You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

Unang Markahang Pagsusulit


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
SY 2023-2024

Pangalan: _______________________________________ Marka: ______________


Pangkat:______________________________ Lagda ng magulang: _______________

PANUTO: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mapagkuhanan ng impormasyon na


makakapagpalawak ng ating isipan?
A. Diyaryo B. Komiks C. Pabula D. Pocketbooks

2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tradisyunal na media MALIBAN sa isa, ano ito?
A. Diyaryo B. Pelikula C. Radyo D.Social Media

3. Panahon na naman ng bagyo at kasalukuyang malakas ang ulan sa inyong lugar,


nawalan din ng suplay ng kuryente. Ano ang iyong gagawin para malaman ang lagay
ng panahon?
A. Maglalaro sa labas at maliligo dahil malakas ang ulan.
B. Lalabas ng bahay at makipagkwentuhan sa kapit-bahay.
C. Matutulog nalang at hindi na aalamin ang lagay ng panahon.
D. Bubuksan ang de-bateryang radyo at makikinig ng anunsyo o balita tungkol sa
lagay ng panahon.

4. Nabasa mo sa facebook na walang pasok sa darating na ika- 03 ng Nobyembre 2023.


Ano ang iyong gagawin?
A. Maniniwala agad sa iyong nabasa.
B. Hindi papasok sa paaralan dahil ito ang nabasa mo sa facebook.
C. Ipagkakalat sa mga dating kaklase ang iyong nabasa para hindi rin sila
pumasok.
D. Itatanong sa guro kung tama ba ang impormasyong nabasa sa facebook dahil
alam mong marami ang naglalabasan na fake news.

5. Habang ikaw ay naglalakad papasok sa inyong paaralan, narinig mo na nag-uusap ang


dalawang babae tungkol sa inyong kapitbahay na kasalukuyang masama ang
pakiramdam. Pinagkakalat ng dalawang babae na ang inyong kapitbahay ay infected
ng Covid-19 kahit na ito ay hindi pa naman napapatunayan. Ano ang iyong gagawin?
A. Lalapitan sila para makapakinig ng mabuti.
B. Sisigawan ang dalawang babae na hindi tama ang kanilang ginagawa.
C. Maniniwala sa kanila at hindi na lalapitan at kakausapin ang inyong kapitbahay.
D. Hindi agad maniniwala at sisiguraduhin muna kung tama ang narinig na
impormasyon tungkol sa inyong kapitbahay.

6. Ano ang naitutulong ng panonood ng programa, pakikinig ng impormasyon, at


pagbabasa ng diyaryo?
A. nakakahina ng isipan
B. nakakalibang ng isipan
C. nakakatamad ng isipan
D. nakakapagpalawak ng isipan

7. Ano ang nararapat gawin sa mga babalang ibinabalita sa telebisyon, radyo, at diyaryo?

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

A. Sarilihin ang babala.


B. Maghanap ng ibang panoorin.
C. Hahayaan na lamang at huwag papansinin.
D. Ibahagi sa iba ang babalang nakalap upang makapaghanda.

8. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng masamang epekto sa murang isipan ng


mga batang katulad mo?
A. pakikinig ng radyo.
B. panonood ng balita.
C. pagbabasa ng diyaryo
D. panonood ng malalaswang panoorin.

9. Hindi lahat ng ating nababasa sa internet ay totoo at tama. Ano ang hindi natin dapat
gawin upang maipakita ang matalinong paggamit ng internet at teknolohiya?
A. Maniwala agad sa mga nababasa sa internet
B. Dapat maging mapanuri sa pinapasok na site o blogsite
C. Alamin ang mga lehitimo at mapagkakatiwalaang website
D. Huwag hayaan ang sarili na abusuhin ang paggamit ng teknolohiya

10. Habang ikaw ay nagwawalis sa likod ng inyong silid-aralan ay nakita mo ang dalawa sa
iyong mga kamag-aral na mayroong hawak na malaswang babasahin na hindi angkop
sa mga bata. Ano ang iyong gagawin?
A. Sisigawan ang dalawang kamag-aral.
B. Lalapit at kukunin sa kanila ang malaswang babasahin.
C. Makikisama sa kanila na magbasa ng malaswang babasahin.
D. Kakausapin sila ng mahinahon at ipapaliwanag na hindi tama ang kanilang
ginagawa.

