You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

3RD GRADING
1. Ako ay _________ na nakapagbibigay ng abuloy sa aming pook sambahan .
A. Paminsan-minsan lang
B. Regular
C. Sadyang hindi
2. Bagay na hindi ginagawa ng isang taong maka-Diyos ang _____________
A. Pamimintas ng ibang relihiyon
B. Paglilingkod sa simbahan
C. Pagdarasal
3. Sa pook sambahan ,iniiwasan ko ang _____________
A. Pakikilahok sa ritwal ng pagsamba
B. Pag-awit ng mga salmo o awiting pagsamba
C. Paggawa ng ingay o kilos na nakagagambala sa mga nagdarasal
4. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit tayo ay dapat sumamba sa Diyos?
A. Upang magbigay puri sa Diyos
B. Upang maging sikat sa komunidad
C. Upang bigyan ng kasiyahan ang ating sarili
5. Ang taong maka-Diyos ay ____________
A. Nagpapakita rin ng mabuti sa kapwa
B. Mahilig mamintas ng kapwa
C. Hindi nakikialam sa kapwa
6. Ayaw na ayaw mong pinipintasan ka kaya’t _____________
A. Pipintasan mo lamang ang mga taong kinaiinisan mo
B. Iiwasan mo ang iyong mga kaaway upang di sila mapintasan
C. Imbes na humanap ng mapipintas ,hahanapin mo ang maganda o mabuti sa kapwa
7. Gagawin sa iba ang _____________
A. Gusto kong gawin nila sakin
B. Ayaw kong gawin nila sakin
C. Magpakita nang mabuting asal
8. Ayaw kong naiistorbo kung natutulog. Minsan, magpapatulogg sana ako kay Papa sa aking project ngunit
nadatnan ko siyang natutulog. Siya ay ________
A. Aking niyugyog para gumising
B. Hinihintay ko munang magising
C. Binulungan ko sa tenga, baka sakaling magising
9. Maingat ako sa sariling gamit, kaya naman, kung nanghihiram ng gamit ng iba, ako ay ___________
A. Salaula
B. Maingat din
C. Pabaya rin
10. Pinunit ng nakababata mong kapatid ang iyong libro. Anong ang gagawin mo?
A. Sisirain ko naman ang kanyang mga laruan
B. Sasabunutin ko ang aking kapatid
C. Magpapasensya ako, at mag-iingat na ako sa aking mga gamit
11. Nagtatanong ka ng direksyon sa pulis trapiko. Ano ang sasabihin mo ?
A. Pakituro nga ang Dafalong Street
B. Maituturo po ba ninyo sa akin ang Dafalong Street
C. Hoy, mamang pulis, saan ba ditto ang Dafalong Street
12. Habang naglalaro ka sa bakuran ay nagpakilala ang barangay captain at tinatanong ang mga magulang mo.
Ano ang iyong sasabihin ?
A. Sandal lang po at tatawagin ko
B. Baka nand’yan sa loob. Ikaw na ang tumingin
C. Teka’t titingnan ko kung may ginagawa
13. Sumesenyas ang pulis na huwag munang lilipat ng kalsada. Ano ang gagawin mo ?
A. Sisimangot ka
B. Magpapalag ka sa daan
C. Ngingiti ka
14. Dumalaw ang mayor, kasama ang ilang panauhin, sa paaralan. Sumilip sila sa inyong silid. Ano ang dapat
ninyong gawin ?
A. Biglang tatahimik
B. Tatayo at babati ng magandang araw
C. Ipagpapatuloy ang ginagawa
15. Tumatahol ang aso ni Rigor dahil nagroronda ang mga barangay tanod. Pinatigil ni Rigor ang kanyang aso at
binate sila ng “Magandang gabi po.” Ang ginawa ni Rigor ay ___________
A. Kapuri-puri at nararapat tularan
B. Hindi angkop sa pagkakataon
C. Di kanais-nais
16. Ang overpass at underpass ay __________
A. Mga lugar na tawiran
B. Mga lugar na pamilihan
C. Mga lugar na tulugan ng mga taong walang tahanan
17. “Dalian mo,”ang sabi ni Conching sa kanyang kapatid. “Habulin natin ang red light, para makatawid!” Ano
ang masasabi mo ?
A. Tama ang sinabi ni Conching kung sila ay nagmamadali
B. Hindi dapat hinahabol ang red light, kahit nagmamadali
C. Dapat tumawid lamang kung green light
18. Kung ikaw ay tumatawid ng highway, saan mo dapat ito ginagawa ?
A. Kung saan may traffic light
B. Sa ibaba ng overpass
C. Kung saan walang pulis na nakakakita
19. Ang pulang traffic light ay nangangahulugang ______________
A. Dapat akong maghintay bago tumawid
B. Maaari na akong tumawid ng kalye
C. Dapat kong bagalan ang pagtawid
20. Tuwing oras ng uwian, ang mga tao ay lumalampas ng daan sa pag-aabang ng masasakyan. Ano ang
masasabi mo ?
