You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATAYA SA IKAAPAT NA KUWARTER


FILIPINO 5
S Y 2022-2023

PANGALAN: ___________________________________ ISKOR: __________

Para sa bilang 1-4


Panuto: Basahin ang teksto at ibigay ang mabuti at masamang dulot ng
paggamit ng social media gamit ang dayagram. Punan ng angkop na sanhi
at bunga ang mga kahon kaugnay ng sinundang detalye. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

Marami sa mga kabataan ngayon ang nahihilig sa paggugol ng


kanilang oras sa social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram,
Youtube, at marami pang iba. Ito ay maaaring magdala ng kabutihan o
kasamaan sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa puntong ito, ikaw
ay magbibigay ng maraming dahilan ng paggamit ng social media at ang
maaaring epekto nito sa iyong buhay.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

Para sa bilang 1
A. Magiging sikat sa mga kaibigan.
B. Tataas ang bilang ng likes sa Facebook post.
C. Maaaring mapahamak sa mga masasamang loob.
D. Magkakaroon ng maraming kaibigan sa Facebook.

Para sa bilang 2
A. Nahuhuli sa pagpasok sa paaralan.
B. Maagang nakapapasok sa paaralan.
C. Matataas ang mga marka sa mga pagsusulit.
D. Masiglang nakalalahok sa mga gawain sa klase.

Para sa bilang 3
A. Hindi gumagamit ng gadgets.
B. Nakikinig ng musika mula sa radio.
C. Nagbabasa ng mga aklat sa libreng oras.
D. Nauubos ang oras sa paglalaro ng video games.

Para sa bilang 4
A. Kumukopya ng mga takdang-aralin sa internet.
B. Kumukopya ng mga takdang-aralin sa kamag-aral.
C. Nagpapagawa ng takdang-aralin mula sa magulang.
D. Sinisikap gumawa ng takdang-aralin mula sa sariling kakayahan.

Para sa bilang 5-7. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa
pagsasalaysay ng balita.

5. Ginunita ang ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa buong


kapuluan noong Hunyo 12, 2023.
A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos

6. Ngayong panahon ng tag-ulan, mahalagang tandaan ang 4S kontra


Dengue.
A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos

7. Kailan ipinagdiwang ang 125th Founding Anniversary ng DepEd?


A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos

Para sa bilang 8-11. Basahin ang teksto ng debate at sagutin ang mga
tanong tungkol dito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

Epekto ng Mahabang Oras sa Paggamit ng Gadyet,


Mabuti o Hindi Mabuti?
Tagapamagitan: Karaniwan na sa mga kabataan ngayon ang
nahuhumaling sa paggamit ng gadyet. Mas mahaba ang kanilang oras sa
paggamit nito kaysa sa paggawa ng ibang gawain. Mabuti ba o hindi
mabuti ang epekto ng mahabang oras sa paggamit ng gadyet? Pakinggan
natin ang dalawang panig.
Mabuti: Ang paggamit ng gadyet ay malaking tulong sa mga kabataan
upang malinang ang kakayahan nila sa paggamit ng teknolohiya. Nasa
makabagong panahon na tayo at halos lahat ng mauunlad na bansa ay
dahil sa teknolohiya. Kaya sa mga kabataan, marapat lamang na
paglaanan nila ng mahabang oras ang paggamit ng gadyet. Linangin ang
sarili sa paggamit ng teknolohiya.
Hindi Mabuti: Marami ang hindi mabuting epekto ng mahabang oras sa
paggamit ng gadyet. Ang mga kabataan ay hindi na nalilinang ang
kanilang katawan pagdating sa larangan ng palakasan sapagkat nasa
loob na lamang sila ng kanilang bahay. Marami ang nakararanas ng iba’t
ibang karamdaman dahil sa sobrang oras sa paggamit ng gadyet. Sinisira
nito ang kalusugan ng isang tao pati na rin ang pag-aaral ng mga
kabataan.

8. Nasa makabagong panahon na tayo at halos lahat ng mauunlad na bansa


ay dahil sa teknolohiya. Anong kayarian ng pangungusap na ito ang ginamit
sa debate?
A. hugnayan B. langkapan C. payak D. tambalan

9. Marami ang hindi mabuting epekto ng mahabang oras sa paggamit ng


gadyet. Anong kayarian ng pangungusap ito?
A. hugnayan B. langkapan C. payak D. tambalan

10. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng hugnayang pangungusap?


