You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
DIVISION SUB-OFFICE BAYAMBANG II
BUAYAEN, BAYAMBANG, PANGASINAN

Pangalan: __________________________________________________________________ Iskor: ________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

____ 1. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa inyong


lugar. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig.
B. Suriin muna kung totoo ang balita.
C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol.
D. Aalis kaagad sa inyong lugar.
____ 2. Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o pahayagan?
A. Maniwala kaagad.
B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
C. Ipagkalat kaagad ang balita.
D. Balewalain ang balita.
____ 3. Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong ulol na nangangagat ng mga bata na
nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies. Paano mo ito ibabahagi?
A. Ipaalam ang balita sa punong barangay.
B. Balewalain ang narinig na balita.
C. Hayaan lang ang balita.
D. Hayaan ang iba na makaalam nito.
____ 4. Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?
A. Ang alitan ng pangulo at mga kinatawan ng Senado.
B. Ang pag-aagawan ng teritoryo.
C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang lindol na naganap sa Batangas.
____ 5. Sa pagbabalita pawang ______ lamang ang dapat manaig upang magkaroon nang
maayos na pamayanan.
A. katotohanan
B. kasinungalingan
C. katapangan
D. karangyaan
____ 6. Nakatanggap ka ng mensahe sa iyong cellphone na magkaroon ng total lockdown sa
buong Metro Manila sa loob ng dalawang Linggo. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipaaalam ito sa lahat na kasapi ng pamilya.
B. Ipapasa ang mensahe sa ibang mga kaibigan upang malaman din nila.
C. Babasahin lang at hayaan na lang ang impormasyong masuri ng ibang makababasa
D. Aalamin ang pinanggalingan ng mensahe at magtatanong sa ibang ahensiyang may
kaalaman ukol sa impormasyon.
____ 7. Napanood mo sa balita na mamimigay ang LGU ng ayuda sa lahat ng mga taga
Bayambang, ngunit hindi ito nakarating sa itinakdang araw. Ano ang gagawin mo?
A. Magtatanong sa kapitbahay
B. Hindi paniniwalaan ang balita
C. Magpopost sa facebook na fake news ang ayuda.
D. Hihintayin hanggang sa makatanggap ang inyong pamilya.
____ 8. Nabalita sa radyo at telebisyon na may mga nakakagamot sa Covid-19. Paano mo
maipakikita na ikaw ay nagsusuri ng balita?
A. Magtatanong sa mga frontliners ukol sa balita.
B. Paniniwalaan kapag may gumaling na sa nasabing sakit.
C. Hindi agad maniniwala dahil ito ay hindi galing sa ahensya ng DOH
D. Pakikinggan ang balita at ipakakalat gamit ang FB para maraming makaalam.
____ 4. Nakatanggap ka ng mensahe, na nanalo ka ng isangdaang libong piso. Ito raw ay
ipinamamahagi ni Senador Manny Pacquiao. Dapat mo ba itong paniwalaan?
A. Oo, dahil mayaman si Senador Many Pacquiao.
B. Oo, dahil matulungin si Senador Many Pacquiao.
C. Hindi, magtatanong muna ako sa aking kapitbahay.
D. Hindi, mag-iimbestiga muna ako at ipaaalam sa tamang ahensiya ang aking
natanggap na mensahe para malaman ang katotohanan.
____ 10. Si Betty ay nakikinig sa doktor na nagsasalita sa radyo tungkol sa mabuting pag-iwas
sa Corona Virus. Kanya itong pinakinggang mabuti at naishare sa kanyang wall sa FB.
Samantalang si Faye naman ay nag post agad ng bagong impormasyon sa FB wall niya
tungkol sa balita sa radyo na magkakaroon daw ng total lockdown. Sino ang dapat
tularan sa kanilang dalawa?
A. Wala, dahil parehong mali ang kanilang ginawa.
B. Pareho silang tutularan dahil nakikinig sila sa balita
C. Si Faye dahil nagbibigay ng impormasyon sa Facebook
D. Si Betty dahil ang kanyang pinakikinggan ay tungkol sa pag-iwas sa Virus.
____ 11. Sa panahon ng pandemya kung saan tayo ay nakaLOCKdown, paano mo gugulin ang
iyong oras na ikaw ay matututo?