A. Kulang sila sa disiplina
B. Maaaring gawin ito kung walang mga sasakyang nagdaraan
C. Okey lang ito kung walang pulis trapiko
21. Kung marami ang ilog sa inyong pamayanan, ano ang maaaring gawin ng mga kabataang katulad ninyo ?
A. Maghikayat ng mga donasyon para sa paglalagay ng isda sa ilog
B. Magpakontest kung sino ang makapagtatapon ng pinakamaraming basura sa ilog
C. Magpaskil ng mga karatulang nagbabawal magtapon ng basura sa ilog
22. Sa inyong barangay, ginagamit na basketball court ang mga kalsada. Ano ang masasabi mo ?
A. Dapat lamang na pakinabangan ng mga kabataan ang mga kalsada
B. Hindi palaruan ang kalsada, kaya’t dapat silang pagbawalan
C. Maaaring gamiting palaruan ang kalsada kung gabi
23. Ang pagtatapon ng kalat o basura sa mga kanal ay_____________
A. Ginagawa lamang kung panahon ng tag-ulan
B. Gawaing bawal at iniiwasan
C. Nararapat lamang kung ang lahat ay nasa harapan ng bahay
24. Maraming kabataan ang nag-iistambay sa mga tindahan kung gabi at namamansin ng mga taong nagdaraan.
Ano ang masasabi mo rito ?
A. Okey ang ganitong gawain kung naglilibang lang naman sila
B. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na tularan ang ganitong Gawain
C. Hindi tama ang kanilang ginagawa at nararapat na bigyang solusyon ito ng opisyales ng barangay
25. Kung alam mong ang bagay na ibinebenta sa iyong ama ay ninakaw mula sa isang gusali ng pamahalaan, ano
ang gagawin mo ?
A. Ipapaalam ko sa aking ama, upang hindi niya ito bilhin
B. Hihikayatin ko siyang bilhin ang bagay kung sa mas murang halaga
C. Magkukunwari akong walang kaalam-alam
26. Maraming tao ang namatayan ng kamag-anak at nawalan ng tahanan nang gumuho ang tambakan ng basura
sa Payatas.nagpanukala ang pangulo ng inyong klase na magbigay ng mga donasyong pera, pagkain o lumang
damit sa mga biktimang naiwan. Ano ang masasabi mo ?
A. Walang magagawa an gating tulong
B. May mga ahensya ng pamahalaan na dapat magbigay ng tulong
C. Dapat tayong tumulong sa abot n gating kakayahan
27. Nagpapatulong sa pamimigay ng sobre ang inyong guro sa mga taong interesadong magbigay ng Pamaskong
abuloy para sa mga dukha. Ano ang gagawin mo ?
A. Makakatulong ako sa pamimigay ng sobre at paghingi ng abuloy mula sa mga taong maykaya na
kilala ko
B. Tutulong ako upang mabigyan ng mataas na grado
C. Wala akong maitutulong lalo na’t hirap din ang aking magulang
28. Taun-taon ay may solisitasyong natatanggap ang pamilya ni Eden mula sa isang organisasyon ng
kawanggawa na tumutulong sa mga taong may kapansanan. Bilang paghahanda, nag-iimpok ng pera sa
alkansya si Eden,at humihingi rin ng solisitasyon mula sa kanyang mga kapamilya at kamag-anak. Ano ang
masasabi mo ?
A. Walang maidudulot na mabuti ang gawain ni Eden
B. Malaki ang malasakit ni Eden sa may kapansanan
C. Hindi mipagmamalaki ang gawain ni Eden
29. Kung may nadadaanan akong pulubi ako ay ____________
A. Umiiwas
B. Hindi namamansin
C. Nagbibigay ng pera o pagkain
30. May programang Piso para sa Mindanao, na naglalayong pondohan ang rehabilitasyon ng mga lugar sa
Mindanao na nasira sa giyera. Ano ang gagawin mo ?
A. Maglalaan ako ng piso mula sa aking baon
B. Hihingi ako ng pera sa mga magulang bilang aking kontribusyon
C. Iiwasan ko ang pagbibigay ng anumang kontribusyon
31. Balak ng inyong simbahan na maghandog ng isang programa para sa bilanggo. Inaanyayahan ang mga
kabataang para lumahok., ano ang gagawin mo ?
A. Kusa akong lalahok
B. Sasali lamang ako sa programa kung pipilitin
C. Ayaw kong sumali dahil mapanganib sa bilangguan
32. Naulila ang isang kamag-aral. Ano ang nararapat gawin ?
A. Pupunta sa bahay ng kamag-aral upang makibalita sa mga pangyayari
B. Walang nararapat gawin sa ganitong pagkakataon
C. Dadalaw sa bahay ng kamag-aral upang makidalamhati, at mag-abot ng makakayanang pera
33. Isang paanyaya sa inyong paaralan na manood ng palatuntunang idaraos ng mga kabataang may
kapansanan, bilang fund-raising. Hindi mahal ang mga tiket at kayang-kayang bilhin ng mga mag-aaral. Ano
ang gagawin mo ?
