You are on page 1of 2

MENSAHE NG PAGTATAPOS & PAGLALAHAD NG KALAGAYAN NG PAARALAN

SY 2020-2021

Maligayang Pagtatapos at Angat-Antas 2021!!!


Kaakibat ng buhay ng tao ay pagbabago. Ang bawat yugto nito
ay dumaraan sa ibat-ibang pagsubok na maaring mapagtagumpayan o
ikabigo ng isang tao. At sa bawat pagkabigo, may natutunan tayo.
Ang School Year 2020-2021 ay puno ng pagsubok sa ating personal na buhay, sa ating pamilya,
sa ating trabaho at higit sa lahat sa ating pag-aaral. Nakaamba pa rin ang takot at pangamba dulot ng
pandemya. Sa kabilang banda, ito ang panahon na ipinamalas natin ang ating katapangan, pagkakaisa at
pagmamahalan.
Sa mga batang magsisipagtapos at aangat-antas, binabati ko kayong lahat, napagtagumpayan
ninyo ang isang matinding hamon sa inyong pag-aaral. Ang katunayan ng inyong pagtatapos at angat
antas ay bunga ng pagsisikap at pagtitiyaga at sa tulong at gabay ng inyong mga magulang, mga guro at
ng Poong Maykapal.
Sa mga magulang, lubos ang aking pasasalamat at kasiyahan sapagkat hindi ninyo binitawan ang
inyong mga anak sa kabila ng malaking pagbabago sa paraan ng kanilang pag-aaral.
Sa mga guro ng Sampaloc Integrated School, isang karangalan ang makasama kayo isang taon ng
pagpapagal at pagsasakripisyo upang maihatid at maisakatuparan natin ang dekalidad na edukasyon sa
gitna ng pandemya.
Higit nating pinatatag ang ating edukasyon sa kabila ng hamon ng pandemya. Ito ay bunga ng
aktibong pakikisangkot at partisipasyong ng mga educational stakeholders upang maibigay ang
kailangang tulong para sa paaralan lalo’t higit sa ating mga mag-aaral.
Hayaan ninyong ilahad ko sa inyo ang kalalagayan ng ating paaralan sa nakalipas na SY 2020-
2021. Ang ating Local Government Unit sa pangunguna ng ating butihing Municipal Mayor, Dr. Cynthia
G. Linao-Estanislao, ang paaralan po natin nabigyan ng pondo under SEF-LSB Fund ng Php 307, 600.00
na halaga ng mga bondapapers, printer ink bottles, printer, external drives at laptop, na basic needs para
sa modular delivery of instruction. Gayundin naman, Malaki ang bahagdan ng School MOOE ang inilaan
sa modules na ginagamit ng mga bata sa printed modular instructions. Mayroon po tayong Php 347, 000
na School MOOE sa Elementary at Php 218, 000.00 sa Secondary na kapwa na naglaan tayo ng malaking
pondo para sa modular instructions. Kasama po dito ang pagbili ng mga classroom supplies, COVID
related supplies. Kasama rin po dito ang Repair of School Facilities, GAD, DRRM, Senior Citizen at
Graduation expenses. Sa kabila ng kakulangan ng paaralan sa pondong pinansyal, naisakatuparan pa rin
ang mga programs, projects at activities sa tulong mga guro, mga magulang, mga GPTA officers, mga
volunteer personnel. Sa katunayan, isa sa highlights ng School Year na ito ay ang pangunguna ng
paaralan sa Community Pantry para sa 7 sitios na sakop ng paaralan. Ang patuloy na pagtulong ng PNP-
SAF ng Morong, Bataan sa mga Gawain ng paaralan para sa Oplan Kalaykay at Clean & Green Program.
Sa pakikipagtulungan ng mga magulang, guro at local na pamahalaan ay nasimulan na ng ating paaralan
ang Application for the implementation of senior high school, offering Humanities and Social Sciences
Strand at General Academic Strand upang hindi na bibiyahe at gagastos ang mga magulang at bata sa
pag-aaral ng Senior High School at mailapit natin ang paaralan sa mga sitio communities.
Ang pagnanais na mapaunlad natin ang ating paaralan ay ang pagnanais natin na mabago ang
buhay sa hinaharap. Kaya pagsumikapan natin patatagin ang ating puso at isip sa gitna at pagkatapos ng
pandemya, mayroon at walang pandemya!!!
Muli, Maligayang pagtatapos!!! Gabayan nawa tayo ng Poong Maykapal!!!

You might also like