You are on page 1of 10

Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: ESP Quarter Una Grade: 9


Title: Pagsasagawa ng Kilos Tungo sa Kabutihang Panlahat Week: 1

Most Essential Learning Competency:


• Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang
panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan

Paglalahad ng Aralin:
Ano na ang iyong nalalaman sa konsepto ng lipunan at kabutihang panlahat? Ang
lipunan ay tumutukoy sa isa o higit pang grupo ng mga tao na permanenteng
naninirahan sa isang lugar na pinakikilos ng iisang layunin tungo sa pagkakamit ng
kabutihang-panlahat.

Ang kahulugan ng salitang “lipunan”. Una, makikita natin ang salitang “lipon” o
grupo ng mga tao. Pangalawa, makikita natin ang salitang “ipon”, na nag-iipon ng
mga karanasan na ginagamit natin upang maging mabuting-tao na makatutugon sa
hamon ng pagkakamit ng kabutihang-panlahat.

Tinukoy ni Manuel Dy na likas na hangganan ng pakikipag-ugnayan at


pakikipamuhay, na magpapatibay rin ng ideya ni Santo Tomas Aquinas na ang
layunin ng pagkakalikha sa tao ay nakakamit sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-
tao.

Ayon sa tala ng Simbahang Katoliko na nakasaad sa Catechism of the Catholic


Church (CCC), ang kabutihang panlahat ay ang kabuuan ng mga panlipunang
gawain na nagtatakda sa lahat ng tao, nag-iisa man o pangkat, na makamit nila ang
katuparan ng kaganapan ng kanilang pagkatao (Gaudium et Spes).

May tatlong (3) elemento ang kabutihang panlahat ayon sa Katesismo ng


Simbahang Katolika:
1. Pagrespeto sa Kapwa-tao.
2. Pagpapaunlad ng lahat ng tao.
3. Kapayapaan.

Halimbawa:
• Ang usapin ng pagbabalik sa parusang kamatayan. Maaaring sa pagpataw ng
parusang ito ay mabawasan ang krimen, subalit ang kamatayan ba ng taong
ito ay makapagdudulot ng kabutihang-panlahat?
• Sa hangarin nating makakuha ng tamang gamot o bakuna laban sa COVID-
19, nagboluntaryo ang taong ito na napatawan ng parusang kamatayan na
gamitin ang kanyang sarili para sa testing ng ginagawang gamot, maging
matagumpay man o maging sanhi ng kanyang agarang kamatayan ang
testing, ito ba ay magdudulot ng kabutihang-panlahat?

Pagtuklas ng Kaalaman (Sagutan ito sa isang papel)

Gawain Ano ang gagawin? Saan ito makikita?


Gawain sa Pagkatuto Answer only SLM p. 7
Bilang 1
Gawain sa Pagkatuto Copy and Answer SLM p. 7
Bilang 2

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 1


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: ESP Quarter Una Grade: 9


Title: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat Week: 2

Most Essential Learning Competency:


• Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o
sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan.

Paglalahad ng Aralin:
Sa buong mundo, kinikilala ang kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapwa
(Golden Rule): "Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo";
"Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili." Ang pakikipag-
kapwa ay napatatatag ng mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal
(charity).

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat


1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit
tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit
nito.
2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kaniyang personal
na naisin.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya
kaysa sa nagagawa ng iba.

Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat ayon Joseph de Torre


(1987) sa kaniyang aklat na Social Morals:
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang
malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan.
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang
kaganapan.

Pagtuklas ng Kaalaman (Sagutan ito sa isang papel)

Gawain Ano ang gagawin? Saan ito Makikita?


Gawain sa Pagkatuto Copy and Answer SLM p. 12
Bilang 3

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 2


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: ESP Quarter Una Grade: 9


Title: Pagsusulong ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Week: 3
Pagkakaisa

Most Essential Learning Competency:


• Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa

Paglalahad ng Aralin:
Ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang sektor, organisasyon, samahan o grupo na
may natatanging tungkulin na dapat gampanan sa lipunan. Sa isang asosasyon,
kinakailangan ang pagtatalaga ng pamunuan.

