You are on page 1of 4

Layunin: ipakita ang pagkakaintindi ng mga bata sa napakinggang kwento sa

pamamagitan ng pagkkwento ng mahahalagang bagay na nagmula sa kwento


Pamagat: “Si Reyna Ester”
Bible Verse: Ester 2:17, 3:1-2,5-6, 4:1-6-8,10-11, 5:13, 7:3-9, 8:16

Bible Story:
Sino sainyo ang gustong maging hari? At reyna? Ano po ang sa tingin niyong
ginagawa ng mga hari at reyna?
Okay Very Good. Sa umaga pong ito, ating alamin ang kwento ng isang REYNA
sa bibliya na nagnanais na irisk yung buhay niya para sa kapakanan ng kanyang mga
kababayan.

So sa isang kaharian, may hari na gustong gusto si Ester kumpara sa ibang mga babae
dahil siya ang pinakamaganda para sa haring ito. Kaya naman, ginawa niya itong isang
reyna (lagay ng korona sa ulo).
Makatapos ang ilang pagkakataon, binigyan ng hari ng tungkulin si Haman na anak
ni Haring Hamedata, isang Agageo. Ibinigay ng hari ang pinakamataas na posisyon
dito bilang isang punong ministro. Ano nga po ulit yung posisyon na ibinigay ng Hari
kay Haman? (PUNONG MINISTRO). Ito ang pinakamataas na posisyon noon.
Lahat ng mga tauhan sa kaharian ay yumuyukod at nagbibigay galang sakanya.
Ngunit, si Mardoqueo ay hindi man lang nagbibigay galang sa kanya. BAKIT? Dahil
siya ay sumasamba sa iisang Diyos lamang. So isipin niyo, kayo yung punong ministro
at ang lahat ay nagbibigay saiyo ng galang maliban sa isa. Ano ang inyong
mararamdaman? Tama. Magagalit. Ganito din ang naramdaman ni Haman, siya ay
nagalit din. At lalo siyang ngalit nung malaman pa niya na isang Judio itong si
Mardoqueo. Kaya naman, nais din ni Haman na ipapapatay ang lahat ng mga Judio.
Katakottakot.
Nilinlang niya din ang Hari upang makapirma sa batas na sa takdang oras ang lahat
ng mga Hudyo sa kaharian ay papatayin.
Ito ay napakasamang batas. Ang Hudyo at mga taga Persia ay nagluksa. Ngunit,
alalahanin niyo po na ang Diyos ay ginawa si Ester na Reyna. At si Ester ay isa ding
Hudyo. Sa tingin niyo ano kaya ang pipiliin ni Ester? Ang itago na siya ay Hudyo? O
ilalagay niya sa panganib ang kanyang buhay upang maligtas ang kanyang mga
tauhang Hudyo? (dahil my posibilidad na siya din ay mapasama sa ipapapatay dahil
siya ay Hudyo din)

Binigyan ng Panginoon si Ester ng mabuting paraan.


Inanyayahan niya ang hari at si Aman sa bangkete o salusalo na kanyang inihanda.
Doon ang hari ay nangako na kahit ano ang kanyang hilingin ay ibibigay niya.
“Pupunta muna ang hari at si Haman sa bankete .. bukas” ang sagot ni Ester sa hari.
Doon ay kanyang sasabihin sa hari ang kanyang hihingiin.

Si Haman ay naghanda ng malaking bibitayan kay Mardoqueo.


Sa gabing iyo din, ang hari ay hindi makatulog. Nagbabasa siya ng aklat at nabasa
niya ang pangalang Mardoqueo na nakaligtas sa kanyang buhay na hindi man lamang
nabigyan ng ganti.
Nang kinabukasan, tinanong ng hari si Aman, “Ano ang dapat gawin sa lalaki
(Mardoqueo) na gusto kong ipasiya ang kanyang karangalan?”
Tuwang tuwa si Aman. Ang akala niya na iyong karangalang iyon ay para sa kanya.

Si Haman ay pumunta sa hari upang humingi ng permiso na ibitay si Mardoqueo.


Aman: Ang bibitayan ay handa na.
Hari: Ang lalaki ay magdamit ng pangharing suot at korona” “isakay siya sa pangharing
kabayo. At utusan ang pangharingprinsipe na manguna sa lalaki sa buong bayan
upang Makita siya ng lahat”
“Dalian mo at gawin mo din kay Mardoqueo na Hudyo” ang utos nang hari kay Aman.

Ano ang sa tingin niyo pong nadarama ni Haman habang nagunguna kay Mardoqueo
na binigyan ng karanglan sa buong bayan? (Ito ay galit na galit, lalo na ngayon)
Sa isip ni Haman, “maghintay lamang, hindi magtatagal siya ay mamatay kasama ng
mga Hudyo”

Mayamaya sa arawa na yon, si Ama at ang hari ay dumating sa piging ni Reyna Ester.
Hari: Ano ang iyong hinihiling?” Hindi niya nakalimutan ang kanyang pangako.
At itinuro si Haman, sinabi ni Reyna Ester sa hari ang lahat ng ginawa at balak ni
Aman, “Bitayin siya!”. Ang utos ng hari.

Sa ngayon gumawa ng ibang batas ang hari na ang mga Hudyo ay maaaring
magtanggol ng kanilang sarili.
Ang mga Hudyo nga ay naligtas. Si Mardoqueo ay napabilang sa mga kagawad na
malapit sa hari sapagkat sinabi na ni Ester na magkamag anak sila.
At ang mga Hudyo nga ay naging Malaya.
At kahit ngayon, ang mga Hudyo ay inaalala padin kug paano sila iniligtas ng Diyos
sa pamamagitan ng Magandang Reyna na si Ester.

Moral Lesson:
Sa ating istorya sa araw na to. Ipinakita ni Reyna Ester ang lakas ng kanyang loob
maging ang kanyang kagandahan. Hindi siya nagdalwang isip na kahit babae siya,
kaya niyang mailigtas ang kanyang mga kababayan. At dahil sa katapangan niya,
nailigtas niya ang maraming tao mula sa kamatayan.
Kaya para po sa mga babae, mahalagang malaman po na kayo din o tayo din ay
pwedeng maging matapang dahil nasa puso natin ang Diyos ng katapangan. Amen?
Ganun din sa mga lalaki na may kahinaan ang loob pagdating sa school, tandaan niyo
po na itinuturo sa tin ni Papa God gamit ang istorya sa araw na to na, wala tayong
dapat ikatakot, mging matapang lamang po tayo gaya ni Reyna Ester. Maging
matapang sa pagtatanggol sa inyong nakababatang kapatid, at sa inyong pamilya.
Activity:
Question and answer with the teachers.
Teachers will continue making the questions po.
1. Sino ang mga tauhan sa ating istorya mula sa Bibliya para sa araw nato?
Ester, Mardoqueo, King
2. Ano ang ibinigay ng Hari kay Ester sa umpisa ng istorya?
Korona
3.

You might also like