Department of Education SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BAYUGAN CITY
THIRD QUARTERLY EXAMINATION IN ESP 6
S.Y. 2022 – 2023
Panuto: Piliin ang naaangkop na letra at isulat sa sagutang papel.
1. Ang mga Pilipinong matagumpay ay dapat
A. ibaliwala B. ipagmalaki C. pagtawanan D. pangakuan 2. Tiyaga at sipag ay susi sa pagiging _______________. A. mapanuring tao B. masunuring tao C. makakalikasang tao D. matagumpay na tao 3. Mag-aral nang mabuti upang makamtan ang mga _______________. A. gawain B. hakbang C. pangarap D. tradisyon 4. Si Hidilyn Diaz ay nanalo at nakamit ang gintong medalya sa “Olympics”. Marami ang humahanga sa kanya sa larangan ng _______________. A. Ball games B. Boksing C. Swimming D. Weightlifting 5. Ipinagmalaki ng buong Pilipinas sa larangan ng Boksing si_______________. A. Carlos Yulo B. Efren Bata Reyes C. Manny Pacquiao D. Ramil Comendador 6. Alin kaya ang karapat dapat ipadala sa Pandibisyong Palaro A. seryoso sa pag-iinsayo at sa gawaing pang-isport B. susunod sa mga pamantayan ng klase sa pakikipag-debate C. paghandaang gawin ang masining na pagsasanay sa musika D. Iaasa na lang sa susunod na tradisyon ng mga henerasyon
Test Writer: Ma. Estrella Nillas
School: Noli Central Elementary School Email Address:maestrella.nillas@deped.gov.ph 7. Sumali ng “SPORT’S ORIENTATION” sa inyong paaralan ang isang manlalaro, tinandaan lahat ang tinalakay doon at kanyang isinagawa / ginamit sa kanyang paglalaro. A. tunay na mabait B. tunay na masipag C. tunay na matulungin D. tunay na aktibo sa Isports 8. Kung napili kang magrepresenta ng inyong paaralan sa Palarong Pandibisyon,ano ang iyong gagawin? A. iiwas sa iniatas B. itago mo sa mga kaklase na ayaw mo C. paghandaang mabuti ang nasabing palaro D. sumang -ayon ngunit ,balewalain lang ang nasabing laro 9. Kung nakakakita ka na dinaya ng isang manlalaro ang iskor,ano ang nararapat gawin? A. ibalewala B. iwasan C. pagalitan D. sawayin 10. Kailangang bigyang halaga ng ating pamahalaan ang mga hinaing ng mga manlalaro natin sa SEA GAMES ,dahil A. kailangan may kasanayan B. kakulangan ng pondo C. pagsasayang ng plano D. nagrepresenta sila ng ating bansa 11. Piliin mo ang batang magrepresenta sa inyong klase sa SODUKO A. Si Anna na mahilig sa isports B. Si Art na mahilig sa musika C. Si Rich na mahilig sa Matematika D. Si Cheng na mahilig sa English 12. Si Carlos Yulo na kilala sa “Gymnastics” ,na nag-uwi ng medalya sa ating bansa,nagpursige sa sariling sikap na pag-insayo . A. dapat tularan B. dapat balewalain C. dapat patirahin sa ibang bansa D. dapat litisin at husgahan sa nangyari 13. Upang magkaroon tayo ng mga magagaling na mga manlalaro para magrepresenta ng ating bansa sa mga Palarong Pang-internasyunal A. pipili tayo ng mga may kaya sa buhay B. pipili tayo ayon sa angkan ng manlalaro C. pipili tayo ayon sa pangkat-etnikong kinabibilangan D. pipili tayo ayon sa galing at kakayahan ng manlalaro
Test Writer: Ma. Estrella Nillas
School: Noli Central Elementary School Email Address:maestrella.nillas@deped.gov.ph 14. Ang ahensya ng pamahalaan na nangangalaga ng ating likas na yaman ay _______________. A. BFAD B. DSWD C. DENR D. DepEd 15. Karaniwang nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad ang ating bansa. Isa sa mga dahilan sa pagkakaroon ng kalamidad ay _______________. A. kasanayang di-tiyak B. kakulangan ng pondo C. pagsasayang ng plano D. gawaing nakakasira ng kalikasan
16. Batas na naglalayong protektahan ang mga lugar na kinikilalang
luklukan ng mga uri ng hayop at halaman na may kaunting bilang na lamang at nanganganib na mapuksa.
