You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATAYA SA IKAAPAT NA KUWARTER


FILIPINO 1
S Y 2022 - 2023

PANGALAN: ___________________________________ISKOR: ________

PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang


bilang.

______ 1. Anong salita ang katugma ng plato?


A. bato
B. palaka
C. plaka
D. pusa
______ 2. Sa gabing mapanglaw, may buwan at mga bituin na
tumatanglaw. Anong salita ang magkatugma sa
pangungusap?
A. mga – at
B. gabing – may
C. buwan – bituin
D. mapanglaw – tumatanglaw

______ 3. Tumulong si Miko at Mika sa ________ ng


mga gulay kaya mabilis silang nakatapos sa gawain.
A. pagbalat
B. paghugas
C. pagkain
D. pagluto
______ 4. May pagsusulit si Katelyn kaya _______ siya ng
kaniyang mga leksyon.
A. nag-aral
B. nagkulay
C. naglaro
D. nagtapon

______ 5. Mabilis ______ si Kayser kaya napasali siya sa


Track and Field.
A. bumasa
B. kumain
C. lumangoy
D. tumakbo
______ 6. Ang dalawang mag-aaral ay magkasabay na umuwi.
Ano ang ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan?
A. magkaaway
B. magkagalit
C. magkahiwalay
D. magkasama
_______ 7. Nakatitig si Loren sa durog na balat ng saging. Ang
salitang nakatitig ay ________________.
A. nagtapon
B. nakapikit
C. nakatingin
D. nakikinig
______ 8. Malapit nang matuyo ang sinampay ni Aling Bella.
Maya-maya ay namuo ang makapal at madilim na
ulap. Bigla ring kumidlat. Ano kaya ang mangyayari?
A. Mabilis na matuyo ang sinampay.
B. Hindi na matutuyo ang sinampay.
C. Lalabhang muli ang mga sinampay.
D. Uulan at matatagalang matuyo ang sinampay.
______ 9. Nagpaalam si John na pumunta sa bahay ng
kaniyang kaklase. Sinabi niyang alas-tres ng hapon na
siya makakauwi. Masyadong naaliw si John sa
pakikipaglaro. Pagtingin niya ay mag-aalas-singko na ng
hapon. Ano ang gagawin ni John?
A. Pupunta pa siya sa isa pang kaibigan.
B. Magpapatuloy si John sa pakikipaglaro.
C. Hayaang maghintay si nanay sa bahay.
D. Magmamadali siyang uuwi ng bahay at hihingi ng
tawad kay nanay.
______ 10. Pumasok kami sa paaralan kahapon. Anong salita sa
pangungusap ang tumutukoy sa panahon?
A. kahapon
B. kami
C. paaralan
D. pumasok
______ 11. Mabilis na natapos ni Karlo ang kaniyang pagsusulit
kanina. Anong salita sa pangungusap ang tumutukoy
kung paano tinapos ni Karlo ang kanyang pagsusulit?
A. kanina
B. Karlo
C. mabilis
D. pagsusulit

PANUTO: Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro at


sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra sa
patlang bago ang bilang.

______ 12. Sino ang magkaibigan sa kwento?


B. Vic at Ric
B. Ric at Ricky
C. Rey at Edu
D. Moymoy at Kokoy
______ 13. Ano ang naramdaman ni Moymoy nang ang nanalo sa
paligsahan ay ang kaniyang kaibigan?
A. malungkot
B. masaya
C. mayabang
D. nagalit
______ 14. Ano ang tamang pagsulat sa pangalan ni milagros?
A. milagros
B. mILagros
C. milagroS
D. Milagros
______ 15. Ito ay isang uri ng hayop na makikita sa
bukid. Ano ito? Piliin ang tamang pagkakasulat ng
pangalang pambalana ng larawan.
A. Kalabaw
B. kalabaw
C. kalaBAW
D. KALABAW

______ 16. Siya ay isang mag-aaral na babae sa unang


baitang. Paano kaya ang tamang pagsulat ng
kaniyang pangalan?
A. nena dela cruz
B. Nena Dela Cruz
C. Nena dela cruz
D. Nena DELA CRUZ
______ 17. Ang mga tulong na pagkain ay iniabot _______ nanay
at tatay. Anong pang-ukol ang dapat gamitin?
A. kay
B. kina
C. ayon kay
D. para kay
______ 18. _____________ Dr. Gonzales, palagiang maghugas ng
kamay upang makaiwas sa sakit. Anong pang-ukol ang
iyong ilalapat sa pangungusap?
A. para sa
B. Ayon kay
C. para kina
D. Ayon kina
______ 19. Ang mga damit at sapatos ay ___________ mga mag-
aaral na manlalaro ng ating paaralan. Alin sa mga
sumusunod ang ilalagay na pang-ukol upang mabuo
ang pangungusap?
A. para sa
B. ayon sa
C. para kay
D. tungkol sa
______ 20. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin bago ka
lumabas ng silid-aralan?
A. Isara ang mga bintana.
B. Magpunas ng mga mesa.
C. Mag-ayos ng mga gamit mo.
D. Maglaro sa loob ng silid-aralan.
______ 21. Paano mo malalaman kung ang pagkain ay mainit pa?
A. Tanggalin ang takip at amuyin ito.
B. Tikman mo ang pagkain agad-agad.
C. Tingnan lamang ito at huwag pansinin.
D. Haplusin mo ito gamit ang iyong kamay.
______ 22. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng tamang
pagsunod sa panutong ito? Isulat ang pangalan sa
loob ng hugis puso na kulay pula.

Paul

A. C.

Paul
Paul
B. D.

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga letra sa ibaba tungkol sa


mga larawan. Isulat ang buong pangungusap ng iyong
sagot sa patlang.

23. ____________________________________________________
A. Namumulot ng basura ang bata.
B. Masayang naglalaro ang batang babae.
C. Ang batang lalaki ay nagtatapon ng basura.
D. Ang batang babae ay nagtatapon ng basura.

24. ___________________________________________________
A. Nakahiga si lola.
B. Si lolo ay nagpapahinga.
C. Nakaupo sa tumba-tumba si lola.
D. Kumakain si lola sa tumba-tumba.

25. ________________________________________________
A. Ang bata ay natutulog.
B. Ang bata ay naglalaba.
C. Ang bata ay naghuhugas ng plato.
D. Ang bata ay nagliligpit ng kaniyang higaan

You might also like