You are on page 1of 12

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
Bacnotan District
BITALAG INTEGRATED SCHOOL
School ID 500351

August 31, 2022


ESP 10 St. Paul the Apostle – 11:00 A.M. – 12:00 P.M. (Wednesday)

I. Kasanayang Pampagkatuto
a. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal. (EsP10MP- Ib-1.3).; at
b. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod
at magmahal. (EsP10MP -Ib-1.4).

II. Paksa
Paksang Aralin: Ang Mataasng Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos - loob
Sanggunian: ESP Unang Markahan, Modyul 1
Kagamitan: Chalk, Handouts, Blackboard, Whiteboard

III. Pamamaraan:
A. Pagganyak
(Limang Minutong Pagbasa)
Alam mo ba kung bakit LAPIS ang ginagamit ng mga bata? Para malaman nila na pwede pang ITAMA
ang MALI. Pero alam mo ba kung bakit BALLPEN gamit natin? Para ipaalam sa atin na DI NA TAYO BATA
para ulit-ulitin ang mga pagkakamaling di natin kayang burahin.”Ang tao ay hindi perpekto kaya nakakagawa
tayo kung minsan ng pagkakamali sa buhay. Sa pagkamulat natin sa ating kamalian at pagkakaroon ng pag-asa,
muli tayong bumabangon upang magsimula at iwasto ang ating buhay. Kaya maihahalintulad din natin ang buhay
ng tao sa isang lapis – ginagamit ang pambura upang maiwasto ang pagkakamali. Ngunit habang tayo ay
tumatanda, hindi maaaring “trial and error” ang ating pamamaraan sa pagtuklas ng katotohanan sa buhay.
Tandaan na tayong mga tao ay nalikha ayon sa wangis ng Diyos – tayo ay pinagkalooban ng isip at kilos-loob
upang makapag-isip ng matalino, magpasya ng tama at piliin ang tama. Sa tulong at gabay ng Salita ng Diyos,
tayo ay nag-iisip muna bago kumilos. Ito ang dahilan kung bakit maihahalintulad din ang “matured” na tao sa
isang ballpen – wala itong pambura kung kaya’t nagiging maingat sa pagpasya at pagkilos para maiwasan ang
paulit-ulit na pagkakamali.

B. Pagtatalakay
Tunghayan mo kung paano sila nagbigay ng katuwiran kung tama bang mangopya sa pagsusulit o hindi. Ibigay
ang iyong reaksiyon. (Magtatawag ang guro ng iba’t ibang batang magbabasa ng bawat linya )
1. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Tikboy na maling mangopya sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao lamang?
Bakit?
2. Totoo ba na walang taong naaapektuhan sa pangongopya ng iba? Ipaliwanag.
3. Makatarungan ba para sa iba ang pangongopya ng ilan? Pangatwiranan.
(Magkakaroon ng maikling debate ang mga mag-aaral tungkol sa pangongopya.)
C. Paglalahat
1. Ano ang natuklasan mo sa gawaing ito tungkol sa kakayahan ng iyong isip?
2. Ano ang pinagbatayan mo ng iyong pangangatuwirang ibinigay sa reaksiyon? Paano nito maapektuhan ang
iyong kilos-loob?
IV. Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI?
A. Ang tao ay nalikha ayon sa wangis ng Diyos.
B. Binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.
C. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
D. Walang pinagkaiba ang katangian ng tao sa iba pang nilikha ng Diyos.
2. Paano nakaaalam ang tao?
A. Ito ay sa pamamagitan ng modyuls at online class.
B. Ito ay sa pamamagitan ng kaniyang isip at kaniyang pandama.
C. Nakakaalam ang tao sa pamamagitan ng kaniyang pandama sa kaniyang paligid.
D. Nakaaalam ang tao sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang matalinong pag-iisip.
Para sa bilang 3, 4 at 5
Magtatanghali na nang magising si Timmy kaya napagalitan siya ng kaniyang nanay. Naging mainit ang ulo ni
Timmy dahil sa sermon na kaniyang napala. Sa sobrang inis niya ay tinandyakan niya ang isang aso. Nagulat ang aso
kaya nakagat niya si Timmy.
3. Angkop ba ang naging asal ni Timmy?
A. Oo, mas maigi na sa aso niya inilabas ang sama ng loob kesa makasakit ng ibang tao.
B. Oo, normal lang sa tao ang mainis at magpakatotoo sa nararamdaman.
C. Hindi, ang tao ay may kakayahang magmuni at pag-isipang mabuti kung ano ang angkop na kilos para sa kapwa man o
sa ibang nilalang.
D. Hindi, hindi niya dapat ibaling ang kaniyang sama ng loob sa hayop na walang kinalaman sa nangyayari sa kaniya.
4. Kung ikaw si Timmy, Ano dapat ang iyong ginawa?
A. Pagnilayan ang nangyari at magpakumbaba at humingi ng patawad sa aking nanay
B. Umalis ng bahay para magpalamig ng ulo at bumalik na parang walang nangyari.
C. Hanapin ang may-ari ng aso para ireklamo sa barangay dahil sa pagkagat sa akin.
D. Mangatwiran sa aking nanay kung bakit ako tinanghali ng gising para malaman din niya ang aking panig.
5. Sa paanong paraan nagiging makabuluhan ang buhay ng tao?
A. Kung patuloy itong pinapahalagahan ang sarili para mabuhay ng matagal.
B. Kung inilalaan ang pagsasabuhay ng katotohanan, sa pagmamahal at sa paglilingkod sa kapwa.
C. Kung nagpapakatotoo sa sarili at walang pakialam kung nakakasakit o tinatapakan ang kaniyang kapwa.
D. Kung siya ay naging matagumpay at naabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay.
Remarks:
Baitang at Seksyon N X % of Mastery Bilang ng mga Bilang ng mga mag-aaral
mag-aaral na na nangangailangan ng iba
nakakuha ng 80% pang gawain para sa
sa pagtataya remediation?
G10 – St. Paul the Apostle

