You are on page 1of 5

Kathleen A.

Roma
BEED-2A

PAGSUSULIT NA TAMA O MALI


I. Panuto: Basahin ang bawat pahayag at sagutan ng Tama kung ito ay nafgpapakita ng
sangayon. Mali naman kung ang pahayag ay hindi tama.
1. Pinagtawanan ko ang may kapansanan.
2. Sinigawan ko an aming kasambahay dahil ito ay mabagal.
3. Pinasukob ko ang aking kaklase sa aking paying para siya ay di mabasa.
4. Ginaya ko ang assignment ng aking kamag-aral
5. Nagmano ako sa aking mga magulang kapag ako ay umuuwi galing eskwelahan.
6. Ginagawa ko sa takdang oras ang aking takdang aralin.
7. Pinabayaan ko ang aking kapatid na makialam sa gamit ng kanyang kaibigan.
8. Dinikitan ko ng bubble gum ang buhok ng aking kapatid
9. Tinulungan ko magwalis ang aking lola ng harap ng bahay.
10. Nagkalat ako sa aming silid-aralan.
11. Iniwanan kong bukas ang ref, habang ako ay naglalaro.
12. Hindi ko binigyan ng pagkain ang kaklase kong walang baon.
13. Nagpasalamat ako sa taong tumulong sa akin.
14. Si james ay tumulong sa pagbibigay ng relief sa kabilang baryo.
15. Hindi tinulungan ni erik ang matandang tumawid.
16. Nagsasabi ako ng po at opo sa taong nakakatanda sa akin.
17. Inaway ni joan ang kaklase dahil iba ang relihiyon nito.
18. Kinuha ni Erikca ang pagkain ng kanyang kaklase ng hindi nagpapaalam.
19. Binigyan ng pagkain ni julius ang batang walang makain.
20. Hindi itinapon ni zeus ang balat ng kanyang kendi sa basurahan.
PAGTUKOY NG MALI O ERROR RECOGNITION
II. Panuto: Tukuyin ang maling parirala o salita sa bawat pangungusap. Bilugan ang salita kung
nasaangbahagi ang pagkakamali.
1. Ang mga kabataan ay nakikiisa sa programa sapagkat sila ay naniniwala na pag-
asa ng bayan. Walang mali
2. Ang mga pamilya ay nagsasalo sa tuwing dumarating ang pasko at bagong taon.
Walang mali
3. An gating bansa ay sagana sa likas na yaman kaya naman ito ay dinarayo ng mga
turista. Walang mali
4. Ang aso at pusa ay laging magkaaway sa bakuran. Walang mali
5. Ang mga bata ay may karapatan na maglaro at magkaroon ng magagandang damit.
Walang mali
6. Unahin ang paglalaro bago gawin ang takdang aralin. Walang mali
7. Ang dahon at mga balat ng saging ay dapat itapon sa nabubulok na basurahan.
Walang mali
8. Nilikha tayong pantay-pantay kaya dapat pare-pareho ang pagtrato natin sa iba.
Walang mali
9. Ang rosas ay isang uri ng bulaklak kung saan makikita ang kagandahan ng kulay.
Walang mali
10. Turuan natin ng pagtitipid ang mga bata para matuto sila mag-ipon sa magandang
paraan.
11. Si Bonifacio, Rizal at mabini ay mga ulirang bayani ng ating lahi. Walang mali
12. Patuloy ang kanyang pageensayo ng mabuti sapagkat nagbabasketball siyang
matagumpay sa darating na kontes. Walang mali
13. Huwag mong hanapin ng masamang kahulugan ang pagtulong ko sa pamilya ni
patricia. Walang mali
14. Ang mga katipunero ay nagtatag ng isang samahang magtatanggol sa karapatan
ng mga mahihirap sa lipunan. Walang mali
15. Ayon sa doctor ang ikinamatay ng tagapaningil ay isang malalang sobrang sakit sa
atay. Walang mali
16. Ng mabuksan niya ang bintana, tumagos sa silid ang mala-rosas na amoy ng
hangin. Walang mali
17. Ayon sa mga kastila noon. Ang tao na hindi nakikiisa sa pinatutupad ng
pamahalaan ay isang rebelde. Walang mali
18. Hindi lamang pagtuklas ng karunungan ang itinuturo ng guro sa mga mag-aaral
kundi gayon din ang magandang asal. Walang mali
19. Ang bayan natin kung tutulungan natin ay tiyak na magtatagumpay. Walang mali
20. Hindi siya nagtapos ng pag-aaral kaya nagtitinda na lamang siya sa bangketa.
Walang mali
MULTIPLE CHOICE
III. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Mahusay sa klase si marco. Ano ang maaaring bunga ng sitwasyon?
a. Mababa ang grado niya.
b. Gusto ng magulang niya na manguna siya.