A. Manonood ako ng palatuntunan, bilang pagbigay kasiyahan at tulong sa mga may kapansanan
B. Hindi ako interesadong manood ng palabas o makatulong sa mga may kapansanan
C. Gagamitin ko na lang ang aking pera at panahon sa ibang bagay
34. Bilang fund-raising para tumulong sa resettlement ng mga Aetas na nasalanta ng lahar, nag-isponsor ng Alay
Lakad ng Kabataan ang inyong mayor. Ano ang gagawin mo ?
A. Manonood ako
B. Yayayain ko ang aking kamag-aral na sumali
C. Walang pasok sa takdang araw na iyon,kaya’t mamasyal na lamang ako
35. Nangangailangan ng mga kabataang magsisilbi ng pagkain para sa Feeding Proram para sa mga batang
mahihirap sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
A. Lalahok ako kung talagang kailangan
B. Lalahok ako nang kusa
C. Lalahok ako kung may upa
36. Kung nagagalit si Rita, siya ay humihiyaw. Si Peter naman ay nagtatapon ng gamit. Sinasaktan naman ni
Marko ang kanyang sarili. Ang mga ganitong paraan ng paglalabas ng galit ay _____________
A. Marahas at dapat pinipigil
B. Makatwiran at dapat tularan
C. Makaluma at dapat iwasan
37. Aling pamamaraan ang hindi nakakatulong sa paglutas ng sigalot ?
A. Mabuting pangungusap
B. Mahinahong pagsagot
C. Pagtangging making sa naiibang katwiran
38. Alin ang pahahalagahan mo ?
A. Mas mabuti ang maraming kaibigan kaysa kaaway
B. Maas mabuting walang kaaway at wala ring kaibigan
C. Mas mabuti ang maraming kaaway at konting kaibigan
39. Iminungkahi ng ilang siyentipiko ang paggamit ng mabagsik na kemikal bilang pamuksa ng daga sa mga
palayan. Ano ang masasabi mo ?
A. Mabubuti ang pagpuksa ng mga dagang naninira sa palay
B. Dapat ding pag-aralan ang epekto ng kemikal sa halaman sa ibang hayop, at sa mga taong
kakain ng palay
C. Kung ito ang pasya ng pamahalaan, ito ang dapat masunod
40. Nag-poprotesta ang mga mangingisda sa pagsira ng ilog dahil ditto itinatapon ng mga pabrika ang kanilang
basura. Ano ang opinyon mo ?
A. Nakasisira lamang sa kapayapaan ang ginagawang pagtutol ng mga mangingisda
B. Dapat nang humanap ng ibang pagkakakitaan ang mga mangingisda
C. Dapat na ipasara ang mga pabrikang hindi nakakasunod sa mga batas laban sa polusyon
41. Sino ang pinakamatalinong gumamit ng kanilang panahon? Si Marting ay madalas nag-bulakbol. Si Narda ay
nagbuburda habang nakikinid ng radyo. Si Irene naman ay nanonood ng TV
A. Si Martin
B. Si Irene
C. Si Narda
42. Sa pag-uwi mo ng bahay, alin ang uunahin mo pagkatapos magpahinga?
A. Tumulong sa kusina
B. Gumawa ng aralin
C. Makipagkumustahan sa kapitbahay
43. Kung ikaw ay may pera, ano ang uunahin mong bilhin?
A. Panyo
B. Hamburger
C. Illustration board na kailangan sa proyekto
44. Ano ang mainam na paggagamitan ng mga pira-pirasong tela, na maaaring pagkakakitaan?
A. Paggawa ng cushion o unan
B. Pansala sa paggawa ng gate
C. Pantakip sa mga muwebles
45. Ang mga lumang magasin o dyaryo ay _____________
A. Sinusunog ko
B. Pinupunit ko
C. Naibebenta ko pa
46. Malaking panahon ang ginugugol ko sa pag-aaral. Ibig ko kasing __________
A. Maturingang may pinag-aralan pagtanda ako
B. Magkaroon ng magandang hanapbuhay
C. Maging sikat sa aming lugar
47. Bago ko ginagawa ang isang proyekto,_____________
A. Nililista ko muna ang mga kinakailangang gamit at mga hakbang sa paggawa
B. Ginagawa ko muna ang mga gawaing kinalilibangan ko
C. Humihingi muna ako ng perang kinakailangan
48. Ano ang isang mainam na layunin sa pag-iimpok?
A. Upang makabili ng gusto kong damit o laruan sa Pasko
B. Upang makaipon para sa maliit na proyektong pagkakakitaan
C. Upang mai-blow out ko ang aking mga kaibigan
49. May pasabing mawawalan ng tubig sa inyong lugar na magtatagal ng dalawang araw. Alin ang uunahin mo?
A. Ang pag-iimbak ng tubig para sa panlaba
B. Ang pag-iimbak ng tubig para inumin at panluto
C. Ang pag-iimbak ng tubig para pandilig
50. May field trip ang mga mag-aaral sa susunod na lingo. Ngayon pa lamang, nagplano na si Lolita ng kanyang
kakailanganin at dadalhin sa field trip. Gagayahin mo ba si Lolita?
A. Oo, dahil siya ay maagap
B. Hindi, dahil matagal-tagal pa ang takdang araw
C. Depende kung wala akong maraming ginagawa

You might also like