You are on page 1of 2

Karapatan ng mga kabataang mag-aaral ang mabigyang proteksyon sa alimang pang-aabuso o hindi

pagtanggap. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpalabas ng DepEd Order No.40 na pinamagatang


“Child Protection Policy”. Layunin ng kautusang ito na bigyang proteksyon ang mga mag-aaral sa
paaralan laban sa kahit anong pang-aabuso tulad ng diskriminasyon, pambu-bully, at iba pa. Ngunit
paano nga ba ito higit na nakatulong sa pangangalaga ng karapatan at kapakanan ng mga mag-
aaral. Nagsagawa ng isang survey ang ating paaralan kaugnay nito, lumabas na 68.2 % ng mga mag-aaral
ay mayroong kaalaman tungkol sa “Child Protection Policy”.
Paano naipapakita na napoprotektahan ang isang kabataan sa inyong tahanan? Ito ang ilan sa mga batas
na nagbibigay proteksiyon sa mga kabataan:
1. Republic Act 7610: Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and
Discrimination Act - an act providing for stronger deterrence and special protection against child
abuse, exploitation, and discrimination, providing penalties for its violation and for other
purposes.
2. The Safe Spaces Act defines gender–based sexual harassment in streets, public spaces, online,
workplaces, and educational and training institutions. The law penalizes all forms of sexual
harassment in streets and public spaces, as well as in online spaces.

Narito ang ilan sa mga bunga ng pagkakaroon ng Child Protection Policy.

1) Nababawasan ang bilang ng mga bully, at nabu-bully. May katapat na parusa sa paglabag nito na
kinatatakutan ng mga bully. Kailangang ihinto na nila ang dating ginagawang panunukso,
pagyayabang at pananakot sa kanilang mapagtripan o makaaway na kaklase. Kaya ang malimit na
ma-bully ay nagpapasalamat sa pagpapatupad nito.

2)Makakapag-aral ng mabuti. Siyempre kung walang nanunukso, nanggugulo o nang-aaway sa iyo,


konsentrado na sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nakukuha kung mga positibong
komento at reaksyon ang maririnig mula sa mga taong nasa paaralan. Kaya’t kung gustong
makapag-aral ng mabuti, ireklamo o isumbong ang mga bully

3) Mapoproteksyunan ang mga mag-aaral laban sa pang-aabuso. Karapatan ng mga kabataan na


makapamuhay ng malaya at malayo sa anumang kapahamakan. Ang pang-aabuso tulad ng pisikal
o emosyonal na pananakit, rape o sexual abuse at iba pa ay nararananasan nila mula sa mga
taong mapang-abuso. Hindi lamang sa tahanan nangyayari kundi maging sa paaralan din. Sa
pamamagitan ng polisiyang pinaiiral, unti-unting nababawasan ang bilang ng mga naaabuso.

4) Mahalaga para sa mga kabataang mag-aaral ang pagtanggap ng mga taong nakapaligid sa kanila
lalo na sa paaralan. Anuman ang katayuan sa pamumuhay, pisikal na kaanyuan, at uri ng pag-
uugali mayroon ang isang mag-aaral, hindi ito dapat maging dahilan upang ipagkait sa kanila
ang karapatang matuto at mapabilang sa kapwa nila.
Ang pagkakaroon ng Child Protection Policy ay patunay lamang na napakahalaga nito sa bawat
kabataang mag-aaral dahil sa maraming kabutihang naidudulot nito upang mapangalagaan ang
kanilang karapatan, kapakanan at kaligtasan.

You might also like