You are on page 1of 17

Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter First Grade: 7


Title: Pagtukoy at Pagtanggap ng mga Pagbabago sa Sarili Week: 1-2

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


• Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9
hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature
relations) sa mga kasing-edad (Pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang
pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa/ sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga /
nagbibinata
• 2.Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
• Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan
at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay
nakatutulong sa:
a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at paghahanda sa limang
inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas (phase) ng
pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adoscence): (paghahanda
sa paghahanapbuhay, paghahanda sa pag-aasawa / pagpapamilya, at
b. pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa mabuting asal), at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.
c. pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang
anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya,
kosyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang
paraan upang maging mapanagutan bilang
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay

• Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang


inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata

Paglalahad ng Aralin:
Ngayong ikaw ay nasa unang taon ng hayskul, marami ka bang napapansin na
pagbabago sa iyong pangagatawan? Sa iyong mga hilig o interes? Dati ay may mga
bagay ka na gusto mong gawin pero ngayon ay ayaw mo na. Marahil ikaw ay
naguguluhan o nalilito sa mga pagbabagong nagaganap na ito. Ikaw ngayon ay
nasa yugto na ng pagdadalaga/pagbibinata.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 1


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

ito ang mga bagay na nagaganap sa iba’t-


ibang aspekto ng sarili sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata

Pagbabago Pangkaisipan
Pagtukoy at Pagtanggap ng mga

sa Sarili Panlipunan
Pandamdamin
Pagbabago sa Sarili

Moral
Ispiritwal

ito ay ang ating pakikipag-interaksyon o


Pakikipag-
pakikipagkonekta natin sa ibang tao na may
ugnayan
layunin na makapagpapaunlad sa bawat isa

ito ay ang malalim na ugnayan sa isang tao


Pakikipag na napapalooban ng pag-ibig at malasakit at
kaibigan may layunin na magtulungan at
magdamayan sa ikatatagumpay ng bawat isa
Ang pagtataglay ng mga kakayahan o kilos ay mahalaga upang mapaunlad ang
sariling pagkatao. Kritikal ang panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Ito ay
maaaring bumuo o sumira ng iyong kinabukasan. Kailangang maging maingat at di
padalos-dalos sa mga gagawing pagpapasya at kailangang maging bukas sa
pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit at nagpapamalas
ng mabuting pamumuhay.
Mahalagang magkaroon ka ng tiwala sa sarili upang mapagtagumpayan ang
anumang hamon sa buhay.

Ang iyong pinagdaraanan sa ngayon ay katulad din ng lahat ng nagdadalaga o


nagbibinata. Maiiba lamang ito ayon sa kung pano mo isinabuhay ang mga
kakayahan at kilos na kinakailangan para mas mapaunlad mo ang iyong sarili at
ang iyong pagkatao.

Bilang nagdadalaga o nagbibinata ay may mga tungkulin kang dapat gampanan.


1. Tungkulin sa Sarili
Bilang nagdadalaga o nagbibinata ito ang mga dapat mong bigyang pansin.
a. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng
Pagdadalaga o Pagbibinata
Maaaring magkaroon ng epekto ang mga pisikal na pagbabago sa
katawan, sa emosyon at pakikitungo sa kapwa. Likas at panlahat ang
mga ito, kaya di dapat mag-alala ang mga nagdadalaga o nagbibinata
na katulad mo. Sa mga pagbabagong ito, mahalaga na sumangguni sa
mga may sapat na gulang, mga magulang o taong pinagkakatiwalan.
b. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga
ito
Tayo ay biniyayaan ng talento at kakayahan na maaring gamitin at
paunlarin. Kung hindi ito gagamitin at pauunlarin, hindi lamang ikaw
kundi maging ang lipunan ang nawalan ng pagkakataon na
makinabang.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 2


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
c. Makabuluhang paggamit ng mga hilig
Hindi sapat na ginagawa mo ang gusto mo, kailangang masiguro na
ginagawa mo ito ng may kabuluhan.
2. Tungkulin Bilang Anak
Ang lahat ay nagsisimula sa maliit. Hindi mo pa kayang
maghanapbuhay ngunit maari ka naman makatulong sa pamamagitan ng
pagtitipid o maingat sa paggastos. Maari ka din na tumulong sa gawaing
bahay. Ang pagbuo ng magandang ugnayan sa iyong mga magulang ay
napakahalaga. Wala silang hangad kundi ang mapabuti ang iyong
kapakanan. Tungkulin mo na sila ay mahalin, igalang at pagkatiwalaan.
3. Tungkulin Bilang Kapatid
May mga pagkakataon na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa
mga magkakapatid. Huwag itong hayaang magtagal at maipon
hanggang sa ito ay maging galit. Ang kapatid na iyong nakaalitan o
nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ay handa mo namang ipaglaban
kapag inaapi ng ibang tao. Ang mabuting pakikitungo sa iyong kapatid
ay makakatulong upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong
kapwa.
4. Tungkulin Bilang Mag-aaral
Ang high school ang pinakadinamikong yugto sa iyong buhay. Dito
nasusubok ang iyong kakayahan. Gamiting gabay ang mga
sumusunod:
A. Mag-aral ng mabuti
B. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
C. Pataasin ang mga marka
D. Gamitin ang mga kakayahan sa komunikasyon nang buong husay
E. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip
F. Matutong lutasin ang sariling mga suliranin
G. Makilahok sa mga gawain sa paaralan
5. Tungkulin sa Aking Pamayanan
A. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamayanan
B. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang
miyembro nito
C. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan
D. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa
pamayanan upang maiparating sa mga pinuno ng pamayanan
E. Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan
F. Makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung
kinakailangan
G. Sumasali sa mga samahang pangkabataan
H. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan,
paaralan at samahan sa kanilang mga proyekto.
( mula sa EsP 7 LM at SLM )

