You are on page 1of 7

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 6

Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

Si Lola Miling na yata ang pinaka-espesyal na matandang nakilala ko. Humugit kumulang sa
apatnapu’t limang taong gulang nang siya ay nagsimula sa pagmamaneho ng kanyang trak para
magdeliver ng yelo sa palengke. Pinagpapahinga na Siya ng kanyang mga anak sa mabigat na gawaing
ito. Ganito ang madalas sabihin ng kanyang mga anak, “Sa edad ninyong iyan, kailangan huminto na po
kayo inay, sa inyong gawain.” Ito naman ang kanyang sagot, “Hindi pa yata ako matanda, kalabaw
lamang ang tumatanda.”

Taglay ni Along Miling ang kasipagang minana natin sa ating mga ninuno. Para raw siyang walang
pagod sa paggawa ayon sanmga nakakasalamuha niya. Tila lumalakas pa lalo ang kanyang katawan
kaya talagang masipag siya sa kanyang ginagawa.

1. Ano ang ipinakitang katangian ni Lola Mailing batay sa sagot niya sa kanyang mga anak?
A. Matalino at mapagmahal
B. Masipag at matiyaga
C. Matipid at masikap
D. Mabait at masipag
2. Ano ang katangian ni Lola Miling nang sabihin niyang, “Hindi pa ako matanda, kalabaw lamang
ang tumatanda.?”
A. Masipag maghanapbuhay
B. Matipid gumastos ng pera
C. Matiyagang pinalaki Ang mga anak
D. Marunong makisalamuha sa tao.
3. Ano ang dahilan ng tila walang kapagurang paggawa ni Lola Miling?
A. Ibig niyang maging katulad ng kalabaw sa lakas.
B. Gusto niyang tularan Siya ng kanyang mga anak.
C. Nais niyang ipagpatuloy ang nakasanayan niyang ugali.
D. Ibig niyang maging maganda ang kanilang pamumuhay.
4. Ano ang naging bunga ng pagtitiyaga sa Buhay ni Lola Miling?
A. Lumakas lalo ang katawan niya.
B. Umani siya ng maraming pananim.
C. Gumanda ang kanilang pamumuhay.
D. Dumami ang nagrarasyon ng yelo sa palengke.
5. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig sa kuwento?
A. Sa sipag at tiyaga makakamit mo ang ginhawa sa Buhay.
B. Gaganda ang iyong buhay kung ikaw ay maabilidad.
C. Walang bata o matanda kung ibig maging maayos ang buhay.
D. Ipinamamana ang pagiging matiyaga sa mga susunod na henerasyon.
Ang Pusa at Ang Asong Gubat

“Kaibigan, daig na daig na kita,” paghahambog ng asong gubat sa pusa. Napakarami Kong paraan para
makalusot sa kaaway. Madali ko silang malilinlang.”

“Mabuti ka pa,” mahinahong sagot ng pusa. “Iisa lang ang alam kong paraan.”

Dumating ang isang pangkat ng mangangaso. Agad umakyat sa puno ang pusa habang nag-iisip pa ang asong
gubat ng gagawin.

Nakarating na ang mga mangangaso ay wala pang plano ng paglikas ang asong gubat. Nahuli siya. Hinila-hila
siya ng mga mangangaso.

