________________
mazonaws.c
om/mongab KAGUBATAN _____________________________
ay/sabah/6
00/sabah_1 _____________________________
510.jpg

4
Suriin

Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Ang Asya ay nakararanas ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran na bunsod ng


lumalaking populasyon at walang katapusang pangangailangan ng tao dagdag pa
ang pagnanais ng mga bansa na umunlad. Ang mga kadahilanang ito ay naging
sanhi ng pagkasira ng kapaligiran at dagdag na presyur sa paggamit ng mga likas
na yaman. Tunghayan natin ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan
ng ilang bansa sa Asya.

Pagkasira ng Lupa

Ang maling paggamit, pang-aabuso sa lupa at ang hindi tamang proseso ng


irigasyon ay maaaring magresulta ng mga sumusunod na pagkasira ng lupa:

Sitwasyon ng
lupa sa
Bangladesh Salinization –
Pinagkunan:http
s://www.thedail pagkakaroon o panunuot
ystar.net/sites/ ng asin sa lupa na
default/files/bet
a2/uploads/201 inaanod ng tubig sa lupa.
3/07/fr0150.jpg Alkalinization –
pagkakaroon ng alkaline
sa lupa.
Ningxia, Desertification – Ang
Hilagang
Kanluran ng lupa ay nawawalan na ng
China kapakinabangan bunga ng
https://eco-
business.imgix.net pagkatuyo nito.
/uploads/ebmedia
/fileuploads/021_j
Overgrazing- ito ay
pg_301399g.jpg?fit nagaganap dulot ng labis
=crop&h=960&ixlib
=django- na pagpapastol o higit na
1.2.0&w=1440
presyur sa mga damuhan.

Ang pagkasira ng lupa ay


maaaring magdulot ng kakulangan ng
pagkain at panganib sa kalusugan ng
mamamayan. Ang ilang lugar sa China
gaya ng Xinjiang at Inner Mongolia, sa
Kanlurang Asya at malaking bahagi ng
kabuuan ng lupain sa India ay
nakararanas ng desertification. Ang
paggamit ng mga kemikal bilang pataba
at panlaban sa peste, pagtotroso ng
labis, gawaing industriyal at pagmimina
Overgrazing sa Iran ang ilan lamang sa dahilan ng
Pinagkunan:https://www.permaculturenews.org
/images/iran_image008.jpg desertification.

5
Urbanisasyon

Ang urbanisasyon ay ang pagdami ng mga tao sa mga pook urban o lungsod bunga
ng oportunidad sa trabaho at iba pang kadahilanan. Sa paglaki ng populasyon sa
mga lungsod kaakibat nito ang panganib sa kalusugan ng mga mamamayan at
pagdami ng mahihirap na lugar. At higit sa lahat ang paglaki ng bilang ng mga
mamamayan ay banta rin sa kapaligiran.

Sitwasyon ng daanan ng Noise Pollution sa


Urbanisasyon sa India
Pinagkunan: https://encrypted- tubig sa India India
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9G Pinagkunan:https://akm-img-a- Pinagkunan:
cTLPJqFZeT3Zg1VQdjZztTovERPQSowcj1Q in.tosshub.com/indiatoday/images/stor https://internationalesommerun
LX-deRTCYDTX3HTd&usqp=CAU y/201702/cleanup- i.files.wordpress.com/2011/05/n
647_020817070118_0.jpg oise-pollution-1.jpg

Ang India ay isa lamang sa mga bansa na kung saan dumarami ang mga
mahihirap na lugar at may mga pamayanan na nakararanas ng problema sa
kalusugan. Isang dahilan ng pagkakasakit ng mga tao ay kakulangan ng
pagkakaroon ng malinis na tubig sapagkat ang mga wastewater na galing sa mga
industriya at pabrika ay naitatapon sa mga katubigan at kalupaan.

Ang noise pollution ay isa rin problema dulot ng urbanisasyon at ito’y kapansin-
pansin sa mga lungsod na may maraming sasakyan pribado man o pampubliko
kasama rin ang mga industriya na lumilikha ng ingay dahil sa mga ingay ng
makinarya, air conditioning unit, siren at iba pa. Ang labis na ingay ay maaaring
magdulot sa tao ng stress at pagkabingi.