A. Republic Act 1982
B. Republic Act 7577 C. Republic Act 7586 D. Republic Act 9219 Basahin ang kwento. Sagutin ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Ulirang Bata ni Ma. Estrella J. Nillas
Napagkasunduan ng mga mag-aaral sa Ika-anim na Baitang
Seksyon Newton na maglibot sa buong Paaralang Elementarya ng Fernando. Bago umalis ay ipinaliwanag ng kanilang guro ang lahat ng pamantayan na dapat nilang sundin. Sa kanilang paglilibot, nakarating sila sa may Kantina ng Paaralan. May isang bata roon na nakatayo at kumakain ito ng mani at maya’t maya lang, nakita ni Aux ang batang iyon na itinapon sa kanyang kinatatayuan ang balat ng kanyang kinain. Kaagad nilapitan ni Aux ang bata at sinabing “Pwede bang pulutin mo ang itinapon mo at ilagay ito sa dapat lagyan?” Kaagad tumalima ang bata at sinabing, “Paumanhin po, hindi ko na po uulitin.” Ang pangyayari ay nakita ni Bb. Ais Gabio. Nilapitan niya si Aux at sinabing “Aux, binabati kita! Isa kang ulirang bata.” Tumingin si Aux sa guro at ngumiti, “Salamat po”, wika nito.
17 . Bakit sa tamang lalagyan ng basura dapat ilagay ang mga basura?
A. upang mapanatili ang tradisyon B. upang malinis palagi ang paligid C. upang maiwasan ang komplikasyon D. upang maging mainam sa paningin ang mga bulaklak
Test Writer: Ma. Estrella Nillas
School: Noli Central Elementary School Email Address:maestrella.nillas@deped.gov.ph 18 . Bakit pinuri ni Bb. Ais Gabio ang batang si Aux? A. malusog ito B. naglilinis ito C. mapagkaibigang bata D. mainam ang ginawang pagsaway
19 .Bakit kailangang sawayin ni Aux ang bata?
A. Upang manatiling payapa ang bawat bata B. Upang matapos ng bata ang pagkain ng mani C. Upang mahinto ng bata ang mali niyang gawain D. Upang ipaalam sa marami na nakarating sila sa Kantina 20. Inanayayahan kang sumali sa inyong barangay ng “CLEAN UP DRIVE” A. ibalewala B. iiwas C. liliban D. sasali 21. “Maging responsible sa sariling basura”, ang ibig sabihin A. ikalat mo nang makita B. ipadala mo sa iyong kaibigan C. ipakuha mo sa nanay o tatay mo D. itapon mo sa tamang tapunan o lalagyan 22. Nabarahan ang kanal malapit sa inyong daanan at nakita mo na may parating na malakas na ulan ,paano mo ipakita na responsabling residente ka sa inyong lugar ? A. hahayaan lang B. magkunwaring may alam C. tatawag ng iba at magtulungan sa paglinis ng kanal D. aanyayahan ang mga kaibigan na maligo sa tubig-kanal. 23. May nakita kang nagsusunog ng mga kahoy,paano mo ito mapahinto? A.sisigawan at pahintuin B. magkunwaring may galit C. tumulong para bigyan ng panggatong D. isumbong kaagad sa mga awtoridad 24. Alin ang nagpapakita ng pag-aalaga ng kalikasan? A. naglalaba sa ilog gamit ang sabon at klorin B. namumutol ng kahoy na may tamang laki C. nagmamaneho ng motor na nagbubuga ng maitim na usok D. nagmimina sa gilid ng sapa malapit sa naglalakihang bundok 25. Kung ang itatapon mong mga basura ay balat ng saging, mani,papaya at nasa harapan mo ang apat na basurahan na may label ,saan mo ilalagay ang mga ito? A. mabubulok B. di-mabubulok C. magamit pa
Test Writer: Ma. Estrella Nillas
School: Noli Central Elementary School Email Address:maestrella.nillas@deped.gov.ph D. nakalalason 26.Nangyari na may napadpad na Agila sa inyong lugar at nahuli ito ng tatay mo,alin dito ang gagawin mo? A. ihawin kaagad B. lihim na alagaan sa bukirin C.ipagbigay alam sa malapit na tanggapan ng DENR D. ibenta kaagad sa malaking halaga para magkapera 27. Ginamit mo ang iyong buong husay sa paggawa ng iyong proyekto, A. naiwala mo ang iyong proyekto B. nasasayang ang mga kagamitan mo C. nagkaroon ka ng magandang marka D. naging malayo sa iyo ang iyong kaibigan 28. Umalis ang amo pagkatapos masabi sa mga trabahador ang dapat nilang gawin at ginawa ito nang maayos, A. pinahinto sila sa trabaho B. pinagalitan sila sa nagawa C. pinuri sila sa kanilang amo D. pinahintay para ayusin muli 29. Nagtatrabaho nang maaga si Cheng at lampas sa oras kung hihinto ito sa pagtatrabaho, A. kaya siya malusog B. kaya siya nag-asawa C. kaya siya pinarangalan D. kaya siya pinaalis sa trabaho 30. Tinulungan si Anna ng kanyang kaibigan upang matapos ang kanyang ginagawang basahan, A. pinagalitan sila ng Principal B. itinapon ni Anna ang basahan C. hindi na pinansin ni Anna ang kaibigan D. nagpasalamat si Anna sa kanyang kaibigan 31. Ang ginawang tsinelas ni Toto ay kanyang sariling disenyo at maganda ito. Sinabihan siya ng guro, A. Wow! Ang ganda nito. B. Ay! Balewala lang iyan. C. Asus! Gawa-gawa mo lang ito. D. Whew! Malapit mo akong mapahanga. 32. Ang kainan sa gilid ng mahabang daanan ay malinis, maayos ang mga gamit at masasarap ang mga pagkain, A. lilipat sila sa ibang lugar B. marami ang kakain sa kanila C. mauubusan sila ng trabahador D. dadagdagan nila ang talaan ng menu