Prepared by:
MARY JOY C. PIAMONTE Noted by:
Subject Teacher GEMMA M. BASSIG
Principal III
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
Bacnotan District
BITALAG INTEGRATED SCHOOL
School ID 500351

September 2, 2022
ESP 10 St. Paul the Apostle – 11:00 A.M. – 12:00 P.M. (Friday)

I. Kasanayang Pampagkatuto
a. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob; at
b. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapapasiya at nakagagawa
ng mga konkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.

II. Nilalaman
Paksa: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
Sanggunian: ESP Unang Markahan, Modyul 1
Kagamitan: Chalk, Handouts, Blackboard, Whiteboard

III. Pamamaraan:
A. Pagganyak
(Limang Minutong Pagbasa)
Batay sa ating aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral, narito ang ilang mga gawain
upang maging makabuluhan ang iyong buhay:
1. Nasaan ka mang lugar araw-araw (sa bahay, sa paaralan, sa bus, o iba pa), mahalagang maging
mapagmasid at maging sensitibo ka sa kapwa at sa iyong paligid.
2. Maghanap ka ng pagkakataong makatulong gaano man ito kasimple. Ituon mo ang iyong pansin at isip sa
mga tao na sa tingin mo ay nangangailangan ng tulong, kilala mo man sila o hindi. O kaya naman maging
mapagmasid sa mga sitwasyon na kailangan mong tumugon sa hinihingi ng pagkakataon.
3. Gumawa ng paraan upang makatulong o tumugon sa hinihingi ng sitwasyon sa abot ng iyong makakaya.
4. Huwag hayaaang lumipas ang araw na wala kang nagawa. Maliit man o simpleng paraan, basta’t
nakatulong ka sa iyong kapwa.
5. Ipaalam sa magulang ang gawain mong ito. Hingin mo ang kanilang tulong at suporta sa pagsasagawa nito
upang masiguro ang pagsasakatuparan.
6. Isulat ang iyong naramdaman at reyalisasyon mula sa gawaing ito sa iyong journal o kwaderno.

B. Pagtatalakay

1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kaniyang panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip
kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob

Ang mga panloob na pandama naman ay ang: kamalayan, memorya, imahinasyon, at instinct.
Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa
Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan
Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito
Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran

Isang halimbawa upang mas maunawaan ang tinalakay.