11. Kasalukuyan kang gumagawa ng iyong takdang aralin nang biglang tumunog ang
iyong cellphone dahil sa isang mensahe at mabilis mo itong binuksan at binasa ang
nilalaman ng mensahe “Congatulations! Ikaw ang maswerteng napili naming bigyan ng
malaking halaga”.Sa ilalim ng mensahe ay mayroong link. Alam mo sa iyong sarili na
wala kang sinasalihang raffle. Ano ang iyong gagawin?
A. Kaagad na rereplayan ang nagpadala ng mensahe.
B. Ibabalita sa mga kaibigan ang iyong natanggap na mensahe.
C. Pipindutin kaagad ang link para malaman kung paano makukuha ang malaking
halaga.
D. Hindi na lamang papansinin ang mensahe dahil batid mo na ito ay isang paraan
ng mga hacker at scammer para sila ay makapanloko ng mga tao.

12. Ano ang dapat gawin upang tumaas ang iyong marka?
A. Huminto sa pag-aaral.
B. Sikaping mag-aral nang mabuti.
C. Mandaya tuwing may pagsusulit.
D. Huwag gumawa ng takdang aralin.

13. Sa paanong paraan mo mas mauunawaan ang araling itinuturo ng inyong guro?
A. Makipagbidahan sa katabi.
B. Magtanong at mangopya sa kaklase.
C. Makinig at makiisa sa bawat talakayan.
D. Makipagsabayan sa pagsasalita ng guro.

14. Ano ang paghahandang iyong gagawin kapag may pagsusulit?


A. Mag-aral nang mabuti.

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

B. Magdasal imbes na mag-aral.


C. Maagang matulog upang hindi mapuyat.
D. Kaibiganin ang matalinong kaklase.

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral?


A. Maglaro imbes na mag-aral.
B. Gumawa lamang ng proyekto kung babayaran.
C. Palaging kumopya sa katabi kapag may pagsusulit.
D. Paggawa ng takdang aralin at pagpasa ng proyekto sa takdang oras

16. Paano mo maipapakita ang tiyaga sa pag-aaral?


A. Mag-aral lang kapag binigyan ng malaking baon.
B. Tapusin ang sinimulang gawain, gaano man ito kahirap.
C. Gawin lamang ang mga madadaling gawaing pampaaralan.
D. Simulan ang gawain at huwag tapusin kapag nahihirapan na.

17. Bilang isang lider, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang matapos ang
isasagawang gawain?
A. Iasa sa mga ka grupo ang gawain.
B. Sigawan ang mga kagrupong tamad.
C. Bigyan ng pantay-pantay na gawain ang bawat miyembro.
D. Gagawin mong lahat ang gawain dahil iniisip mong baka mali ang kanilang
gagawin.

18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng wastong saloobin at
kawilihan sa pag-aaral?
A. Makipagsabayan sa pagsasalita ng guro.
B. Makinig nang mabuti kapag may nagsasalita.
C. Pakinggan ang ideya o opinyon ng mga kasama.
D. Aktibong makilahok sa mga talakayan at pangkatang gawain.

19. Kasali ka sa balagtasang ipalalabas na palatuntunan sa inyong paaralan subalit,


kinakabahan ka. Ano ang iyong gagawin?
A. Umayaw na lamang.
B. Huwag pumunta sa oras ng palatuntunan.
C. Magdahilan na lamang na ikaw ay may sakit.
D. Mag-ensayong mabuti upang maayos na maisagawa ang pagtatanghal

20. Inatasan ka bilang maging lider ng inyong pangkat para sa isang gawain. Paano mo
tatanggapin ang responsibilidad na ito?
A. Magreklamo sa guro.
B. Ipauubaya sa mga kaklase ang mga gawain.
C. Tanggapin at gampanan ng maayos ang tungkulin.
D. Utusan ang mga kaklase dahil ikaw naman ang lider.

21. Ito ay isang ugaling dapat na ipagmalaki. Ang taong nagpapakita ng ganitong ugali
saanman at kailanman ay makakamit ang tunay na kaligayahan at magkakaroon ng
isang maayos, payapa, at maunlad na pamumuhay.
A. pagiging mabait c. pagiging matapat
B. pagiging masipag d.pagiging mapanuri

22. Si Juan ang pangulo ng Supreme Pupil Government sa kanilang paaralan.


Ginagampanan niya nang maayos ang kanyang sinumpaang tungkulin sa paaralan.
Ano ang katangiang tinataglay ni Juan?