6. Anong katangian ng pusa ang nagligtas sa kanya laban sa mga mangangaso?


A. Listo
B. Hambog
C. Mabait
D. MMapagmad
7. Anong katangian mayroon ang aso batay sa kanyang mga sinabi sa unang bahagi ng talata?
A. Mapamaraan
B. Matalino
C. Hambog
D. Mapagmatyag
8. Paano mailalarawan ang pusa batay sa sinabi niyang “Mabuti ka pa, iisa lang ang alam Kong
paraan.”?
A. Mapagkumbaba
B. Hangal
C. Hambog
D. Matalino
9. Bakit nahuli ng mga mangangaso ang asong gubat?
A. Wala siyang maisip na paraan Kong paano maililigtas ang sarili.
B. Naunahan siya ng takot kaya di nakapag-isip ng tama.
C. Nabigla siya nang makita ang mga mangangaso.
D. Siya ay hangal.
10. Alin sa mga sumusunod na katangian ang ipinakita ng pusa sa kuwento?
A. Listo, mapamaraan
B. Hambog, listo
C. Matalino, hambog
D. Listo, hangal
11. “Dadamayan kita, __________ ang mangyari,” pangako ng ama sa anak. Aling panghalip ang
nararapat sa patlang?
A. Sinuman
B. Anuman
C. Saanman
D. Kailanman
12. Bakit kaya ________ kalungkutan at kabiguan ang kanyang nadarama? Ano ang tamang
panghalip sa patlang?
A. Anumang
B. Ganitong
C. Pawang
D. Gayong
13. Pupunta na sa laybrari ang mga bata. Samahan ninyo __________.
A. Tayo
B. Kami
C. Sila
D. Siya
14. “Hayun ang mga batang nagtanim ng mga puno. Mapagmahal______ sa kalikasan,” ang sabi ni
Roco?
A. Ako
B. Siya
C. Tayo
D. Sila
15. “Inaalagaan ______ ang mga punong iyon,” ang sabi ni Lito habang tinuturo ang mga punong
itinanim ng mga bata.
A. Nila
B. Niya
C. Namin
D. Kanila
16. Labis-labis ang aking ______ nang muli Kong makita ang nawawala kong tuta. Ano ang tamang
sagot sa patlang?
A. Takot
B. Kagalakan
C. Kalumgkutan
D. Kabalisahan
17. Bumili ka ng _______karne. Alin sa sumusunod ang nararapat sa pangungusap?
A. Isang talampakang
B. Isang salop na
C. Isang yardang
D. Isang kilong
18. Magkano ba ang iyong kumpol ng _______?
A. Manga
B. Asukal
C. Bulaklak
D. Abokado
19. Ano ang panghalip?
A. Salitang naglalarawan
B. Panghalili sa pangngalan
C. Paksang nagsasaad ng kilos
D. Bahagi ng pananalita na isang katawagan
20. Naghanda siya ng simpleng ________ para sa birthday ng bunsong anak.
A. Fiesta
B. Kasalan
C. Salo-salo
D. Pamalaye
21. Mahirap pumasok sa paaralan kung Kumukulo ang tiyan mo. Ano ang kahulugan ng
nakasalungguhit na salita?
A. Sobrang init ng tiyan
B. Gutom na gutom
C. Masakit ang tiyan
D. Malaki ang tiyan
22. SI John ay lumaking laki sa layaw kaya di-nakapagtapos ng pag-aaral.
A. Nasusunod ang gusto
B. Walang kinakain
C. Tumitigil ng pag-aaral
D. Nakawala
23. Bukambibig ni Edgar ang kabaitan ng kanyang mga magulang.
A. Ipinagyayabang
B. Ikinahihiya
C. Lagging sinasabi
D. Di-pinapansin
24. Si ma’am Avila ay matalik Kong kaibigan. Alam na alam niya ang likaw ng bituka ko.
A. Kabuuan ng bituka
B. Kaliit-liitang lihim
C. Bilot ng bituka
D. Sakit sa bituka
25. Kahit maykaya sa buhay, lumaking mabait at mapagkawanggawa si Gary.
A. Mayaman
B. Mahirap
C. Malakas
D. Matapobre
26. Anong pangungusap ang gumagamit ng panghalip pananong?
A. Sino ang kumain ng tsokolate?
B. Kunin mo naw ang mga aklat.
C. Ang iba ay umalis na kahapon.
D. Ito ang dalang bag ni Mike.
27. Aling panghalip pananong ang gagamitin kung gusto mong malaman ang tirahan ng iyong
kaibigan?
A. Ano
B. Kailan
C. Saan
D. Magkano
28. Ito ang mga panghalip na ginagamit upang ituro ang mga pangalan at anghalip.
A. Panao
B. Panaklaw
C. Pamatlig
D. Pananong
29. Anong pangungusap ang gumagamit ng panghalip panaklaw?
A. Ang iba ay tumutulong upang mapabilis ang programa.
B. Ang mga programang ganito ay nagsimula pa noon.
C. Ang ilan sa mga kabataan ay nagbigay ng donasyon.
D. Ang lahat ay natuwa sa palabas kahapon.
30. Dapat tayong magbigay sa ating kapwa. ______ ay turo ng Diyos. Alin ang bubuo sa
pangungusap?
A. Doon
B. Atin
C. Ito
D. Hayun
31. Aling mga panghalip ang nabibilang sa iisang uri?
A. Kami, Tayo, akin, hayun
B. Ganyan, hayan, hayun at doon
C. Madla, pawang, Ilan at sino
D. Iyo, mo, Ako at saan
32. Bumili ng bag SI Addie sa Mall of Asia. Anong tanong ang maaari para sa pangungusap?
A. Kailan bumili ng bag si Addie?
B. Magkano ang bag na binili ni Addie?
C. Paano bumili ng bag si Addie?
D. Ano ang binili ni Addie?
33. Ang batas na ito ay makasasama sa madla. Anong kaukulang panghalip ang may salungguhit?
A. Palagyo
B. Paari
C. Paayon
D. Panao