Ang isang lipunan ay maihahalintulad sa mga sumsunod:


1. Isang Malaking Barkada
2. Lipunang Pampolitika
3. Isang Kaloob ng Tiwala
4. Kapwa-Pananagutan
5. Dagdag na Komplikasyon

Lipunang politikal ito ay ang mga bagay na may kinalaman sa pakikitungo ng tao
sa kanyang kapwa-tao sa loob ng lipunan at mga isyung may kinalaman sa paggabay
ng mga namumuno sa mga taong kanyang nasasakupan.

Halimbawa:
Epektibong pagpapatupad ng isang proyekto o programa ng pamahalaan katulad ng
environmental policies (Clean & Green project; Waste Management).

Ang Prinsipyong Subsidiarity ay nagbibigay kapangyarihan kahit sa pinakamaliit


o pinakamababang sektor o grupo sa lipunan na makagawa ng mga desisyon sa
kanilang antas, at hindi na kinakailangang aprubahan pa ng may pinakamataas na
kapangyarihan.

Sa Prinsipyong Solidarity o Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang


magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang
makapagtulungan ang mga mamamayan.

Pagtuklas ng Kaalaman (Sagutan ito sa isang papel)

Gawain Ano ang gagawin? Saan ito Makikita?


Gawain sa Pagkatuto Copy and Answer ESP 9 Module p. 19
Bilang 2

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 3


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: ESP Quarter Una Grade: 9


Title: Pagsusulong ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Week: 4
Pagkakaisa

Most Essential Learning Competency:


• Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng
Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan,
pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa

Paglalahad ng Aralin:

Ang pag-iral ng prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa sa


pamilya, paaralan, barangay, pamayanan o lipunan ay siguradong magdudulot sa
atin ng positibong benepisyo na pakikinabangan nating lahat tungo sa maayos ay
mapayapang pamumuhay. Subalit ang kawalan ng mga ito ay magdudulot ng
kalituhan at kaguluhan sa ating lipunan.

Sa kabila ng dunong ng pinuno at/o ng mayorya, kung minsan, mula sa isang


salungat na opinyon isinisilang ang pinakamahusay na karunungan.

Ilang Lider na nagpakita ng dunong o husay:


• Si Ninoy ay isang tinig lamang na nagpasimula ng pagsasalita ng marami
• Si Martin Luther King ay isang tinig lamang ng mga African American na
sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.
• Si Malala Yousafzai ay isang tinig ng musmos na naninindigan para sa
karapatan ng mga kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng
pagtatangka sa kaniyang buhay.

Lipunang Pampolitika ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at


pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito.
Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat—ang pag-iingat sa ugnayang
pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.

Pagtuklas ng Kaalaman (Sagutan ito sa isang papel)

Gawain Ano ang gagawin? Saan ito Makikita?


Gawain sa Pagkatuto Copy and Answer ESP 9 Module p. 20
Bilang 4

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 4


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Pagsusulit (Graded Quiz)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang sagot sa “Answer
Sheet.”

1. Ito ay tumutukoy sa isa o higit pang grupo ng mga tao na permanenteng


naninirahan sa isang lugar na pinakikilos ng iisang layunin tungo sa
pagkakamit ng kabutihang-panlahat.
a. Lipunan c. Kapuwa
b. Komunidad d. Organisasyon

2. Ano ang kahulugan ng “lipon” sa salitang Lipunan?


a. Pagkakaisa c. Grupo ng mga tao
b. Barkadahan d. Pamilya

3. Ayon sa kanya may likas na hangganan ng pakikipag-ugnayan at


pakikipamuhay.
a. Max Scheler c. Sto. Tomas Aquinas
b. Manuel Dy d. Joseph De Torre

4. Ang mga sumusunod ay Elemento ng Kabutihang Panlahat MALIBAN sa isa


a. Pagrespeto sa Kapwa-tao c. Korupsyon
b. Pagpapaunlad ng lahat ng tao d. Kapayapaan

5. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating
kapwa.
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-
isa.
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.

6. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat


indibidwal. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit
ang tunay na layunin ng lipunan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat
isang indibidwal.
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda
ng mga layunin.