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

A. Katapatan sa bayan c. Katapatan sa paaralan


B. Katapatan sa guro d.Katapatan sa pamilya

23. Mayroong ibinigay na proyekto sa inyo ang inyong guro. Mayroon kang nakita sa
internet na maari mong gayahin upang hindi kana mahirapan. Ano ang iyong gagawin?
A. Kokopyahin ang nakita sa internet
B. Kokopya na lamang ng proyekto sa kamag-aral
C. Gagawin ang sariling proyekto sa abot ng makakaya
D. Hindi na lamang magpapasa ng proyekto dahil mahirap itong gawin

24. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng katapatan sa paggawa?


A. Nagpapatulong sa kaklase si Ana para sa pansariling gawaing ibinigay ng guro.
B. Si Andrea ay nagpapagawa ng takdang aralin sa kaniyang nakababatang
kapatid.
C. Ginagawa ni Russel ng mag-isa, may kaayusan, at kusa ang kaniyang takdang
aralin.
D. Ginagaya ni Daisy ang proyekto ng kaniyang matalik na kaibigan dahil maganda
ang gawa nito

25. Ang taong laging tapat sa ginagawa ay ___________.


A. gumagawa nang may hinihintay nakapalit
B. gumagawa ng iilang bagay at iiwan ang gawain
C. gumagawa nang hindi na aayon sa kaniyang kalooban
D. gumagawa ng buong puso at kakayahan kahit walang nakakakita

26. Kasali ka saTop Ten ng inyong klase ngunit ang mga ulat na iyong ibinigay sa inyong
guro ay hinango mo lamang sa internet na maaaring maging dahilan ng pagbaba ng
iyong marka. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lamang kikibo ukol sa iyong ulat.
B. Ipagtatapat sa kaibigan ang totoo ukol sa iyong ulat.
C. Aaminin sa guro ang ginawa at mangangakong hindi na uulitin.
D. Hindi na lamang mag-uulat dahil baka mahuli ka sa iyong ginawa.

27. Anong katangian ang nagpapakita ng suporta upang maging matagumpay ang isang
gawain?
A. Pagkakaisa C. Pagkamaalalahanin
B. Pagkakaniya-kaniya D. Pagpapahalaga

28. Aktibong nagtulungan ang inyong pangkat kaya natapos nang maayos ang inyong
proyekto sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Anong katangian ang ipinakita ang inyong
pangkat?
A. Pagkakaisa c. Pagkamalikhain
B. Pagkamatiisin d.Pagkamasiyahin
29. Bakit mahalaga ang mungkahi ng bawat miyembro sa isang grupo?
A. para magkaroon ng masayang grupo
B. para gumanda ang samahan ng grupo
C. para makabuo ng pagkakaibigan sa grupo
D. para magkaroon ng pagkakaisa ang mga ideya

30. Malapit na ang uwian at hindi pa natatapos ang inyong ginagawang pangkatang
proyekto. Nagmamadali nang umuwi ang lahat at ayaw ka ng tulungan ng mga kasama
mo. Ano ang gagawin mo?
A. Isumbong sila sa guro.
B. Iuwi ang proyekto at gawin sa bahay.

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

C. Umuwi kahit hindi pa tapos ang gawain.


D. Kausapin nang maayos ang mga kagrupo at tapusin ng sama-sama ang gawain.

31. Bilang lider ng inyong klase, paano ka makatutulong sa iyong kaklaseng mabagal
bumasa?
A. Sabihin ang mabuting epekto ng pagbabasa sa kanila.
B. Magbigay ng mga babasahin sa mga kaklaseng hindi marunong bumasa.
C. Maglaan ng oras para turuan ang mga kaklaseng hindi marunong bumasa.
D. Hikayatin ang iba pang kaklase na bumuo ng pangkat na magtuturo sa mga
kaklaseng may kahinaan sa pagbabasa.

32. Paano maipakikita ng isang pangkat ang pagkakaroon ng pagkakaisa?


A. Pagbibigay respeto sa bawat kasapi.
B. Pagtanggap ng mungkahi ng mga miyembro.
C. Pagtutulungan sa pagkamit ng mga layunin.
D. Pagpapasalamat sa kontribusyon ng bawat isa.

33. Ito ay pagsasabi ng totoong naiisip at nararamdaman.


A. pagiging madaldal c. pakikipag-away sa iba
B. pagrereklamo sa iba d. pagpapahayag ng saloobin

34. May pinag-uusapan kayong suliranin sa paaralan at may nalalaman kang


impormasyon na makatutulong upang malutas ito. Ano ang gagawin mo?
A. Mahihiyang magsabi at baka mali.
B. Sabihin ang nalalamang impormasyon.
C. Sabihing ikaw lang ang makalulutas nito.
D. Pabayaan ang ibang kasama na magmungkahi nito.

