You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DAVAO
Lungsod ng Davao

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3


UNANG KUWARTER
Taong Panuruan 2023-2024

Pangalan:_________________________________ Iskor:
Pangkat: __________________________________ Petsa: _______________

Pangkalahatang Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa


patlang.

Para sa mga bilang 1-3, Piliin ang angkop na pangngalan upang


mabuo ang pangungusap.
_____ 1. Tuwing araw ng Linggo, nagbibihis ng pansimba ang mag-
anak Pulvera. Sila ay pupunta sa __________.
A. simbahan C. dagat
B. palengke D. plasa
_____ 2. Namili kami ng gamit sa eskuwela gaya ng lapis, papel, at
_______ .
A. plato C. mangga
B. bolpen D. sasakyan
______3. Sumakay ng ___________ si Daniel papuntang lalawigan.
A. kariton C. dahon
B. kapitan D. bapor
Para sa mga bilang 4-5, basahin ang kuwento at sagutin ang
sumusunod na tanong.

Si Liza ay isang batang masipag mag-aral. Bago


siya matulog sa gabi muli niyang binabasa ang
leksiyon na itinuro ng kaniyang guro upang sa
kinabukasan ay makasagot at makasali sa talakayan
sa klase. Sa panahon ng eksamin, walang oras na

Pahina 1 sa 4
hindi nag-aaral si Liza dahil para sa kaniya
makatutulong ito upang makakuha ng mataas na
marka.
Hindi rin niya kinaligtaang tumulong sa kaniyang
mga magulang sa mga gawaing-bahay.

Pinagkunan: Filipino 3 Sanayang Aklat

_____4. Ano ang ugali ni Liza bilang mag-aaral?


A. matapat C. matiyaga
B. masipag D. matipid
_____ 5. Bakit lagi siyang nag-aaral ng leksiyon?
A. upang tumaas ang marka
B. para maging iskolar
C. para magkapera
D. upang sumikat

Para sa mga bilang 6-7, kilalanin ang mga bahagi ng aklat sa


ibaba.

_____ 6. _____ 7.

A. Pabalat A. Paunang Salita


B. Glosari B. Karapatang Sipi
C. Talaan ng Nilalaman C. Katawan ng Aklat
D. Indeks D. Pahina ng Pamagat

Para sa bilang 8, tukuyin ang isinasaad sa panutong nasa loob ng


kahon.

Pahina 2 sa 4
_____ 8. 1. Gumuhit ng bilog.
2. Isulat ang salitang Pilipino sa loob nito.

Pilipino
A. C. C.
bansa

B. Davao D. watawat

Para sa bilang 9, suriin ang tamang klaster na bubuo sa


pangungusap.
_____ 9. Nagmamaneho ng _____ si Mang Troy na ikinabubuhay ng
kaniyang pamilya. Alin ang salitang may klaster na angkop
sa pangungusap?
A. dyip C. eroplano
B. bisikleta D. trumpeta
Para sa mga bilang 10-11, piliin ang salita /pangungusap na wasto
ang pagkasulat.
_____ 10. Alin ang tamang baybay ng salitang nasa larawan?

A. processyon C. prosition
B. prusisyon D. prusition

_____ 11.
A. alkansiya C. alkansia
B. alakansya D. alkancia
Para sa mga bilang 12-13, piliin ang salita /pangungusap na wasto
ang pagkasulat.
_____ 12. A. jose rizal C. mang pablo
B. Aling Josefa D. lolo ereneo
_____ 13. A. Kumain kami ng hapunan sa karinderya ni mang kulas.
B. Kumain kami ng hapunan sa karinderya ni Mang Kulas.
C. kumain kami ng hapunan sa Karinderya ni mang kulas.
D. Kumain Kami ng hapunan sa Karinderya ni Mang
Kulas.
Para sa mga bilang 14-16, piliin ang wastong panghalip na
gagamitin sa bawat pangungusap.
Pahina 3 sa 4
_____ 14. Tinanong ni Ate Lucing ang kaniyang mga kapatid,
“_____ ba ang nakabasag ng mga paso sa hardin?”

A. kami C. sila
B. kayo D. tayo
_____ 15. Si Dianne ay aking kaibigan. _______ ay aking kasama
araw-araw sa paaralan.

A. Kami C. Sila
B. Siya D. Tayo
_____ 16. Sa malayo, makikita mo ang bahay na kulay asul.
_______ ang bahay nina Glen at Robby.

A. Ito C. Iyan
B. Iyon D. Doon
Para sa mga bilang 17-18, tukuyin ang wastong panghalip na
gagamitin sa bawat pangungusap.
_____ 17. Isang umaga, nasalubong mo ang iyong guro sa daan.
Ano ang sasabihin mo?
A. Magandang hapon po. C. Makikiraan po.
B. Magandang umaga po. D. Maraming salamat po.
_____ 18. Binigyan ni Lino ng tinapay si Tiyo Allan. Ano ang angkop
sabihin ni Tiyo Allan kay Lino?
A. Kumusta ka? C. Maraming salamat.
B. Walang anuman. D. Magandang umaga.
Para sa mga bilang 19-20, piliin ang titik ayon sa pagkalalarawan
ng bawat elemento ng kuwento.
_____ 19. Sila ang mga nagbibigay-buhay sa kuwento.
A. tauhan C. simula
B. tagpuan D. wakas
_____ 20. Ang panahon at lugar kung saan nangyari ang kuwento.
Maaaring ito ba ay panahon ng tag-ulan, tag-init,
umaga, tanghali at gabi, sa lungsod o lalawigan, sa
bundok o ilog.

A. tauhan C. simula
B. tagpuan D. wakas

Pahina 4 sa 4

You might also like