“Isang mag-asawang kapitbahay ang lumabas upang tumulong nang makita nila ang isang ina na lumilipat sa
maliit na tahanan sa kabilang pintuan. Wala siyang kasama maliban sa dalawang maliit na anak. Wala siyang
katulong. Humantong sila sa paggugol ng buong Sabado sa pagbubuhat ng mga kahon, paglilinis ng sahig, at pag-
aliw sa dalawang batang anak na babae. Nang matapos ang trabaho, inanyayahan ng ina ang bago niyang mga
kapitbahay sa hapunan nang sumunod na linggo upang ipakita ang kaniyang pasasalamat. Noong una tumanggi
sila dahil kitang-kita naman na sapat lang ang pera ng babae. Ngunit iginiit ito ng babae na may luha sa kaniyang
mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang pagtanggap sa kaniyang paanyaya ay magbubunga ng higit na
pagkakaibigan at paggalang kaysa sa tanggihan ito dahil sa kanyang sitwasyon.”

C. Paglalahat

1. Ano ang ibig sabihin na ang tao ay hindi tapos? Ipaliwanag.


2. Ano ang taglay ng tao upang makaya niyang buuin ang kaniyang pagkatao? Ipaliwanag.
3. Batay sa iyong nabasa, ano ang kakayahan ng isip? ng kilos-loob?
4. Anong bagong katuturan ng katotohanan ang iyong natuklasan mula sa babasahin?
5. Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?
6. Ayon kay Scheler ang pagmamahal ay ang pinakapangunahing kilos ng tao. Ipaliwanag ang kahulugan nito.

IV. Pagtataya
Panuto: Markahan ng ?ang pahayag kung sa palagay mo ito ay makabuluhang gawain. Markahan naman ng X kung
hindi. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Pag-aaral ng mabuti.
_____ 2. Pagsimangot habang naglilinis ng bahay.
_____ 3. Pag-ampon ng asong palabuy-laboy sa kalye.
_____ 4. Pagdarasal para sa mga taong nahihirapan sa buhay.
_____ 5. Pagtulong sa isang matanda na tumawid sa kalsada.
_____ 6. Pagbabahagi ng salita ng Diyos kahit sa taong di kakilala.
_____ 7. Pagpulot ng basura na ikinalat ng ibang tao sa dalampasigan.
_____ 8. Pagpapatawad sa iyong kapwa na naninira o nanakit sa iyo.
_____ 9. Pagiging mapagtimpi kapag nalagay sa di kanais-nais na sitwasyon.
_____ 10. Magpost sa social media ng iyong larawan na nagpapakita ng iyong pagbibigay tulong-pinansyal sa
namamalimos.

Remarks:
Baitang at Seksyon N X % of Mastery Bilang ng mga Bilang ng mga mag-aaral
mag-aaral na na nangangailangan ng iba
nakakuha ng 80% pang gawain para sa
sa pagtataya remediation?
G10 – St. Paul the Apostle

Prepared by:
MARY JOY C. PIAMONTE Noted by:
Subject Teacher GEMMA M. BASSIG
Principal III
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
Bacnotan District
BITALAG INTEGRATED SCHOOL
School ID 500351

September 6, 2022
Filipino 10 St Peter the Rock – 1:00pm – 2:00pm (Tuesday)
Filipino 10 St. Paul the Apostle – 2:00pm – 3:00pm (Tuesday)

I. Kasanayang Pampagkatuto
a. Naibibigay ang kahulugan, layunin at katangian ng pagsasalaysay
b. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga
pangyayari at pagwawakas). (F10WG-Ib-c-58)
c. Nasasabi ang kahalagahan ng pagsasalaysay.

II. Nilalaman
Paksa: Wika at Gramatika (Mga Pang-ugnay sa Pagsasalysay)
Sanggunian: Filipino 10 Unang Markahan, Modyul 2
Kagamitan: Chalk, Handouts, Blackboard, Whiteboard

III. Pamamaraan:
A. Pagganyak
(Limang Minutong Pagbasa:
Baybayin ang mga sumusunod na salita:
1. Parabula
2. Aral
3. Tusong Katiwala
4. Butil ng Kape
5. Pagsasalaysay
Balikan ang parabulang “Mensahe ng Butil ng Kape”, ibuod ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay gamit ang story
boards.

B. Pagtatalakay

Pagsasalaysay ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning magkuwento o magpahayag ng sunod-
sunod na mga pangyayari.
 Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.
 Isa sa mga mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang magandang salaysay ay ang pagkakaroon ng
magandang pamagat. Ito ang unang nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa.