A. Linangin ang sarili sa paggamit ng teknolohiya.
B. Sinisira nito ang kalusugan ng isang tao pati na rin ang pag-aaral
ng mga kabataan.
C. Karaniwan na sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling sa
paggamit ng gadyet.
D. Marami ang nakararanas ng iba’t ibang karamdaman dahil sa
sobrang oras sa paggamit ng gadyet.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

11. Aling pangungusap ang maaaring gamitin sa pakikipag-debate kung ang


pag-uusapan ay tungkol sa pagkakaroon ng katarungan?
A. Mahal ko ang aking pamilya.
B. Sa araw na ito, nagluto ako ng adobo para sa aming tanghalian.
C. Sa aking palagay, dapat bigyan ng katarungan ang mga inaapi.
D. Nais kong malaman kung ano ang susunod na mangyayari sa
kuwento.

Para sa bilang 12-14. Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong
tungkol sa paniniwala ng may-akda sa isang isyu.

Nakalilibang ang Paghahalaman


Noong panahon ng pandemya ay masidhi ang stress at tensiyon ng bawat
tao dulot ng sobrang pag-iisip tungkol sa ating kalagayan.
Upang maiwasan ang suliraning ito, marami ang naaliw sa
paghahalaman. May mga nagtanim ng mga halamang namumulaklak, halamang
pampalamuti sa bahay, at mga halamang gulay tulad ng okra, kangkong,
kamatis, at iba pa. Kung wala namang espasyo sa likod o harapan ng bahay,
gumamit sila ng mga basyong lata, gulong, o sako. Nilagyan ng lupa at
tinaniman. Nakawawala ng problema kapag makita mong tumutubo at
namumulaklak na ang mga tanim. Talagang nakalilibang at nakaaaliw ang
gawaing ito at nakalilimutan mo ang iyong problema.
Simulan mo na!
Marilou D. Delorino, Guro, Catarman I Central School

12. Anong isyu ang binanggit ng may-akda?


A. isyu ng digmaan C. isyu ng kalungkutan
B. isyu ng kahirapan D. isyu ng pandemya

13. Ano ang paniniwala ng may-akda sa paghahalaman?


A. Magastos ang paghahalaman.
B. Maaring kumita sa paghahalaman.
C. Nakalilibang at nakaaaliw ang paghahalaman.
D. Para lamang sa may malawak na espasyo sa likod-bahay ang
paghahalaman.

14. Kung ikaw ang may-akda, ano ang imumungkahi mo sa paglutas ng


suliranin?
A. Huwag sumunod sa mga protocol.
B. Sumama sa magulang sa paghahanapbuhay.
C. Makipaglaro sa mga kaibigan upang hindi malungkot.
D. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain sa bahay gaya ng
paghahalaman.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

Para sa bilang 15-18. Basahin ang sumusunod na suliranin sa tahanan.


Piliin at isulat ang letra ng pinakatamang solusyon sa bawat bilang.

15. May ginagawa sa kusina ang iyong ina. Biglang umiyak at nagising ang
nakababata mong kapatid.
A. Tatawagin ko si Nanay.
B. Aalagaan ko muna siya.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Pagagalitan ko ang aking kapatid.

16. Maagang natulog ang iyong kuya dahil masama ang kaniyang
pakiramdam subalit kailangan mong mag-aral para sa inyong pagsusulit
kinabukasan.
A. Mag-aaral ka sa tabi niya.
B. Hindi ka na lang mag-aaral.
C. Sa labas ka na muna ng kuwarto mag-aaral.
D. Matutulog ka muna at hihintaying siyang gumaling.

17. Walang maibigay sa iyo na perang pambaon sa paaralan. Kailangang


bayaran muna ang kuryente.
A. Mangungutang ako sa kaklase.
B. Hindi na ako papasok sa paaralan.
C. Magbabaon ako ng pagkain para sa recess.
D. Magmamakaawa ako na bigyan kahit magkano.

18. Kalahok ka sa isang pagtatanghal sa paaralan. Luma na ang sapatos mo


kaya nahihiya kang isuot ito sa programa. Nais mo sanang magpabili ng
bagong sapatos subalit hindi pa sumusweldo ang iyong ama.
A. Pagtitiisan ko ang lumang sapatos.
B. Hindi na ako sasali sa pagtatanghal.
C. Papagalitan ko ang tatay na dapat bumili ng sapatos.
D. Pakikiusapan ko ang aking tatay na mangutang muna.

