You are on page 1of 4

MERCEDES CENTRAL SCHOOL SPED CENTER

Third Quarter Examination in ESP IV


S.Y. 2022-2023

Name: ________________________________ Score : __________________


Grade and Section: ___________________ Date: ___________________

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang titik
ng tamang sagot .

1. Naatasan ang iyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-aaral mula
sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang kulturang Pilipino. Alin sa sumusunod ang pipiliin mo?

A. Sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw.


B. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.
C. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.

2. Bumisita sa inyong bahay ang iyong kaibigan kasama ang pinsan niyang balikbayan. Kung ikaw ang
tatanungin, ano ang ihahain mo sa kanilang meryenda?
A. Suman sa Ibos at Tsokolateng Tablea
B. Spaghetti at pineapple juice
C. Pizza at softdrinks
D. Siopao at pansit

3. Si Linda ay matiyagang tumatangkilik sa mga ibang bagay para bilhin ito kasi ito ang kaniyang hilig
kapag siya ay nagbabakasyon sa labas ng bansa. Alin sa sumusunod ang HINDI pagpapahalaga sa sarili
mong kultura?
A. Panonood ng mga pagtatanghal ng mga katutubong sayaw at awitin.
B. Pagsusuot ng mga katutubong Kasuotan nang may pagmamayabang.
C. Pagbili ng mga produktong galing sa ibang bansa.
D. Pagtangkilik sa mga Pilipinong kinikilala sa pandaigdigang larangan.

4. Bilang Pilipino, alam natin ang tama at mali ngunit mayroon talagang mga taong nakakalimutan na
ang mga kaugalian at paniniwala sa ating kultura. Katulad ni Ben lahat ay alam niya ang mga kultura ng
ating bansa ngunit mayroon siyang nakalimutan na tandaan. Ano at alin sa mga sumusunod ang HINDI
puwedeng maging kaugalian o kultura ng isang Pilipino?
A. Pagsisimba tuwing araw ng pagsamba
B. Pagmamano sa nakatatanda
C. Pamahiin tuwing may patay
D. Pag-aasawa nang wala sa hustong edad

5. Napansin mong walang gaanong kumakausap sa bago ninyong kaklase dahil hindi siya marunong
magsalita ng wikang Filipino. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko na lang din siya kakausapin dahil baka nahihiya siya.
B. Ngingitian ko siya.
C. Kakaibiganin ko siya at sa abot nang makakaya ay tuturuan ko siya ng wikang
Filipino.
D. Kakausapin ko ang aming guro at ipaaalam kong hindi marunong magsalita
ng wikang Filipino ang bago naming kaklase.

6. Ang Pilipinas ay may iba’t ibang pangkat etniko na napakaraming kultura. Alin sa sumusunod ang
HINDI nagpapakita ng kultura?
A. Ang magagandang tanawin sa ibang bansa.
B. Ang mga katutubong kasuotan, kwentong –bayan, sayaw, awit, laro at iba
pa.
C. Ang mga kaugalian at mga pagpapahalaga ng mga tao sa isang lugar.
D. Ang mga lumang kagamitan at paraan ng pamumuhay.

7. Sino sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan sa kanyang kultura?


A. Ang mahusay na boksingerong si Pacman ay tumutulong sa kanyang mga
kababayan.
B. Ang sikat na mang-aawit na si Mia na panay ang ingles sa kaniyang mga
panayam sa Pilipinas.
C. Ang magaling na rapper na si Adel d Em na palaging bumabalik sa kaniyang
kinagisnang probinsya para tumulong sa kaniyang dating mga kababayan.
D. Ang magandang si Maria na nagwagi bilang Miss World na Tagalog ang
ginagamit sa kaniyang panayam at pasasalamat.

