You are on page 1of 10

7

Republic of the Philippines


Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Development Team:
Writer/s : Marlette R. Timbre
Illustrator/s : Celso C. Cleto
Layout Artist/s
Content Editor/s : Lucita A. Gener
: Paulo T. Adorio
Management Team:
Regional Director : Malcolm S. Garma, Director IV
Schools Division Superintendent : Maria Magdalena M. Lim, CESO V
CLMD Chief : Genia V. Santos
CID Chief : Aida H. Rondilla
Regional EPS (Learning Area) : Roland Montes
Regional LR : Dennis M. Mendoza
SDO EPS (Learning Area) : Lucita A. Gener
SDO LR : Lucky S. Carpio
Regional Librarian : Nancy M. Mabunga
PDO II : Albert James P. Macaraeg
Librarian II : Lady Hannah C. Gillo

This is a Government Property. Not for Sale


1
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
__________________________________________________________________________________

Ang Birtud at Ang Gawi


Ikatlong Markahan Ikalawang Linggo Modyul 2

INAASAHAN

Sa modyul na ito inaasahang mauunawaan na ang gawi ay ang mga mabubuting


kilos na paulit-ulit na ginagawa patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues).
Bilang nagdadalaga at nagbibinata, mahalagang ngayon palang ay naisasabuhay na
ang mga birtud at pagpapahalaga upang masanay na gumawa ng mabuting kilos.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng pinakawastong sagot.
1. Ito ang tinatawag na ina ng mga birtud.
A. Katarungan C. Pagtitimpi
B. Katatagan D. Maingat na paghuhusga
2. Paano naisasabuhay ang mga birtud at pagpapahalaga?
A. Maging matulungin sa kapwa
B. Sundin ang mga magulang
C. Gawin ang mga responsibilidad sa bahay
D. Lahat ng nabanggit
3. Sa bawat ____________nakasalalay ang magiging kilos mo.
A. Salita C. Desisyon
B. Tugon D. Gawa
4. Ang __________ ay bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang
kilos.
A. Bisyo C. Gawi
B. Birtud D.Desisyon
5. Ang birtud ay hindi hiwalay sa isip at kilos-loob. Nangangahulugan ito na:
A. Ang birtud ay pagpapasyang gawin ang tama, na may tamang katuwiran at sa
tamang pamamaraan.
B. Ang isip at kilos loob ay mga kapagyarihan na pinagkaloob sa tao para angat
sa ibang nilalang.
C. Ang birtud ay hindi maaaring ihiwalay sa isip at kilos -loob.
D. Unti-unti ng nahuhubog ang mga kilos o gawi sa siyang mahalaga upang
mahubog ang magandang asal.
6. Noong 2 taon palang si Lily ay tinuruan na siya ng kanyang nanay kung paano at
bakit kailangang magdasal pagkagising sa umaga. Simpleng pasalamat lang at
naidilat ulit ang mga mata at nagising pa. Ngayon ay labing walong taong gulang na
sya pero tuloy pa rin ang kanyang pagdadasal pagkagising sa umaga. Anong
pagpapahalaga ang nalinang ni Lily?
A. Pananampalataya C. Pagkamasunurin
B. Paggising ng maaga D. Mapagpasalamat
7. Makakamit lamang ang birtud kung lalakipan ng __________________.
A. Pagsisikap C. Pag-unawa
B. Kasanayan D. Pagtatanong

(This is a Government Property. Not for Sale.)

2
8. Bakit mahalagang malinang ang mabuting gawi?
A. Upang makamit ang ninanais.
B. Upang magagawa ang gustong gawin.
C. Upang masanay ang tao na gumawa ng mabuting kilos
D. Upang masanay ang tao na magpasalamat

9. Ang paulit-ulit na pagsasagawa ng kilos ay tulong upang malinang ang birtud subalit
ang birtud ay nangangailangan ng;
A. Pagpili, pag-unawa at kaalaman
B. Papili , pagpasya at kaalaman
C. Pag-unawa, pagpasya at pagpili
D. Pag-unawa, paggawa at pagpasya
10. May dalawang binata ang nanliligaw kay Maria. Parehong nasa tamang edad na sila
at may mga trabaho na din. Ang mahirap ay parehong gusto ni Maria ang dalawa, kaya
nahihirapan siyang mamili. Anong birtud ang dapat nalinang kay Maria?
A. Fortitude C. Justice
B. Temperance D. Prudenc
BALIK-TANAW

Naalala mo ba ang nakaraang aralin? Sagutan ang sumusunod na tanong.