34. Ang bahay nila ay malapit sa paaralang iyong pinapasukan.
A. Palagyo
B. Paari
C. Palayon
D. Panaklaw
35. Iniwan ni Aling Digna na nag-iisa sa bahay ang kanyang bunsong anak na si Gian. Naisipan ni
Gian na maglaro ng lutu-lutuan. Kinuha niya ang posporo at sinindihan ang kanilang kalan.
Biglang sumiklab ang apoy. Ano ang maaaring mangyari?
A. May mga bisitang dumating sa kanilang bahay.
B. Nasunog ang bahay nina Aling Digna.
C. Nakapaglaro ng lutu-lutuan si Gian.
D. Umiiyak ang bunsong anak ni Aling Digna.
36. Biglang sumakit ang kanyang dibdib. Nahirapan sitang huminga at nahulog sa pagkakaupo ang
di-kilalang babae.
A. Nalulungkot ang mahiwagang babae.
B. Nagkukunwari lamang siya.
C. Kailangan niyang madala sa ospital.
D. Kailangan dalhin siya sa TV upang manawagan.
37. May pulong ang mga magulang sa inyong paaralang pinapasukan sa Huwebes, Ika 3:00 ng
hapon. Paano mo ito sasabihin sa iyong magulang na may paggalang?
A. Nanay, kailangan pumunta la sa paaralan Namin.
B. May pulong, nanay, sa Huwebes at lahat ay dapat dumalo.
C. Nanay, may pulong po ang mga magulang sa Huwebes, Ika 3:00 ng hapon. Kailangan po
ang iyong mahalagang pagdalo.
D. Nanay, dadalo ka sa skul namin Kasi may pulong.
38. Nakasalubong mo ang iyong guro habang ikaw ay papauwi mula sa paaralan. Ano ang iyong
sasabihin?
A. Maraming salamat Po.
B. Makikiraan po.
C. Magandang hapon po.
D. Walang anuman.
39. Ito ay tumutukoy sa mga nagbibigay-buhay at gumaganap sa mga pangyayari sa pelikula o
kuwento.
A. Tagpuan
B. Pagpapahalaga
C. Tauhan
D. Team
40. Ito ang mensahe o pinakapaksang-diwa ng Isang pelikula o kuwento.
A. Tagpuan
B. Pagpapahalaga
C. Tauhan
D. Kaisipan o tema
41. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa isang pelikula o kuwento.
A. Tagpuan
B. Kaisipan
C. Pagpapahalaga
D. Mensahe
42. Ito ay mabuting aral na nakapaloob sa pelikula o kuwento na maaaring gamitin ng manonood sa
kanyang buhay.
A. Pagpapahalaga
B. Layunin
C. Team
D. Sinematograpiya
43. Ito ay tumutukoy sa mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood gaya ng pagbibigay
babala, aral, kasiyahan, kaalaman at iba pa.
A. Kaisipan
B. Layunin
C. Pagpapahalaga
D. Tema
44. Maraming namatay sa kabilang barangay dahil sa sakit sa dengue. Anu ang maaaring solusyon
nito?
A. Tumulong sa paglilinis ng sambayanan.
B. Huwag ng tumulong dahil marami naman ang gumagawa ng paglilinis.
C. Ipaubaya na lang ang lahat sa mga opisyal ng barangay.
D. Gumamit ng pesticides na pamatay sa lamok.
45. Problema ang doble-dobleng pag-park ng mga sasakyan sa aming kalye. Anu ang
pinakamabuting solusyon nito?
A. Guhitan ang sasakyan ng kahit na anong tinta.
B. Magalit sa mga may-ari ng sasakyang nagpa-park sa kalye.
C. Huwag pansinin kasi wala ka namang sasakyang magpa-park.
D. Ipaalam sa opisyales ng barangay upang mahanapan ng tamang parking area ang mga
sasakyan.
46. Nakagawian na ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng basura na siya pa lang dahilan ng
pagkakasakit ng mga bata ng asthma. Ano ang maaaring solusyon mo sa ganitong suliranin?
A. Ilagay sa loob ng buho at sunugin ang mga basura.
B. Iwanan lang sa daanan ang mga basura.
C. Itapon ang mga basura sa ilog, sapa, at dagat.
D. Ipunin at i-segregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.
47. Pinilit ni Addie na magtapos ng pag-aaral kahit mahirap lamang sila. Ano Ang maaaring sanhi ng
sitwasyon?
A. Gusto niyang makaahon sa kahirapan.
B. Natuwa nang lubos ang kanyang mga magulang.
C. Nawalan siya ng pag-asa at nagtrabaho na lang.
D. Nalulong sa bisyo sa alak si Addie.
48. Mahusay sa klase at mabait si Marco. Anu ang maaaring bunga ng sitwasyon?
A. Mababa ang grado niya.
B. Likas kay Marco ang pagiging mabuti.
C. Gusto ng magulang niya na manguna siya.
D. Marami siyang kaibigan.
49. Mahilig Kumain ng tsokolate ang iyong Kapatid kaya laging umiiyak dahil sa sakit sa ngipin. Anu
ang mabuting gawin nito?
A. Dalhin sa klinika.
B. Huwag pansinin.
C. Tawanan ang iyong kapatid.
D. Yayaing maglaro sa parke ng inyong lugar.
50. Nagklaklase ang iyong guro sa Filipino 6 nang biglang sumakit ang iyong tiyan. Ano ang iyong
gagawin?
A. Lumabas na hindi nagpapaalam sa guro.
B. Magpaalam ng maayos sa guro.
C. Magpaalam sa iyong kaklase na ikaw ay lalabas.
D. Hintaying hindi tumingin ang guro at saka kumaripas ng takbo palabas ng silid aralan.

You might also like