35. Alin sa pagpipilian ang nagpapakita ng paggalang sa ideya o saloobin ng iba?


A. Pagbabaliwala sa saloobin ng iba.
B. Pagtawanan ang saloobin ng iba.
C. Sariling saloobin at opinion lamang ang paniwalaan.
D. Pakikinig at pag-unawa sa ideya at saloobin ng iba.

36. Mayroong nagawang kasalanan sa iyo ang matalik mong kaibigan at sumama ang loob
mo sa kaniya. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi na papansinin kahit kailan ang kaibigan.
B. Ipagsasawalang bahala nalang ang iyong saloobin.
C. Sasabihin sa ibang kaklase ang saloobin tungkol sa iyong matalik na kaibigan.
D. Sabihin sa matalik na kaibigan ang iyong saloobin tungkol sa kaniyang ginawa.

37. Habang kayo ay kasalukuyang nagkakaroon ng talakayan, nabanggit ng inyong guro


na dumarami ang nagtatapon ng basura sa likod ng inyong silid-aralan. Mayroon kang
naisip na mungkahi upang masolusyonan ito. Ano ang gagawin mo?

A. Hindi ibabahagi ang naisip na ideya.


B. Sasabihin sa katabi ang ideya upang siya ang magsabi sa guro.
C. Sasabayan sa pagsasalita ang guro para masabi ang naisip na ideya
D. Hintaying matapos sa pagsasalita ang guro at ibahagi ang solusyong iyong
naisip.

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

38. Tuwang-tuwang ipinakita sa iyo ng iyong kaibigan ang bagong bili niyang damit na sa
tingin mo ay hindi naman bagay sa kaniya. Ano ang gagawin mo?
A. Iiiwasan ang pagsagot sa tanong.
B. Magdadahilan nalang upang makalayo sa kaniya.
C. Sasabihin mo parin na bagay sa kanya ang damit.
D. Sasabihin ang totoo na hindi niya bagay ang nabiling damit.

39. Mayroon kayong pagpupulong para sa inyong pangkatang gawain. Isa-isang nagbibigay
ng suhesyon ang iyong mga kagrupo. Mayroon ka ring naiisip subalit nahihiya kang
ibahagi ito. Ano ang gagawin mo?
A. Sarilinin na lamang ang ideyang naisip.
B. Tahimik na makikinig na lamang sa ibang kagrupo.
C. Hintayin na lang ang ibang kagrupo na magsabi nito.
D. Maglalakas ng loob na sabihin ang ideyang iyong naisip.

40. Sa isang pangkat, hindi maiiwasan ang pagtutunggali ng mga opinyon at ideya. Kung
ikaw ang lider ng pangkat, anong kailangan mong gawin upang maalis sa mga
miyembro ang negatibong ugali na hindi makatutulong sa tagumpay ng inyong
pangkat?
A. Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao.
B. Ipaalam sa kanilang mga magulang ang sitwasyon.
C. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain.
D. Kakausapin sila at ipaunawa ang iyong saloobin tungkol sa pagkakaroon ng
pagkakaisa ng isang pangkat.

41. Araw ng Linggo, ang iyong buong pamilya ay magsisimba. Tinanong ka ng ate mo kung
bagay ba sa kaniya ang suot niyang damit, napansin mong medyo maikli ito at hindi
angkop sa inyong pupuntahan. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi papansinin ang tinatanong ng kapatid.
B. Marahas na sasabihin na hindi bagay sa kapatid ang damit.
C. Sasabihin ang totoong saloobin upang makapagpalit ng angkop na damit ang
kapatid.
D. Magsisinungaling at sasabihing bagay ang suot nito upang hindi masaktan ang
damdamin ng kapatid.

42. Kung hindi mo ipagtatapat ang kamaliang iyong nagawa, ano ang maaaring mangyari?
A. mas lalala ang suliranin
B. mauulit lang ang kamaliang ginawa
C. magkakasala sa Diyos at sa kapwa
D. lahat ng nabanggit ay maaaring mangyari

43. Inihabilin sa iyo ng iyong guro na bilangin mo ang test tube na ginamit ninyo sa
ekperimento pagkatapos ng klase. Nabilang mo na at ibabalik na sa lalagyan ng
napatid ka at nabitiwan ang test tube na hawak. Ano ang gagawin mo?

A. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan.


B. Magkunwaring walang alam sa nangyari.
C. Isisi sa ibang kamag-aral ang nangyari.
D. Ipagtapat sa guro ang nangyari at sabihin kung ilan ang nabasag.