Ngayon ay alam mo na ang mga pagbabagong nagaganap sa iyong sarili,


nauunawaan mo na at natatanggap ang mga pagbabagong ito maging ang mga papel
mo sa lipunan. Kaya mo nang makagawa ng maingat na pagpapasya at alam mo na
rin ang iyong mga tungkulin bilang nagbibinata/nagdadalaga. Alam mo na ring
tanggapin ang mga pagbabagong nagaganap sa iyo sa emosyonal o pandamdamin,
intelektuwal o kaisipan, sosyal o pakikipag-ugnayan at moral o paggawa ng mabuti.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 3


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
Pagtuklas ng Kaalaman (Sagutan ito sa isang papel)

Gawain Paano Gagawin Saan Mahahanap

Gawain sa Pagkatuto 3 Kopyahin at sagutan ESP 7 Module p. 9


Gawain sa Pagkatuto 4 Kopyahin at sagutan ESP 7Module p. 15-16
Gawain sa Pagkatuto 5 Kopyahin at sagutan ESP 7 Module p. 16

Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter First Grade: 7


Title: Pagtuklas at Paglinang ng mga Sariling Kakayahan Week: 3-4
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
• Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng
kursong akademiko o teknikal- bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
• Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito
• Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa
pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon,
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay,
pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan
• Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga
hilig

Paglalahad ng Aralin:
Sa nakaraang aralin ay natuklasan mo ang iyong mga talento at kakayahan.
Nalaman mo na lahat ng nilalang ay may natatanging mga kaloob, talento, at
kakayahan na ibinigay sa atin ng ating Ama sa Langit.

Dadako naman tayo sa pag-aaral tungkol sa hilig. Ano nga ba ang ito? Saan nga ba
nakukuha ang mga hilig? Paano ko malalaman na ang isang gawain ay aking
kinahihiligan? Ang mga bagay ba na aking ginagawa ngayon ay maaaring maka-
apekto sa kursong aking ninanais? Ilan lamang yan sa mga katanungan na maaaring
tumatakbo saiyong isipan tuwing naririnig mo ang salitang “hilig”.

Sampung Larangan ng Hilig Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng


1. Outdoor Kursong Akademiko o Teknikal-
2. Mechanical Bokasyonal
3. Computational 1. Talento o kakayahan
4. Scientific 2. Interes o hilig
5. Persuasive 3. Pagpapahalaga
6. Artistic 3.1 Absolute moral values
7. Literary 3.2 Behavioral moral values
8. Musical 3.3 Work values
9. Social service 3.4 Career values
10. Clerical
Ang hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga ito ang
gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. Ito ay ay pagpili sa mga ninanais na
gawin kalakip ang buong pusong paggawa patungo sa layunin na nagiging
motibasyon sa paggawa o pagsasakilos dito. Ito rin ang mga bagay na masiglang
ginagawa ng may pagmamahal.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 4


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
Ang ibang hilig ay maaaring:
1. natututuhan mula sa karanasan
2. minamana
3. galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan
Sampung larangan ng hilig
1. Outdoor- nasisiyahan sa mga gawaing panlabas
2. Mechanical- Nasisisyahan sa paggamit ng mga kagamitan o tools.
3. Computational- nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero.
4. Scientific- Nasisisyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at
pag-imbento ng mga bagay o produkto.
5. Persuasive- nahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o
pakikipagkaibigan
6. Artistic- nagiging malikhain at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang
tao o pakikipagkaibigan
7. Literary- Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat
8. Musical- Nasisisyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng
instrumentong musical.
9. Social services- Nasisiyahang tumulong sa ibang tao.
10.Clerical- Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina

Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang


gawain.
1. Tao- may kinalaman sa tao
2. Datos- may kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, detalye
3. Bagay- gamit ang mga kagamitan o makina
4. Ideya- pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya

Mahalaga sa pagpili ng akmang karera o negosyo ang pagkilala sa sariling


kakayahan, interes o hilig. Ang pagkakaroon ng malinaw na pagkilala at ang
pagsaalang-alang ng mga ito ay nakatutulong upang magkaroon ng sapat na
paghahanda o pagpaplano, tuon at pagsususmikap upang maabot ang minimithing
karera o negosyo balang-araw.
Kinakailangang mapag-aralan, mapag-isipan at masuri mong mabuti ang
pansariling salik at linangin ang mga ito upang mapaunlad ang sarili at
makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad
ng ating bansa.

