You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE CITY
PALESTINA ELEMENTARY SCHOOL
SAN JOSE CITY, NUEVA ECIJA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: _______________________________________________ Iskor:________


Baitang at seksyon: _______________________________________ Petsa: ________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga
sumusunod ang maaari mong gawin?
A. Hihingi ako ng pera sa kanya.
B. Pababayaan ko na lamang siya.
C. Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.
D. Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.
2. May sakit ang iyong lola na siyang nag-alaga sa iyo ng maliit ka pa lamang.
Ano ang iyong gagawin?
A.Uutusan ko ang aking kapatid na dalawin niya ang aming lola.
B..Hahayaan ko ang aking lola dahil marami pa akong kailangang gawin.
C. Dadalawin ko si lola araw-araw at aalagaan siya tulad ng pag-aalaga
niya sa akin noon
D. Hindi ko na lamang papansinin ang aking lola dahil kaya na niyang
alagaan ang sarili niya.
3. Nakita mo ang iyong guro na maraming bitbit na aklat at mga papel. Ano
ang gagawin mo?
A. Magtatago ako upang hindi niya ako makita.
B. .Magkukunwari na lang ako na hindi ko siya napansin.
C. Agad-agad akong lalapit upang tulungan siya sa kanyang mga bitbit.
D. Panonoorin ko na lamang ang aking guro habang nahihirapan sa
kanyang mga bitbit.

4. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa


pagbisita sa iyong lolo at lola MALIBAN sa isa alin dito?
A. Hahalik ako sa aking lolo at lola.
B. Manunuod lamang ako ng telebisyon sa sala nila.
C. Magmamano ako sa aking lolo at lola at kukumustahin ko sila.
D. Papasalubungan ko sila ng mga paboritong nilang pagkain , gaya ng
prutas at tinapay.
5. Isinama ka ng iyong nanay sa palengke. Inutusan ka niyang makipag-usap
sa tindera ng gulay. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. Susunod ako sa utos ng aking nanay at gagamit ako ng “po” at “opo”
sa pakikipag-usap sa tindera.
B. Sasabihin ko sa aking nanay na siya na lamang ang makipag-usap sa
tindera.
C. Hindi ako susunod sa aking nanay dahil ayokong makipag-usap sa
mga tindera.
D. Magkukunwari akong hindi narinig ang sinabi ng aking nanay.
6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng paggalang
sa kapuwa?
A. Umalis si Jearome ng hindi nagpapaalam sa kanyang mga magulang.
B. Araw-araw nagpapasalamat si Elena sa mga bagay na natatanggap
niya.
C. Nagmano si Leah ng makasalubong niya ang kanyang ninang sa
palengke.
D. Nakasalubong ni Ryan ang kanyang guro at binati niya ito ng
magandang umaga
7. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng paggalang?

A. C.

B. D.
8. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng magandang kaugaliang Pilipino
MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Pagmamano
B. Pagdadabog kung inuutusan
C. Paggamit palagi ng “po” at “opo”
D. Pagdadabog kung inuutusan.Pagsunod sa tagubilin ng mga matatanda
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin sa pagpunta sa pook-
pasyalan?
A. Mamitas ng bulaklak.
B. Magtapon ng basura sa basurahan.
C. Huwag tatapakan ang mga halaman.
D. Huwag susulatan ang mga nasa parke gaya ng upuan at lamesa.
10. Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin habang ikaw ay nasa pila,
MALIBAN sa isa alin dito?
A. Sisingit ako sa pila.
B. Pauunahin ko ang mga matatanda.
C. Pipila ako ng maayos at hihintayin ko na matawag ako.
D. Tutulungan ko sa pagpila ang mga may kapansanan at pauunahin sila.
11. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng paggalang sa ating Pambansang
awit MALIBAN sa isa, alin dito.
A. Maglalaro ng cellphone.
B. Huminto sa paglalakad at ilagay ang kanang kamay sa dibdib..
C. Huwag makikipagkwentuhan sa iyong katabi habang inaawit ang
pambansang awit.
D. Tatayo ng matuwid, ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, titingin sa
watawat at sasabay sa pag-awit.
12. Anong kulay ng ilaw sa ilaw-trapiko ang nagpapahinto sa mga sasakyan
upang makatawid ang mga tao sa kalsada?
A. Asul C. Dilaw
B. Berde D. Pula