Test Writer: Ma. Estrella Nillas
School: Noli Central Elementary School Email Address:maestrella.nillas@deped.gov.ph 33 .Ang tagalinis ng tanggapan ay maagang naglilinis at ginagawa pa niya ang iba’t ibang gawain kahit hindi siya inuutusan, A. lagi siyang pinapagalitan B. pinalipat siya sa ibang trabaho C. dinagdagan ang kanyang sahod D. nagkaroon siya ng magulong buhay 34. Sinunod nang maayos ang pamantayan sa paggawa ng sapatos, A. hindi de-kalidad ang resulta B. binalewala ng mga mamimili C. hindi mabenta ang mga sapatos D. de-kalidad ang nagawang sapatos
35. Matibay at maayos ang pagkagawa ng mga manggagawa sa bakod,
A. gumuho kaagad ito B. ikinagalit ito ng may-ari C. napakinabangan ito ng mahabang panahon D. maikling panahon lang ito mapakinabangan 36. Ipinasa ng isang mag-aaral ang kanyang proyekto kahit hindi pa ito tapos, A. ibebenta niya ito sa iba B. babatiin siya ng kanyang guro C. hihiramin ito ng kanyang kapatid D. pagsabihan siya ng guro na tapusin muna 37. Si Aisa ay mananahi na may maraming putol-putol na mga tela, kanya itong ginawang mga magagandang basahan at ibinenta. Siya ay nagpapakita ng A. pagkamagalang B. pagkamaingat C. pagkamalikhain D. pagkamatapat Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik ng wastong sagot. 38. Alin ang nagpapakita ng pagiging malikhaing tao. A. mahilig mag cellphone B. madalas lumalabas sa bahay C. nagtatanim ng gulay sa bukid D. paggawa ng bag mula sa balat ng Zest-O 39. Ang malikhaing tao ay isa ring, A. magalang B. mapamaraan C. matapang D. matapat
Test Writer: Ma. Estrella Nillas
School: Noli Central Elementary School Email Address:maestrella.nillas@deped.gov.ph 40. Ang taong tumatawid sa pedestrian lane ay, A. masipag sa paggawa B. magiliw lagi sa mga tao C. mahilig lumampas sa oras D. masunurin sa batas trapiko 41. Ang magaling na driver ay, A. kumakain sa tanghalian B. walang preno ang sasakyan C. hinahabol ang mga kabataan D. may lisensya kung magmaneho
42. Ang nagmamaneho ng motor ay kailangang,
A. naka-helmet B. naka sombrero C. naka-sando lang D. nakasuot ng medyas 43. Sa pagbibigay galang sa ilaw trapiko naiiwasan ang, A. delubyo B. diretso C. disgrasya D. distansya 44. Ang paminsan-minsan na pag tsek ng brake ng sasakyan ay tanda ng A. rehistradong driver B. responsableng driver C. nagsasanay na driver D. nangongolektang driver 45. Ang pangingisda gamit ang lason ay labag sa, A. batas B. buwis C. kalooban D. paraan 46. Nabasa mo sa isang harden “BAWAL MAMITAS NG MGA BULAKLAK,” nakita mo ang iyong kaibigan na mamimitas sana ng palihim. A. hayaan B. pigilan C. tawanan D. tulungan 47.Mahilig si Aling Mila sa paggawa ng mga bag na yari sa balat ng Zest-O at pagkatapos ay ibebenta niya ito. Si Aling Mila ay isang taong A.maaalahanin B.malikhain C.masayahin D.tamad
Test Writer: Ma. Estrella Nillas
School: Noli Central Elementary School Email Address:maestrella.nillas@deped.gov.ph 48. Alin dito ang nagpapakita ng pagiging malikhaing tao? A. mahilig magpuyat B. madalas na pamimili C. madalas na pagliban sa klase D. paggawa ng mga bangko o upuan na yari sa kawayan 49. Bakit hindi itinapon ni Nilo ang malaking plastic ng Wilkins? A. siguro lalagyan niya ng sopas B. siguro gagawin niyang tulugan C. siguro paglulutuan niya ng pagkain D. siguro gagawin niyang isang alkansya 50. Nasira ang sapatos mo pag-uwi sa inyong bahay galing sa paaralan. Kinabukasan, wala kayong magamit na sapatos. Paano mo ipapakita ang iyong pagkamalikhain? A. pumasok sa paaralan na walang sapatos o tsinelas B. hindi pumasok sa paaralan dahil nasira ang sapatos C. ayusin ang sapatos at lagyan ng pandikit,pansamantala lang. D .magpabili ng sapatos agad agad,kahit na walang pera sa bahay
Test Writer: Ma. Estrella Nillas
School: Noli Central Elementary School Email Address:maestrella.nillas@deped.gov.ph