44. Nawala mo ang hiniram mong sombrero sa iyong kapatid. Ano ang gagawin mo?

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

A. Umiyak at magtago.
B. Sabihing itinago mo lang.
C. Magpabili kay nanay ng bago.
D. Sasabihin sa kapatid ang totoong nangyari.

45. Napansin mo na tahimik ang iyong kapatid. Nalaman mo na nabasag niya ang
mamahalin ninyong pigurin. Ano ang iyong gagawin?
A. Pagalitan ang kapatid.
B. Isumbong kaagad ang kapatid sa inyong magulang.
C. Kakausapin ang magulang sa nagawa ng iyong kapatid.
D. Sabihin ng mahinahon sa kapatid na aminin sa magulang ang nagawang
kasalanan.

46. Oras ng recess at ikaw ay nakaramdam ng gutom ngunit naiwan mo ang iyong baon.
Sa paglabas mo ng silid-aralan ay nakakita ka ng P20.00. Ano ang gagawin mo?
A. Dadamputin ang pera at itatabi.
B. Pupulutin ito at ibibili ng miryenda
C. Hindi na lamang papansinin ang pera
D. Kukunin ang pera at ibibigay sa guro upang maipagtanong kung sino ang may-
ari.

47. Nakita mo ang iyong kamag-aral na palihim na kinukuha ang wallet ng kanyang
katabi, napansin niya na nakita mo siya at sinabing babahagian ka niya basta huwag
kang magsusumbong. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi na lamang papansinin ang nangyari.
B. Papayag sa gusting mangyari ng kamag-aral.
C. Kakausapin ang kamag-aral at sasabihing isauli ang wallet.
D. Sasabihin mo sa buong klase ang ginawa ng kamag-aral para siya ay mapahiya.

48. May bagong cellphone ang iyong kamag-aral. Napakaganda nito kaya naman natipuhan
mo. Hinintay mong umalis siya sa kaniyang upuan upang kuhanin ang cellphone niya
kahit na alam mong mali. Uwian na at napansin ng iyong kamag-aral na nawawala ang
kaniyang cellphone. Ano ang iyong gagawin?
A. Magmamadaling umuwi.
B. Makisama sa paghahanap.
C. Magkukunwaring walang naririnig.
D. Magpapaiwan sa loob ng silid aralan at aaminin sa guro at sa kaklase na ikaw
ang kumuha ng kaniyang cellphone, hihingi ng paumanhin at tatanggapin ang
pagkakamaling ginawa.
49. May kasinungalingan kang nasabi, narinig ito ng iyong nakababatang kapatid. Ano ang
iyong gagawin?
A. Magalit ka sa kaniya.
B. Iwasan mo siya buong araw.
C. Huwag mo na lamang siyang pansinin.
D. Aaminin mo sa kaniya ang totoo at sasabihing hindi tama ang pagsisinungaling
na nagawa mo.

50. Hindi ka nakapag-aral para sa inyong pagsusulit kaya habang sumasagot ay


binubuksan mo ang iyong kuwaderno. Kaagad na winasto ito pagkatapos magsagot ng
lahat, ikaw ang pinakamataas sa buong klase. Ano ang iyong gagawin?
A. Matutuwa dahil ikaw ang pinakamataas.
B. Ibabalita sa magulang ang nakuhang marka.
C. Hindi papansinin ang mga kaklaseng nakakuha ng mababang marka.
D. Ipagtatapat sa guro at kamag-aral ang ginawang pandaraya

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

pati na rin ang dahilan kung bakit ito nagawa.

Prepared:

JACQUILYN R. PETILONA
ESP-5 Subject Teacher

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT- ESP 5

SUSI SA PAGWAWASTO

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

1. C 26. C
2. D 27. A
3. D 28. A
4. D 29. D
5. D 30. D
6. D 31. D
7. D 32. C
8. D 33. D
9. A 34. B
10. D 35. D
11. D 36. D
12. B 37. D
13. C 38. D
14. A 39. D
15. D 40. D
16. B 41. C
17. C 42. D
18. A 43. D
19. D 44. D
20. C 45. D
21. C 46. D
22. D 47. C
23. C 48. D
24. C 49. D
25. D 50. D

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Angeles City
Northville 15 Integrated School
Northville 15, Cutud, Angeles City
Email address: northville15.is@depedangelescity.com

The True North of Success


where shared Norms and a common Vision set our direction and Inspiration toward collective Success.

You might also like