Problema sa Solid Waste

Ang basura ay maaaring uriin sa dalawa,


ito ay ang basurang galing sa kabahayan
at basurang industriyal na nalilikha ng
mga pabrika, ospital at industriya.
Maraming bansa sa Asya ay hindi
naitatapon ng maayos ang mga basura o
kulang ang mga karampatang pasilidad
para dito. Kung kaya’t ang mga basura na
hindi maayos na naitatapon ay
napupunta sa mga kalupaan, katubigan
at hangin na nagiging sanhi para
makontamina ito. Ang kontaminasyon sa Problema sa Basura ng Indonesia
Pinagkunan:
lupa at tubig ng mga kemikal at https://img.jakpost.net/c/2019/02/21/2019_02_
maasidong materyal ay banta sa 21_66075_1550760749._large.jpg
kalusugan at pamumuhay ng mga
mamamayan. Gayundin nasisira ang
kapaligiran dulot ng mga basura.

6
Pagkawala ng Biodiversity

Ang Asya ay kontinente na katatagpuan ng pinakamaraming species ng ibon,


reptiles, amphibian at mammal. Mayaman ang biodiversity ng Asya subalit ang
pagkawala nito ay mabilis din.

Makikita sa ibaba ang 10 Asian Endangered Species


https://www.dw.com/en/international-biodiversity-day-asias-most-threatened-
species/g-48759368 (Author: Marjory Linardy, Date: May 22, 2019).

Sumatran Orangutan South China Tiger Sunda Pangolin Javan Rhinoceros


(Indonesia)

Wild Bactrian camel Saiga (Kazakhstan at White-bellied heron (India,


Sumatran tiger Bhutan, Bangladesh at
(Hilagang China at Timog Russia) Myanmar)
Mongolia)

Eastern black crested gibbon


Russian sturgeon (Timog-Silangang China at
(Iran, Kazakhstan) Hilagang Vietnan)

Paglaki ng populasyon

Walang habas na pagkuha at paggamit ng


likas na yaman
Mga
maaaring
dahilan ng Pang-aabuso sa lupa
pagkawala
ng
biodiversity Pagkasira at pagkakalbo ng kagubatan
(Asya, Pag-
usbong ng
Kabihasnan,
Polusyon sa kapaligiran
p.50)

Introduksiyon ng mga species na hindi likas


sa isang partikular na rehiyon

7
Polusyon sa Hangin at Tubig

Ang polusyon sa hangin ay isa sa pinakamalaking suliraning pangkapaligiran sa


Asya. Ang kontaminasyon sa hangin na dulot ng paggamit ng petrolyo na
nagreresulta sa sulfur dioxide ay maaaring maging dahilan ng ibang problema
tulad ng acid rain, ozone depletion at climate change.

Ang acid rain ay bunga ng pagsusunog ng mga fossil fuel sa mga pabrika at mga
sasakyan na napupunta sa mga katubigan at maaaring maapekuhan din ang mga
gusali, pananim at imprastraktura. Nakaninipis naman ng ating ozone layer ang
mga kemikal na nasa hangin. Ang ozone layer ang nagbibigay proteksyon sa mga
may buhay sa daigdig laban sa epekto ng radiation dulot ng ultraviolet rays.

Ang polusyon sa hangin ay pangunahing problema ng mga lungsod sa Asya tulad


ng Beijing, Tokyo, Seoul, Taipei, Jakarta at Bangkok.

Polusyon Polusyon
sa Hangin sa Hangin
sa Tokyo, sa Beijing,
Japan China
Pinagkunan: Pinagkunan:
https://www.adb.or
https://projectha
g/sites/default/files
t.weebly.com/upl /styles/content_me
oads/4/7/5/0/4 dia/public/content-
7505085/519456 media/5371-beijing-
8.jpg?412 air-pollution-
0.jpg?itok=k4etLMfb

Sa kabilang banda, hindi naman nakaliligtas ang mga katubigan sa Asya sa


kontaminasyon ng mga basura, kemikal at maruming tubig na galing sa mga
industriya at kabahayan. Kapag nakontamina ang mga karagatan magdudulot ito
ng pagkamatay ng mga yamang-dagat na makakaapekto naman sa kabuhayan ng
mga mamamayan at pati na rin sa kalusugan. Ang problema ng red tide ay
nararanasan sa mga lugar na malapit sa karagatan ng China at Pilipinas.