Anong aralin ang naalala mo na nag-uumpisa sa mga sumusunod na letra.
Hal. G? – gawi
1. B? =
2. P? =
3. M? =
4. V? =
5. I? =
6.
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Sa araw-araw na ginagawa mo, dumating sa punto na namimili ka kung sa mabuti o


masama; kung tutulong o hindi; kung susunod o hindi. Kadalasan kung ano ang
nakasanayan mong gawin, iyon na ang lagi mong gagawin. Kaya mahalaga lalo na sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata na mahubog na ngayon palang ang mga birtud lalo
na ang maingat na paghuhusga upang lagi nating mapipili ang kung ano ang tama at
mabuti.
Ngayon ay matutunghayan mo kung saan at paano nag-uumpisa ang isang birtud.
Mga birtud na dapat naisasabuhay upang mas mapapangalagaan pa ang mga
pinapahalagahan sa buhay.

ARALIN 1: OMG! (O My Gawi!)


Mga Layunin
1. Naipaliliwanag na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi ay
patungo ito sa paghubog ng mga birtud.
2. Natatalakay ang kahalagahan ng mga birtud.
3. Nahihinuha ang kahalagahan ng pagiging mabuting tao.
NILALAMAN NG ARALIN
Narinig mo na ba ang kwento ni Alice in Wonderland? Siya ay
isang batang babae na napadpad sa lugar ng pantasya at nagkaroon ng
maraming karanasan mula sa kanyang paglalakbay. Ito ay kwentong
pambata pero kapupulutan ng mga aral. Isang bahagi nito ay kung saan
nasa gitna siya ng nagsangang daan at nakaharap niya ang isang pusa.
Nagtanong sya kung saang daan ang nararapat niyang tahakin.

(This is a Government Property. Not for Sale.)

3
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
_______________________________________________________________________________
Alice: “Maari po bang ituro sa akin ang daan na nararapat kong tahakin mula rito?”
Pusa: “ Depende iyan sa gusto mong puntahan at nais mong marating.
Alice: “Wala naman akong partikular na nais puntahan.”
Pusa: “ Kung gayon, hindi mahalaga kung aling daan ang iyong tatahakin.
Alice: “ Ang mahalaga lang ay makarating ako kahit saan.”
Pusa: “ Siguradong mangyayari iyon; maglakad ka lang ng
maglakad.”
Naunawaan mo ba ang gustong ipahatid ng kwento? Sa buhay
ng tao, araw-araw nating nakakaharap ang nagsangang daan,
sa simple o kumplekadong sitwasyon. Kailangan nating pumili at
sa bawat pagpili dapat mayroong pagbabatayan. Ang
pagbabatayan ang siyang nagsisisilbing gabay mo upang
marating ang paroroonan. At sa bawat pagpapasya lagi itong may nakaabang na
kahihinatnan. Mahalaga na katulad ni Alice mahubog din ang mga birtud ng pagtatanong
upang may pagbabatayan ka sa iyong pagpapasya. Sa bawat pagpili, mahalagang huwag
lang basta oo ng oo, dapat din magtanong upang magkaroon ng batayan sa pagpipilian. Sa
bawat desisyon nakasalalay ang ang magiging kilos mo. Kung ang kilos mo ay mabuti at
paulit ulit mo na itong ginagawa, ito ay magiging gawi.
Ang gawi ay bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o
pagsasagawa ng isang kilos. Makakamit lamang ito kung
lalakipan ng pagsisikap. Dahil ito ay dumadaan sa
mahabang proseso at pagsisikap ng tao, hindi ito mawawala
sa isang iglap lamang. Ito ay magiging isang permanenteng
katangian na magtutulak sa tao na kumilos nang hindi
lamang puno ng kasanayan kundi may kalakip na kawilihan
at kasiyahan. Ang gawi ang unang hakbang sa paglinang ng
birtud. Halimbawa, pagkagising mo sa umaga nagpapasalamat ka agad sa Diyos, at araw-
araw mo na ito gagawin hanggang makasanayan mo na. Kung ang pipiliin mo naman ay ang
kilos na nakasasama at paulit-ulit mo itong ginagawa, ito ay magiging bisyo. Mahalagang
malinang ang mabuting gawi upang masanay ang tao sa paggawa ng mabuting kilos.
Subali’t ang birtud ay hindi simpleng nakasanayang kilos, sapagka’t ang kondisyong ito ay
lumalabas na hindi pinag-iisipan, nangyari na lamang ang kilos dahil sanay na ang tao na ito
ang ginagawa. Ang paulit-ulit na pagsasagawa ng kilos ay tulong upang malinang ang birtud
subali’t ang birtud ay nangangailangan ng pagpili, pag-unawa at kaalaman.
Nangangahulugan ito ng pagkilos nang may kamalayan. Ang birtud ay pagpapasiyang
kumilos at hindi bagay na nakakabit sa tao at awtomatikong lumalabas sa kilos ng tao.
Samakatuwid, ang birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang
gawin ayon sa tamang katuwiran. Nakabatay ito sa pagpipili gayundin sa paglinang sa
kakayahang gumawa ng tamang pagpapasya sa hinaharap. Halimbawa, ang isang matapat
na tao na nagpasyang huwag kumuha ng hindi sa kanya, ay hindi resulta ng kanyang
ginawa sa nakaraan, kundi isang pasya o desisyon sa kasalukuyan na maging matapat.
Kaya nga ang birtud ay hindi hiwalay sa isip at kilos-loob; nangangahulugan ito na ang
birtud ay pagpapasyang gawin ang tama, na may tamang katuwiran at sa tamang
pamamaraan.