Hindi magtatagal at pipili ka ng ng buhay na iyong tatahakin sa hinaharap. Ngayon


ang tamang paghahanda mo tungo sa maayos at maunlad na kinabukasan.
Magagamit mo ang iyong mga hilig sa pagdi-desisyon.
Laging tatandaan na mahalagang makilala mo ang iyong mga taglay na mga
kakayahan upang matukoy mo ang kaugnayan nito sa pagpili ng kursong akademiko
o teknikal-bokasyonal negosyo o hanapbuhay. Mahalaga rin na na-susuri mo ang
iyong mga hilig ayon sa kung ano ang gusto mo at nais mong gawin sa iyong buhay.
( mula sa EsP 7 module at SLM )

Pagtuklas ng Kaalaman (Sagutan ito sa isang papel)

Pamagat ng Gawain Paano Gagawin Saan Mahahanap


Gawain sa Pagkatuto 1 Kopyahin at sagutan ESP Module p. 30
Gawain sa Pagkatuto 2 Kopyahin at sagutan ESP Module p. 31
Gawain sa Pagkatuto 5 Kopyahin at sagutan ESP Module p. 36
Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 5
Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Graded Quiz A:

Tukuyin ang tamang sagot base sa impormasyong ibinigay sa tanong. Gamitin ang
binigay na answer sheet para masagutan ang graded quiz. Magshade nang maayos.

1. Ano ang tawag sa mga bagay na nagaganap sa iba’t-ibang aspekto ng sarili sa


panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
a. pagpapahalaga c. pakikipag-ugnayan
b. pakikipagkaibigan d. pagbabago sa sarili

2. Ano ang tawag sa malalim na ugnayan sa isang tao na napapalooban ng pag-ibig


at malasakit at may layunin na magtulungan at magdamayan sa ikatatagumpay ng
bawat isa?
a. pagpapahalaga c. pakikipag-ugnayan
b. pakikipagkaibigan d. pagbabago sa sarili

3. Ano ang tawag sa ating pakikipag-interaksyon o pakikipagkonekta natin sa


ibang tao na may layunin na makapagpaunlad sa bawat isa?
a. pagpapahalaga c. pakikipag-ugnayan
b. pakikipagkaibigan d. pagbabago sa sarili

4. Ilan ang inaasahang kakayahan at kilos na dapat mapaunlad ayon kay


Havighurst (Hurlock, 1982, p. 11)?
a. 6 b. 8 c. 10 d. 12

5. Ilan ang aspekto ng pagbabago ng sarili?


a. 4 b. 5 c. 6 d. 7

6. Ilan ang inaasahang kilos at kakayahan na dapat malinang sa panahon ng


pagdadalaga at pagbibinata ayon kay Manuel Dy (Hurlock, 1982, p. 11)?
a. 6 b. 8 c. 10 d. 12

7. Ang pagiging bukas sa pakikipagpalitan ng kuro-kuro o kaalaman sa iba ay


isang patunay na ang isang nagdadalaga o nagbibinata ay nagkakaroon ng
pagbabago. Anong aspekto ito ng pagbabago sa sarili?
a. pangkaisipan c. panlipunan
b. pandamdamin d. moral

8. Ang mga sumusunod ay hakbang upang malampasan ang pagsubok ng


pagbabago na nagaganap sa isang nagdadalaga/nagbibinata, maliban sa _.
a. pagtuklas ng talento c. pagtuklas ng kalakasan at kahinaan
b. pagtuklas ng kakayahan d. pagtuklas ng tiwala sa sarili

9. Ang pag-alam sa makabubuti sa ating sa ating kapwa at hindi lang sa ating


sarili ay isang halimbawa ng inaasang kilos at kakayahan. Anong inaasahang kilos
at kakayahan ang napaunlad dito?
a. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
b. paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
c. pagkakaroon ng pagpapahalaga (values) gabay sa mabuting asal
d. paghahanda para sa paghahanapbuhay

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 6


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
10. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.” Anong inaasahang
kakayahan at kilos ang napaunlad dito kung naintindihang mabuti ang mensahe
ang lyrics ng awit na ito?
a. pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
b. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
c. paghahanda para sa paghahanapbuhay
d. paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya

11. Sila CJ at KP ay matagal nang magkaibigan simula high school. Aling


sitwasyon ang nagpapakita ng kanilang ganap na ugnayan?
a. Sila ay nagtatago ng lihim sa isa’t-isa.
b. Sila ay nagpapakita ng tiwala sa isa’t-isa.
c. Sila ay nagpapakita ng tunay nilang sarili sa isa’t-isa.
d. Sila ay pilit na binabago ang isa’t-isa ayon sa kanilang gusto.