Pagkasira ng Kagubatan

Ilang bansa sa Asya ang nakararanas ng


pagkawasak ng kagubatan o
deforestation na kung saan may
masamang epekto ito sa ecosystem.
Pinuputol ang mga puno na ilang libong
taon ng nabubuhay at hindi ito basta
mapapalitan sa muling pagtatanim.
Kapag ang kagubatan ay nakalbo,
nanganganib rin ang natural habitat ng
mga hayop at halaman. Dagdag pa rito,
ang pagkawala ng mga puno ay
maaaring magdulot ng iba pang
suliranin sa kapaligiran tulad ng
pagguho ng lupa, pagbaha, siltasyon at
sedimentation. Sa ilustrasyon sa kanan,
Pinagkunan:
makikita na ang Indonesia ay
http://www.worldtreetrust.com/wp-
nakararanas ng labis na pagkasira ng content/uploads/2013/10/map.gif
kagubatan.

8
Kalagayang Ekolohikal sa Asya
Ang balanseng ekolohikal ay tumutukoy sa balenseng kalagayan ng pamayanan ng
mga species na umaayon sa isa’t isa. Mahalagang mapanatili ang balanseng
kalagayang ekolohikal lalo na sa Asya sapagkat nakaaapekto ito sa kabuuang
kalagayan ng kapaligiran sa daigdig. Ang nararanasang problema sa kapaligiran ng
isang bansa ay posible ring suliranin din ng mga karatig bansa o rehiyon at maging
ng mga mamamayan sa buong mundo. Kaya marapat lamang na maging
responsable ang bawat isa pangangalaga ng kapaligiran.

Sa isang bahagi ng artikulo na


nailathala nina J. Wu at C. Overton na
may pamagat na “Asian Ecology:
Pressing Problems at Research
Challenges” noong 2002, 25% ng
kabuuang pagbuga ng carbon dioxide sa
buong mundo ay nagmula sa Asia-
Pacific ayon sa pananaliksik ng
dalubhasa noong 1991. Kung
magpapatuloy, maaaring tumaas sa
36% sa 2025 at 50% sa pagtatapos ng
ika-21 na siglo ang pagbuga ng carbon
dioxide sa nabanggit na rehiyon.
(Pinagkunan: Asya: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba pahina 53).
Ibig sabihin lamang nito na ang
pagkalat ng carbon dioxide at iba pang
air pollutants na nasa hangin ay Paglalarawan ng Balanseng
mapanganib at maaaring lumawak ang Ekolohikal
Pinagkunan:https://banner2.cleanpn
maapektuhang teritoryo o sakop ng g.com/20180303/lcw/kisspng-earth-
ganitong klase ng suliraning ekolohikal world-map-globe-vector-hand-planet-
5a9af8cfb6c277.02113218152010567
na kasalukuyang nararanasan na ng 97486.jpg
Asya.

9
Pagyamanin

PICTURE-STATEMENT
Sa tulong ng mga larawan at ng iyong mga natutunan mula sa aralin, bumuo ng
pahayag tungkol sa suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa Asya.
(Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan)

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
______________
Pinagkunan:https://www.meruso Piangkunan:https://dialogochino.net/
nline.com/wp- wpcontent/uploads/2019/09/Seca_e
content/uploads/2019/03/Irrigat m_Sobradinho_08-1440x720.jpg
ionSalt.jpg

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
Pinagkunan:https://www.worl Pinagkunan:https://prevention.n
______________
dbank.org/content/dam/phot ews/wpcontent/uploads/sites/1
os/780x439/2019/may- 06/2017/07/Editorial-Use-
4/urban_web_3.jpg Traffic-Jam-Bangkok.jpg

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
Pinagkunan:https://media.npr. Pinagkunan:https://i.pinimg. ______________
org/assets/img/2017/01/09/ap com/originals/c8/d3/63/c8d
_17004295902215_custom- 363aa3220c1064858cd2c9a0
0a31c6209bd58ea68fb2801d253
48579.jpg
d4ca05c84f35f-s800-c85.jpg