13. Nakita mong sinusulatan ng iyong mga kamag-aral ang pader ng inyong
paaralan. Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo?
A. Hindi ko sila sasawayin.
B. Sasamahan ko sila sa kanilang ginagawa.
C. Sasabihin ko sa aking guro ang ginagawa nila.
D. Wala sa nabanggit
14. Napansin mong pinaglalaruan ng iyong kapatid ang tubig sa gripo. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasamahan ko siya sa kanyang paglalaro.
B. Papabayaan ko siya sa paglalaro ng tubig.
C. Sisigawan ko siya para sya ay umiyak at pagagalitan.
D. Kakausapin ko siya at sasabihing huwag sayangin ang tubig.
15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin sa
pamayanan?
A. Pagpitas ng bulaklak sa parke.
B. Pagtawid sa tamang tawiran sa daan.
C. Pagtatapon ng basura kahit saan lang maisipang itapon.
D. Paglalaro sa halamanan sa paaralan at paninira ng ibang gamit.
16. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagsunod sa
alituntunin?
A. C.
B. D.
17. Niyaya ka ng iyong kaibigan na sumama sa pagtatanim ng mga puno sa
inyong lugar. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama ako dahil ayokong mautusan sa aming bahay.
B. Hindi ako sasama dahil maglalaro pa ako ng aking selpon.
C. Hindi na lang ako sasama dahil marami pa akong gagawin.
D. Sasama ako upang makatulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng
aming pamayanan.

18. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng wastong


pangangalaga sa ating kapaligiran?

A. C.

B. D.
19. Ang mga sumusunod ay wastong pamamaraan ng pagtatapon ng basura
MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura.
B. Pagsama-samahin ang mga basura sa iisang lalagyan.
C. Ihiwalay ang mga basurang maaari pang mapakinabangan.
D. Italing mabuti ang basura at huwag ilalabas ng bahay kung hindi pa
dumarating ang trak na kumuha ng lahat ng basura.
20. Alin sa mga sumusunod na larawan ang HINDI nagpapakita ng kalinisan sa
loob ng tahanan?
A. C.

B. D.
21. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong
kaayusan ng tahanan?
A. Tinulungan mo ang iyong ina sa pagwawalis ng inyong bakuran.
Isinuksok ng iyong kapatid ang pinagbalatan niya ng kendi sa inyong
sofa.
B Hinayaan mo lang ang mga kalat na laruan ng iyong kapatid at umalis .
C. Isinuksok ng iyong kapatid ang pinagbalatan niya ng kendi at tinapay
sa inyong sofa.
D. D. Hinayaan mo lang ang mga kalat na laruan ng iyong kapatid.
Nakita mong maraming hugasin sa lababo pero hinayaan mo lamang ito.
22. Malapit nang mag-umpisa ang paborito mong teleserye ngunit nakita mong
maalikabok ang inyong telebisyon. Anong gagawin mo?
A. Hahayaan ko na lamang ang alikabok.
B. Hindi na lng muna ako manunuod ng telebisyon.
C. Pupunasan ko na muna ito bago ko bubuksan ang telebisyon.
D. Uutusan ko ang aking nanay na punasan ang telebisyon at ako ay
maglalaro.
23. Nakita mong nagsusunog ng basura ang iyong kapitbahay. Anong gagawin
mo?
A. Hayaan na lang na magsunog ng basura ang kapitbahay.
B. Gagayahin ko ang aming kapitbahay na magsunog ng mga basura.
C. Sisigawan ko sang aming kapitbahay at sasabihin na mali ang
ginagawa nya.
D. Ipagbibigay alam ko ito sa aking mga magulang para sila ang
kumausap sa aming kapitbahay na masama ang magsunog ng basura.
24. Ito ang tawag sa paghihiwalay ng mga basurang nabubulok sa hindi
nabubulok. Ano ang tawag dito?
A. Recycling C. Reuse
B. Reduce D. Waste Segregation
25. Nakita mong may matandang tatawid ng kabilang kalsada. Ano ang
gagawin mo?
A. Uunahan ko sya sa pagtawid.
B. Gagayahin ko kung paano sya tumawid.
C. .Pagtatawanan ko sya habang tumatawid.
D. Aalalayan ko sya at tutulungan ko sya na makatawid ng kalsada.

26. Napansin mong huminto ang dyip na sinasakyan mo sa maling babaan.


Ano ang gagawin mo ?.
A. Makikipag-unahan ako sa pagbaba.
B. Tatalon ako agad pagkahinto ng dyip.
C. Hihintayin kong makababa ang lahat saka ako bababa.
D. Sasabihin ko sa drayber na mali ang hinintuan nyang lugar ng babaan at
hindi muna ako bababa.

27. Ano ang ibig sabihin ng babala o paalalang ito?


A. Madulas ang kalsada.
B. Mataas at baku-bako ang kalsada.
C. Liko-liko ang mga daan, mag-ingat.
D. Bilisan ang magpatakbo ng sasakyan.
28. Ano ang ibig sabihin ng babala o paalalang ito?
A. Basa ang sahig
B. Butas ang sahig
C. Tuyo ang sahig
D. Walang sahig
29. Maraming matutulin na sasakyan sa kalsada. Anong babala ang nararapat na
ilagay dito?