8. Si Isabel ay isang Tasaday. Nang siya ay makapag-aaral sa kabayanan at makapagtapos, bumalik siya
sa kanilang lugar at tinulungan ang kaniyang mga kasama na baguhin ang mali nilang kinasanayan tulad ng
hindi pagkakaroon ng
tamang palikuran at pag aasawa nang wala sa edad. May pagpapapahalaga ba siya
sa kanilang pangkat etniko? Bakit?
A. Mayroon, dahil naniniwala siya sa pagpapahalaga sa kaniyang kinagisnang
kultura.
B. Wala, dahil iniisip niya ang kaniyang sarili upang mabuhay mag-isa.
C. Maaari, dahil iyon ang kaniyang kinagisnang kultura na hindi niya pwedeng
Ipakita sa iba.
D. Hindi ko alam, dahil ang kaniyang kultura ay kakaiba at di magaya ng iba.

9. May kakayahan ka sa pag-awit. Isinali ka ng guro mo sa musika para maging kasapi ng isang koro sa
inyong paaralan na aawit ng mga awiting katutubong Manobo para sa nalalapit na pagtatanghal sa plasa.
Ano ang gagawin mo?
A. Sasali ako para tumaas ang aking grado.
B. Sasali ako dahil kailangang ipagmalaki ko rin ang mga awitin ng Manobo.
C. Sasali ako dahil gusto kong humusay pa ang aking kakayahan.
D. Sasali ako pero pupwesto ako sa likod kasi nahihiya ako.

10. Si Ana ay kakaiba sa lahat ng kanyang mga naging kaklase nang dahil sa kakaibang anyo. Dapat ba
nating pansinin si Ana? Bakit?
A. Opo, dahil hindi naman basehan ang pisikal na kaanyuan.
B. Hindi, dahil kakaiba ang kanyang anyo sa amin.
C. Minsan, dahil nilalapitan ko siya kapak meron akong kailangan.
D. Bahala na! dahil wala naman akong pakialam sa kanya.

11. Alin sa mga sumusunod ang dapat sundin sa pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa ilog na
malinis?
A. Bawal manigarilyo dito.
B. Tumawid sa tamang tawiran.
C. Huwag magtapon ng basura.
D. Iwasan ang pagtapak sa damuhan.

12. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong kapitbahay. Paglabas
mo ng silid-aralan, nakita mong umaapaw ang basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang
umuwi ang iyong mga kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan ang basura dahil mahuli sa birthday party na iyong dadaluhan.
B. Mabilis kong aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
C. Magkukunwaring hindi mo nakita ang umaapaw na basura sa sako.
D. Hahayaan dahil hindi naman ikaw ang tagalinis sa araw na iyon.

13. Suriin ang sumusunod na mga pangungusap na nasa ibaba. Ano kayang pamantayan ang dapat
sundin upang
mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran?
A. Munting basura, pakibulsa muna
B. Huwag magtakbuhan sa hagdan
C. Bawal magsalita nang malakas sa pasilyo
D. Bawal tumambay dito
kapaligiran.
D. Nakatutulong ito upang yayaman ang mga tao.

14. Mahalaga bang malaman ng mga tao ang batas na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura? Bakit?
A. Oo, kasi maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay.
B. Hindi, kasi puwede naman tayo mag sunog ng basura upang hindi na
mahirapan sa pangongolekta ng basura ang mga basurero araw-araw.
C. Oo, kasi ang pagsusunog ng basura ay hindi lamang maging sanhi ng
pagkasunog ng mga bagay na nasa paligid kundi puwedeng magdudulot rin
ito ng maruming hangin sa kapaligiran at pagkasira ng ating ozone layer.
D. Hindi, kasi nakikita ko rin naman si mama o si papa na nagsusunog ng
basura sa bakuran.

15. Ano ang gagawin mo bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili ang kalinisan at
kaayusan ng kapaligiran?
A. Sumunod paminsan-minsan sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.
B. Palagiang pagwawalis sa bakuran at kalsada.
C. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng
basura.
D. Pagsasagawa ng paghihiwa-hiwalay ng basura sa halip na pagsunog sa mga
ito at pag-recycle ng mga patapong bagay
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
MERCEDES CENTRAL SCHOOL SPED CENTER
3RD QUARTER TEST SUMMATIVE TEST
ESP 4
Answer Key

1.A
2.A
3.C
4.D
5.C
6.A
7.B
8.A
9.B
10.A
11.C
12.B
13.A
14.C
15.D

You might also like