You are on page 1of 24

DELA PAZ NATIONAL

HIGH SCHOOL
MGA ALITUNTUNIN NG
PAARALAN
 Ang mga magaaral ng Dela Paz National High School
ay dapat na kumilos ng naayon sa tamang asal bilang
isang mag-aaral. Sila ay dapat nagpapasya at
kumikilos ng may pananagutan tungo sa ikararangal
ng sarili, paaralan at mga magulang sa loob at labas
ng paaralang ito.
 Angpamunuan ng paaralan ay magsisilbing gabay ng
mga magaaral upang maisakatuparan ang lahat ng
nakasaad sa alituntunin na siyang makakatulong sa
paghubog ng isang magaaral na maging Makadiyos,
Makatao, Makakalikasan at Makabansa.
MINOR OFFENSE
1. Ang mga magaaral ng
Dela Paz National High
School ay dapat maging
magalang at may respeto sa
lahat.
2. Ang paggamit ng iba
pang kagamitang
elektronik na di kailangan
sa online class ay
ipinagbabawal lalo na kung
ang mga ito ay
makakadisturbo.
3. Bagamat walang uniporme
habang may online class,
dapat manatiling kaaya-aya
ang hitsura ng bawat isa sa
pamamagitan ng pagsusuot ng
tamang damit (dress code).
4. Ang pisikal na kaanyuan ng mag-aaral ay
dapat na mapanatiling maayos at tama.
a. Buhok – Dapat maayos at walang
kulay na nakikita kahit sa online class.
b. Tainga- Ang pagbubutas at paglalagay
ng hikaw ng mga kalalakihan ay mahigpit
na ipinagbabawal. Ang sobra sa isang
butas ng isang tainga para sa mga
kababaihan ay hindi rin pinahihintulutan.
c. Paglalagay ng Hikaw sa ilong, dila kilay at
labi ay hindi rin pinapayagan mapababae man
o lalaki kahit sa online class .
d. Kilay- Ang pagaahit ng kilay at paglalagay
ng eyeliner o tattoo sa kilay ay hindi rin
pinahihintulutan kahit sa online class.
e. Tattoo- Ang pagalalagay ng tattoo o henna
sa anumang bahagi ng katawan ay
ipinagbabawal rin.
f. Palamuti- Ang paglalagay ng
palamuti o kolotere sa katawan tulad
ng lipstick, liptint, blush on, eye
shadow, eyeliner, mascara, makulay
na contact lens, chain, kwintas,
knuckle at maraming singsing na
malalaki ay ipinagbabawal rin kahit
na sa online class.
5. Ang magaaral ay dapat na maging
responsable sa klase, ang pagdalo sa
online classes nang tama sa oras ay
dapat ding isakatuparan. Ang
sinumang mahuli ng tatlong beses na
sunod sunod sa klase ng walang
sapat na dahilan at maging ang
pagliban sa klase ay kinakailangang
ipatawag ang magulang sa paaralan.
MAJOR OFFENSE
1. Cyber bullying – verbal at non-verbal
o pambu-bully gamit ang makabagong
teknolohiya o anumang “electronic
device” gamit ang internet.
2. Paninirang puri sa kapwa, o
paggawa ng mga kwentong makasira sa
kapwa o kahit sa guro na nakalathala
sa FB o anumang social network
3. Pananakot o pagbabanta sa kapwa
mag—aaral o guro, sa dignidad o
pag-aari niya o ng sinumang
miyembro ng kanyang pamilya sa
pamamagitan ang social media
4. Pagsunod-sunod o pagmamatyag
sa pang-araw-araw na gawain ng
isang tao na may masamang
intensiyon gamit ang social media.
5. Pagkontrol sa kalayaan ng
kapwa mag-aaral sa
pamamagitan ng pag “blackmail”.
6. Pagkakalat ng tsismis,
panunukso, pang-iinsulto o
pangungutya sa isang tao, may
kapansanan man o wala gamit
ang internet.
7. Pakikipag-away at paggamit ng
mga salitang nakasasakit sa
