You are on page 1of 5

Schools Division Office Manila

TOMAS EARNSHAW ELEMENTARY SCHOOL


A Buatista St., Punta, Sta. Ana, Manila

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP IV SY 2018-2019

Pangalan _______________________________________ Baitang at Pangkat _____________

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa puwang bago sumapit ang bilang.

1. Alin ang halimbawa ng kulturang materyal?


A. pagmamano B. pag-aayuno C. pagdarasal D. patintero
2. Alin ang pamanang kulturang di- materyal?
A. pagdarasal B. laro C. Cariñosa D. tula
3. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang iyong sariling kultura?
A. Aalamin ko ang mga katutubong sayaw ng aking bayan.
B. Makikinig ako ng mga katutubong awit at ituturo ko sa aking mga kalaro.
C. Magbabasa ako ng mga kuwentong tungkol sa aking bayan.
D. Lahat ay tamang sagot.
4. Narinig mong sinasabi ng iyong kaklase na nakakaantok pakinggan ang mga katutubong awit
tulad ng “Ugoy sa Duyan’’. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
A. Makikiayon sa kanyang sinabi.
B. Sasabihin sa kanyang luma na ang awit at wala na sa uso.
C. Ipaliliwanag sa kanya na dapat itong ipagmalaki sapagkat ito ay pamanang kultura sa
atin.
D. A at B ang tamang sagot.
5. Nagtungo sa silid-aklatan sina Amy , Rosalina at Danica. Inilabas ni Amy at Rosalina ang
pocketbook na dala-dala nila . Tahimik nilang binasa ito.Samantala, si Danica ay naghanap ng aklat
tungkol sa kuwentong bayan ng kanilang lugar. Ito ang binasa niya. Sino sa kanilang tatlo ang
nagpakita ng pagpapahalaga sa pamanang
kultura?
A. Sina Rosalina, Amy at Danica C. Sina Amy at Rosalina
B. Sina Amy at Danica D. Si Danica
6. Anong larong Pinoy ang ituturo mo sa pinsan mong balik-bayan?
A. computer games
B. volleyball
C. sungka
D. basketball
7. Sinabihan ka ng iyong guro na ikaw ay kasali sa sayaw na ipalalabas sa pagdiriwang ng Buwan
ng Wika. Ang Tinikling ang sayaw na ituturo ng iyong guro. Hindi ka marunong ng sayaw na ito at
sa tingin mo ay mahirap matutuhan. Ano ang dahilan at nagdesisyon ka pa rin na sumali ?
A. Upang maipagmalaki ko ang pamanang kultura ng aking lahi..
B. Upang matuwa ang mga magulang ko .
C. Upang maging paborito ako ng aking guro.
D. Upang maging sikat ako sa aming paaralan.
8. Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao?
A. Kultura B . materyal C. di –materyal D. lahat ay tamang sagot
9. Aling pangkat etniko ang hanggang sa kasalukuyan ay nananatili ang kanilang katutubong kultura?
A. Indigenous People B. Tagalog C. Ilocano D. Bicolano
10. Saang lugar nagmula ang kuwentong bayan Bernardo Carpio?
A. Rizal B. Cavite C. Laguna D. Antipolo
11. Aling pangkat etniko ang kilala sa pagkain ng kalamay?
A. Timog Katagalugan B. Pampanga C. Batangas D. Ilocano
12. Kung ang pangkat etniko na Tagalog ay matatagpuan sa Rehiyon 4 A; ano naman ang nasa
Rehiyon ARMM?
A. Badjao B. Mangyan C. T’boli D. Kapampangan
13. Alin ang di kabilang sa pangkat?
A. Bernardo Carpio B. Subli C. Maglalatik D. Tinikling
14. Namasyal ang Tiya mo sa Ifugao kasama ang mga kaibigan niya.Pinasalubungan ka niya ng
kuwintas na gawa ng mga Ifugao. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko na pera na lamang.
B. Tatanggapin at ilalagay na lang kung saan sa bahay.
C. Isusuot at ipagmamalaki sa mga kalaro.
D. Sasabihin na iba na lamang ang ibigay dahil hindi maganda.
15. Isinama ka sa Davao City ng iyong pinsan na naninirahan doon. Sa inyong pamamasyal,
nadaanan ninyo ang isang tindahan na nag-aanyaya ng libreng tikim ng kanilang ipinagmamalaking