MGA GAWAIN
Gawain 1: Ang Brilyante!
Ang birtud ay parang mga brilyante, nagbibigay kapangyarihan. Dapat lang itong
pakinangin upang makita ng iba ang kanyang kagandahan at kapangyarihan. Anong
brilyante ang gusto mong alagaan? At paano mo ito pakikinangin upang makita ang
kanyang ganda at halaga.

(This is a Government Property. Not for Sale.) 4


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
_______________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa loob ng brilyante.

1. Anong birtud ang gusto mong malinang sa iyo?

2. Mga paraan upang malinang ang birtud.

Gawain 2: “Picture Analysis”


Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan sa loob ng kahon.

Anong birtud ang dapat malinang sa mga batang


ito? Paano kaya nila ito mapahahalagahan?
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_____________________.
Parang binagsakan ng langit at lupa ang lalaking
ito. Anong birtud ang kailangan niya sa panahong
ganito?
______________________________________________
______________________________________________
_
_______________________
Nagsigawan ang dalawang magkaibigan. Hindi
napigilan ang kani-kanilang emosyon. Anong birtud
ang kanilang kailangan?
__________________________________________
__________________________________________

Nurse o Pilot? Nahihirapan ang bata na mamili


kung alin sa dalawa ang gusto niyang maging.
Anong birtud ang kailangan nya?
Nurse Pilot ______________________________________________
______________________________________________

(This is a Government Property. Not for Sale.)


5
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
_______________________________________________________________________________
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Panuto: Gamitin ang mga salita sa ibaba upang makabuo ng konsepto tungkol sa pinag-
aralan.
Pagpipilian gawi birtud
maingat na paghuhusga paulit-ulit nakasanayan
kilos bisyo pasya
gawa mahubog hakbang

Nabuong Konsepto:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
___________________________________.

ARALIN 2: Birtud ng Buhay!


Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga birtud at pagpapahalaga sa mga simpleng gawain sa araw-
araw.
2. Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga na
magpapaunlad sa buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata.

NILALAMAN NG ARALIN
Paano isinasabuhay ang mga birtud at pagpapahalaga?
Masasabi natin na natututo ang mga bata sa pagtuturo ng pagpapahalaga kung
naisasabuhay paulit-ulit ang ibat-ibang mga birtud. Ito ang konkretong patunay na naisaloob
na ng isang kabataang katulad mo ang mga moral na pagpapahalaga. Kapag isinasabuhay
ang mga pagpapahalaga, nangangahulugan na ito na unti-unti ng nahuhubog ang mga kilos
o gawi (attitude) na sya naming mahalaga upang mahubog ang iyong magandang ugali o
asal (behavior). Ang moral na pagpapahalaga ay dapat mailapat sa anumang
pagkakataon, sa bawat pagpapasya at sa lahat ng gawain. Mahalagang kasanayan din ito
na makatulong upang mapaunlad ang iyong isip, hangarin at kilos. Ang bawat gawain na
isinasagawa ng paulit-ulit ay naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Halimbawa ay
ang pagdadasal bago kumain, pagsagot sa modyul o paggawa ng takdang aralin at pati ang
pagsuot ng facemask. Pakiramdam mo ay kulang kung hindi mo ito naisasagawa dahil
nagiging bahagi na ito ng iyong sistema.
Isang magandang halimbawa sa pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga
ay ang kwento ng isang limampung taong si Ginoong Romeo Menil. Siya ay dati nang
na-stroke at nagpapalimos sa kalsada para maitulong sa mga nasalanta sa bagyong
Ulysses sa lungsod ng Marikina. Salat sa pamumuhay pero mas nagingibaw ang
kagandahang loob na tumulong sa kapwa. Pinatunayan lang ni Mang Romeo na hindi
hadlang ang kapansanan para makatulong sa mas nangangailangan. Ito ay patunay na
isinasabuhay ni Mang Romeo ang mga birtud at moral na pagpapahalaga sa
pamamagitan ng paggawa ng kabutihan, pagtulong, paggalang at pagmamalasakit sa
kapwa