damdamin ng iba gamit ang social
media
8. Ang mga magaaral na nasangkot
sa anumang gulo, o away sa labas
ng paaaralan ay mabibigyan pa rin
ng kaukulang pagdidisiplina.
9. Pagsusugal online man o
hindi at pag-inom ng alak na
naka-upload online
10. Pagbebenta at paggamit
ng mga ipinagbabawal na
gamut at iba pang
ipinagbabawal online
11. Pag-upload ng mga
malalaswang video o litrato
(porn materials)
12. Anu mang uri ng
pambabastos o pagpapakita ng
di pagrespeto sa kinauukulan
(hal. Guro, librarian, guard at
canteen staff online man o
hindi.
DISIPLINA
Ang pagdisiplina ay paraan upang
magabayan at maituwid ang maling
gawi ng mga kabataan, layunin nito na
maunawaan ang kahalagahan ng
disiplina di lang para sa sarili kundi
para sa nakararami. Ang mga magulang
at mag-aaral ay dapat ring maunawaan
ang mga sumusunod na Disciplinary
Measures at kaukulang pataw bilang
paraan ng pagdidisiplina o paalala sa
paglabag sa alituntunin ng paaralan.
1st offense o di pagsunod sa
mga nakatala sa minor offense,
ang mag-aaral ay berbal na
papaalalahanan ng guro at
itatala sa record ng gurong
tagapayo ang pangalan at
paglabag ng mag-aaral.
2ndoffense -Pagtatatala ng Pangyayari o
ginawa sa anecdotal sheet,
pagpapatawag ng magulang sa Discipline
Office thru telecon upang maipaalam
ang pangyayari kasama ang gurong
tagapayo at sa rekomendasyon ng
School Discipline Officer ay sasailalim sa
Guidance and Values Formation Program
na naglalayong hubugin ang mga
magaaral upang maunawaan ang
kanilang maling gawi at tulungang
magbago.
 3rd offense ( Minor Offense)/1st
Major Offense – Pagtatala ng
pangyayari sa anecdotal sheet,
sasailalim sa Guidance and Values
Formation Program, pagpapatawag
ng magulang sa Prefect of Discipline
thru online telecon upang mapag
usapan ang pangyayari at maaaring
mapag kasunduan ang alin man sa
mga sumusunod bilang paraan ng
pagdidisiplina sa mag-aaral:
Pagbibigay ng mababang marka sa
Good Moral Certificate o maaaring
irekomenda na lumipat na ng
paaralan upang matulungang
maiba ang paligid o environment
kung ang magaaral sa paglipas ng
ilang beses na paggabay, paalala
ng mga magulang, guro at prefect
of discipline ay wala pa ring
ginawang pagbabago.
Sa pagkakataon po na hindi
makontak o walang cellphone
ang magulang, ang paaralan po
ay magpapadala ng sulat sa
tulong ng baranggay para
maipaabot sa inyo ang aming
liham paanyaya.
Paalala sa mga Magulang
 Sa mga magulang, may obligasyon at
karapatan tayo na impluwensyahan ang
pagaaral ng ating mga anak. Ang maayos na
pagbibigayan ng impormasyon sa pagitan
ninyo at ng paaralan ang siyang magbibigay-
daan upang mas mapabuti ang kalagayan at
pag-aaral ng ating mga anak.
 Ang kapakanan ng mga bata at maayos na
akademikong progreso nito ay naitataguyod
sa pamamagitan ng magandang ugnayan at
kolaborasyon sa pagitan ng mga magulang at
paaralan.
 Maging positibo at magtiwala
tayo sa paaralan at sa mga
kawani nito
 Mga Magulang wag nating
kalimutan na tayong mga
magulang ang siyang modelo ng
ating mga anak – ipakita natin
ang ating interes na sila ay
matulungan.
Maraming
Salamat po

You might also like