prutas na Durian. Bakit mo titkman?
A. Titikman ko dahil hindi pa ako nakakatikim ng durian.
B. Titikman ko sapagkat libre naman.
C. Titikman ko dahil bahagi ng pagpasyal ko sa lugar na iyon na tuklasin ang kultura ng mga
tao doon.
D. Tatanggihan ko sapagkat ayaw ko ng amoy.
16. Nagbakasyon ka sa Tawi-Tawi. Isa sa mga katutubong laro dito ng mga bata ay ang siato.
Inaya ka ng mga bata na makipaglaro.Ang mga batang naglalaro ay nakahubad. Isa pa, ang laro ay
di pamilyar sa iyo. Ano ang
gagawin mo?
A. Ngingiti ka lamang at sasabihin na away mo.
B. Makikipaglaro ka para magkaroon ng bagong kaibigan.
C. Makikipaglaro para matutuhan ang isang katutubong laro mula sa lugar na iyon.
D. Susubukin sumali sa laro at kung di magustuhan ay aayaw na lamang.
17. Pinagtawanan ng mga kaklase mo ang bagong lipat ninyong kamg-aaral dahil sa kaniyang
ipinakitang sayaw at kasuotang Muslim sa inyong programa sa paaralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasawayin ko sila dahil dapat na igalang ng bawat isa ang kultura ng iba.
B. Sasawayin ko sila dahil nakaakawa naman ang bago naming kaklase.
C. Sasawayin ko sila dahil masama ang makipag-away.
D. Sasawayin ko sila para ako ay maging bida sa aking guro.
18. May kakayahan ka sa pag-awit . Isinali ka ng guro mo sa musika para maging kasapi ng isang
koro sa inyong paaralan na aawit ng mga awitin ng mga katutubong Manobo para sa nalalapit na
pagtatanghal sa plasa. Bakit ka sasali ?
A. Para tumaas ang grado ko sa Musika.
B. Upang humusay ang aking kakayahan sa pag-awit.
C. Upang maipagmamalaki ko rin ang mga awitin ng Manobo.
D. Lahat ay tamang sagot.
19. Namasyal ka sa tabing dagat kasama ang pamilya mo. Nang makaramdam ng gutom ay
humanap kayo ng magandang lugar upang kainin ang baon ninyong pagkain. Sa lugar na
tinigilan ninyo ay may karatulang ‘’Bawal kumain dito’’. Ang mga pagkaing dala ninyo ay
inilapag na ng tatay mo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kakain ako dahil talagang gutom at pagod na ako.
B. Huwag na lamang pansinin ang karatula dahil wala namang nakakakita sa inyo.
C. Sabihin sa mga kasama na humanap ng ibang lugar dahil may karatula na bawal kumain
dito.
D. Magkuwentuhan habang nagkakainan.
20. Ano ang dapat gawain sa mga basurang nagkalat sa pasilyo ng paaralan?
A. Tapakan na lamang dahil wala namang nakatingin.
B. Pulutin at ilagay sa tamang lalagyan.
C. Huwag pakialaman dahil di naman ikaw ang may gawa ng kalat.
D. Huwag pansinin dahil wala naman nag-uutos na pulutin mo.
21. Nakita mo na sinisigaan ng mga batang kapitbahay mo ang mga nagkalat na basura. Ano ang
dapat mong sabihin sa kanila?
A. Makihalubilo sa kanila at sabihing hahanap pa ng sisigaan.
B. Sabihin na huwag sigaan ang mga basurang maaaring ipagbili.
C. Sabihin na huwag sigaan ang mga basura dahil nakapagdudulot ito ng maruming hangin.
D. Huwag pansinin ang ginagawa ng mga bata.
22. Ano ang kailangan ng bawat tao upang higit na maingatan , maisalba o maibalik ang buhay ng
ilang naghihingalong bahagi ng kapaligiran tulad ng maruming ilog o nakakalbong kagubatan?
A. Katapatan B. kasipagan C. disiplina D. lahat ay tamang sagot
23. Alin ang itinuturing na tunay nating tahanan na dapat pahalagahan, ingatan at pangalagaan?
A. bahay B. kalikasan C. paaralan D. lahat ng nabanggit
24. Bakit kailangang maunawaan at maipamalas ng bawat tao ang pagkakaroon ng sariling disiplina
sa pagmamahal sa kalikasan?
A. Upang maging maganda at kaaya-aya ang pamayanan