Layunin ng Pagsasalaysay
1. Nagbibigay kaaliwan o libangan
2. Nagmumulat sa katotohanan
3. Nakapagdaragdag ng kaalaman at karunungan
4. May kakayahang bumuo ng isang pangyayari

Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay


1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon.
2. Mahalaga ang paksa o diwa.
3. Maayos at hindi maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
4. Kaakit-akit sa simula.
5. Kasiya-siyang wakas.

Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga salitang
nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang idea sa mga kasunod na idea. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang
ganitong salita.
 Sa komunikatibong gramatika ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang mga ito.
.
C. Paglalahat
Ano ang pagsasalaysay? Amo ang mga layunin ng pagsasalaysay? Ano ang mga katangian ng pagsasalaysay?

IV. Pagtataya

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari upang makabuo ng isang maikling salaysay. Isalang-alang ang mga
salitang pang-ugnay na ginamit sa bawat bilang. Isulat ang titik A, B, C, D, E, F, G, H. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

_________________ 1. Kung kaya pinagsasampal ng mayamang ginang ang matandang lalaki.


_________________ 2. Isang matandang lalaki na may bitbit na bayong ang pumasok sa bangko. Luma ang damit niya.
_________________ 3. Nang ilabas ng matanda ang salapi sa counter ay nagulat ang lahat.
_________________ 4. Sapagkat bungkos-bungkos na lilimandaaning piso ang idedeposito niyon.
_________________ 5. Kaya bahagyang nabangga ng matanda ang isang ginang na marangya ang kasuotan nang
papalabas na.
_________________ 6. Dahil sa may kalabuan na ang mata ng matandang lalaki.
_________________ 7. At gayon din, humingi sila ng dispensa sa matandang lalaki.
_________________ 8. Sa dakong huli, nalaman nila na ang matanda ay ang mayamang may-ari ng napakalaking bukirin
sa kanilang bayan. Simple lamang manamit ang matanda kaya napagkamalang kung sino lamang.

Remarks:
Baitang at Seksyon N X % of Mastery Bilang ng mga Bilang ng mga mag-aaral
mag-aaral na na nangangailangan ng iba
nakakuha ng 80% pang gawain para sa
sa pagtataya remediation?
G10 – St. Paul the Apostle

Prepared by:
MARY JOY C. PIAMONTE Noted by:
Subject Teacher GEMMA M. BASSIG
Principal III
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
Bacnotan District
BITALAG INTEGRATED SCHOOL
School ID 500351

September 7, 2022
Filipino 10 St Peter the Rock – 1:00pm – 2:00pm (Wednesday)
Filipino 10 St. Paul the Apostle – 2:00pm – 3:00pm (Wednesday)

I. Kasanayang Pampagkatuto
a. Naibibigay ang kahulugan, uri at gamit ng pang-ugnay
b. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy
ng mga pangyayari at pagwawakas). (F10WG-Ib-c-58)
c. Nasasabi ang kahalagahan ng pang-ugnay.

II. Nilalaman
Paksa: Pang - Ugnay
Sanggunian: Filipino 10 Unang Markahan, Modyul 2
Kagamitan: Chalk, Handouts, Blackboard, Whiteboard

III. Pamamaraan:
A. Pagganyak
(Limang Minutong Pagbasa:
Alam mo bang…
Pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o dalawang sugnay. Ang mga pang-ugnay ay maaari ring magsilbing mga panandang
pandiskurso na maghuhudyat ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

Aktibidad:
Panuto: Isulat mo ang T kung tama ang pahayag sa iyong sagutang papel at kung mali, isulat ang salita o mga
salitang nagpamali sa pahayag at ibigay ang tamang salita sa sagutang papel.
_____ 1. Ang parabula ay maikling salaysay na hango sa Banal na Kasulatan.
_____ 2. Idealistiko ang uring banghay ng parabula.
_____ 3. Ang parabula ay umaakay sa tao sa tamang landas ng buhay.
_____ 4. Nagtuturo ang parabula ng kinikilalang pamantayang moral.
_____ 5. Ang parabula ay nagtataglay ng tonong mapagmataas.

B. Pagtatalakay

Uri ng Pang-ugnay
1. Pangatnig – ang mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-
sunod sa pangungusap o ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.