7. Sa panahon ng pandemya, naisipan ng inyong grupo na bumuo ng isang


proyekto “Sama-samang Pagtulong para sa Paaralan.” Ano ang maari ninyong
gawin pagkatapos maisakatuparan ang proyektong ito?
a. Makikiisa sa pamimigay ng gamit sa paaralan.
b. Magbibigay ng paalala sa pamamagitan ng social media.
c. Makikisali sa Solicitation sa inyong lugar.
d. Magluluto ng pagkain para sa mga volunteers.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 5


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
8. Ayon kay _________________ sa kaniyang aklat na Social Morals may tatlong
mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat.
a. Joseph De Torre c. Manuel Dy
b. Sto Tomas Aquinas d. John Kennedy

9. Ang pakikipag-kapwa ay napatatatag ng mga birtud ng ________________ at


pagmamahal (charity).
a. Kapayapaan c. Katarungan
b. Kapuwa-tao d. Karapatan

10. Ang pahayag na “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa
iyo"; "Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili” ay
kilala sa tawag na
a. Quotes c. Kawikaan
b. Parabula d. Golden Rule

11. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat MALIBAN


sa:
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili
kaysa sa nagagawa ng iba.
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.

12. Si Oliber ay nakilahok sa isang programa ng kanilang baranggay na


nagpapanatili ng kaayusan at kalinisan. Ngunit ginagawa lamang niya ito
upang mapuri siya ng kaniyang mga kaibigan at kamag-aral. Alin sa mga
Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat ang ipinakita niya?

a. Pagkakait ng tulong para sa kapwa nangangailangan.


b. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
d. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas Malaki ang naiimbag ng sarili kaysa
sa nagagawa ng iba.

13. Ang inyong klase ay naatasan na gumawa ng isang proyekto na makatutulong


upang maipalaganap ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at
malakas na resistensiya, anong proyekto ang may kauganayan dito?

a. Lilikha ng awitin na may kinalaman sa pangangalaga sa katawan.


b. Gagawa ng poster-slogan tungkol sa malusog na pangangatawan.
c. Bubuo ng video na nagpapakita ng malusog na pangangatawan.
d. Lahat ng nabanggit.

14. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na mula sa _____


a. mamamayan patungo sa namumuno
b. namumuno patungo samamamayan
c. namumuno para sa kapwa namumuno
d. mamamayan para sa nasa mamamayan

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 6


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
15. Ito ay ang mga bagay na may kinalaman sa pakikitungo ng tao sa kanyang
kapwa-tao sa loob ng lipunan at mga isyung may kinalaman sa paggabay ng
mga namumuno sa mga taong kanyang nasasakupan.
a. Ekonomiya c. Pamayanan
b. Lipunang Politikal d. Pampolitika

16. Anong Prinsipyo ang nagbibigay kapangyarihan kahit sa pinakamaliit o


pinakamababang sektor o grupo sa lipunan na makagawa ng mga desisyon
sa kanilang antas, at hindi na kinakailangang aprubahan pa ng may
pinakamataas na kapangyarihan?
a. Prinsipyong Subsidiarity c. Pagtutulungan
b. Prinsipyong Solidarity d. Prinsipyo ng Proportio

17. “Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila, una


nang kanilang kinatatayuang lugar.” Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang pamayanan ay kaisa ng pamahalaan.
b. Mali, dahil kanya-kanya ang pamamaraan ng mga namamahala.
c. Tama, dahil sila ay nagtutulungan at nagkakaisa sa nabuong Sistema.
d. Mali, hindi kailangan ng pamayanan ang pamahalaan.

18. Barangay Katapatan: Doon sila nakatira at doo’y sama-sama silang bumubuo
ng mga sistema kung paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May mga
kuwento silang pinagdadaanan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
nito?
a. Ang valedictorian na anak ni Aling Norma, kinainggitan ang tagumpay ng
buong kapitbahayan.
b. Ang aksidente ni Manuel sa motor ay pinag-usapan ng buong baranggay.
c. Ang pagliligawan nina Eric at Jenny, ipinagkakalat na nagsasama ng hindi
pa kasal.
d. Ang problema sa patubig ang pinagtulungan ng buong komunidad.

19. Si Aling Cora biglang nagtawag na magtanim ng mga halaman sa paaralan.


At dahil sa tindi ng kanyang pagkagusto sa gawaing iyon, mahusay niyang
nayakag ang iba na makilahok kahit sa una'y ayaw talaga nila. Ano ang
ipinakita ng mga kasamahan ni Aling Cora?
a. Isang Malaking Barkada c. Isang Kaloob ng Tiwala
b. Lipunang Pampolitika Kapwa-Pananagutan

20. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay _____


a. Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
b. Angking talino at kakayahan
c. Pagkapanalo sa halalan
d. Kakayahang gumawa ng batas

21. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya
niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.
a. Ninoy Aquino c. Martin Luther King
b. Malala Yuosafzai d. Nelson Mandela

22. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng


sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito.
a. Lipunang Pampolitika c. Lipunang Panlipunan
b. Lipunang Politikal d. Pamahalaan

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 7


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

23. Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan.


