You are on page 1of 4

ZAMBOANGA NATIONAL HIGH SCHOOL WEST

R.T. Lim Boulevard, Zamboanga City


IKALAWANG MARKAHAN
FILIPINO 8
Pre-Test
Pangalan:_______________________________ Petsa:_______________
Baitang at Seksyon:_______________________ Marka:______________
Pangkalahatang Panuto: Basahin ang bawat tanong / pahayag at piliin ang tamang sagot. Isulat ang LETRA ng iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Alin ang nagsasaad ng pinakamahalagang kaisipan sa isang teksto?


A. Paksa B. pansuportang detalye C. Pangunahing ideya D. pamagat
2. Ano ang nagbibigy-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito nang lubos?
A. Paksa B. pansuportang detalye C. pamagat D. kaisipan
3. Isinasaad dito ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat o may-akda tungkol sa teksto?
A. Detalye B. mensahe C. Paksa D. pamagat
4. Ito ay maaring isang salita o parirala na nagsasaad kung tungkol saan ang teksto.
A. Detalye B. pamagat C. mensahe D. paksa
5. Isang teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa __________ng teksto.
A. Detalye B. mensahe C. paksa D. pamagat
6.Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng opinion?
A. Mahalaga ang dunong sa salapi. C. Sa tingin ko ay mahalaga ito.
B. Yumaman sila pagkat ginamit nila ang kanilang talino D. Mahalaga ang dunong ayon sa bibliya.
7.Sa dunong maaring yayaman ka ngunit sa yaman, tatalino ka ba? Ang pahayag na ito ay nagsasaad ng__
A. opinion B. Katuwiran C. Pagsang-ayon D. Pagsalungat
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pag-sang-ayon?
A. Sumalungat ako sa opinyon niya . C. Lubos akong naniniwala sa sinabi mo.
B. Maling-mali talaga ang iyong ginawa. D.Hindi ko matatanggap ang mga sinabi niya.
9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagsalungat?
A. Bilib ako sa sinabi mo C. Iyan din ang paniniwala ko.
B. Kasama mo ako sa desisyong iyan. D. Hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya.

Para sa bilang 10-13, Suriin ang sumusunod na mga talata at tukuyin kung alin ang pangunahing
kaisipan. Isulat ang tamang sagot sa patlang. Isulat ang titik lamang.

10. Maagang pumapasok sa paaralan si Tonyo upang makapag-review sa library. Tuwing magkakaroon ng oral
recitation ay palagi siyang nakakasagot. Kapag nakauwi mula sa paaralan ay agad niyang ginagawa ang kani-yang
mga takdang-aralin kung kaya mataas ang markang nakukuha ni Tonyo. Si Tonyo ay mabuting estudyante.
a. Maagang pumapasok si Tonyo c. Magalang si Patricia
b. Nakasasagot sa klase si Tonyo d. Mataas ang marka ni Tonyo

11. Si Patricia ay isang mabait na bata. Kapag nakipag-usap siya ay nakikitaan mo talaga ng paggalang. Sinusunod
niya rin ang payo ng kanyang mga magulang, guro at iba pang nakakatatanda sa kanya. Tinutulungan niya rin ang
kanyang mga magulang sa mga gawaing- bahay.
a. Matulungin na bata si Patricia c. Magalang si Patricia
b. Mabait na bata si Patricia d. Masunurin si Patricia

12. Napakagandang tingnan kung ang ating mga ngipin ay maputi. Kapag ito’y walang sira, tiyak na mabango ito.
Kapag araw-araw kang nagsisipilyo, tiyak na walang sasakit at walang masisirang ngipin. Kaya dapat talagang
mapangalagaan ang ating mga ngipin.
a. Maputing ngipin c. Pagsisipilyo ng ngipin
b. Mabangong ngipin d. Pangangalaga ng ating ngipin

13. Palaging nag-aaway ang aking mga magulang. Kung si papa ay matipid, mahilig namang gumasta ng pera si
mama. Mahilig din si mama na lumabas kasama ang mga kumare kahit gabi na, gusto ni mama ang “Sports” habang
si papa ay mahilig magbasa ng mga libro. Natatakot na baka maghiwalay sila.
a. Ang mga hilig ni papa c. Paghihiwalay ni papa at mama
b. Ang mga hilig ni mama d. Palaging nag-aaway ang aking magulang
Para sa bilang 14-17, punan ng wastong aspeto ng pandiwang bubuo sa diwa ng pangungusap. Isulat ang LETRA
sa sagutang papel.

14.( gising ) Maaga akong _______kahapon upang pumunta sa lugar na pagdarausan ng paligsahan.
A. ginising C. nagising
B. nagigising D. gumising

15. ( balik ) Mamaya ay __________ako roon upang ipasa ang nabuo kong tula.

A. binalik C. bumalik
B. babalik D. binabalik

16. ( basa ) Ngayon ay __________ ko itong muli upang matiyak na maayos na maayos ang pagkasulat nito.

A. ibabasa C. binabasa
B. babasa D. bumasa

17. ( hayag ) Bukas ay _________ na ang magwawagi sa paligsahan.

A. hayagan C. ihayag
B. ihahayag D. hinayag

Para sa bilang 18-20,Suriin ang katangian ng tauhan batay sa paraan ng kanilang pananalita o binitawang
pahayag. Isulat ang TITIK ng tamang sagot.

18. “ Anak, dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saka na papalitan.
Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi madaling kitain ang salapi.” Ang ama sa
pagkakataong iyon ay maituturing na:

A. Palasumbat C. mapagtanim ng galit


B. Mapagbintang D. mapagpaalala

19. “ Ayoko nang mag-aral, Inay. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganon
ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?” Ang anak ay:

A. Puno ng galit C. mapagmalaki


B. Mapagbintang D. maunawain

20. “ Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa iyong hinaharap.”
Ang Ina ay:

A. Maawain C. selosa
B. Magagalitin D. malupit

Inihanda ng :

Mga Guro sa Filipino 8


SUSI SA PAGWAWASTO

1. O 11. PA 21. C 31. C 41. E


2. K 12. PS 22. B 32. B 42. D
3. O 13. PA 23. D 33. C 43. G
4. O 14. PA 24. A 34. B 44. H
5. K 15. PS 25. D 35. C 45. I
6. C 16. PS 26. C 36. B 46. F
7. D 17. PS 27. C 37. D 47. J
8. D 18. PA 28. A 38. C 48. A
9. B 19. PS 29. C 39. A 49. C
10. C 20. PS 30. A 40. A 50. B

You might also like