B. Upang maging maunlad ang bansa
C. Sapagkat ipinag-uutos ng pamahalaan
D. A at B ang tamang sagot
25. Anong uri ng basura ang itatapon mo sa mga kahon na may tatak na nabubulok?
A. bote B. pinagbalatan ng prutas C. lata D plastic
26. Aling basura ang hindi kabilang sa pangkat kung itatapon mo sa isang lalagyan?
A. tuyong papel B. tirang pagkain C. balat ng gulay/prutas D. bulok na prutas
27. Ano ang katangian ng isang taong sumusunod sa wastong paraan ng pagtatapon ng basura?
A. disiplinado B. masunurin C. mabait D. Masipag
28. Ano ang masasabi mo sa isang tao na tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
kapaligiran?
A Siya ay may pagpapahalaga sa kapakanan ng iba.
B. Siya ay may malasakit sa kapaligiran.
C. Siya ay maypagmamahal sa kalikasan.
D. Lahat ay tamang sagot.
29. Paano momaipakikita na sinusunod mo ang batas ng tamang pagtatapon ng basura?
A. Pupulutin ko ang basurang makikita ko saan man at itatapon ko sa basurahan na
madadaanan ko.
B. Sisigaan ko ang basura para di malipad ng hangin.
C. Ihihiwalay ko ang basurang nabubulok sa di nabubulok na basura.
D. Lahat ay tamang sagot.
30. Anong Act ang nagsasaad na ang pagsisiga ay ipinagbabawal dahil sa masamang epekto nito
sa kalikasan at sa mga tao?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 9004
B. Republic Act 9005 D. Republic Act 9006
31. Ano ang mabuting maidudulot ng pagpapatupad ng batas sa pagbabawal sa pagsusunog ng
basura?
A. Ang mga tao ay patagong magtatapon ng basura sapagkat baka makapagmulta.
B. Makakabawas ito sa pagkakaroon ng maruming hangin.
C. Hindi ito makakatulong sapagkat lalong dadami ang nakatambak na basura na malilipad ng
hangin.
D. Magkakaroon ng disiplina ang mga tao at makakabawas sa pagkakaroon ng maruming
hangin.
32. Bakit ang pagsusunog ng basura ay ipinagbabawal?
A. Sapagkat sayang ang basurang masisigaan kung maipagbibili ito.
B. Sapagkat maaari pa itong mai-recycle
C. Sapagkat sa pagsusunog ng basura ay nakapagdudulot ng lason na nakaaapekto sa
kapaligiran at kalusugan ng mamamayan.
D. B at C ang sagot
33. Nakita mo ang iyong nanay sa bakuran ninyo na pinanonood ang sinisigaang tambak na tuyong
dahon . Naalala mo ang iyong natutuhan sa EsP na hindi mabuti ang pagsusunog ng basura.Paano
mo ipakikita na naisasabuhay mo ang iyong natutuhan?
A. Tutulungan siya sa pagsusunog ng tuyong dahon.
B. Hindi ko na lamang papansinin ang ginagawa niya.
C. Sasabihin ko sa kanya na umalis dahil mabaho ang usok.
D. Sasabihin ko na ang tuyong dahon ay maaaring maging pataba kung nabulok na at sa
pagsusunog ay nakalilikha ng lason na napupunta sa hangin.
34. Napansin mo na naglagay ng mga lumang gulong sa harap ng inyong bahay ang mga pinsan
mo upang sunuginsa pagpasok ng Bagong Taon. Ano ang mabuti mong gawin sa sitwasyong ito?
A. Makikisali ako sa pagsusunog ng gulong.
B. Itatago ko ang mga gulong upang ako ang magsunog sa Bagong Taon.
C. Ipaliliwanang ko sa kanila na ang pagsusunog ay may masamang naidudulot sa tao at
kalikasan.
D. Hindi ko na lamang papansinin ang aking nakita.
35. Ang mga karton at papel na itatapon nang nanay ni Alfred sa basurahan para sunugin ay kinuha
niya. Itinabi niya ang mga ito nang maayos sa isang tagong lugar na di mababasa. Tama kaya ang
ginawa ni Alfred?
A. Oo, sapagkat ang mga bagay na pinulot niya ay maaari pang mapakinabangan,
B. Oo, sapagkat magandang pandikit ang mga ito kung magsisiga ng damo..
C. Hindi, sapagkat pangkalat lang ang mga ito sa bahay.
D. Hindi, sapagkat hindi na ang mga ito mapapakinabangan.