Mga Halimbawa:
Kataga – at, na, o, ni
Salita – kahit, bagkus, ngunit, subalit, dapatwat, sakali, samantala, liban, maging, habang, kung, sana, palibhasa,
sapagkat, kasi, tuloy, bunga, pati, saka, bago, upang, nang
Lipon ng mga salita – sa halip, kung bagaman, kung hindi, sa katagang sabi, sa bagay na ito, dahil sa, kung kaya,
kaya naman, gayon din

2. Pang-ukol – kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa pangungusap.

Mga Halimbawa: ng, sa, nasa, kay/kina, para sa/kay/kina, ayon sa/kay/kina, tungkol sa/kay/kina, laban
sa/kay/kina, hinggil sa/kay/kina, ukol sa/kay/kina, alinsunod sa/kay/kina

3. Pang-angkop – ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, -ng, -g). Sa ibang salita,
ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan.
a. na - Ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang
nakadikit sa unang salita. Ihinihiwalay ito. Napagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa: mapagmahal na tao
b. –ng - Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mabuting nilalang
c. –g - Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n. Ikinakabit ito sa unang salita.

Halimbawa: mahanging gabi

Gamit ng Pang-ugnay
1. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa
ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli,
pati, isa pa, at gayon din.
2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal

Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta
maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa,
sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya, kung kaya,
kaya naman, tuloy at bunga.

C. Paglalahat
Ano ang pang-ugnay? Ano ang pang-angkop? Ano ang pangatnig? Ano ang pang-ukol?

D. Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-ugnay ang salita/mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
Isulat ang tamang sagot sa iyong papel.
_________________ 1. Maraming mga tao ang nagkalat na sa kalsada nang maideklarang MGCQ na ang lungsod.
_________________ 2. Ayon sa IATF, kinakailangan pa ring sumunod sa quarantine protocols at social distancing
measures.
_________________ 3. Marami buhay na ang nawala dahil sa mapaminsalang COVID-19 na iyan.
_________________ 4. Nakikipagtulungan sa maykapangyarihan ang mamamayan upang masugpo ang banta ng
COVID-19.
_________________ 5. Nagbigay ng ayuda ang ating pamahalaan sa mga mahihirap na mamamayan.
_________________ 6. Ang tiwala ni Juan kay Pangulong Duterte ay malaki.
_________________ 7. Tumutupad lamang ang mga frontliners sa kanilang mga tungkulin kung kaya intindihin
natin sila.
_________________ 8. Mabilis silang lumayo sa welga dahil dumating na ang hukbo ng mga pulis.
_________________ 9. Ginagawa lahat ng pamahalaan ang kanilang buong makakaya para sa ating kaligtasan.
_________________ 10. Alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act o RA No. 11469, binibigyan nito ng “special
authority” ang pangulo para malabanan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
_________________ 11. Maging panatag at malusog tayo habang hinihintay ang lunas para sa mapanganib na
_________________ 12. Ikaw at ako ay magkasama sa paglutas ng problemang ito. .

Remarks:
Baitang at Seksyon N X % of Mastery Bilang ng mga Bilang ng mga mag-aaral
mag-aaral na na nangangailangan ng iba
nakakuha ng 80% pang gawain para sa
sa pagtataya remediation?
G10 – St. Paul the Apostle

Prepared by:
MARY JOY C. PIAMONTE Noted by:
Subject Teacher GEMMA M. BASSIG
Principal III
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
Bacnotan District
BITALAG INTEGRATED SCHOOL
School ID 500351

September 8, 2022
Filipino 10 St Peter the Rock – 1:00pm – 2:00pm (Thursday)
Filipino 10 St. Paul the Apostle – 2:00pm – 3:00pm (Thursday)

I. Kasanayang Pampagkatuto
a. Naipapaliwanag ang mitolohiya, parabula, pandiwa at pang - ugnay;
b. Nahahambing ang Mitolohiya at Parabula; at
c. Nasasabi ang kahalagahan ng mitolohiya,parabula, pandiwa at pang – ugnay.