Para sa bilang 19-21. Basahin at unawain ang sumusunod na


dokumentaryo. Paghambingin ang dalawang dokumentaryo sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong pagkatapos nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

Reporter's Notebook: Burak at Basura


Dokumentaryo nina Maki Pulido at Jun Veneracion
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa fastest growing economy sa Asya
pero ang Pilipinas ay isa rin sa may pinakamataas na bilang ng mga
mahihirap

sa rehiyon. Nasa dalawampu’t tatlong milyong Pilipino ang nanatiling mahirap.


Kabilang na rito ang pamilya ni Jun Jun, 12 taong gulang.
Dikit-dikit dati ang mga bahay sa Brgy. Tonsuya, Malabon pero sa isang
iglap ay nasunog ang karamihan sa mga bahay rito. Sa marumi at masukal na
ilog makikitang sumisisid ang batang si Jun Jun. Kasama ang kaniyang pamilya
sa mahigit isang libong pamilya na nawalan ng tirahan matapos ang sunog.
Nangangalakal siya sa ilog ng kahit anong puwedeng maibenta. Kailangan daw
niyang makaipon ng perang pampatayo muli ng kanilang nasunog na tirahan.
Sa dumi ng tubig ay halos wala ng makita sa ilalim nito. Lakas ng baga at tibay
ng dibdib ang puhunan niya sa gawaing ito.
Pagkatapos lumusong ni Jun Jun ay inaayos na niya ang mga nakuhang
kalakal kasama na mga naipon niya sa mga nagdaang araw. Binitbit niya ang
mga ito upang ibenta sa junk shop. Umabot sa limampu’t anim na piso ang
pinagbentahan niya sa mga naipong kalakal.
Ang kahirapan ng buhay ang nagtulak sa kagaya ni Jun Jun para
maagang magbanat ng buto. Hindi kalayuan sa kaniyang nilalanguyan ay
marami ring mangangalakal ang nagbabakasakali sa suwerteng hatid ng ilog na
puno ng basura.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

Brigada: 'Batang Quiapo,' nagtitinda para makabalik sa eskuwela


Dokumentaryo ni Chino Gaston
Ang Quiapo ay ang sentro ng pananampalataya sa gitna ng magulong
mundo ng Kamaynilaan. Dalawang uri ng kamusmusan ang makikita rito. Ang
una, mga batang mura pa ang mga isipan at makikitang naglalaro. Pangalawa
naman ay mga musmos pa lamang na namulat na sa kahirapan ng buhay.
Hindi almusal kundi trabaho ang bumubungad sa 14 na taong gulang na
si Aron. Kailangan niyang magtinda ng mga kuwintas ng Nazareno upang
pambili ng pagkain. Sampung taon pa lamang siya nang lumuwas sila ng
kaniyang lola mula sa Bulacan patungong Maynila upang makasama ang
kaniyang ina. Sa kasamaang palad, pumanaw ang kaniyang lola at lumayas siya
sa kanila dahil di- umano sa pambubugbog ng kaniyang amain. Sa ngayon,
hindi niya alam kung nasaan ang kaniyang ama at ang Quiapo na ang
nagsisilbing kanlungan niya.
Dahil kaunti lamang ang kinita nila sa pagtitinda, napilitan ang kanilang
grupo na mamalimos na lamang pandagdag sa pambili ng makakain. Sa bawat
limos na kanilang nahihingi ay pinagsasama-sama nila ito upang may pambili
ng hapunan. Umabot sa pitumpu’t apat na piso ang naipon ng kanilang grupo at
ipinambili ng tatlong order ng kanin at isang order ng pansit kanton.
Maaga mang namulat sa kahirapan ng buhay ang mga musmos na
kagaya ni Aron at ng iba pang batang Quiapo ay nananatili pa rin ang pag-asang
darating

ang bagong umaga na magigising sila sa mas maginhawang buhay at


matutupad ang kanilang mga pangarap.