A. Maglalaro ng mobile legend maghapon
B. Magfafacebook upang makachat ang aking mga kaibigan
C. Maghahanap ng link na makakatulong sa aking pag-aaral tulad ng DepEd Commons
D. Makipagkwentuhan na lamang.
____ 12. Tuwing hapon nakikinig ang iyong nakababatang kapatid ng musika na panay mura at
sigaw. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Hayaan nalang
B. Takpan ang tenga.
C. Sasawayin sa pakikinig ng di kanais-nais na musika.
D. Huwag na lang pansinin.
____ 13. Niyaya kang manood ng X-rated na pelikula sa bahay ng kaibigan mo. Ano ang gagawin
mo?
A. tatakbo pauwi
B. sasaling manood
C. tatangging manood
D. makipagkwentuhan
____ 14. Inutusan ka ng kuya mo sa kwarto niya para linisin. Nakita mong nakakalat ang mga
babasahing playboy na may malalaswang larawan. Ano ang gagawin mo?
A. Ililigpit at di babasahin
B. Babasahin ang magasin
C. Susunugin ang magasin
D. Itatago at babasahin.
____ 15. Ano ang dapat gawin ng bawat mag-aaral sa mga babasahin, panoorin at pinakikinggan
upang malaman kung ito ay nakapagdudulot ng mabuti o di-mabuti?
A. balewalain
B. suriing mabuti
C. manahimik na lamang
D. walang pakialam
____ 16. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa pakikinig bilang wastong saloobin
sa pag-aaral?
A. Nakikinig sa oras ng talakayan o habang nagsasalita ang iyong guro.
B. Naging mapanuri sa mga bagay na narinig sa iyong guro at mga kamag-aral.
C. Nakikipagkwentuhan sa oras ng talakayan sa klase.
D. Nakasusunod sa mga narinig na paalala ng iyong guro sa lahat ng gawain.
____ 17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pakikibahagi sa mga pangkatang gawain,
pakikipagtalakayan at pagtatanong?
A. Makikilahok sa isang pangkatang gawain na bahagi ng ating mga responsibilidad
bilang mga mag-aaral.
B. Iwasan ang pagtatanong sa guro sa oras ng talakayan.
C. Huwag makinig at makilahok sa talakayan sa klase.
D. Makipagkwentuhan habang nagtuturo ang guro sa klase.
____ 18. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga postibong kawilihan at saloobin sa
pag-aaral maliban sa isa.
A. Nakalalahok sa mga pangkatang gawain.
B. Nakikibahagi sa mga talakayan sa klase.
C. Nagiging magalang sa pagtatanong sa guro at sa mga kaklse.
D. Sasali lamang sa mga pangkatang gawain kung kalian gusto.
____ 19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang batang katulad mo ay hindi nakikinig sa
panuto para sa pangkatang gawain.
A. Magiging maganda ang kalalabasan nito.
B. Hindi maayos ang mga isasagot sa mga gawain.
C. Makakukuha ng mataas puntos.
D. Madaling matatapos ang gawain.
____ 20. Bilang miyembro ng isang pangkat, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa
pakikilahok sa mga gawain?
A. Pahalagahan ang opinyon ng bawat miyembro ng pangkat.
B. Iwasan ang pakikilahok sa mga gawain.
C. Huwag makiisa sa lahat ng pangkatang gawain.
D. Tingnan lamang sila habang gumagawa ng mga gawain.
____ 21. Nakita mo na nagpakopya ng sagot ang kaklase mo.
A. Hahayaan ko na lang siya.
B. Sasabihin sa aming guro ang aking nakita.
C. Sasabihin ko sa kaklase ko na pakopyahin din ako.
D. Hindi na lang ako magsasalita na parang wala akong nakita.
____ 22. Isang linggo kang hindi nakapasok sa eskwelahan at nagkaroon ng biglaang pagsusulit.
A. Hindi ako kukuha ng pagsusulit.
B. Sasagutan ko lang ang mga aytem na alam ko.
C. Kokopya ako sa kaklase ko sa araw ng pagsusulit.
D. Sasabihin ko sa aking guro na hindi pa ako handa sa pagsusulit.
____ 23. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng hindi pangongopya sa oras ng
pagsusulit?