(This is a Government Property. Not for Sale.)

6
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
_______________________________________________________________________________

Ikaw, sa paanong paraan mo kaya maisasagawa ang pagsasabuhay ng mga


pagpapahalaga at birtud? Siguro sa simpleng pagsunod sa magulang, ito ay pagbibigay
paggalang na siyang huhubog tungo sa birtud ng katarungan. Ang paggawa sa takdang-
aralin, pag-aaral, pagbabasa at pagtatanong ay pagpapakita ng birtud at pagpapahalaga sa
karunungan. Ang pagdarasal, pagninilay-nilay, pagmamasid, at pakikinig sa turo ng
simbahan ay paghubog sa moral na birtud. Isa sa mga mabubuting gawi ng kabataan
ngayon ayon kay Sean Covey, (1998 ) ay ang mga sumusunod:

Dapat maging masinop at laging handang maging solusyon o


1.“Proactive”
magbigay solusyon sa problema. Sumali sa paggawa ng mga
makabuluhang gawain tulad ng pagbuboluntaryo.

2. “Begin with the end in mind” Tuklasin ang iyong mga talento at kakayahan.
Paunlarin, gamitin para sa kabutihan at ibahagi sa
iba. Alamin kung ano ang layunin mo sa buhay para magkaroon ka ng direksiyon.
Magkaroon ng prayoridad at unahain ang mas mahalaga sa
3. “Put first thing first” buhay.

4. “Think win-win” Hinihimok nito ang ideya na sa anumang talakayan o sitwasyon


ang parehong partido ay parehong makikinabang. Maging
masaya para sa iba.
Ang pinakamahalaga sa lahat ay
5. “Seek first to understand, then to be understood” ang ugaling marunong makinig.
Makinig para maunawaan.
Pakikipagtulungan. Dapat bilang kabataan, marunong kang
6. “Synergize”
makipagtulungan at makiisa sa pangkat.

Ingatan ang sarili. Magkaroon ng regular na pag-update at


7. “Sharpen the saw”
pagtibayin ang isip at kilos-loob.

Kaya bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, mahalin at pagpasalamat sa mga


bagay na mayroon ka, manalangin at magdasal sa Panginoon upang humingi ng gabay sa
paggawa ng nararapat at tama sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng paggamit ng
mga mabubuting birtud at pagpapahalaga.

Gawain 1: “Treasure Box


Panuto A: Tukuyin kung anong birtud o pagpapahalaga ang ipinakikita sa sitwasyon. May
mga pagpipilian sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa mga patlang.

1. Si Marielle ay isang frontliner. Lakas loob siyang humaharap sa laban araw-araw.


Tanging dobleng pag-iingat at pagdadasal lang ang kanyang dala-dala tuwing
humarap sa mga pasyente. K______________________.
2. Nasira ng bunsong kapatid ang proyektong pinagpuyatang gawin ni Harvey. Pinigilan
niya ang kanyang galit dahil batid niyang hindi alam ng kanyang maliit na kapatid ang
ginawa nito. Napaiyak nalang siya. P _____________________.

(This is a Government Property. Not for Sale.)


