You are on page 1of 8

Magandang hapon po:

Ang ating Panauhing Pandangal sa araw na


ito ay — tulad ninyo — isang produkto ng
School of Economics ng Unibersidad ng
Pilipinas-Diliman. Itinuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa unibersidad sa College
of Law kung saan siya ay nakatanggap ng
Dean’s Medal sa kanyang pagtatapos
bilang Top 6 ng kanyang klase. Mayroon rin
siyang degree na Masters in Public
Administration mula sa Harvard University
sa Estados Unidos kung saan siya ay
hinirang bilang isang Edward Mason Fellow
at Class Marshall.
Sa edad na dalawamput-walo, siya ay
itinalaga ni Pangulong Corazon C. Aquino
bilang alkalde ng lungsod ng Cadiz, Negros
Occidental. Siya ay muling naihalal bilang
alkalde ng lungsod mula 1988 hanggang
1992.
Siya ay kasalukuyang Komisyoner ng
Commission on Elections (COMELEC) kung
saan siya rin ang tagapangulo ng Gender
and Development, Integrity and
Accountability, at Voter Education Pillars ng
komisyon. Siya ay naging Komisyoner ng
Commission on Audit noong 2013 bago sya
naitalaga sa COMELEC. At habang
naglilingkod sa pamahalaan, hindi niya
nakalimutan ang UP. Dito ibahagi ang
kanyang galing at talino bilang guro sa
College of Law kung saan siya ay nagturo ng
Election Law, Public Officers, and Local
Government Law.
Bukod rito, siya rin ay kampeon nga mga
kababaihan. Makikita ito sa mga aklat na
kanyang inilathala. Siya ay may-akda ng
mga aklat hinggil sa The Anti-violence
Against Women and their Children Act of
2004, Engendering the Philippine judiciary at
ng The Davide Court: Its contributions to
gender and women’s rights at ang
pinakabagong aklat: The Anti-Sexual
Harassment Act notes and cases.  Talagang
walang kapagod-pagod ang ating panauhin,
sapagkat mayroon pang dalawang aklat na
kasalukuyan niyang isinusulat, ang aklat
tungkol sa Local Government Code at The
Auditing Code of the Philippines casebook.
At dahil katangi-tangi ang kanyang
kontribusyon sa serbisyong publiko, at sa
larangan ng Law, siya ay ginawaran ng
American Field Service Mabuhay Award
noong 2013. Ginawaran din siya ng U.P.
Alumni Association ng Outstanding Alumna
in Gender Equality and Women
Empowerment noong 2014 at ng
Outstanding Sillimanian Award ng Silliman
University noong 2015.
Mga magsisipagtapos, kaguruan, at mga
opisyal ng School of Economics at
Unibersidad ng Pilipinas, ang ating
Panauhing Pandangal – tagapagtaguyod ng
karapatan ng kababaihan, matapat na
lingkod bayan, kapwa-Iskolar ng Bayan, at
higit sa lahat, produkto ng UP School of
Economics: Commissioner Rowena Amelia
V. Guanzon.

Magandang  umaga po sa lahat ng mga taong nandirito ngayon na talagang


naglaan ng kanilang mga oras para lang makapunta sa pagtitipon na ito
salamat po sa inyong pagsuporta. Nais ko pong ipakilala ang ating panauhing
pangdangal sa araw na ito siya po ay ipinanganak sa bayan ng Antipolo City
siya ang butihing anak nina Ginoo at Ginang Almonte,na pawang mga
negosyante ikalawa siya sa tatlong magkakapatid, noong siya ay nag-aaral pa
ay napakasipag niya sa gawaing eskwelahan mahusay din siyang makisama
sa kapuwa niya mag aaral kaya naman di nakapagtatakang ngayon ay
matagumpay na siya.
Siya ay nag-aral ng Elementarya sa pampublikong paaralan ng Antipolo,City.
Panglaban siya sa ibat-ibang patimpalak ng kanilang paaralan. Nanalo siya sa
mga Quizbee at pinarangalan din siya bilang isa sa pinakamahusay na
mananayaw at pinakamahusay sa pagbigkas ng mga tula.At nagtapos siya sa
Sekondarya sa National High School sa Antipolo na nagkamit ng
pinakamataas na karangal. Nagtapos siya ng Koleheyo sa MSEUF sa lunsod
ng Antipolo at doon narin siya kumuha ng kanyang Masteral Degree upang
magpakadalubhasa sa larangan ng edukasyon.
Unang kuha niya ng Board exam ay naipasa na agad niya ito,kaya naman
agad siyang nakapagturo sa paaralang kanya ding pinag aralan noong
elementarya, habang nag tuturo ay kumukuha naman siya ng kanyang
Masteral Degree kaya nman pagkalipas lamang ng ilang taon ay naging isang
Master Teacher na siya dahil sa kanyang sipag at didikasyon sa trabaho,sa
murang edad niya ay malayo na ang kanyang narating at patuloy parin siyang
nagpapakadalubhasa.kaya naman di malayong balang araw ay isa na siya sa
humahawak ng pinakamataas na posisyon sa  sector ng edukasyon, Malugod
ko pong ipinakikilala sa Inyong ang ating masipag,maganda at kapitapitagang
panauhing pandangal, Ms.Jane Almonte.  

