You are on page 1of 2

Bagong Prinsipal ng PGCIS, Mula sa Hirap, Nangarap, Nagtagumpay

“Good teams become great ones when members trust each other enough to surrender the
“me” for the “we.”

Tanging pagbabago ang bagay na permanente sa mundo at kung may aalis sigaradong may
bagong darating. Ano nga ba ang nararamdaman ng bawat mag-aaral, estudyante, guro at manggagawa
ng isang paaralang bago ang pinunong pinagkatiwalaan? Sa kabilang dako, ano kaya ang pakiramdam ng
isang Punongguro na wari ba’y isang Ina na biglaang dumako sa isang estrangherong paaralan sa pook
na kaylayo mula sa kanyang kinasanayang kanlungan?

Isang balitang ikinabigla ng mga guro at mag-aaral ng PG Crisostomo Integrated School ang
palitan ng mga prinsipal mula sa kanilang kasalukuyang paaralan tungo sa ibang paaralan dito sa
Dibisyon ng Cabanatuan.

Ika-17 ng Hunyo, pormal nang naupo bilang Punong Guro II si Gng. Trinidad G. Beltran, tubong
Aliaga, Nueva Ecija na ngayon ay naninirahan sa San Isidro, Lungsod ng Cabanatuan.

Mula sa Special Order ni Dr. Rhoda T. Razon, CESO V, Superintendent ng DepEd Lungsod ng
Cabanatuan and pagtatalaga ay nasaksihan nina Dr. Fernandina P. Otchengco-ASDS, Dr. Wilfredo R.
Sison-Chief SGOD, Dr. Priscilla D. Sanchez-Chief CID, Marcelina Arenas-PSDS (mula sa pinagmulang
Distrito) Gemma C. Tan-PSDS ng District 4 at mga prinsipal mula sa iba’t-ibang paaralan ng dating District
9.

Base sa mga pahayag ng masayahing principal-Ma’am Beltran, siya ay nagsimula bilang


Classroom Teacher sa Canaan East National High School Rizal, NE. Pagkatapos ng apat na taon, lumipat
sa DepEd Cabanatuan, nagturo sa Ciriaco Mariano Elem. School at San isidro Elem. School kung saan siya
napromote na Master Teacher I noong 2006.

Hindi siya huminto sa kanyang mga pangarap, taong 2007 nang mapromote siya bilang Head
Teacher sa Ciriaco Mariano Elem. School at 2008 nang makapasa sa unang batch ng Principals’ Test
Takers at naging full pledged Principal I nang taon ding iyon. Dahil sa pagsisikap natapos niya ang Doctor
of Philosophy taong 2016 at naging Principal II.

Biniyayaan siya ng dalawang anak kung saan ang bunso ay isang guro na din sa Public School at
ang panganay ay ex-abroad at ngayon ay nagtatrabaho sa PLDT-Fiber Home bilang Team Leader-
Installer.

Ayon sa bagong talagang prinsipal naging hindi madali para sa kanya ang abutin ang kanyang
mga pangarap. Nais niyang maging guro. Mula siya sa mahirap na pamilya. Magsasaka ang kaniyang mga
magulang at mula sa bunton ng mga giikan na kanyang pinapagpag ay nagsimula siyang mangarap
kasama ang kanyang mga magulang na kanyang naging inspirasyon. Nangarap at nagsikhay yan ang
naging paraan ni Gng. Beltran upang maabot ang tagumpay.

Sa kanyang pamumuno ng paaralan sa halos 12 taon, at mula sa 3 paaralan na kanyang


pinamunuaan naging focus niya ang magkaroon ng magandang samahan ang mga guro. Sapagkat para
sa kanya masarap at mainam magtrabaho kung ang working environment ay positibo at ang lahat ay
nakakasundo at maayos.
Dagdag pa niya na hindi siya perpektong prinsipal kung kaya hiling niya na sa kanyang mga
strengths ay hayaang siyang mai-share ito sa bawat isa at sa kailang dako sa kanyang mga weaknesses ay
duon sana siya tulungan at support ang kailangan.

Ilan sa kanyang mga pangarap na nabanggit para sa PGCIS ay ang mapunan ang mga
pangangailanga sa aspetong pisikal tulad ng mga classrooms, mapataas ang MPS level ng paaralan at
lalo’t higit ay ang mabigyang focus ang mga pangangailangan ng mga guro upang higit nilang mapalawak
ang kanilang mga kakayahan at maibahagi sa mga mag-aaral na kanilang nahahawakan.

Sa huli ay sinabi n’yang ang lahat ng kanyang plano at mga pangarap ay mangyayari lamang sa
tulong ng mga guro na kung tawagin niya ay ang kanyang mga “Team Mates.”

Dahil si Ma’am Beltran, and aming Inay sa paaralan ay naniniwala na “Good teams become great
ones when members trust each other enough to surrender the “me” for the “we.” Kaya naman, kaming
mga guro at estudyante ng PGCIS, ay lubhang masaya sa piling ng mapagmahal naming ina.

Mabuhay ka Ma’am Rhida!

You might also like