7
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
_______________________________________________________________________________

3. Nawalan ng trabaho si Daniel dahil sa pandemic, pero hindi siya nawalan ng pag-asa
dahil alam niyang malalagpasan din ng pamilya nya ang pagsubok na ito. Lahat ng
pwedeng pagkakakitaan sa mabuting paraan ay ginawaga na niya, sinamahan pa
ng tiwala sa sarili at pananalig sa Diyos. P _______________.
4. Ngayon palang ay nag-iisip na si Bianca kung anong track sa Senior High School
ang kanyang kukunin. Mahilig siyang magbake at magluto na sinusundan lang ang
recipe book. Pero gusto rin niyang maging doktora. Nalilito sya kung ano ba dapat
ang pipiliin nya. M _______________________
5. Tiniis ng isang amang frontliner na hindi makasama ang pamilya sa loob ng ilang
araw dahil sa covid. Kuntento na lamang siyang makita sa malayo ang mga ito, hindi
man lang niya makarga ang kapapanganak pa lamang na sanggol. Ayaw nya
kasing magkasakit ang mga mahal niya sa buhay.
P_______________________________.
Panuto B: Ngayon, ikaw naman ang magbigay ng mga halimbawa o sitwasyon sa bawat
birtud at pagpapahalaga. Mamili lamang ng dalawang salita mula sa loob ng kahon.

Pagmamahal sa pamilya Pagiging responsible Katatagan


Kalayaan Pagtitimpi Paggalang Maingat na paghusga
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________
Gawain 2: Ito ang Kwento Ko!
Panuto: Basahin ang kuwento tungkol sa isang pamilyang hinubog ng pagpapahalaga at
pagmamahal.
Ang Bilin Ni Itay
Panganay ako sa anim na magkakapatid. Karpintero
ang tatay ko at labandera naman ang nanay ko. Sa
murang edad, sanay na ako sa trabaho at
responsibilidad. Tuwing umaalis ang aking mga
magulang ay laging bilin nila na tatayo akong magulang
sa mga kapatid ko. Dapat daw aalagaan at babantayan
ko sila. Kailangan ko din silang turuan at gabayan kung
paano sumunod at magtulungan sa mga gawaing bahay. Kailangang ako muna ang
gagawa upang maipakita ko sa kanila ang dapat gawin. Dapat din daw maging modelo
ako sa kanila, kaya ingat na ingat ako na huwag magkamali sapagkat gagayahin daw ito
ng mga kapatid ko. Sa mga karanasang iyon namulat ang pagiging responsable ko, ang
pagmamahal at pagmamalasakit ko sa aking mga kapatid at pamilya – ang aking unang
kapuwa.
Lumaki rin kaming magkakapatid na dapat tuwing alas sais ng gabi ay
magdarasal na at pagkatapos ay magmamano sa matatanda. Minulat din nila kami na
laging magdasal at humingi ng gabay sa Diyos sa lahat ng aming gagawin. Sabay-sabay
din kami sa pagkain. Ito rin ang oras na noon ang tawag namin ay sermon, pero sa totoo
lang dito ko naririnig ang mga "beatitudes" nina Inay at Itay.
Pagdating sa edukasyon, ang bilin ni Itay, hangga’t kaya pa daw niyang humawak
ng martilyo at pumukpok ng pako, mag-aaral kaming mabuti. Dahil kung dumating daw ang
panahon na wala na siyang lakas para magmartilyo ay mawawalan na din kami ng pag-
asang makapag-aral. Sabi nila bago daw mag-asawa ay kailangang makapagpatapos muna
kami ng isang kapatid. Sa tulong at awa ng Diyos, nangyari nga ang mga bilin nina Itay at
inay.

(This is a Government Property. Not for Sale.) 8


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
_______________________________________________________________________________

Nakapagtapos kaming lahat sa pag-aaral. Dahil na din sa paghubog nila sa amin na


maging matatag sa kabila ng marami naming napagdaanan. Pananalig sa Diyos at
pahalagahan at mahalin ang mga pagsisikap nila para sa amin. Naging pursigido at
ngayon meron na kaming kani-kaniyang trabaho at pamilya. Kung anoman ang
natutuhan namin sa aming tahanan ay iyon din ang naging batayan at gabay namin kung
paano dadalhin at huhubugin ang kani-kaniya naming pamilya. Hindi lang naman
matatagpuan ang pamilya sa loob ng tahanan kundi, pati na rin iyong mga kapamilya
natin sa hanapbuhay. Samakatuwid, salamin tayo ng pamilyang pinanggalingan natin.
Hindi kami perpekto, pero napananatili namin ang respeto, pagtutulungan ,
pagmamalasakit, pagmamahal at higit sa lahat pananalig sa sa Diyos na gabay namin sa
tuwina.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano-ano ang mga bili ng kanyang itay? __________________________________.
2. Ano-ano ang mga nakagawian ng pamilya? _______________________________.
3. Ano ang nalinang sa kanilang pagkatao dahil sa mga nakagawiang ito?_________.
4. Paano isinasabuhay ng mga anak ang mga pagpapahalagang itinuro ng kanilang
magulang?_________________________________________________________.
5. Paano nagiging birtud ang mga gawi? ___________________________________.
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Panuto: Batay sa natutuhan mo sa mga aralin, sagutin ang mga katanungan sa bawat bilang
upang maipamalas ang pagkatuto sa modyul na ito.

