You are on page 1of 2

Panuto: Suriing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

___1. Ano ang nagbunsod sa Katipunan upang gumamit ng dahas sa paghihimagsik laban sa mga Espanyol?

a. Sapagkat likas na magaling sa pakikipaglaban ang mga pinunong nagtatag nito.


b. Sapagkat may sapat na kakayahan at armas na ang mga Pilipino noon kaya’t kayang-kaya na nilang
makipagsabayan sa mga Espanyol.
c. Sapagkat nakita nilang hindi nagging matagumpay ang dalawang naunang samahang gumamit ng
mapayapang paraan sa paghingi ng mga reporma.

___2. Anong katangian ang ipinakita ni Teodoro Patiño nang ibunyag niya ang lihim ng Katipunan sa isang pari?

a. Magagalitin at mapaghiganti sa maling nagawa ng kapwa.


b. Matapat at masunuring kasapi ng samahan.
c. Mapagkumbaba at malawak ang pag-iisip.

___3. Ano ang ipinahihiwatig ng mga pangyayari sa Pugad Lawin?

a. Lumakas na ang kapangyarihan ng mga Espanyol sa bansa.


b. Lumaganap na ang katiwalian ng mga Espanyol sa buong bansa at ito ay buong lakas na isinigaw ng mga
Pilipino.
c. Nahuli na ng mgaguwardiya sibing ang mga Pilipinong nagnanais na maghimagsik kaya nagwakas na ang
Katipunan.

___4. Paano nakaapekto ang pagkakahati ng Propaganda sa pagitan nina Marcelo H. Del Pilar at Jose Rizal at ng
Katipunan sa pagitan nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo sa kanilang pakikipaglaban?

a. Mas naging madali ang pakikipaglaban dahil dumami ang mga lider at miyembro ng grupo.
b. Naging mahirap ang komunikasyon sa pagitan ng mga lider at miyembro dahil nahati din sa dalawa ang kuta
ng pangkat.
c. Nagkaroon ng pagkakakampi-kampihan sa loob ng samahan na naging dahilan ng pag-aaway mismo ng mga
miyembro

___5. Anong katangian ang ipinakita ni Daniel Tirona nang kanyang tutulan ang pagkapanalo ni Andres Bonifacio bilang
Direktor ng Interyor?

a. Hindi siya marunong gumalang sa napagkasunduan ng samahan.


b. Nais niyang maproteksiyunan ang mga miyembro ng samahan.
c. Mas pinairal niya ang kanyang isip kaysa sa kanyang damdamin.

___6. Bakit hindi nagtagumpay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato?

a. Dahil hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang mga probisyon ng Kasunduan.


b. Dahil hindi nasunod ng dalawang panig ang mga probisyon dito.
c. Sapagkat una pa lang ay tutol na ang mga Espanyol sa hinihingi ng mga Pilipino.

___7. Ano ang sinisimbolo ng walong sinag ng araw sa pambansang watawat ng bansa?

a. Ang walong araw na pakikipaglaban ng mga Pilipino upang makamit ang kalayaan.
b. Ang walong pangunahing lalawigang nanguna sa pakikipaglaban para sa kalayaan.
c. Ang walong pangunahing lider na Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan.

___8. Bakit itinatag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pamahalaang Diktatpryal?

a. Dahil nais niyang muling buklurin ang mga rebolusyonaryo sa ilalim ng isang pamamahala.
b. Dahil nais niyang mapasakamay ang buong kapangyarihan ng pamamahala sa bansa.
c. Sapagkat ito na lamang ang nalalabing paraan para mahimok niya ang mga Pilipino sa paghihimagsik laban
sa mga Espanyol

___9. Ano ang naging bunga ng pagpatay kay Andres Bonifacio?

a. Humina ang Kilusan at nagkawatak-watak ang mga miyembro nito


b. Nagalit ang maraming rebolusyonaryo kay Aguinaldo
c. Higit na nagkaisa ang mga rebolusyonaryo

___10. Ano ang naging bunga ng pagpapatibay ng Saligang Batas ng Malolos?

a. Nagwakas ang Pamahalaang Rebolusyonaryo at itinatag ang Pamahalaang Republikano


b. Nagwakas ang Pamahalaang Diktatoryal at nabuo ang Pamahalaang Rebolusyonaryo
c. Nabuo ang Unang Republika o ang Republika ng Malolos.

II. Piliin sa loob ng kahon ang inilalarawang pangyayaring nagbigay-daan sa digmaan ng mga Pilipino laban sa Estados
Unidos sa bawat bilang. Isulat ang titik sa linya bago ang bilang.

a. Benevolent Assimilation b. Labanan sa Balangiga c. Labanan sa Look ng Maynila


d. Pagsuko ni Heneral Miguel Malvar e. Labanan sa Pasong Tirad f. Kasunduan sa Paris
g. Unang Putok sa panulukan ng Calle Sociego h. Kasunduang Bates i. Paglubog ng Barkong Maine
j. Mock Battle of Manila

___11. Nangyari ang labanang ito nang lumubog ang barkong Maine ng USA na nakahimpil sa Look ng Havana, Cuba.
___12. Nangyari ito noong Agosto 13, 1898 upang palabasin na tinalo ng mga Amerikano ang mga Espanyol sa labanan.
___13. Ang patakarang ito ay nagsasaad na ang mga Amerikano ay magsisilbing kaibigang mangangalaga sa kaligtasan,
kapayapaan, at kaunlaran ng mga mamamayang Pilipino.
___14. Ang pangyayaring ito ang naging sanhi upang mabunyag ang tunay na layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas.
___15. Nakilala ang kabayanihan, katapatan, at pagiging matapat ni Gregorio del Pilar sa labanang ito.
___16. Labanang pinangunahan ni Heneral Vicente Lukban na nakilala bilang isa sa pinakamatagumpay na labanan ng
mga Pilipino laban sa mga Amerikano.
___17. Sa pangyayaring ito nagwakas ang digmaang Pilipino-Amerikano.
___18. Ito ang naging mitsa ng digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano.
___19. Kasunduan sa pagitan ng Sultan ng Jolo at ng mga Amerikano.
___20. Ito ang naging simula ng labanan sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol.

III. Gamit ang bilang 1 hanggang 5 ay pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayaring nakatala. (21-25)

___ Kasunduan sa Biak-na-Bato


___ Kumbensyon sa Tejeros
___ Pagkakabunyag ng Katipunan
___ Pagpapahayag ng Kalayaan ng Bansa
___ Sigaw sa Pugadlawin

IV. Iguhit ang watawat ng Pilipinas. 26-30 (5 points)

You might also like