You are on page 1of 1

Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

Taun-taon, isang tradisyon na sa mga guro ng paaralan ang paghahanap at pagpili ng isang
matagumpay at natatanging indibidwal na magbibigay ng isang masalamisim na pananalita at
inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral na nagsikhay sa pag-aaral sa loob ng dalawang taon.

Ngayon, Ika-5 taunang pagtatapos ng Senior High School sa temang, “Gradweyt ng K to 12:
Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga PagsuboK” papatunayan ng ating pinagpipitaganang
panauhing tagapagsalita na ang aking talino, sipag, at determinasyon sa buhay na kinambalan ng
magandang edukasyon ang tunay na kaagapay ng isang tao upang matamo niya ang isang maningning
na kinabukasan.

Likas na tubong Sta. Josefa, maluwalhating nakapagtapos ng elementarya noong 1996-2002 sa


paaralang sentral dito sa lungsod ng Sta. Josefa Agusan del Sur. Dahil sa angking talino nagtapos bilang
may karangalan o with honors. Itinuloy niya ang kanyang pag-aaral sa sekundarya dito parin sa Mataas
na Paaralan ng Sta. Josefa, Agusan del Sur

Ipinamalas ang galing at sipag sa pag-aaral, akademiko o ko-kurikular man, nagtapos siya bilang
FIRST HONORABLE MENTION noong 2002-2016.

Bagamat nangarap na maging isang inhenyera noong umpisa, nanaig ang kagustuhan niyang
maging isang kilalang CIVIL ENGINEER kaya’t ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng koliheyo sa Unibersidad
ng Immaculate Concepcion sa lungsod ng Davao, Kung saan kumuha siya ng kursong BACHELOR OF
SCIENCE IN CIVIL ENGINEERING.

Baon ang kumpiyansa sa sarili mula sa mga gurong pumanday at luminang ng kanyang
personalidad noong hayskul ipinamalas niya sa paaralang ito ang galing , pagsisikhay, disiplina at
determinasyon sa pag-aaral upang mabigyang dangal hindi lang ang sarili maging ang pamilya , at mga
paaralang pinagkakautangan niya ng utang na loob.

Noong 2006-2011 natapos niya ang kanyang kurso at ginawaran ng ACADEMIC EXCELLENCE. At
agad ding naging ganap na CIVIL ENGINEER ng maipasa ang Professional Board Examination noong Mayo
taong 2012.

Sa kasabihang huwag tumigil na mangarap, habang nagtatrabaho sa kanyang natapos na


propesyon ay patuloy ang pag-angat ng buhay nag-aaral muli ng Master in Public Administration sa
Unibersidad ng Mindanao Tagum College.

Matapos maging isang lisensyadong CIVIL ENGINEER agad siyang nagtrabaho bilang Materials
Engineer sa Vicente T. Lao Construction noong 2013 – 2018, Bago lumipat sa National Irrigation
Administration bilang Senior Engineer mula noong 2018 hanggang sakalukuyan. Mga kaibigan,
panauhin,mga kaguro , mga mag-aaral at mga magulang, nais ko pong ipakilala sa inyo ang isang dating
mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Sta. Josefa na simula’t sapol ay kinabanaagan na ng kakaibang
galing, sipag, talento at determinasyon sa pag-aaral na siyang puhunan niya ngayon kung bakit niya
tinatamasa ang isang magandang buhay at pangalan.

Ipinakakapuri ko pong ipakilala sa inyo ang mabunyi nating panauhing tagapagsalita sabay’
sabay po tayong tumayo at palakpakan ang kagalang-galang na Ginang Engineer BEVERLY MAMPULA-
FAULVE- PALMES.

You might also like