19. Ano pagkakapareho sa paksa ng dalawang dokumentaryong nabasa?


A. malnutrisyon
B. kahirapan ng buhay
C. kawalan ng edukasyon
D. kawalan ng hanapbuhay

20. Bilang isang kabataan, paano namulat ang iyong kamalayan matapos
mabasa ang dalawang dokumentaryo?
A. gumawa ng kabutihan sa kapuwa
B. kailangang mag-aral nang mabuti upang buhay ay bumuti
C. Mas mahalaga ang pagiging madiskarte kaysa sa edukasyon.
D. Matutong maghanapbuhay sa murang edad upang makatulong sa
pamilya.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

21. Paano makatutulong ang pamahalaan upang malutas ang mga suliranin
sa dokumentaryong nabasa?
A. Bigyan ng ayuda ang mga mahihirap.
B. Lumikha ng pansamantalang hanapbuhay.
C. Dagdagan ang 4Ps kahit hindi karapat-dapat ang mga benepisyaryo.
D. Pag-ibayuhin ang mga programa sa pabahay para sa mga
mahihirap.

Para sa bilang 22-23. Basahin at unawain ang teksto. Ibigay ang buod sa
pamamagitan ng pagkompleto ng nawawalang salita upang mabuo ang
kaisipan o pangungusap.

Bilanggo ng Isipan
(David 2018)
Si Lola Alyn ay apatnapu’t pitong taon. Ganito katagal silang ikinadena
ng kanilang mga pamilya sa Leyte nang dahil sa sakit sa pag-iisip.
Labing-pitong taong gulang lang noon si Lola Alyn nang lumuwas sa
Maynila para magtrabaho. Pero nang umuwi sa Leyte, tila may problema na raw
ito sa pag-iisip. Ano nga ba ang sinapit ni Lola Alyn sa Maynila at bakit nawala
siya sa katinuan? Para hindi magpalaboy at kutyain ng iba … ikinadena siya sa
loob ng isang maliit na kubo sa nakalipas na apatnapu’t pitong taon. Ang
kapatid na si “Juanito”, hindi nakapagasawa at hindi nakabuo ng sariling
pamilya para lang maalagaan ang matanda.
22. Si Lola Alyn ay lumuwas sa ________ para magtrabaho.
A. Antique B. Bulacan C. Maynila D. Tarlac

23. Inalagaan siya ng kaniyang ________ na si Juanito.


A. kabiyak B. kaibigan C. kapatid D. lolo

Para sa mga bilang 24-27. Basahin ang naging panayam ng mga mag-aaral
kay G. Agustin, ang punongguro ng Mababang Paaralan ng San Pedro.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

Elison: Magandang hapon po G. Agustin.


G. Agustin: Magandang hapon rin sa inyo mga bata at ako ay natutuwa sa
inyong pagpunta sa aming paaralan.
Geena: Kami po ay naririto upang malaman ang mga programa ng
inyong paaralan kung bakit napakalinis at napakaganda nito.
G. Agustin: Ang nakikita kong dahilan ng kaayusan at kalinisan ng aming
paaralan ay ang pagtutulungan ng mga guro, mga magulang at
mag-aaral sa pagpapapaganda at pagpapanatili ng kalinisan.
Reynel: Ang husay po! Kaya pala nakikita namin na masigasig ang mga
mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
G. Agustin: Dahil sa pagtutulungan ng lahat, napapanatili namin ang
kagandahan at kalinisan ng aming paaralan.
Maribel: Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa aming panayam.

24. Aling pangungusap ang nasa payak na kayarian?


A. Magandang hapon po G. Agustin.
B. Magandang hapon rin sa inyo mga bata at ako ay natutuwa sa
inyong pagpunta sa aming paaralan.
C. Dahil sa pagtutulungan ng lahat, napapanatili namin ang
kagandahan at kalinisan ng aming paaralan
D. Kami po ay naririto dahil nais naming malaman ang mga programa
ng inyong paaralan kung bakit napakalinis at napakaganda nito.

25. Aling pangungusap ang nasa tambalang kayarian?


A. Ang husay po!
B. Magandang hapon po G. Agustin.
C. Magandang umaga rin sa inyo mga bata at ako ay natutuwa sa
inyong pagpunta sa aming paaralan.
D. Kami po ay naririto upang malaman ang mga programa ng inyong
paaralan kung bakit napakalinis at napakaganda nito.

26. Aling pangungusap ang nasa hugnayang kayarian?


A. Ang husay po!
B. Magandang hapon po G. Agustin.
C. Magandang umaga rin sa inyo mga bata at ako ay natutuwa sa
inyong pagpunta sa aming paaralan.
D. Kami po ay naririto upang malaman ang mga programa ng inyong
paaralan kung bakit napakalinis at napakaganda nito.

27. Sa pangungusap na Dahil sa pagtutulungan ng lahat, napapanatili


namin ang kagandahan at kalinisan ng aming paaralan, anong kayariang ng
pangungusap ito?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

A. hugnayan B. lansakan C. payak D. tambalan

Para sa bilang 28-30. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang


ginamit sa pagkilatis ng isang produkto.