Taun-taon, isang tradisyon na sa mga guro ng paaralan ang paghahanap at pagpili ng


isang matagumpay at natatanging indibidwal na magbibigay ng isang masalamisim na
pananalita at inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral na nagsikhay sa pag-aaral sa loob ng apat
na taon.

Ngayon, sa Ikalawang Taunang Araw ng Pagtatapos sa Junior High School, sa


temang “Sabay-sabay na Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan.” patutunayan ng
ating pinagpipitaganang panauhing pandangal na ang angking talino, sipag, at determinasyon
sa buhay na kinambalan ng magandang edukasyon ang tunay na kaagapay ng isang tao upang
matamo niya ang isang maningning na kinabukasan.

Likas na tubong San Pablo at panganay na anak ni TEODORICO GUTIERREZ na isang


guro at ESTHER DUMA-GUTIERREZ  na dating Overseas Filipino Worker sa
America, ang ating panauhin ay  maluwalhating nakapagtapos ng elementarya noong 2003 sa
Paarang Sentral, Lunsod ng San Pablo.

Kaakibat ang angking talino na pinanday noong elementarya, itinuloy niya  ang kanyang
pag-aaral ng sekundarya sa paaralang pinaglilingkuran at lubos na itinatangi ng kanyang
amang guro, ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. 

Sa loob ng apat na taong pamamalagi rito kung saan kabilang siya sa pinakamataas ng
seksyon,  katulad nang nakasanayan sa simula pa lamang ng pag-aaral noong elementarya,
masikhay niyang isinaisip, isinapuso at isinagawa ang pagpapahalaga sa edukasyon sa
paniniwalang ito talaga ang magdadala sa kanya sa rurok ng tagumpay pagdating ng panahon.

Sa pamamagitan nang pakikisangkot sa iba’t gawaing pampaaralan, pinayabong niya


hindi lamang ang kanyang isip maging ang kanyang buong pagkatao. Bukod sa palagiang
pagsali at pagkapanalo sa iba’t ibang kumpetisyon tulad ng Regional Social Studies Quiz Bee
noong 2006 , MTAP Challenge, Pagbigkas ng Tula, Talumpatian, Isahang Tinig, Poster-Islogan
at marami pang iba ay naging bahagi rin siya ng iba’t ibang samahan at organisayon ng mga
mag-aaral tulad ng Math Club, Filipino Club,  Science Club, English Club at Supreme Student
Government.

Sa gabay ng ama na noo’y coach ng basketball sa paaralan at kilalang professional


referee sa buong lunsod, naging parte rin siya ng school’s basketball varsity na
nakikipagtunggali sa mga kumpetisyon sa labas ng eskwelahan tulad Division Athletic
Meet at APEX Inter-School Unity Games.  Kaakibat pa rin ng kanyang kaalaman sa larong ito
at iba pang larong pampalakasan ay naging bahagi rin siya ng Patnugutan ng The Candor,
ang opisyal na pahayagan sa Ingles bilang Sportswriter at nagging kinatawan ng paaralan
sa Sportswriting Category sa Division at Regional Schools Press Conferences.

Dahil sa ipinamalas na galing at sipag sa pag-aaral, akademiko o ko-kurikular man,


nagtapos siya bilang FIRST HONORABLE MENTION noong Marso 2007 bukod pa sa
pagkakamit ng iba’t ibang parangal tulad STI Wizard Award at Best in English.

Bagamat nangarap na maging isang inhinyero noong umpisa, nanaig ang kagustuhan
niyang maging isang kilalang CPA balang araw kayat ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng
kolehiyo sa Laguna College kung saan kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in
Accountancy.

Baon ang kumpyansa sa sarili mula sa mga gurong pumanday at luminang ng kanyang
personalidad noong hayskul, ipinamalas niya sa paaralang ito ang galing, pagsisikhay, disiplina
at determinasyon sa pag-aaral upang bigyang-dangal hindi lang ang sarili maging ang pamilya
at mga paaralang pinagkakautangan niya ng utang na loob.