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
Pinagkunan:https://encrypted-
Pinagkunan:https://images.theconversation.co
m/files/151687/original/image-20170104- tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcS ______________
18659-12sojb6.jpg?ixlib=rb- pdLmMBC_UVibHmL4rYfkt6DuuBLVW_ZZXcj
1.1.0&q=45&auto=format&w=1200&h=1200.0 5rIjVHcBOgdIlm&usqp=CAU
&fit=crop

10
Pamprosesong Tanong:
1. Isa-isahin ang maaaring epekto ng mga sumusunod na suliraning
pangkapaligiran sa pamumuhay ng mga Asyano:
A. Pagkasira ng lupa- _____________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
B. Urbanisasyon - ________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
C. Problema sa Solid Waste - ______________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
D. Polusyon sa Hangin at Tubig - __________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
E. Pagkawasak ng kagubatan - ___________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, bakit mabilis ang pagkawala ng biodiversity sa Asya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Bakit dapat panatilihin ang balanseng ekolohikal sa Asya? _________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

11
Isaisip

Kumpletuhin ang nilalaman ng pahayag.

Sa kabuuan ang Asya ay nakararanas ng mga


______________________________________________tulad ng
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________.
da
Nakaaapekto ito sa pamumuhay ng mga Asyano dahil
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________ Pinagkunan:
______________________________________________________ https://st2.deposi
tphotos.com/274
_____________________________________________________. 7043/10806/v/9
Kung kaya’t dapat mapanatili ang balanseng ekolohikal 50/depositphotos
_108061350-
sapagkat _________________________________ stock-illustration-
______________________________________________________ boy-and-girl-
sitting-reading.jpg
______________________________________________________
______________________________________________________

Mga Dapat Tandaan sa Aralin:

 Ang Asya ay nahaharap sa mga suliraning pangkapaligiran tulad ng


pagkasira ng lupa, urbanisasyon, pagkawala ng biodiversity, polusyon sa
hangin at tubig, problema sa solid waste at pagkawasak ng kagubatan.
 Ang mga suliraning pangkapaligiran ay may malaking epekto sa kalagayang
panlipunan, kabuhayan at pamumuhay ng mga Asyano.
 Dapat panatilihin ang balanseng ekolohikal ng Asya dahil ang kalagayang
pangkapaligiran ng kontinente ay makaaapekto sa kabuuang kalidad ng
kapaligiran sa buong daigdig.
 Ang mga Asyano ay responsible sa pangangalaga at pag-iingat ng ating
kapaligiran.

12
Isagawa

Nalaman mo na ang Asya ay nahaharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran


na nakaaapekto sa kalagayang panlipunan, kabuhayan at pamumuhay ng
mamamayan maging sa pangkalahatang kalagayan ng kapaligiran sa daigdig.
Bilang Asyano, maaari mo bang isulat ang iyong gagawin sa bawat sitwasyon.
(Pagbuo ng Pagkatao, Pagkamalikahain)

Nakita mong ang basura ng


iyong kapitbahay ay
magkakahalo at hindi ito
pinaghihiwa-hiwalay batay sa
nabubulok, di-nabubulok at
ang mga maaaring i-recycle.

Pinagkunan:https://fscomps.fotosear
ch.com/compc/CSP/CSP171/pile-of-
garbage-isolated-in-white-
clipart__k52384981.jpg

Sa inyong komunidad ay may


mga pabrika na nagtatapon
ng mga kemikal sa ilog.

Pinagkunan:https://thumbs.drea
mstime.com/b/pipe-pouring-out-
industrial-waste-ecological-
disaster-environmental-pollution-
concept-vector-illustration-white-
pipe-pouring-130945734.jpg

Sa inyong barangay ay may


Clean and Green Project na
maaaring lahukan ng mga
kabataan.