c. Marami siyang kaibigan
d. Likas kay marco ang pagiging mabuti
2. Ito ang resulta o kinalabasan ng isang pangyayari.
a. Sanhi
b. Bunga
c. Diwa
d. Dahilan
3. Si elena ay di sumunod sa utos ng kanyang ina. Ano ang magiging bunga ng kanyang
Gawain?
a. Siya ay mapapagalitan
b. Sasabihan siyang tamad ng kanyang ina
c. Siya ay opupurihin
d. Hahayaan siya na wag sumunod.
4. Ang mga bata ay naatasang magplano para sa ara ng mga guro.
a. Tayo
b. Inyo
c. Sila
d. Kami
5. Ano ang panghalip na pananong ang dapat gamitin upang malaman mo ang tagpuan sa
isang kwento.
a. Sino
b. Ano
c. Saan
d. Ilan
6. Sila ang nagbigay nitong mga bagong gamit sa mga bata. Ilan ang ginamit na
panghalip?
a. 1
b.
c. Alin 2
d. 3
e. 4
7. Aling mga panghalip ang nabibilang sa iisang uri?
a. Kami, tayo, akin at iba
b. Iyo, ako, mo at saan
c. Madla, pawing,ilan at sino man
d. Ito, ganyan, hayan, at doon
8. Aling pangngusap ang gumagamit ng panghalip panaklaw?
a. Sino ang kumain ng tsokolate?
b. Kunin mo na ang aklat
c. Ang iba ay umalis na kahapon
d. Ito ang dalang bag ni mike
9. Alin ang panghalip panao na nasa unang panauhan at maramihan?
a. Kayo
b. Tayo
c. Akin
d. Sila
10. Ito ang mga salitang ipinapalit sa pangngalan at panghalip.
a. Pang-abay
b. Pandiwa
c. Pang-uri
d. Panghalip
11. Siya ay nagbibigay ng mga kendi para sa lootbags ng kanilang klase. Alin ang
pangngalang lansakan?
a. Siya
b. Klase
c. Lootbag
d. Kendi
12. Ito ang mga pangngalang nagiging paksa/pinaguusapan sa pangungusap
a. Simuno
b. Panawag
c. Pamuno
d. Kaganapang pansimuno
13. Aling pangungusap ang may tuwirang layon?
a. Si addie ang pinuno n gaming klase
b. Si mark ang nagpinta nito.
c. Nagbigay siya ng donasyon sa alay kapwa.
d. Cedric, pakiayos mo ang mga ito.
14. Anong uri ng pangngalan ang mga sumusunod?
Talino, pag-ibig, at kapayapaan.
a. Tahas
b. Pantangi
c. Basal
d. Lansakan
15. Aling konsepto ang mali ang sinasabi tungkol sa pangngalan?
a. Ang mga panggalang pambalana ay sinusulat gamit ang maliit na titik.
b. Ang mga pangngalan pantangi ay isinusulat sa malaking titik.
c. Ang mga pangngalang tahas ay maaaring pantangi.
d. Ang mga pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari at kaisipan.
16. Aling pangungusap ang gumagamit ng tatlong panggalan?
a. mahusay siya sa matematika
b. siya ang nagdalang pagkain at inumin sa mga bata.
c. Kinuha ni francis ang mga papel
d. Ayusin mo ang mga damit mo sa kwarto.
17. Si kuya ay nagpapakita ng kasipagan sa pag-aaral. Alin ang pangngalang basal?
a. Kuya
b. Nagpapakita
c. Pag-aaral
d. Kasipagan
18. Palagi na lang nakasigaw si lito sa kanyang mga kapatid. Walang araw na hindi mainit
ang kanyang ulo kahit wala naming kadahilanan.
a. Magagalitin
b. Matipid
c. Mahinahon
d. Masipag
19. Araw-araw ay may perang natitira si lulu mula sa baong ibinibigay ng kaniyang tatay.
Hindi niya ito basta ginagastos sa bagay na walang halaga.
a. Mahusay
b. Matipid
c. Malakas
d. Maaasahan
20. Araw-araw maagang gumising si Nanay Belen. Nagluluto siya ng agahan.Pagkatapos ay
inihahatid sa eskwela ang mga anak.
a. Masinop
b. Mapagbigay
c. Masipag
d. Matatag
PAGSUSULIT AT PAGPUNO SA PATLANG O COMPLETION TEST
IV. Lupang Hinirang
Bayang 1. __________
2._______ ng silanganan
Alab ng 3._________
Sa 4._______ mo'y buhay
Lupang 5.________
6._______ ka ng magitinG
Sa 7._______
'Di ka 8._______
Sa dagat at 9._______
Sa simoy at sa 10._______ mong bughaw
May 11._______ ang tula
At awit sa paglayang 12._______
Ang kislap ng 13._______ mo'y
Tagumpay na nagniningning
Ang 14._______ at araw niya
Kailan pa ma'y 'di 15._______
Lupa ng araw, ng luwalhati't 16._______
Buhay ay langit sa 17._______ mo
Aming 18._______ na 'pag may 19.________
Ang 20.________ ng dahil sa iyo

You might also like