Sa pagiging kinatawan ng nasabing paaralan sa mga panrehiyong at


rd
pampaaralang  paligsahan  tulad ng First On-line Accounting Quiz sa Lucena (3  Place),
Accounting Quiz sa De La Salle Lipa (Participant),  2nd Punong Bayan & Araullo Cup Auditing
Theory and Problem Quiz (Participant), 2010 Accounting Wizard Challenge (Participant), PPL
Cup ng Lyceum of the Philippines, Laguna College Accounting Quiz Bowl kung saan nagwagi
siya ng magkasunod na taon (First Place -2010, 3rd Place 2012) at 2008 Team Basic
Accounting Challenge (1st Place) pinatunayan niyang hindi pahuhuli ang isang katulad niya na
nagtapos ng pag-aaral sa isang public high school. Dahil sa galing at kasipangang ito,
ginawaran siya ng paaralan ng GASTPE Scholarship na ipinagkakaloob sa mga mag-aaral na
nakakakuha ng mataas na marka.

Noong 2011, nagtapos siya ng Bachelor of Science in Accountancy bilang Cum


Laude at agad ding naging ganap na Certified Public Accountant (CPA) nang maipasa niya
ang professional board examination nito noong Oktubre ng taon ring iyon.

Matapos maging isang lisensyadong CPA, noong 2011-2012, agad siyang nagtrabaho
bilang Accounts Payable Finance Analyst sa San Miguel Yamamura Packaging
Corporation sa Canlubang.

Taong 2013, lumipat siya sa Bayer Business Services Philippines, Inc. kung saan
nagtrabaho siya bilang Process Expert.  Bilang isa sa mga resident accountants ng nasabing
kumpanya, hinawakan niya ang mga Accounts Payable nito sa mga bansang Indonesia,
Vietnam, USA at Philippines sa magkakaibang taon.

Kaakibat ng kanyang propesyon, ang ating marangal na bisita ay dumalo rin sa


napakaraming training-seminar na patuloy na nagpapaunlad ng kanyang pagkatao para sa
napiling propesyon. Bukod pa rito, siya  ay miyembro rin ng Philippine Institute of Certified
Public Accountants (PICPA) at External Committee Member ng Junior Philippine Institute of
Accountants (JPIA).

Mga kaibigan, nais ko pong ipakilala sa inyo, ang isang dating mag-aaral ng Col. Lauro
D. Dizon  na simula’t sapul ay kinabanaagan na kakaibang galing, sipag,  talento at
determinasyon sa pag-aaral na siyang puhunan n’ya ngayon kung bakit n’ya tinatamasa ang
isang magandang buhay at pangalan.

Ipinagkakapuri ko pong ipakilala sa inyo ang mabunyi nating panauhing pandangal.


Sabay’sabay tayong tumayo at palakpakan ang magiting na binata, Certified Public
Accountant, G. NICO DUMA GUTIERREZ
Sa ating minamahal na tagamasid pampurok, Dr. Neriza Fanuncio, sa ating masipag na
punong-guro, Dr. Edna T. Gomez, mga iginagalang na kapitan, Kapitan Rodrigo San Juan ng
Poblacion I, Kapitan Aaron Peña ng Poblacion II, Kapitan Henry Ignacio ng Nagbalon, mga
kaguro, mga magulang, at mga mag-aaral, isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat.
          Isang malaking karangalan para sa akin ang maatasan na magpakilala sa inyo ng
ating panauhing tagapagsalita, siya po ay isang inspirasyon para sa ating mga kabataan
dahil sa kanyang mga nagawa na at narating na sa kanyang murang edad. Siya po ay anak
ng isang dating guro dito sa Paaralang Sentral ng Marilao na si Gng. Aurelia J. Naguit at
ang kanyang ama ay isa rin pong guro si G. Virginio Naguit.
          Siya po ay nagtapos ng elementarya dito sa Paaralang Sentral ng Marilao taong 1993
at ng Sekondarya sa St. Paul College of Bocaue taong 1997. Noong siya ay nasa
sekondarya, nakatanggap siya ng dalawang award, Math Wizard at Meritorious Award.
Kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Commerce major in Banking and Finance,
college scholar po siya ng apat na taon sa Centro Escolar University, Manila. Isa siyang
Dean's Lister mula taong 1997-2001 at Meritorious Scholastic Awardee mula taong 1997-
2001.

You might also like