Pinagkunan:https://cdn.clipart.em
ail/3895db24316f8cbef6cc785081e
ea3bc_environment-clipart-
cleanliness-surroundings-
environment-_640-480.png

13
Tayahin

PANUTO: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang letra ng tamang
sagot. (Mapanuring Pag-iisip)

1. Ano ang tawag sa pagkakaiba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng


buhay na bumubuo sa natural na kalikasan?
A. Biodiversity C. Ecosystem
B. Ecological Balanse D. Likas na Yaman

2. Ang Asya ay maituturing na isa sa mga kontinente na may


pinakamayamang biodiversity sa buong mundo subalit mabilis ding
nawawala ito. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tuwirang dahilan ng
pagkawala ng biodiversity sa Asya?
A. problema sa solid waste
B. patuloy na paglaki ng populasyon
C. pagkakalbo at pagkasira ng kagubatan
D. walang habas na paggamit ng likas na yaman

3. Ang salinization ay isa ring problemang kinahaharap ng ilang bansa sa


Asya. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kondisyon nito?
A. pagkasira ng lupain sa Saudi Arabia at Oman bunga ng labis na
pagpapastol
B. panunuot ng tubig-alat sa mga ilog na dumadaloy sa 38% ng bansang
Bangladesh
C. kontaminasyon sa mga nuclear power plant dahil sa mga basura at
maruming tubig tulad nang nangyari sa Japan
D. ang pagdami ng banlik sa malalim na bahagi ng lawa ng Tonle Sap sa
Cambodia ay nakaaapekto sa migrasyon ng mga isda

4. Ang mga bansang Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas ay ilan


lamang sa mga bansang nangunguna sa may pinakamabilis na antas o rate
of deforestation. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing sanhi ng
problemang ito?
A. komersiyal na pagtotroso at pagkakaingin
B. pagdami ng mga dumi o materyales na latak mula sa proseso ng
pagmimina
C. mas malaki ang kawan ng mga hayop kaysa sa lawak ng damuhan o
pastulan
D. pagsusunog sa mga fossil fuel sa mga power station, pabrika at mga
sasakyan

14
5. Ang ating karagatan ay patuloy na namamatay dahil sa polusyon. Ano ang
pinakamabisang paraan na iyong magagawa bilang mag-aaral upang
mapangalagaan ito?
A. pagsali sa mga organisasyon na nangangalaga sa mga karagatan
B. pagsasagawa ng poster at islogan na naglalaman ng pangangalaga sa
mga anyong-tubig
C. pagsasagawa ng mga kampanya sa paaralan kung paano maililigtas
ang mga karagatan
D. ipaubaya na lamang sa pamahalaan kung paano pangangalagaan ang
mga yamang-tubig

Urbanisasyon
Pagkasira ng
Problema sa
lupa
Solid waste

Mga Suliraning
Pangkapaligiran
Polusyon sa Pagkasira ng
Dulot ng
hangin at tubig Malaking kagubatan
Populasyon

6. Suriin ang organizer sa itaas na naglalaman ng mga suliraning


pangkapaligiran sa Asya. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. lalong lumalala ang problemang pangkapaligiran ng mga bansa sa
Asya
B. magkakaugnay ang epekto sa kapaligiran dulot ng malaking
populasyon
C. ang paglaki ng populasyon ay nangangahulugang pagkasira ng
kalikasan
D. pangunahing ugat ng ibat ibang suliraning pangkapaligiran sa Asya
ay ang paglaki ng populasyon

7. Ang pagtatapon ng basura o solid waste ay malaking suliranin ng halos


lahat ng bansa sa daigdig. Maraming bansa sa Asya ang walang
karampatang pasilidad upang itapon sa maayos na pamamaraan ang mga
basura. Sa iyong palagay, ano ang maaaring maging implikasyon nito?
A. patuloy na pagdami ng mga basura lalo na sa pook urban
B. tataas ang insidente ng pagkakasakit ng mga bansa sa Asya dahil sa
basura
C. mababawasan ang produksyon sa agrikultura at industriya dahil sa
mga basura
D. maaaring makontamina o marumihan ang hangin, tubig at maging
lupa sa mga bansa sa Asya