12. Aling sitwasyon sa buhay ni CL ang nagpapakita ng pagkakaroon ng tiwala sa


sarili?
a. Hindi natatakot si CL sumakay sa extreme rides sa perya.
b. Si CL ay laging nagsasanay kumanta at sumayaw upang mas maging magaling.
c. Natatalo lagi sa badminton at chess si CL kaya siya ay sumuko na lamang.
d. Hindi nagpapatalo si CL sa kanyang takot, handa siyang harapin ito.

13. Bakit natin kailangan ang ating kapwa?


a. para may mabwisit at maasar tayo araw-araw
b. para lumago tayo bilang tao at mas makilala ang ating sarili
c. para may mapagbuntungan tayo ng galit
d. para may masisisi tayo sa ating mga pagkakamali

14. Ano ang tawag sa pagpili sa mga ninanais na gawin kalakip ang buong pusong
paggawa patungo sa layunin na nagiging motibasyon sa paggawa o pagsasakilos
dito?
a. pagpapahalaga c. hilig
b. talento d. kakayahan

15. Ilan ang larangan ng hilig?


a. 6 b. 8 c. 10 d. 12

16. Ilan ang pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-


bokasyonal?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5

17. Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagtuklas ng hilig, maliban sa _.


a. pagnilayan ang iyong mga hilig
b. pagnilayan ang iyong mga paboritong gawain
c. siyasatin ang mga gawaing nakakapagpasigla sa iyo
d. siyasatin ang mga gawaing nakakapagpabaliw sa iyo

18. Ang mga sumusuod ay pinanggagalingan ng mga hilig, maliban sa _.


a. kulam b. karanasan c. pamana d. pagpapahalaga at kakayahan

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 7


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
19. Ang mga sumusunod ay paraan upang mapaunlad ang iyong hilig, maliban sa
__________.
a. huwag gawin ang mga bagay na iyong kinahihiligan
b. magbasa ng mga kaugnay na babasahin tungkol dito
c. humingi ng payo sa may higit na karanasan tungkol dito
d. pasalamatan ang mga naniniwala sa iyong kakayahan

20. Ang hilig ni RM ay pag-camping sa bundok at long distance rides sa kanyang


bisikleta. Anong larangan ng hilig ni RM?
a. outdoor b. mechanical c. computational d. scientific

21. Ang hilig ni DV ay paghahalo ng iba’t-ibang tugtog at tiktik ng mga kanta at


pagbabahagi ng remix songs online. Anong larangan ang hilig ni DV?
a. persuasive b. artistic c. literary d. musical

22. “Love what you do and do what you love” Anong konsepto ang ipinapakita ng
statement na ito?
a. pagpapahalaga c. hilig
b. talento d. kakayahan

23. Si YS ay nakakapag-isip-isip ng mga bagay na gustong-gusto niya gawin at


mga bagay na hindi siya nababagot gawin. Anong hakbang sa pagtuklas ng hilig
ang ginawa ni YS?
a. pagnilayan ang iyong mga kaibigan at kaaway
b. pagnilayan ang iyong mga hilig at paboritong gawain
c. siyasatin ang mga gawaing nakakapagpasigla sa iyo
d. siyasatin ang mga gawaing nakakapagpabaliw sa iyo

24. Si HX ay nagbukas ng link ng isang online article tungkol sa buhay nila Onyok
Velasco at Manny Pacquiao dahil nais niyang maging malakas na atleta at sikat na
boksingero sa hinaharap. Anong paraan ang ginawa ni HX para mapaunlad ang
kanyang hilig?
a. isumpa ang mga bagay na iyong kinahihiligan
b. magbasa ng mga kaugnay na babasahin tungkol dito
c. humingi ng payo sa may higit na karanasan tungkol dito
d. pasalamatan ang mga naniniwala sa iyong kakayahan

25. Ang pamilya ni IU ay kilala sa pagiging mahusay na performers sa teatro.


Maraming lokal na pagkilala ang natanggap ng kanyang mga lolo at lola pati na rin
ang kanyang nanay at tatay dahil sa walang sawang pagganap ng mga ito sa
teatro. Si IU ay isang magaling na performer din bilang komedyanteng kumakanta
at sumasayaw. Anong pinagmulan ng hilig ni IU?
a. kulam b. karanasan c. pamana d. pagpapahalaga at kakayahan

Graded Performance Task A: (Gumamit ng isang malinis na one


whole intermediate paper.)
Repleksyon na Tanong para sa Maikling Sanaysay: Anong bagay ang pagsubok
para sa iyo sa mga pagbabagong nararamdaman mo sa iyong sarili?
(pinakamaikling sagot – 5 pangungusap) 25 points ang kumpletong sagot sa
sanaysay

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 8


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
Anong aspekto ng pagbabago ang pinakamahirap sa iyo? Paano mo
nalampasan ang paghihirap na ito? Anong aspekto ng pagbabago ang
pinakamadali sa iyo?

