Professional Documents
Culture Documents
Paaralan: _____________________________________________________________
C. Para sa bilang 7-10. Basahin at unawaing mabuti ang tekstong argumento sa ibaba. Sagutin ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
MASAMA BA ANG PAKIKIPAGBARKADA?
(Tekstong Argumentatibo)
Sa kasulukuyan, makikita natin na maraming mga kabataan na tumatambay o kaya ay pumunta sa iba’t-ibang lugar kasama ang kanilang mga kaibigan na
hindi man lang alam ng kanilang mga magulang. Kadalasan ang kanilang mga ginagawa ay hindi nakatutuwa sa kanilang mga magulang. Para sa kanila, iyon ay maga -
nda ngunit hindi iyon dapat nilang gawin kasi nakapagdudulot iyon ng hindi magandang kahihinatnan. Akala ng magulang ay gumagawa ng maganda ang mga anak dahil
pinagkatiwalaan nila ito dahil kadalasan abala sa trabaho ang mga magulang. Ito minsan ang dahilan kung bakit nakagawa ng kasamaan ang mga kabataan. May mga
kabataan naman na nadoon lang sa bahay ang magulang kaya sila ay nagpaalam sana kung umalis ngunit taliwas naman ang kanilang sasabihin para lamang sila ay
makaalis ng bahay. Halimbawa magpapaalam sa magulang na umalis ng bahay upang mag-aral sa bahay ng kanilang kaklase iyon pala ay nag-iinuman doon o di kaya
ay nanonood ng malaswang palabas at gabi na uuwi. Dito nagsisimula ang pagsisinungaling at minsan ay nagdudulot ng masama sa mga kabataan. Samantala, mayroon
namang mga kabataan na hindi gumawa ng masasama kapag sila ay nasa labas. Mayroon din naming magkakaibigan na puro kabutihan lamang ang ginagawa at laging
nagtutulungan sa isa’t isa sa hirap at ginhawa. Tulad ng pagkakaroon ng “group study”. Pinagtutuunan nila ng pansin ang pag-aaral dahil gusto nilang magtagumpay
balang-araw. May masama at mabuting naidudulot ang pagbabarkada. Kailangan lang talaga ng patnubay ng mga magulang at nakatatanda.
7.Batay sa teksto, alin dito ang dapat mong gawin kung gusto mong magkaroon ng magandang kinabukasan?
A. Laging tatawag sa mga kaibigan upang lumabas.
B. Magpapaalam lagi sa magulang kapag lalabas ng bahay.
C.Sasama sa mga barkada na minsan lang gumagawa ng gawain sa modyul.
D. Sasama sa mga kaibigan na nakapokus sa pag-aaral at gumawa ng mabuti.
8.Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang pagbabarkada?
A. Hikayatin ang mga kaibigan na pupunta sa bahay.
B. Laging makinig sa payo ng mga magulang at sundin ito.
C. Laging nakatuon ang pansin sa mga dapat gawin sa labas
D. Lalabas ng bahay na hindi man lang nagpaalam sa magulang.
9.Ano ang magandang maidudulot sa pagkakaroon ng mga mabuting kaibigan o kabarkada?
A. Lagi kang pagagalitan sa mga magulang.
B. Ang mga magulang ay hindi na magbibigay ng payo.
C. Ikaw ay magiging suwail na anak at palaban sa buhay
D. Ikaw ay magiging isang mabuting anak at makapagtapos sa pag-aaral
10.Bilang isang bata, ano ang maipapayo mo sa iyong kaibigan na may masamang gawain kasama ang ibang mga kaibigan?
A. Laging pumunta sa labas kahit hindi pinayagan.
B. Huwag nang lumabas at laging nakaselpon lamang.
C. Ituloy ang pagpunta sa labas kasama ang mga kaibigan.
D. Itigil na ang pakikisama sa mga kaibigan at makinig sa payo ng
mga magulang
D. Piliin ang wastong impormasyon na kailangan sa patlang ng bawat bilang upang mabuo ang balangkas.
11.
I. Ang Pagpapanatiling Malinis sa Kapaligiran
A. Pagtatanim ng mga punong kahoy
B. __________________________
A. Pagputol ng mga kahoy sa paligid.
B. Paglalagay ng mga plastic sa kanal.
C. Pagpitas ng mga magagandang bulaklak.
D. Paglalagay ng mga basura sa wastong lalagyan.
12.
I. Paraan ng Pagpapamamalas ng Paggalang sa nga Magulang
A. Pagmamano sa mga magulang
B. ________________________
I.Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto sa ibaba.Sagutin ang mga tanong.
Isang Takipsilim Kasama Sina Lola at Lolo
Ni: Liza M. Lubid
Hapon na ng dumating kami nina Lolo Raul at Lola Konsing sa kanilang kaparangan. Doon mo makikita ang iba’t ibang uri ng mga bulaklak na napapaligiran ng
makukulay na mga paru-paro. Sariwang hangin ang dumadampi sa musmos kong mga pisngi. Kahit hapon na ay damang-dama ko pa rin ang maaliwalas na araw.”Isang,
halika na apo bilisan mo ang pamimitas ng mga bulaklak baka aabutan pa tayo rito sa parang ng gabi. “sabi ni Lola Konsing kay Isang.”Lola, gustong- gusto ko talagang
pagmasdan ang paglubog ng araw,ang ganda kayang tingnan ang kulay ng araw sa paglubog nito” sagot naman ni Isang.” Ay ito talagang batang ‘to ang kulit-kulit., sige
hintayin natin ang lolo mo na namamastol sa kanyang baka’t kalabaw baka hinintay pa niyang mabusog ang kanyang mga alaga,” ang sabi ni Lola Konsing.
