You are on page 1of 2

ST CLARE COMMUNITY FOUNDATION SCHOOL

LEARNING PLAN
TEACHER : JESSALIE D. NATANAUAN Date: OCTOBER 10, 2022

YEAR LEVEL: 7 Duration: 1 HOUR

SUBJECT : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade Level : 7

TOPIC : MGA TUNGKULIN BILANG NAGDADALAGA O NAGBIBINATA

OBJECTIVES
Sa loob ng 60 minutong aralin sa ESP 7 , ang mga mag-aaral ay inaasahang:
COGNITIVE:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.

PSYCHOMOTOR:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin bilang kabataan.

AFFECTIVE :
Naipapadama na ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin ay isang paraan upang maging mapanagutan
bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.

RESOURCES
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL ESP
Page 102-110

ASSESSMENT
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:
a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
2. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa kapwa kabataan.
3. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
a. Pataasin ang marka
b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin
d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto
4. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating
b. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao
c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad
d. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?
a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan
b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid

DIFERENTIATION: WHAT PLAN WILL BE DONE IF THE STUDENTS HAVE DIFFERENT LEVEL
OF ABILITIES?

SKILL TO BE DEVELOPED
Kasanayan sa buhay at karera.

INFORMATION TECHNOLOGY – IS THERE A RELATED ICT TO BE INCLUDED IN YOUR


LESSON, IF YES WHAT IS IT?
Opo, Video Presentation
OUTLINE OF CONTENT AND TEACHER ACTIVITY –
MGA DAPAT TANDAAN
Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa buhay. Ang misyong ito ay
makakamit sa pamamagitan ng pagtupad ng iba’t ibang tungkulin. Wika nga ng marami, tayo ay nasa mundo upang gumanap
ng ating mga misyon. Hindi lang natin kailangang isagawa o isakatuparan ang mga ito, mahalaga ring maglaan ng panahon
upang unti-unting tuklasin ang mga ito. Patunay lamang ito na namumuhay tayo sa mundo hindi para sa ating sarili lamang,
kailangan nating maglingkod sa ating kapwa. At sa ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, mahalaga ang matapat na
pagtupad sa ating mga tungkulin.

1. ANG TUNGKULIN SA SARILI. Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap isalin sa ibang tao ang
responsibilidad kung hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga bagay na dapat mong bigyang-
pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili.
a. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata.
b. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito.
c. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig.
2. ANG TUNGKULIN BILANG ANAK. Ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Huwag mong pilitin ang iyong sariling gawin
ang isang bagay na hindi mo pa naman talaga kaya. Hindi mo pa kayang magtrabaho upang kumita at makatulong sa kanila.
Mas mahalaga sa kanila na mag-aral ka upang makatapos. Pero makatutulong ka pa rin sa pamamagitan ng pagiging maingat
sa paggastos. Tungkulin mong sila ay mahalin, igalang at pagkatiwalaan.
3. ANG TUNGKULIN BILANG KAPATID. Hindi naman siguro matatawag na normal ngunit mas malaking bahagdan ng
mga magkakapatid sa tahanan ay dumaraan sa yugto ng madalas na pagtatalo at pag-aaway. Natural lamang na may mga
mabubuong hindi magagandang damdamin sa pagitan ninyong magkakapatid. Ang kailangan lamang ay huwag itong
hayaang magtagal at maipon hanggang sa lumaki. Ang selos dahil sa pakiramdam na mas paborito ng iyong ina ang iyong
kuya ay hindi dapat magtungo sa pagkainggit mo sa kanya. Maaaring maging galit ito kung iyong pababayaan. Mahirap kung
magiging malayo ang loob ninyo sa isa’t isa. Pagsikapan mong i-enjoy ang panahon na kasama sila. Ang mabuting
pakikitungo sa iyong mga kapatid ay makatutulong upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.
4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral. Ang high school ang pinakadinamikong yugto sa iyong buhay. Dito mo masusubok
ang iyong mga kakayahan. Dito nakadepende kung ano ang mararating mo sa hinaharap. Tumingin ka sa malayong hinaharap
pero gawin mo ang lahat ng iyong makakaya ngayon. Gamiting gabay ang mga sumusunod:
a. Mag-aral nang mabuti. b. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto. c. Pataasin ang mga marka. d. Gamitin ang
kakayahan sa komunikasyon nang buong husay. e. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip. f. Matutong lutasin ang sariling
mga suliranin. g. Makilahok sa mga gawain sa paaralan.
5. ANG TUNGKULIN SA AKING PAMAYANAN. Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon sa
kanyang mga tungkulin para sa kapakanan nito. Bilang nagdadalaga/nagbibinata may tungkulin ka na: a. Pangalagaan ang
maayos at malinis na pamahalaan; b. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang miyembro nito; c.
Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan; d. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa
pamayanan upang maiparating sa mga pinuno ng pamayanan; e. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan; f. Makibahagi
sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan; g. Sumasali sa mga samahang pangkabataan, kung saan ilalaan ang
sarili bilang maging mabuting tagasunod kung hindi man maging mabuting pinuno at; h. Makibahagi sa kampanya upang
tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa kanilang mga proyekto.
6. ANG TUNGKULIN BILANG MANANAMPALATAYA- Ang simpleng pag-aalay ng panalangin araw-araw ay
napakalaking bagay na para masabing isa kang tunay na mananampalataya. Ang panalangin ay para sa papuri, pasasalamat at
pinakamahalaga ay ang pag-aalay sa Kanya ng lahat ng ating mga gawain. Malalaman mo na lahat ng bagay na nasimulan sa
panalangin ay magaganap na puno ng tiwala at kahusayan. Ito ay dahil nasa ilalim ng paggabay ng Diyos ang gawaing
inialay sa Kanya.
7. ANG TUNGKULIN BILANG KONSYUMER NG MIDYA- Labis nang nakaaalam (Informed) ang mga tinedyer. Wala
na talaga sigurong maitatago pa. Ito ay dahil kahit pa ang mga liblib na pook ngayon ay naaabot na ng teknolohiya. Sa dami
ng mga inihahain sa iyo, minsan hindi mo na alam kung ano ang iyong tatanggapin at paniniwalaan.
8. ANG TUNGKULIN SA KALIKASAN- Bilang kabataan mayroon kang espesyal na bahaging maaaaring magampanan
para sa pangangalaga ng kalikasan. Kailangan ng kumilos bago pa maging huli ang lahat. Magsimula sa iyong sarili at
nakasisigurong susunod dito ang buong mundo.

VALUE INTEGRATION/GOALS OF SCHOOLS INTEGRATION

Responsable- pagkakaroon ng isang obligasyong gumawa ng isang bagay, o pagkakaroon ng kontrol o


pangangalaga sa isang tao.
ASSIGNMENT
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang kung ito ay nagpapahayag ng tamang kaisipan
at kung ito ay mali.

________1. Bilang anak, tungkulin kong mahalin, igalang at pagkatiwalaan ang aking mga magulang.
________2. Ang tungkulin ay hindi nagsisimula sa sarili.
________3. Bilang kabataan mayroon akong espesyal na bahaging maaaaring magampanan para sa pangangalaga ng
kalikasan.
________4. Tungkulin kong mag-aral ng mabuti.
________5. Ang pag-aalay ng panalangin araw-araw ay napakalaking bagay na para masabing isa kang tunay na
mananampalataya.

You might also like