Kategorya Higit na Nakamit Nakamit ang Hindi Nakamit


ang Inaasahan Inaasahan ang Inaasahan
(5 puntos) (3 puntos) (1 puntos)
1. Introduksyon Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit ng
pahayag na pahayag na pahayag na
nakakuha ng tungkol sa paksa tungkol sa paksa
atensyon tungkol
sa paksa
2. Diskusyon Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit ng
pahayag na pahayag na pahayag na
nagbigay ng nagbigay ng nagbigay ng
patunay ayon sa patunay ngunit patunay ayon sa
sariling karanasan hindi sariling karanasan
naipaliwanag
3. Organisasyon Gumamit ng mga Gumamit ng mga Hindi gumamit ng
ng Ideya pahayag na pahayag na mga pahayag na
lohikal at lohikal at lohikal at
mahusay ang mahusay ang mahusay ang
pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakasunod-
sunod ng mga sunod ng mga sunod ng mga
ideya at ideya ideya at
transisyonal na transisyonal na
pantulong pantulong
4. Konklusyon Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit ng
mapanghamon na mapanghamon na mapanghamon na
pahayag at sinagot pahayag pahayag
ang hamon na ito
5. Mekaniks Walang May iilang Maraming
(Gramatika at pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
Pagbabantas) mga bantas, mga bantas, mga bantas,
kapitalisasyon, at kapitalisasyon, at kapitalisasyon, at
pagbabaybay pagbabaybay pagbabaybay

Graded Performance Task B: (Gumamit ng isang malinis na one


whole intermediate paper.)
Repleksyon na Tanong para sa Maikling Sanaysay: Anong bagay ang pagsubok
para sa iyo sa pagpili ng larangan ng hilig mo? (pinakamaikling sagot – 5
pangungusap) 25 points ang kumpletong sagot sa sanaysay
Anong larangan ng hilig ang pinakamaganda para sa iyo? Paano mo nalaman
na ito ang pinakamagandang larangan ng hilig para sa iyo? Anong sagabal o
pagsubok ang nakikita mo sa pinakagusto mong larangan ng hilig?

Anong gagawan mo sa pagsubok na ito?

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 9


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter First Grade: 7


Title: Pagtuklas at Paglinang ng mga Sariling Kakayahan Week: 5-8

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


• Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan
at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
• Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata
• Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan
• Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa
sarili at nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
• Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento
at kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung
pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa
sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at
paglilingkod sa pamayanan
• Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga
talento at kakayahan

Paglalahad ng Aralin:

Natutuhan mo sa nakaraang aralin na maraming kaakibat na pagbabago sa sarili


ang iyong pagbibinata/pagdadalaga. Mula sa panlabas o pisikal na pagbabago ng
kaanyuan, nalaman mo na maging sa pandamdamin o emosyon, ay marami rin
ang nagbago sa iyo. Ang mga ito ay likas na prosesong pinagdaraanan ng lahat ng
katulad mo. Dito sa bagong aralin ay higit pang madaragdagan ang pagkilala mo sa
iyong sarili. Inaasahang makikilala mo bilang isang nagdadalaga o nagbibinata ang
mga talento at kakayahan na dapat paunlarin at ang mga kahinaang kailangang
malagpasan.

Kaugnayan ng Talento at Kakayahan Multiple Intelligences (MI) ni Dr.


Talento - pambihira at espesyal na Howard Gardner noong 1983
kakayahan o kagalingan ng tao sa 1. Verbal/linguistic intelligence
isang bagay 2. Logical/mathematical intelligence
Kakayahan – ang iyong kapasidad o 3. Musical/rhythmic intelligence
abilidad na gawin ang isang bagay 4. Visual/spatial intelligence
dahil eksperto ka rito o sapat ang 5. Bodily/kinesthetic intelligence
iyong kaalaman 6. Interpersonal intelligence
Talento – inborn 7. Intrapersonal intelligence
Kakayahan – natutunan gamit ang 8. Naturalist intelligence
ensayo 9. Existentialist intelligence
Iba pang pakahulugan ng talento at kakayahanupang mas lalo mo itong
maunawaan:

Ang talento ay ginagamit na kasing kahulugan ng biyaya at kakayahan. Ito ay likas


na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin (Webster Dictionary)

Ayon naman kay Thorndike at Barnhart, ang talento ay isang pambihira at likas na
kakayahan. Sa kabilang dako, ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal upang

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 10


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
makagawa ng isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika o sa sining.
Sinasabi ng mga sikolohista na ang talento ay may kinalaman sa genetics o mga
pambihirang katangiang minana sa mga magulang. Ang kakayahan naman ay likas
o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang intellect o kakayahang mag-isip. Sa
gayon, ang kahusayan sa isang larangan ay ayon sa kaniyang kakayahang
intelektuwal.