A. C.

B. D.
30. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntuning
para sa kanilang kaligtasan?
A. Si Mark na tumatawid kahit saan lalo na kung ito ay nagmamadali.
B. Si Luis na naninigarilyo habang nagpapakarga ng gasolina ng kanyang
sasakyan.
C. Si Mang Jose na hindi pinapansin ang mga karatula sa daan dahil
mahusay naman itong magmaneho.
D. Si Jenny na tinitingnan ang kanyang mga daanan bago humakbang lalo
nasa pag-akyat sa mga hagdan.
31. Mayroon kayong alagang aso na matapang at may bantang mangagat. Ano
ang karatulang ilalagay mo sa inyong bakuran?
A. Bawal magtambay.
B. Bawal manigarilyo.
C. Mag-ingat sa aso!
D. Wala sa nabanggit.

32. Ano ang ibig sabihin ng kulay berdeng ilaw sa ilaw trapiko?
A. Nangangahuluhan itong pag-andar ng mga sasakyan.
B. Nangangahulugan ito paghinto ng mga sasakyan.
C. Nangangahulugang paghanda sa pag-andar ng mga sasakyan.
D. Wala sa nabanggit.
33. Alin sa mga sumusunod na sakuna ang may malaking alon na nabubuo
pagkatapos ng pagyanig ng lupa.
A. Bagyo C. Lindol
B. Ipo-ipo D. Tsunami
34. Kaya nitong tupukin ang mga bagay at mga ari-arian. Anong sakuna ito?
A. Bagyo C. Lindol
B. Ipo-ipo D. Sunog
35. Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin kung may lindol MALIBAN sa
isa. Alin dito?
A. Gawin ang duck, cover and hold.
B. Kung nagmamaneho, dapat bilisan ang pagpatakbo .
C. Kung nasa bundok, lumayo sa mga lugar na landslide-prone area.
D. Umiwas sa mga kagamitan na malalaki at mabibigat na maarong
mahulog.

36. Alin sa mga kagamitan ang dapat ihanda sa oras ng sakuna?


A. First Aid Kit, Bola, Laruan at Pera
B. First Aid Kit, Cellphone, Kaldero at Walis
C. First Aid Kit, Cellphone, Tubig at Pera
D. First Aid Kid, Tubig, Ballpen at Papel
37. Napanuod mo sa balita na may paparating na bagyo sa susunod na araw.
Ano ang maaari mong gawin?
A. Maglaro kasama ang mga kaibigan.
B. Sabihin ito sa iyong mga magulang upang makapaghanda.
C. Maglaro na lang ng cellphone at hintayin ang bagyo na dumating.
D. Balewalain na lamang ang balitang napanuod at huwag maghanda.

38. Ang mga sumusunod ay paghahandang ginagawa kung may paparating na


bagyo MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Pag-aayos ng mga bubong.
B. Paghahanda ng emergency kit
C. Paglipat ng mga alagang hayop sa ligtas na lugar.
D. Pagligo sa dagat at mamasyal sa mga lugar na gustong puntahan.
39. May earthquake at fire drill na isinasagawa sa inyong paaralan. Ano ang
iyong gagawin?
A. Magtago sa loob ng silid-aralan para di makasama sa drill?
B. Sumali sa drill upang magkaroon ng kaalaman sa paghahanda kung
may sakuna.
C. Hayaan na lang na sila at umuwi na lamang ng in bahay at manuod ng
telebisyon.
D. Makipagkwentuhan na lng sa iyong kaklase dahil alam mo na ang
earthquake drill.
40. Bakit mahalaga na lagi dapat maging handa tuwing may sakuna o
kalamidad?
A. Upang maging kalmado sa oras ng sakuna o kalamidad.
B. Upang maging ligtas sa anumang sakuna o kalamidad na paparating .
C.Upang maiwasan ang mga panganib na maaaring idulot nito at
maging kalmado sa oras ng sakuna o kalamidad.
D. Lahat ng nabanggit.

REPARED BY :

ROSE ANN DC. RAFAEL & EUNICE B. CANAVERAS


Grade 3 Teachers

CHECKED BY :
School Quality Assurance Team

HELLE R. ORDANES
MICHELLE R. ORDANES CHERRIE MAE E. GARLITOS

EUNICE B. CANAVERAS LEANIE P. DELA CRUZ

NOTED BY ;

DR. LUDRING P. SANTIAGO


School Head

School Quality Assurance Team

Answer key :
1. D
2. C
3. C
4. B
5. A
6. A
7. B
8. B
9. A
10. A
11. A
12. B
13. C
14. D
15. B
16. A
17. D
18. C
19. B
20. A
21. A
22. C
23. D
24. D
25. D
26. D
27. A
28. A
29. B
30. D
31. C
32. A
33. D
34. D
35. B
36. C
37. B
38. D
39. B
40. C

You might also like