You are on page 1of 2

MENSAHE para sa ALS

Sa mga magsisipagtapos ngayon sa Alternative Learning System o ALS, isang


taos pusong pagbati!
Nagtagumpay kayo sa inyong pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral sa
Basic Education. Ngayon ay nasa inyo na ang pagkakataon, sa pamamagitan ng inyong
diploma na magpatuloy sa mas mataas na antas o di kaya naman ay makapag hanap
buhay dala ang inyong kwalipikasyon.
Ipagmalaki ninyo ang inyong narating sapagkat mas matinding hamon ang
inyong naranasan. Inilaan ninyo ang inyong sarili sa kakaibang pagtuklas ng kaalaman,
ang mag aral sa gitna ng mga limitasyon. At nagawa nito sa kabila ng pandemyang
kinakaharap ng mundo.
Isang natatanging pagpupugay at pasasalamat, sa ilan sa inyo na sumubok pa
rin at nakatapos sa kabila ng kanilang edad o estado sa buhay. Dapat kayong
ipagmalaki ng inyong mga pamilya, mga guro at sambayanan. Pinatunayan ninyo na
kaisa kayo sa pagtataguyod ng isang lipunan na naghahangad ng kaunlaran sa
pamamagitan ng edukasyon.
Bilang inyong tagapamahala, itinatagubilin ko na patuloy ninyong paunlarin ang
inyong mga sarili at gamitin ang inyong edukasyon sa pagtulong sa inyong kapwa
sapagkat ito ang magbibigay ng mas malalim na kahulugan ng inyong tagumpay.
Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.
GRADUATION AND MOVING UP MESSAGE
S.Y. 2020-2021

Isang taos pusong pagbati sa inyong lahat, mga magsisipagtapos, mga


magulang, mga guro at mga kaibigan.
Nais ko ring ipaabot ang aking pasasalamat sa pakikiisa sa panawagan ng
DepEd, na ituloy natin ang edukasyon sa kabila ng pandemya. Kaya natin ito. At
ngayon nga, ang pagtatapos at pagtataas ng antas ay narating natin.
Ang taglay ninyong kaalaman ngayon ay bunga ng inyong pagsisikap. Natamo
ninyo ay kabuuan ng inyong edukasyon hindi lamang sa araling ipinamahagi namin sa
inyo, kundi maging sa iniambag ng inyong mga magulang o tagapangalaga. Gayundin
ang iba’t-ibang karanasan sa loob ng silid aralan (noong wala pang pandemya), sa
komunidad, at higit sa lahat sa inyong mga tahanan. Ang mga nakasalamuha ninyo ay
nagdagdag din sa inyong pang-unawa.
Matagal tagal na rin ang pandemyang ito at hindi pa tayo nakatitiyak ng
eksaktong petsa kung kalian ito ay titigil. Subalit tiyak na ang mga pagbabagong
mananatili sa ating mga buhay.
Naudlot ay progreso ng bayan. Nagkaroon ng mga naiibang istratehiya sa
kalakalan, pamumuhay at pagtanaw sa hinaharap. Lalo pang pinatingkad ng mga ito
ang kahalagahan ng isang dekalidad na edukasyon na titiyak na tayo ay makakaagapay
sa mga pagbabago.
Nananawagan ako sa bawat isa. Ang kaalaman ay kinakailangang maging
angkop sa kahingian ng nagbabagong panahon. Natututo ang tao hindi lamang sa loob
ng silid-aralan. Maging mapagmasid at gamitin ang natutunan sa pagtuklas ng
panibagong karunungan. Maging matiyaga. Darating ang panahon na kakailanganin
ninyo ang lahat ng kaalaman at kasanayan. Gamitin ninyo ang kasalukuyan upang
makaipon ng mga ito.
Tandaan ninyo sa inyo nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan!
Pagpalain tayo ng Poong Maykapal!

You might also like