28. Naghahanap ka ba ng sabong pampaputi?


A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos

29. Bumili na kayo ng sabong pampaputi. Pumunta sa tindahan at bumili


ng Makinis Soap.
A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos

30. Mabango at malambot sa balat. Ang Makinis soap ay pawang natural


lamang.
A. padamdam B. pasalaysay C. patanong D. pautos

Para sa bilang 31-35. Basahin ang sumusunod na talata at tukuyin ang


pinakaangkop na maaaring mangyari sa bawat sitwasyon gamit ang iyong
dating karanasan/kaalaman.

31. Mabait at matulunging bata si Lisa. Maging ang kaniyang mga kapatid
ay iniidolo siya. Nangunguna rin siya sa klase. Siya ang palaging
ipinapadala ng kanilang paaralan sa mga tagisan ng talino. Isang araw, sa
araw ng timpalak, masama ang pakiramdam ni Lisa.
A. Binilhan siya ng guro ng pagkain.
B. Pumunta sila ng kaniyang ina sa parke.
C. Sinamahan muna si Lisa ng kaniyang guro sa clinic.
D. Naglakad si Lisa papunta sa pinakamalapit na mall.

32. Masama na ang pakiramdam ni Angel nang umuwi mula sa trabaho.


Gayunman, nagluto siya ng hapunan para sa asawa at maliliit na mga anak
na masayang naglalaro sa sala. Naghahanda siya ng mesa nang
maramdaman niyang umiikot ang mga bagay sa paligid. Noon nama’y
papasok sa kusina ang panganay niyang anak para sabihing gutom na sila.
Nakita niyang unti-unting bumagsak ang kaniyang nanay.
A. Tumakbo palabas ng bahay ang kaniyang anak at bumili ng pansit.
B. Agad siyang inalalayan ng kaniyang anak at pinaupo sa upuan.
C. Hindi na nakaimik ang kaniyang anak sa napanood na balita.
D. Sumigaw ang kaniyang anak na wala na silang tubig.

33. Madalas na umiiyak si Shaina. Halos sumuko na siya sa tuwing


naririnig ang di-magandang puna ng hurado tungkol sa kaniyang pag-awit.
Gayunpaman, tinatagan niya ang kaniyang loob. Ipinangako niya sa sariling
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

pagbubutihan pa sa susunod nilang paghaharap ng limang finalists sa


timpalak. Kaya naman wala siyang sinayang na sandali. Nagsanay siya
nang nagsanay. Hanggang sumapit ang gabi ng pagpili ng tatanghalin na
The Voice Teens Champion.
A. Nagtanghal siya sa plasa.
B. Umuwi si Shaina ng bahay at nagluto ng lugaw.
C. Kabadong-kabado si Shaina sa paparating niyang kaarawan.
D. Mahusay ang ginawang pagtatanghal ni Shaina kaya siya ang
nagwagi.

34. Naging napakahirap ng buhay ni Bryan mula nang siya ay maulila sa


mga magulang. Wala siya ni isang kamag-anak na maaaring kumupkop sa
kaniya. Kalye ang naging tahanan at nabuhay siya sa pagtitinda ng diyaryo.
Isang araw habang siya ay naglalakad, anong gulat niya nang ihagis sa
kaniya ang isang bag ng isang nagmamadaling lalaki. Agad siyang nagkubli
at nagmasid sa paligid. Maya-maya _____________.
A. bumalik ang lalaki at sumayaw
B. nanginginig at naiihi na sa takot si Bryan
C. dahan-dahang lumabas si Bryan at tiningnan ang laman ng bag
D. may mga tao sa paligid at nag-uusap tungkol sa pagbukas ng klase

35. Nawalan ng kuryente dahil sa walang patid na buhos ng ulan. Umaga


na ay hindi pa rin tumitila ang pag-ulan. Unti-unti nang tumataas ang tubig
sa kalsada. Sinabi ng iyong ina na tatama ang bagyo sa inyong lalawigan.
A. maglalaro sa labas ng bahay
B. papasok pa rin kahit baha na sa paligid
C. maliligo sa ulan kasama ng mga kaibigan
D. mananatili sa bahay kasama ng mga kapatid

Para sa bilang 36-39. Piliin ang tamang salita upang mabuo ang
komposisyon.