Panuto: Iguhit ang Masayang Mukha kung ito ay paraan upang mapanatili ang kalinisan at
kaayusan ng kapaligiran at Malungkot na Mukha naman kung hindi.

36. Nagtatapon ako ng basura kung saan-saan lalo na kapag walang nakakaita. ______________
37. Ang basura sa aming tahanan ay pinagbubuklod-buklod para magamit pang muli ang mga
ito.________________
38. Pinagsasabihan ko ang aking mga kaklase na itapon sa tamang tapunan ang mga basurang
papel. ________________
39. Nililinisan namin ang mga basyong lata ng gatas upang taniman ng mga halaman.
________________
40. Nakikiisa ako sa kampanya para mag-recycle ng mga patapong bagay. ________________
41. Pinipitas ko ang mga magagandang bulaklak sa parke. ________________
42. Ibinabaon ko sa lupa ang mga basurang nabubulok upang maging pataba o abono.
________________
43. Tuwing sasapit ang Bagong Taon, nagsusunog kami ng goma sa aming bakuran upang
Masaya. ________________
44. Iniipon ni Ate ang mga plastik na pinaglalagyan ng sitsirya at kaniya itong sinusunog.
________________
45. Sinaway ko ang aming kapitbahay na nagsusunog ng mga basura sa kanilang bakuran.
________________

Panuto: Ibigay ang proyektong maaaring magawa buhat sa mga patapong bagay. Piliin sa kahon na
nasa ibaba.
__________________ 46. lumang gulong
__________________ 47.basyo ng lata ng gatas, sardinas at iba pa
__________________ 48.mga papel o kartong papel
__________________ 49.mga babasaging bote
__________________ 50.mga plastik na bote

paso/taniman ng halaman/duyan
taniman ng halaman
organizer/ bag
flower vase
taniman ng halaman/ pangdekorasyon
placemat/bulaklak/bag
Schools Division Office Manila
TOMAS EARNSHAW ELEMENTARY SCHOOL
A Buatista St., Punta, Sta. Ana, Manila

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP IV 2018-2019


Key to Corrections

1. D
2. A
3. D
4. C
5. D
6. C
7. A
8. A
9. A
10. A
11. A
12. A
13. A
14. C
15. C
16. C
17. A
18. C
19. C
20. B
21. C
22. C
23. B
24. D
25. B
26. A
27. A
28. D
29. C
30. A
31. A
32. C
33. D
34. C
35. A
36. malungkot na mukha
37. masayang mukha
38. masayang mukha
39. masayang mukha
40. masayang mukha
41. malungkot na mukha
42. masayang mukha
43. malungkot na mukha
44. malungkot na mukha
45. masayang mukha
46. paso/taniman ng halaman/duyan
47. taniman ng halaman
48. organizer/ bag
49. flower vase
50. taniman ng halaman/ pangdekorasyon

You might also like