Binuo ni Dr. Howard Gardner ang teoryang Multiple Intelligences. Ayon sa teoryang
ito, ang mas angkop na tanong ay, Ano ang iyong talino?” at hindi, “Gaano ka
katalino”. Bagama’t lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba-iba naman
ang talino o talento. Ang mga ito ay:
1. Visual/Spatial- mabilis natututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos
ng mga ideya
2. Verbal/Linguistic-talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita
3. Mathemetical/Logical-ito ay talinong kaugnay sa lohika, paghahalaw at
numero
4. Bodily/Kinesthetic-mas natututo ang taong may taglay ng talinong ito sa
pamamagitan ng mga konkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran
5. Musical/Rhythmic- ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa
pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika. Ito ay pagkatuto sa pamamagitan
ng pandinig at pag-uulit ng isang karanasan
6. Intrapersonal-sa talinong ito, natututo ang isang tao sa pamamagitan ng
damdamin, halaga, at pananaw. Talino na may kaugnay ng kakayahan na
magnilay at masalamin ang kalooban
7. Interpersonal- ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang
tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat.
8. Existential- Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at
makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating
ginagalawan.
9. Naturalist- ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat, at pagbabahagdan.
Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan. Hindi
lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.

Makikita sa pahina 21-23, weeks 3-6 sa Self Learning Module ang mga katangian,
halimbawa ng maaring hanapbuhay at kung paano pauunlarin ang bawat talino o
talento ayon kay Dr. Howard Gardner.

Alin sa mga nabanggit na talino o talento ang sa tingin mo ay iyong taglay?

Likas ang ating mga talento at kakayahan ngunit kailangang itong paunlarin sa
pamamagitan ng pagsasanay. Kailangan nating malampasan ang ating mga
kahinaan. Dapat na magkaroon ng tiwala sa sarili. Magkakaroon lamang tayo nito
kung hindi tayo aasa sa opinyon o paghuhusga sa atin ng ibang tao. Mawawala ito
kung wala tayong matibay na kaalaman sa ating talento at kakayahan.
(mula sa EsP 7 LM at SLM)
Pagtuklas ng Kaalaman (Sagutan ito sa isang papel)

Pamagat ng Gawain Paano Gagawin Saan Mahahanap


Gawain sa Pagkatuto 3 Kopyahin at sagutan ESP Module p. 24
Gawain sa Pagkatuto 4 Kopyahin at sagutan ESP Module p. 25
Gawain sa Pagkatuto 5 Kopyahin at sagutan ESP Module p. 26-27

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 11


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Graded Quiz B:
Tukuyin ang tamang sagot base sa impormasyong ibinigay sa tanong. Gamitin ang
binigay na answer sheet para masagutan ang graded quiz. Magshade nang maayos.

1. Ano ang tawag sa pambihira at espesyal na kakayahan o kagalingan ng tao sa


isang bagay?
a. kakayahan b. talento c. hilig d. bisyo

2. Ano ang tawag sa ang iyong kapasidad o abilidad na gawin ang isang bagay
dahil eksperto ka rito o sapat ang iyong kaalaman?
a. kakayahan b. talento c. hilig d. bisyo

3. Alin ang hindi karakteristik ng talento?


a. inborn b. pambihira c. espesyal d. tamad

4. Sino ang bumuo sa ideya ng Multiple Intelligences o MI?


a. Havighurst b. Manuel Dy c. Hurlock d. Howard Gardner

5. Ilan ang uri ng kakayahan o Multiple Intelligences o MI?


a. 3 b. 6 c. 9 d. 12

6. Ang sumusunod ay paraan upang mapaunlad ang angking talento at


kakayahan, maliban sa _.
a. Manalig sa Diyos c. Manalig sa sarili
b. Mahiyang ibahagi ito d. Maglaan ng oras para dito

7. Bakit kailangang mapaunlad ang talento at kakayahan?


a. para magpasikat c. para maipagmalaki
b. para mangulit d. para magbigay ng inspirasyon at makatulong

8. Anong uri ng kakayahan ang may katangian na pag-unawa sa sariling


damdamin at kalagayan?
a. Intrapersonal Intelligence c. Naturalist Intelligence
b. Existentialist Intelligence d. Interpersonal Intelligence

9. Anong uri ng kakayahan ang may mga gawain o future jobs na guro,
administrator, social worker, at manager?
a. Intrapersonal Intelligence c. Naturalist Intelligence
b. Existentialist Intelligence d. Interpersonal Intelligence
10. Anong uri ng kakayahan ang may katangian na paggamit ng numero, hugis, at
mga simbolo?
a. Verbal/Linguistic Intelligence c. Logical/Mathematical Intelligence
b. Musical/Rhythmic Intelligence d. Visual/Spatial Intelligence