A. Pagiging malaya sa mga bagay na bumabagabag sa atin.
B. Napagkakatiwalaan ng guro at kamag-aral.
C. Napapanatili ang magandang samahan.
D. Lahat ng nabanggit.
____ 24. Bakit kailangan nating maging matapat sa mga pagsusulit?
A. Upang walang bumabagabag sa ating isipan.
B. Upang maging tanyag tayo sa ating paaralan.
C. Upang mabigyan ng parangal at gantimpala.
D. Upang purihin ng ibang tao.
____ 25. Mahigpit na ipinagbabawal ang pangongopya sa oras ng inyong pagsusulit. Ano ang
gagawin mo upang maiwasan ang ganitong gawi?
A. Mag-aaral nang mabuti bago ang itinakdang pagsusulit.
B. Kakausapin ko ang aking katabi na pakopyahin ako.
C. Magdadala ako ng kapirasong papel na naglalaman ng aming leksyon.
D. Kokopyahin ko na lamang ang sagot ng aking katabi.
____ 26. Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Niko na matalik mong kaibigan ang
nagsimula ng gulo. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Tutulungan ang kaibigan at makikipag-away din sa kaklase.
B. Pagtatawanan ang dalawang nag-aaway.
C. Aalis at pababayaan ang nag-aaway.
D. Aawatin ang nag-aaway at pagsasabihan silang dalawa sa mahinahon na paraan.
____ 27. Kailan makikita ang katapatan sa sarili?
A. Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro.
B. Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin ang pag-aaral
sa susunod.
C. Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.
D. Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa.
____ 28. Inutusan ng nanay si Mila na bumili ng asukal sa tindahan ngunit nadaanan niya ang
mga kaibigang naglalaro. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Sasali sa laro at kakalimutan ang utos ng nanay.
B. Pahihintuin ang mga naglalaro.
C. Hahayaang maglaro ang mga kaibigan at didiretso sa tindahan para sundin ang utos
ng nanay.
D. Ibibili ng meryenda ang pera at ipamimigay sa mga kaibigan.
____ 29. Isang opisyal ng barangay si Mang Mario. Ginagampanan niya nang maayos at matapat
ang kaniyang mga tungkulin sa kanilang barangay. Ano ang ipinakikita ni Mang Mario?
A. Katapatan sa guro
B. Katapatan sa pamilya
C. Katapatan sa paaralan
D. Katapatan sa pamayanan
____ 30. Napansin mong walang imik ang iyong nakababatang kapatid. Nang tanungin mo,
sinabi niya sa’yo ang problema niya. Ano ang gagawin mo?
A. Makinig, unawain at maging tapat sa pagbibigay ng payo sa kapatid.
B. Pabayaan ang kapatid na lutasin ang sariling problema.
C. Huwag pagsabihan ang kapatid dahil baka masaktan siya
D. Isumbong sa nanay para mapagalitan.
____ 31. Alin sa sumusunod na sitwasyon nagpakita ng pagiging matapat sa pagpapahayag ng
ideya, saloobin o opinyon.
A. Malugod na sinusod ni Christy ang payo ng kanyang guro na umiwas sa mga
barkadang nadudulot sa kanya ng kapahamakan bagkus himukin niya ng mga ito
na gumawa ng mabuti para sa kapakanan ng marami.
B. Nakiisa si Roland sa samahang Bantay Kalinisan kung saan sila ang naging
instrumento ng paaralan upang magbantay kung sino ang nagsusulat sa ding ding,
hindi nagtatapon ng basura sa tamang tapunan at nagsusulat sa mga pintuan ng
pakikuran o comfort room ng paaralan.