15
8. Ang pagbaha, erosyon sa lupa, pagguho ng lupa, siltasyon at sedimentation
ay maaaaring maidulot din ng pagkawasak ng mga kagubatan sa Asya. Ano
ang inyong mahihinuha mula dito?
A. ang deforestation ang pinakakritikal na problemang pangkapaligiran
sa Asya
B. ang pagkawala ng mga puno sa gubat ay maaaring maging sanhi ng
pagkasira ng natural ecosystem
C. ang pagkasira ng kagubatan ay pwedeng magresulta ng mas
komplikadong suliraning pangkapaligiran
D. ang pagkasira ng kagubatan ay maaaaring magbigay daan sa iba
pang problemang pangkapaligiran tulad ng mga nabanggit

9. Ang mga ilog sa Asya ay nakararanas ng matinding kontaminasyon gaya ng


Ilog Huang Ho, Ilog Ganges at Ilog Amu Darya at Syr Darya. Ang mga
polusyong industriyal ang nagiging sanhi ng pagdumi ng tubig sa mga ilog
at pagkamatay ng mga isda. Ang dumi galing sa mga minahan na may
halong kemikal ay peligro sa mga pananim at maaaring makaapekto sa
kalusugan ng mga tao. Samakatwid, ano ang inyong mahihinuha sa mga
pangyayaring bunga ng kontaminasyon sa tubig?
A. ang polusyon sa tubig ay dulot ng urbanisasyon
B. ang polusyon sa tubig ay maaaring makababa ng produksyon ng
pananim ng mga bansa
C. ang polusyon sa tubig ay maaaring magdulot ng ibat ibang sakit na
maaaring ikamatay ng tao
D. ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng problemang ekolohikal sa
kalikasan at problemang pangkalusugan ng mga tao

10. Mahalaga ang pagkakaroon ng ecological balance sa Asya. Bakit dapat


panatilihin ito?
A. upang magkaroon ng maayos na ugnayan ang lahat ng mga buhay sa
daigdig
B. upang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay ang mga tao sa
kanyang kapaligiran
C. sapagkat ang problema sa kapaligiran ng isang bansa ay maaaring
makaapekto sa ibang bansa
D. sapagkat ang kalagayang ekolohikal ay tiyak na makakaapekto ng
lubos sa pangakalahatang kalidad ng kapaligiran

16
Karagdagang Gawain

Narito ang ilang gawain na maaari mong pagpilian upang mas lalo pang
mapagyaman ang iyong kaalaman at pag-unawa sa mga suliraning
pangkapaligiran at kalagayang ekolohikal ng Asya. Maaaring isagawa ang bawat
gawain sa tulong ng ibang miyembro ng pamilya. Pumili lamang ng isang gawain.
(Pagkamalikhain at Pagtutulungan)

Gawain 1 Gawain 2
Bumuo ng poster na nagtatampok ng Gumawa ng isang video presentation
mga kaparaanan upang mapangalagaan gamit ang ibat ibang platform. Ipakita
ang kapaligiran at mapanatili ang sa video ang mga suliraning
balanseng ekolohikal sa Asya. pangkapaligiran na nararanasan ng mga
bansa sa Asya gayundin ang mga
paraan sa pangangalaga ng kapaligiran.
Maaari itong i-upload sa facebook o
youtube.

Pinagkunan:
https://previews.123rf.com/images/
lenm/lenm1212/lenm121200093/1 Pinagkunan:
6840174-illustration-of-a-mother- https://static.vecteezy.com/
teaching-her-daughter-how-to- system/resources/previews/
write.jpg 000/163/978/non_2x/vector
-video-blogger-creator-
making-video-stream.jpg

17
Sanggunian
Blando, R.,Sebastian, A.,Espiritu A., Golveque, E., Jamora, A., Capua, R.,…Mariano, R.
(2014). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Eduresources Publishing, Inc.
pp. 46-53.

Mateo, G.E., Jose R., Camagay, M.L., Miranda, E., Boncan, C. (2010). Asya Pag-usbong
ng Kabihasnan. Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Publishing House, Inc. pp. 46-56.

Tammy. Asia: Environmental Issues in Southeast Asia. [Video] Available from:


https://www.youtube.com/watch?v=yf8N6tMKWjk. [February 5, 2017].

Asiasociety.org. In Images and Video, Visualizing China's Environmental Crisis.[Video]


Available from: https://asiasociety.org/blog/asia/images-and-video-visualizing-chinas-
environmental-crisis [November 12, 2019].

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like