Sa bukana ng parang ay masayang pinagmamasdan ni Isang ang napakagandang takipsilim kasama ang kangyang Lolo’t Lola.”Sana Lolo at Lola ganito tayo
palagi pagsapit ng takipsilim, masaya nating pagmasdan ito habang tayo’y magkatabing naka-upo rito na sumisipsip ng sariwang katas ng buko”,sabi ni Isang.”Oo na -
man apo, malakas ka kaya sa amin ng lola mo palagi ka naming isasama rito at nang araw-araw ay pwede mong pagmasdan ang napakagandang takipsilim “sambit ni
Lolo Raul.
Umuwing masaya si Isang kasama sina Lolo Raul at Lola Konsing habang dala-dala niya ang sariwang bulaklak na iaalay sa Altar ng simbahan sa araw ng
Linggo.
29.Batay sa teksto,ano ang masayang pinagmamasdan ni Isang kasama ang kanyang
Lolo at Lola?
A. ulan
B. takipsilim
C. kaparangan
D. hardin ng bulaklak
30. Alin sa ibaba ang pinakamasayang karanasan ni Isang ?
A. Paglalaro sa parang.
B. Pamimitas ng bulaklak.
C. Pag-inom ng sariwang katas ng buko.
D. Pagmamasid ng takipsilim kasama ang kanyang lolo at lola.
31. Umuwing masaya si Isang kasama sina Lolo Raul at Lola Konsing habang dala-dala niya ang sariwang bulaklak na iaalay sa Altar ng simbahan sa araw ng Ling-
go.Ano kaya ang maaaring mararamdaman ni Isang pagdating sa bahay?
A. Malulungkot si Isang.
B. Magagalit si Isang sa kanyang lolo at lola.
C. Malulungkot na naman si Isang dahil tinatamad siyang magsimba.
D. Masayang magkukuwento si Isang sa kanyang mga magulang sa kanyang
karanasan kasama ang lolo at lola niya.
32.Tinawag ka ng inyong lola dahil may gusto siyang iutos sa inyo.Ano ang maaari mong isasagot sa iyong lola?
A. Opo, lola paparating na po ako.
B. Manigas ka diyan lola naglalaro ako.
C. Naku! Lola iutos mo iyan sa iba tinatamad ako
D. Halika ka rito lola hindi kita masyadong naririnig
Ang mga pangyayari sa ating paligid, pamayanan,lalawigan , sa bansang Pilipinas at sa buong mundo ay nakababahala na.Maraming mga pangyayari sa mundo
ngayon na hindi natin inaasahang mangyayari.Ilan sa mga ito ay ang nakahahawang COVID-19, biglaang paglindol at ang napakalakas na bagyo.Ang mga kalamidad ay
nakapipinsala sa maraming kabuhayan ng mga tao at maraming buhay ang nasawi.
33. Anong nakahahawang sakit ang lumalaganap ngayon?
A. TB
B. Malaria
C. Dengue
D. COVID-19
34. Ang kalamidad na nakapipinsala sa kabuhayan ng marami ay_______
A. sunog
B. bagyo
C. tsunami
D. pagputok ng bulkan
35. Batay sa teksto sa itaas, ano ang salitang naglalarawan sa mga napinsalang kabuhayan?
A. malaki
B. sagana
C. marami
D. kakaunti
36. Ayon sa teksto, anong salita ang mailalarawan mo sa kasalukuyang sitwasyon?
A. masaya
B. magulo
C. payapa
D. malungkot
J. Basahin at punan ang puwang sa sanaysay at tula ng nararapat na salita.
Pinakamahabang Pader sa Buong Mundo
Noong 200 B.C., dahil sa takot na lusubin ng mga 37.)________, itinayo ng mga taga-Tsina ang “Great Wall of China.” Sa pamumuno ni Emperor Shih Huang Ti,
libu-libong manggagawa ang naghirap upang maitayo ang pader sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang pader ay may habang 2,735 kilometro.
Ayon sa mga astronot na nakarating na sa kalawakan, ang pader na ito lamang ang
nakikita nilang palatandaan sa 38.)_________ na tila puting linya sa kalawakan.
37.
A. pader
B. mundo
C. kaaway
D. kalawakan
38.
A. pader
B. mundo
C. kaaway
D. kalawakan
Ilaw Ng Tahanan
Ni: Liza M. Lubid
Nanay, Ale,Ate at Lola mga babae sila
Babaeng disiplinada at 39.)_________
Sila ang gumagawa ng gawaing bahay
Katuwang ng mga tatay para mabuhay
Babae ako at hindi isang laruan
Na pweding iwanan kapag pinagsawaan
Kaya tayong mga kababaihan, dapat tayong maaasahan
Sa lahat nang oras maaaring maging 40.)_________
39.
A. marikit
B. kawili-wili
C. kaaya-aya
D. malungkot
40.
A. kasabihan
B. kanlungan
C. kagandahan
D. kalungkutan
SUSI SA PAGWAWASTO
1. B 21. D
2. A 22. A
3. D 23. D
4. D 24. A
5. D 25. D
6. D 26. B
7. D 27. C
8. B 28. A
9. D 29. B
10. D 30. D
11. D 31. D
12. D 32. A
13. B 33. D
14. A 34.B
15. D 35. C
16. A 36. D
17. D 37. C-kaaway
18. B 38. B-mundo
19. A 39. C-kaaya-aya
20. A 40. A-kanlungan