II. Nilalaman
Paksa: Pagbabalik Aral sa Mitolohiya, Parabula, Pandiwa at Pang - Ugnay
Sanggunian: Filipino 10 Unang Markahan, Modyul 1 at Modyul 2, Learner’s Material Yunit 1,
https://samutsamot.com/2014/10/28/pokus-ng-pandiwa-worksheets/
Kagamitan: Chalk, Handouts, Blackboard, Whiteboard

III. Pamamaraan:
A. Pagganyak
Limang minutong Pagbasa:
Talasalitaan: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita base sa iyong pagkakaintindi sa ating talakayan.
1. Mitolohiya 2. Parabula 3. Pandiwa 4. Pang - ugnay
Aktibidad:
Panonood ng dinownload na cartoon tungkol sa kasaysayan ng mitolihiya ng Rome at isang halimbawa ng
Parabula.
B. Pagbabalik – Aral
Mga Aktibidad:
Pumili ng limang pandiwa at saka bumuo ng makabuluhang pangungusap na nagsasaad ng aksiyon, karanasan o
pangyayari sagutang papel.

Panuto: Basahin ang teksto at piliin sa loob ng panaklong ang angkop


na pang-ugnay. Isulat ito sa sagutang papel.

May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang


katiwala ang kaniyang ari-arian 1. (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang
katiwala at tinanong. 2. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang
may utang na isandaang tapayang langis, 3. (saka, pati) pinaupo at
pinapalitan ng limampu ang kasulatan. 4. (Gayon din, Dahil sa) ang
ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa
isandaang trigo. 5. (Dahil sa, Upang) kadayaan ng katiwala, pinuri ng
amo ang tusong katiwala.

C. Pagwawasto
Iwawasto ang kanilang mga gawain.
IV. Pagmamarka
Pagtatala ng mga mark ana nakuha ng mga mag-aaral.
Remarks:
Baitang at Seksyon N X % of Mastery Bilang ng mga Bilang ng mga mag-aaral
mag-aaral na na nangangailangan ng iba
nakakuha ng 80% pang gawain para sa
sa pagtataya remediation?
G10 – St. Paul the Apostle

Prepared by:
MARY JOY C. PIAMONTE Noted by:
Subject Teacher GEMMA M. BASSIG
Principal II
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
Bacnotan District
BITALAG INTEGRATED SCHOOL
School ID 500351

September 5, 2022
Filipino 10 St Peter the Rock – 1:00pm – 2:00pm (Monday)
Filipino 10 St. Paul the Apostle – 2:00pm – 3:00pm (Monday)

I. Kasanayang Pampagkatuto
a. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-
asal. (F10PN-lb-c-63)
b. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong. (F10PB-Ib-
c-63)
c. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresiyong ginamit sa akda. (F10PT-Ib-c-62)

II. Nilalaman
Paksa: Parabula mula sa Syria
Sanggunian: Filipino 10 Unang Markahan, Modyul 2, Learner’s Material Yunit 1,
Kagamitan: Chalk, Handouts, Blackboard, Whiteboard

III. Pamamaraan:
A. Pagganyak
Limang – minutong pagbasa.
Alam mo bang…
Parabula ang tawag sa isang akdang pampanitikang nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang
batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.
 Ito ay galing sa salitang Griyegong “parabole” na nangangahulugang pagtabihin ang dalawang bagay upang
pagtularin.
 Ang nilalaman ng parabula ay maikli, praktikal at kapupulutan ng mga ginintuang aral.
 Gumagamit ito ng tayutay na simile at metapora o matatalinghagang mga pahayag upang bigyang-diin ang
kahulugan.
 Ang kakanyahan ng parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo.

Aktibidad para sa pagganyak:


Panoorin ang animasyon na dinownload ng guro tungkol sa Tusong Katiwala.

B. Pagtatalakay

Mga Elemento ng Parabula


1. Tauhan – kadalasang ang karakter nito’y humarahap sa isang suliraning moral o gumagawa ng kaduda-dudang
mga desisyon at pagkatapos ay tinatamasa ang kahihinatnan nito.
2. Tagpuan - Ito’y nagpapakita ng tagpuan, naglalarawan ng aksiyon at nagpapakita ng resulta.
3. Banghay – Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Parabula


1. Unahin isulat ang aral o mensahe ng iyong gagawing aprabula. Ito ang magiging sandigan ng iyong parabula
upang makabuo ka ng isang kuwento.
2. Kilalanin kung sino ang iyong mambabasa. Ito’y mahalaga upang ang bubuoing parabula ay aangkop sa kanila.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagpapaunlad ng iyong parabula.
4. Hindi laging tao ang tauhang gumaganap. Maaari mong gamitin ang kalikasan o hayop upang magbahagi ng
kuwento. Maging malikhain sa pagpapakita ng diyalogo.
5. Gawing payak. Ang mga parabula ay higit na mabisa kung ito ay maikli lamang.