TANDAAN
Ang pinakamatibay na batayan kung naisaloob ng isang kabataang tulad mo ang mga moral na
pagpapahalaga ay kung tunay mong isinasabuhay ng paulit-ulit ang mga birtud hanggang kasama
na ito sa sistema ng iyong pang-araw-araw na gawain at pagpapasya. Mahalaga ding hangga’t
maaga ay malinang na ang mga birtud upang makapagpasya ng tama na syang pundasyon ng
iba pang mga birtud.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang W kung wasto ang
nakasalungguhit sa pahayag at DW kung di-wasto.

_____1. Mahalaga na mayroon kang pagbabatayan bago makabuo ng pagpapasya.


_____2. Ang kilos na nakakasama at paulit-ulit na ginagawa ay tinatawag na bisyo.
_____3. Ang birtud ay hiwalay sa isip at kilos-loob.
_____4. Ang bawat tao ay may magkakaibang gawi.
_____5. Ang birtud ay bunga ng mahaba pero madaling pagsasanay.
_____6. Ang birtud ay hindi simpleng nakasanayang kilos lamang, ito ay pinag-iisipan din.
_____7. Mas madaling matutuhan ng mga bata ang pagtuturo ng pagpapahalaga kung lagi
itong nagbabasa.

(This is a Government Property. Not for Sale.)


9
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
_______________________________________________________________________________

_____8. Bilang nagdadalaga/nagbibinata dapat lang na laging manalangin at himingi ng


gabay bago gumawa ng pagpapasya upang maging tama ang pagtungon sa bawat
sitwasyon.
_____9. Ang kalayaan, pagiging responsible at katarungan ay bunga ng maingat na
pagpapasya.
_____10. Ang birtud ay taglay ng tao mula sa kapanganakan.
SANGGUNIAN

Aquino, Dela Cruz, Timbre, et al. (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 8. (2nd Ed.).
Manila, Vibal Group, Inc.

Arroyo, L. (2016). Pagsasabuhay ng birtud. Retrieved from


https://www.slideshare.net/youisejane/pagsasabuhay-ng-birtud

Edukasyon sa Pagpapakatao-Grade 8 Learner’s Material (Quarter 1 and 2). Retrieved


from https://www.slideshare.net/lhoralight/esp-q3-q4

Gma news online. (2020). PWD and stroke patient donates alms he collected to
tuphoon Ulysses victims. Retreived from
https://www.gmanetwork.com/news/hashtag/content/764600/pwd-and-stroke-
patient-donates-alms-he-collected-to-typhoon-ulysses-victims/story/

Hellodoctor.co.za. (2018). How to break your bad habits. Retrieved from


https://www.hellodoctor.co.za/how-to-break-your-bad-habits/

Momentsaday.com. (n.d.) Classroom goals sheet. Retreived from


http://www.momentsaday.com/wp-content/uploads/2015/11/Classroom-Goal-
Sheet.pdf

Rivera, O. (2010). Birtud at pagpapahalaga. Retrieved from


https://www.slideshare.net/ArnelSSI/birtud-at-halaga

Seameo.org. (n.d.). Undestanding values. Retrieved from


https://www.seameo.org/img/Programmes_Projects/Competition/SEAMEOJapan
ESD_Award/2013_SEAMEOJapanESD_Award/Submission/PH3/Doc%206
UNDERSTANDING%20VALUES%20handout.pdf

SUSI SA PAGWAWASTO

10. D 10. DW
9. A 9. W
8. C 8. W
5. Pagmamahal sa pamilya. 7. A 7. DW
4. Maingat na paghuhusga 6. A 6. W
3. Katarungan 5. A 5. DW
2. Pagtitimpi 4. C 4. W
1. Katatagan 3. C 3. DW
Gawain 1 2. D 2. W
Aralin 2 1. D 1. W
Paunang Pagsubok. Pangwakas na Pagsusulit

(This is a Government Property. Not for Sale.)


10

You might also like