11. Anong uri ng kakayahan ang may mga gawain o future jobs na arkitekto,
inhinyero, pintor, at manlililok?
a. Verbal/Linguistic Intelligence c. Logical/Mathematical Intelligence
b. Musical/Rhythmic Intelligence d. Visual/Spatial Intelligence

12. Anong uri ng kakayahan ang may pagpapaunlad sa pamamagitan ng pakikinig


sa radyo, pagsasanay sumulat, at panunuod ng documentaries?
a. Verbal/Linguistic Intelligence c. Logical/Mathematical Intelligence

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 12


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
b. Musical/Rhythmic Intelligence d. Visual/Spatial Intelligence

13. Anong uri ng kakayahan ang may pagpapaunlad sa pamamagitan ng


pangunguna o pakikisali sa mga dayalogo o pag-uusap sa pamilya?
a. Intrapersonal Intelligence c. Naturalist Intelligence
b. Existentialist Intelligence d. Interpersonal Intelligence

14. Anong uri ng kakayahan ang may kinalaman sa pagkahilig sa kalikasan,


hayop, at halaman?
a. Existentialist Intelligence c. Naturalist Intelligence
b. Verbal/Linguistic Intelligence d. Bodily/Kinesthetic Intelligence?

15. Anong uri ng kakayahan ang may mga gawain o future jobs na pari, pastor,
philosopher, at theorist?
a. Existentialist Intelligence c. Naturalist Intelligence
b. Verbal/Linguistic Intelligence d. Bodily/Kinesthetic Intelligence?

16. Anong uri ng kakayahan ang may pagpapaunlad na pagbasa ng mga aklat at
Bibliya, pagdarasal, at pagninilay?
a. Intrapersonal Intelligence c. Naturalist Intelligence
b. Existentialist Intelligence d. Interpersonal Intelligence

17. Anong paraan ng pagpapaunlad ng angking talento at kakayahan ang ginawa


ni Jelly kung siya ay pumupunta sa teatro tuwing Sabado para makasama ang
magagaling na mananayaw at mang-aawit at magpaturo sa kanila?
a. Manalig sa Diyos c. Manalig sa sarili
b. Mahiyang ibahagi ito d. Maglaan ng oras para dito

18. Anong paraan ng pagpapaunlad ng angking talento at kakayahan ang ginawa


ni Graham kung siya ay pumupunta sa simbahan matapos ang bawat athletic
training ng basketball clinic upang makausap ang Diyos para mapawi ang kanyang
pagod?
a. Manalig sa Diyos c. Manalig sa sarili
b. Mahiyang ibahagi ito d. Maglaan ng oras para dito

19. Anong uri ng kakayahan ang mayroon si Butter kung bawat bakasyon ay
sumasali sa sports clinic, nanunuod sa YouTube ng videos tungkol sa
pagkukumpuni ng sirang bagay, at araw-araw na nag-eehersisyo?
a. Existentialist Intelligence c. Naturalist Intelligence
b. Verbal/Linguistic Intelligence d. Bodily/Kinesthetic Intelligence?

20. Anong paraan ng pagpapaunlad ng angking talento at kakayahan ang ginawa


ni Nugget kung siya ay matiyagang tumutuloy sa kanyang hilig at laging sinasabi
ang “Practice makes perfect.” kahit nahihirapan siya?
a. Suriing mabuti ang sarili c. Sanaying gamitin ito nang madalas
b. Maglaan ng oras para dito d. Huwag mahiyang ibahagi ito sa iba

21. Anong uri ng kakayahan ang ipinapakita ni Cheese kung siya ay interesado sa
mga usapin kagaya ng kung saan napupunta ang mga namatay na tao?
a. Pangmusika b. Pangkatawan c. Pangkalikasan d. Pang-eksistensyal

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 13


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
22. Anong uri ng kakayahan ang mayroon si Apple kung siya ay mabilis umintindi
ng graphs at diagrams at mahilig maglaro ng chess at Pictionary?
a. Pangbiswal b. Pangwika c. Pangkatawan d. Pangmatematika

23. Anong uri ng kakayahan ang ipinapakita ni Berry kung siya ay nangangarap
maging madre at ginugugol ang free time niya sa pagdarasal?
a. Intrapersonal Intelligence c. Naturalist Intelligence
b. Existentialist Intelligence d. Interpersonal Intelligence

24. Anong uri ng kakayahan ang angkin ni Lemon kung siya ay aktibo sa pagsali
sa mga samahan/organisasyon, at pangunguna sa pagtulong sa kapwa sa
community pantries sa kanilang lugar?
a. Intrapersonal Intelligence c. Naturalist Intelligence
b. Existentialist Intelligence d. Interpersonal Intelligence

25. Anong paraan ng pagpapaunlad ng angking talento at kakayahan ang ginawa


ni Velvet kung siya ay naglista ng kanyang mga kalakasan at kahinaan?
a. Suriing mabuti ang sarili c. Sanaying gamitin ito nang madalas
b. Maglaan ng oras para dito d. Huwag mahiyang ibahagi ito sa iba

Graded Performance Task C: (Gumamit ng isang malinis na one


whole intermediate paper.)