Sa bahaging ito, pagyayamin pa ang kaalamanng mga mag-aaral sa Parabula. Babasahin ng guro ang isang
halimbawa ng parabula upang masuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga
ibinigay na tanong.
2. Paghambingin ang Carrot, Itlog at Butil ng Kape nang mailahok ito sa kumukulong tubig.
3. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
4. Bigyang-kahulugan ang sinisimbolo ng butil ng kape sa kuwento.
C. Paglalahat
1. Ano ang parabula?
2. Ano ang mga element ng parabulan
3. Para sa nilalaman, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang kapupultutan ng ginintuang aral at nagtataglay
ng matatalinghagang pahayag?
4. Para sa elemento, anong bahagi o pangyayari sa parabula ang nagpapakita ng mga makatotohanang
pangyayari na maaaring maiugnay sa iyong buhay?
5. Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng parabula?

V. Pagtataya
Panuto: Isulat mo ang T kung tama ang pahayag sa iyong sagutang papel at kung mali, isulat ang salita o mga
salitang nagpamali sa pahayag at ibigay ang tamang salita sa sagutang papel.
_____ 1. Ang parabula ay maikling salaysay na hango sa Banal na Kasulatan.
_____ 2. Idealistiko ang uring banghay ng parabula.
_____ 3. Ang parabula ay umaakay sa tao sa tamang landas ng buhay.
_____ 4. Nagtuturo ang parabula ng kinikilalang pamantayang moral.
_____ 5. Ang parabula ay nagtataglay ng tonong mapagmataas.

Remarks:
Baitang at Seksyon N X % of Mastery Bilang ng mga Bilang ng mga mag-aaral
mag-aaral na na nangangailangan ng iba
nakakuha ng 80% pang gawain para sa
sa pagtataya remediation?
G10 – St. Paul the Apostle

Prepared by:
MARY JOY C. PIAMONTE Noted by:
Subject Teacher GEMMA M. BASSIG
Principal III
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
Bacnotan District
BITALAG INTEGRATED SCHOOL
School ID 500351

September 9, 2022
Filipino 10 St Peter the Rock – 1:00pm – 2:00pm (Friday)
Filipino 10 St. Paul the Apostle – 2:00pm – 3:00pm (Friday)

I. Kasanayang Pampagkatuto
a. Nasasagot ang mga katanungan sa pagsusulit;
b. Nabibilang ang mga mali at naitatala ang item analysis; at
c. Naipapakita ang katapatan sa pagsagot ng pagsusulit.

II. Nilalaman
Paksa: Sumatibong Pagsusulit sa Mitolohiya, Parabula, Pandiwa at Pang - Ugnay
Sanggunian: Filipino 10 Unang Markahan, Modyul 1 at Modyul 2, Learner’s Material Yunit 1
Kagamitan: sagutang papel, papel ng sumatibong pagsusulit

III. Pamamaraan:
A. Pagsasagawa ng pang-araw araw na Gawain:
Panalangin, pagtatala ng mga lumiban sa klase, pagpapaayos ng silid.

B. Pagbabalik – Aral
Maikling balik – aral tungkol sa mitolohiya, parabula, pandiwa at pang- ugnay.

C. Pagsusulit
Pagsagot ng mga mag- aaral sa pagsusulit.

D. Pagwawasto
Pagpapalitan ng mga papel at pagwawasto ng kanilang mga papel.

E. Pagmamarka
Pagtatala ng mga marka na nakuha ng mga mag-aaral. Pagbibilang mga nakakuha ng tama at mali para sa
item analysis.

Remarks:
Baitang at Seksyon N X % of Mastery Bilang ng mga Bilang ng mga mag-aaral
mag-aaral na na nangangailangan ng iba
nakakuha ng 80% pang gawain para sa
sa pagtataya remediation?
G10 – St. Paul the Apostle

Prepared by:
MARY JOY C. PIAMONTE Noted by:
Subject Teacher GEMMA M. BASSIG
Principal III

You might also like