36. Mahalagang magamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng


sariling ________.
A. karanasan B. komposisyon C. salita D. teksto

37. Makinig nang _______ at unawain ang bawat detalye ng tekstong


napakinggan at nabasa upang magkaroon ng ideya sa paggawa ng sariling
komposisyon.
A. karanasan B. komposisyon C. mabuti D. teksto

38. Maging bukas ang isip sa babasahing ______ upang mailagay ang sarili
sa sitwasyon.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

A. karanasan B. komposisyon C. salita D. teksto

39. Itala ang mga bagong natutuhang ______ upang magkaroon ng pang-
unawa sa teksto.
A. karanasan B. komposisyon C. salita D. teksto

Para sa bilang 40-43. Gamitin ang grap para masagot ang sumusunod na
tanong.

40. Anong buwan ang may pinakamataas na konsumo ng kuryente ni Gng.


Ducos?
A. Agosto B. Mayo C. Hunyo D. Oktubre

41. Magkano ang binayarang bill ng kuryente sa buwan ng Oktubre?


A. 600 B. 700 C. 800 D.1000

42. Aling buwan ang magkapareho ang konsumo ng kuryente?


A. Hunyo at Agosto C. Mayo at Hunyo
B. Hulyo at Agosto D. Hulyo at Setyembre

43. Magkano ang binayaran ni Gng. Ducos sa kuryente mula Mayo


hanggang Oktubre?
A. P1,800.00 B. P2,460.00 C. P2,660.00 D. P4,600.00

Para sa bilang 44-47. Piliin ang angkop na balita mula sa larawan.

44.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

https://balita.net.ph/

A. Dumalo sa parada ang mga Pulis Maynila.


B. Nakiisa sa Oplan kalinisan ang mga Pulis Maynila.
C. Nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga Pulis Maynila.
D. Lumikas ang mga pulis na nakatalaga sa Manila Police District
(MPD) headquarters sa Maynila matapos maramdaman ang pagyanig.

45.

https://www.philstar.com/
A. Natulog sa paaralan ang mga kalahok sa Family Day.
B. Idinaos ang BSP Camping sa mga paaralan sa Batangas.
C. Nagkaroon ng Retreat ang mga magulang sa paaralan ng San
Pedro.
D. Lumikas ang kulang apat na libong residente dulot ng pag-alburoto
ng Bulkang Mayon ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster
Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
46.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

https://www.sbs.com.au/

A. Nagdaos ng swimming lesson ang Barangay Angeles.


B. Naglinis ng kanal ang mga kasapi sa Sangguniang Barangay.
C. Nakiisa sa Clean and Green Program ang mga residente ng
Barangay Luna.
D. Ilang probinsya sa Pilipinas, lubog pa rin sa baha dahil sa
masamang panahon.

47.

RTVMalacanang

A. Nagpahatid ng ulat si PBMM sa mamamayang Pilipino.


B. Nangampanya si Bongbong Marcos sa lalawigan ng Ilocos.
C. Nagpunta sa ibang bansa si PBMM upang manghikayat ng mga
dayuhang mamumuhunan.
D. Pinangunahan ni PBMM ang pagdirawang ng Araw ng Kalayaan
mula sa Quirino Grandstand.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON

48. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop kung dudugtungan mo ang


iskrip?
Host 1: Oras po natin, alas-onse singkuwenta nang umaga.

A. Nasunog ang palengke sa bayan ng San Luis.


B. Nakalipat na ng tirahan ang magkapatid na sina Farida at Faisal.
C. Ang mga balitang itinampok sa araw na ito ay mula sa Radyo
Balita Ngayon.
D. Sila ay pumapasok na sa isang pampublikong paaralan na
matagpuan sa kanilang bagong pamayanan.

49. Dugtungan ng angkop na pangungusap ang iskrip sa ibaba.


Host 1: Magandang umaga po sa lahat. Ako po si Melvin Hermoso
Host 2: ______________________________.

A. Maraming salamat po.


B. Magandang gabi bayan!
C. At ako naman si Perla Bautista.
D. Magandang tanghali mga tagapakinig.

50. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na simula ng iskrip?


A. Sa mga detalye ng mga balita.
B. Maraming salamat po sa inyong pagsubaybay.
C. Magbabalik ang balitaan makalipas ang ilang paalala.
D. Naririto naman po ang Radyo Balita ngayon upang maghatid ng
mga sariwa at maiinit na balita ngayong tanghali.

You might also like