Ano ang ibig sabihin nito?
a. Walang pananagutan ang pamahalaan sa mamamayan.
b. Ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan
ng pamayanan.
c. Hindi pananagutan ng isang pinuno ang kaniyang nasasakupan.
d. Hindi na mahalagang magsalita pa para sa nakararami.

24. "Matagal na akong tumutulong sa pamahalaan. Tapat ako sa pagbabayad ng


buwis. Naglilingkod ako nang wagas sa bayan. Ang lahat ng paghihirap ko ay
inuubos lamang ng mga kurap sa pamahalaan." Ang pahayag ay nagpapakita
nang
a. Kailangan maging mapanuri, magbantay at gumising sa katotohanan.
b. Hayaan na lamang ang nangyayari sa pamahalaan.
c. Balewalain ang nangyayaring kurapsyon.
d. Patuloy na tangkilikin ang namumuno na kurap.

25. Bilang mag-aaral, anong maari mong maimbag sa panahon na naabuso ang
kapangyarihan na mayroon ang mga nasa pamahalaan?
a. Huwag sumunod sa itinakdang curfew ng baranggay.
b. Magtiwala kahit may pang-aabuso nang nagaganap.
c. Ipahayag ang munting tinig sa pamamagitan ng social media.
d. Iwasan ang panunuod ng balita.

Graded Performance Task: (Sa isang buong papel)

PERFORMANCE TASK 1:
Gumawa ng isang plano para sa proyektong iyong pamumunuan. Dahil hindi pa ito
maaaring isagawa sa ngayon, ilatag muna ang mga impormasyon tungkol dito. Ibigay
ang impormasyong hinihingi.

1. Pangalan ng proyekto, kalian at saan gaganapin.


2. Mga makikinabang at tulong na maipagkakaloob.
3. Mga makakasama sa pagsasagwa ng proyekto.

ANG AKING PROYEKTO

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 8


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

PERFORMANCE TASK 2:
Sa gawaing ito ay magsagawa ka ng pagsusuri sa mga pagkakataon sa iyong buhay
bilang isang mag-aaral at kabataan kung saan napangibabaw mo ang kabutihang
panlahat.ibigay din ang maaring epekto nito. Ilista ang mga ito gamit ang pormat sa
ibaba.

Pagsasaalang-Alang Sa Sitwasyon Kung Saan Maaring Epekto


Kabutihang Panlahat Naipakita Ang Kabutihang
Panlahat
Pamilya

Paaralan

Pamayanan o Lipunan

Reflection/ Journal: (Isulat sa kwaderno)

Ang aking natutunan mula sa paksa ay _______________________________________


Nagustuhan ko ang aralin dahil _______________________________________________
Nais ko pang matutunan ang __________________________________________________
Mas matuto ako kung _________________________________________________________

References:

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 – SLM, Unang Edisyon 2020


Edukasyon sa Pagpapakatao 9 – SLM, 2014

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 9


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Table of Specification

KASANAYANG PAMPAGKATUTO Bilang No. of K C A Test


(MELC) ng Items (50) (30) (20) Placement
Araw

Nakapagsusuri ng mga halimbawa


ng pagsasaalang-alang sa
4 7 4 2 1 1 to 7
kabutihang panlahat sa pamilya,
paaralan, pamayanan o lipunan
Naisasagawa ang isang proyekto
na makatutulong sa isang
pamayanan o sektor sa
4 6 3 2 1 8 to 13
pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan.
Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may
lipunang pulitikal 4 6 3 2 1 14 to 19
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
Nakapagtataya o
nakapaghuhusga kung umiiral
ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
4 6 3 2 1 20 to 25
Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag
sa pamilya, paaralan, pamayanan
(baranggay), at lipunan/bansa
Kabuuan 16 25 13 8 4

Prepared by:

RACHELLE J. ESTANISLAO
Guro sa ESP 9

RAMON CARLO S. PAJARILLO


Guro sa ESP 9

Checked by:

MERCY A. MIRANDA
ESP - Department Chairman

Noted by:

ROQUITA S. SUYOD
Principal III

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 10

You might also like