Kumpletuhin ang Talaan ng SWOT. Kopyahin ang mga nasa kahon at isulat ang
iyong sagot (25 points ang kumpletong sagot sa SWOT)

Strengths (Kalakasan) Magbigay ng 2


larangan na sa tingin mo ay magaling
ka.
Weaknesses (Kahinaan) Magbigay ng 2
larangan na sa tingin mo ay hindi ka
magaling.
Opportunity (Oportunidad) Magbigay
ng 2 larangang na sa tingin mo ay
gagaling ka kung bibigyan ka ng
oportunidad mag-ensayo nito.
Threats (Banta) Magbigay ng mga
pagsubok o hadlang sa mga hilig mo.
Anong gagawin mo para humusay pa
lalo ang Strengths mo at Opportunity
mo?

Graded Performance Task D: (Gumamit ng isang malinis na one


whole intermediate paper.)

Kumpletuhin ang Talaan ng “Talent Manifest”. Kopyahin ang mga nasa kahon at
isulat ang iyong sagot (25 points ang kumpletong sagot sa Talent Manifest).

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 14


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
Talent Manifest
Sino ang isang taong iniidolo mo dahil Ano ang talento ng taong iniidolo mo?
sa kanyang talento? Isulat ang Ano pa ang ibang dahilan ng pag-idolo
kanyang buong pangalan. mo sa kanya?

Isulat ang iyong buong pangalan at Base sa talentong nakalagay sa itaas,


palibutan ito ng mga iginuhit na bituin. anong gawain ang iyong ginagawa para
Buong Pangalan maging kasing galing ang idolo mo.

Ano ang iyong iskedyul ng pag-eensayo Anong mga kagamitan ang kailangan
ng iyong talento? mo sa pag-ensaya ng iyong talento?

Table of Specification

Most Essential Learning No. Of No of Test


K C A
Competencies Days Items Placement
• 1-2 4 13 6 4 3 A 1-13
• 3-4 4 13 6 4 3 B 1-13
• 5-6 2 6 3 2 1 B 14-19
• 7-8 2 6 3 2 1 B 20-25
• 9-10 2 6 3 2 1 A 14-19
• 11-12 2 6 3 2 1 A 20-25
Total 16 50

Prepared by:

BEA PATRIZIA E. SANTOS


Teacher

Checked by:

MERCY A. MIRANDA
ESP - Department Chairperson

Noted by:

ROQUITA S. SUYOD
Principal III

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 15


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Rubrics for Validation (Assessment Tools)

Indicators Total % Rating


Points
Validity - (30 %)
1. The test items are aligned with (MELCs).
2. The test covers topics that are discussed.
3. The test is age appropriate.
4. The test is free of factual errors
5. The test is grammatically correct
6. The test is free of computational errors
7. The items are distributed according to TOS

Reliability (30 %)
1. No repeated test item.
2. No same choices in an item.
3. No same correct choices in an item.
4. Objective and not based on beliefs / culture

Readability (20%)
1. The test items are arranged from simple to
complex (Easy to Difficult)
2. The sentence length is not too long.
3. The instructions and directions are clear.
4. The vocabulary used is easy to understand

Parts and Elements - (10%)


The test contains the following parts:
1. Table of Specification
2. Directions / Instructions
3. Complete Test Items
4. Materials (if necessary)

The Format (10 %)


1. The font size is correct (text-11)
2. The font style is Bookman Old Style
3. The paragraph spacing is (1 to 1.5)

Total

Rated by:

NAME OF RATER
(Designation)

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 16


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Rubrics for Validation (Instructional Materials)

Indicators Total % Rating


Points
MELC - (30 %)
The material sufficiently discussed the targeted
Most Essential Learning Competency (MELCs).
Parts and Elements - (20%)
The material contains the following parts:
1. Subject Area
2. Quarter
3. Week Number
4. Grade level
5. Title / Topic
6. Most Essential Learning Competency
7. Presentation of Lesson / Discussion
8. Examples
9. Optional Activities for Practice
10. Quiz (Written Work)
11. Performance Task
12. Reflection
13. Reference
Content (20 %)
The content of the material is:
1. Logically arranged / developed
2. Accurate and correct
3. Non-biased and objective
4. Socially acceptable
5. Morally acceptable
6. Free of factual errors
7. Free of computational errors
The Format (10 %)
1. The font size is (subhead-13, text-11)
2. The font style is Bookman Old Style
3. The visual / pictures are relevant to text
4. The paragraph spacing is correct (1 to 1.5)
The Readability (20 %)
1. The vocabulary used is easy to understand.
2. The sentence length is not too long.
3. The flow of paragraph is smooth.
4. The ideas and topics presented are
connected.
5. The explanation is simple and direct.
6. The instructions and directions are clear.
Total

Rated by:

NAME OF RATER
(Designation)

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 17

You might also like