C. Kahit hindi kabilang sa mga samahan ng paaralan ngunit may taglay na galling sa
akademika ay nagpasya na magsumite ng mga proyektong makakatulong sa mga
kabataang hirap sa mga asignatura pang-akademika tulad ng matematika, science
araling panlipunan atbp
D. Lahat ng mga nabanggit ay tama.
____ 32. Anong buod ng talata sa ibaba?
Sa bawat pagpupulong maging ito man ay virtual. Ang bawat isa ay may
layuning magpayahag ng kanyang opinyon na may katapat para sa ikalulutas o
ikakaayos ng isang paksa o suliranin. Ikaw man o hindi ang inatasan bilang bahagi
ng pangkat layunin mong makininig at makibahagi.
Ipahayag ang iyong sarili nang sa ganoon ikaw ay bahagi. Huwag isarado
ang sarili kung ang ideya mo ay hindi pinansin bagkus bukas ang sarili sa
panibagong ideya. Malugod na tumanggap ng pahayag ng iba upang sila ay
makikinig din sa iyong sariling pahayag.
A. May kamalayan sa sarili C. May kahalagahan ng papahayag.
B. Umiiral na nagmamahal D. May pagtanggap sa kaniyang mga talento
____ 33. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “Lahat tayo ay may papel na ginagampanan” sa
kasabihang “Ang buhay ng tao ay parang isang tanghalan. Lahat tayo ay may papel na
ginagampanan?”
A. Ang bawat tao ay bahagi ng pamayanan, komunidad
B. Bilang bahagi ng komunidad ang bawat nilalang ay may kanya kanyang papel o
bahagi sa komunidad na kanyang kinabibilangan maging ito man ay batang tulad
mo.
C. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya
habang siya ay nagkakaedad.
D. Ang matapat na pagpapahayag ng sariling opinyon, ideya at saloobin ang siyang
papel ng bawat indibiduwal.
____ 34. Si Rico ay uri ng batang malaki ang bilib sa kanyang sarili. Minsan inatasan siya ng
guro na manuno sa isang pangkat kung saan ikaw ay napabilang. Lahat ng iba pang
miyembro ng pangkat nagrereklamo, Bakit Kaya sa inyong palagay? pumili sa mga
sumusunod kung ano sa palagay mo ang nangyayari sa grupo.
A. Ang opinyon at ideya lamang ni Rico ang nasunod.
B. Tutol ang iba sa nais ng lider ng pangkat, walang mahusay na suhestiyon na resulta.
C. Ayaw makiisa o makibahagi ng iba dahil walang bilang ang kanilang partisipasyon.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
____ 35. Tinatanong ka ng guro mo kung kaya mong maging lider sa isang pangkat para sa isang
proyekto sa inyong paaralan. Tatanggapin mo ba ito?
A. Susuriin ko muna ang uri at lawak ng gawain kung makakaya bago magpasya.
B. Sasabihin kaagad sa guro na hindi ito kaya.
C. Sasabihin kong iba na lang ang gawing lider.
D. Tatanggapin kaagad ang gawain.
____ 36. May pangkatang gawain kayo sa Science at kaagad ninyong natapos.
Ano ang pinatunayan ng inyong pangkat?
A. Pagsasarili
B. Katahimikan
C. Pagkakaisa
D. Pagmamadali
____ 37. Sinabi ng guro na ikaw ang gagawa ng isang dekorasyon sa entablado. Pumayag ka
na ito’y gawin sapagkat alam mong kayang-kaya mo ito. Sa araw ng iyong paggawa,
biglang sumama ang iyong pakiramdam. Ano ang gagawin mo?
A. Babalewalain na lamang ang sinabi ng guro.
B. Hindi magpapasabi sa guro na ako ay may sakit.
C. Magpapasabi na hindi magagawa sapagkat ako ay may sakit.
D. Magpapasabi na paggaling ko saka ko gagawin.
____ 38. Ikaw ay inatasan ng guro upang maging lider ng grupo para sa gagawing pagtatanghal.
Ano ang nararapat mong gawin upang mapabilis ang pageensayo dahil sa kakaunting
panahon na lamang ang natitira para pagaralan pa ito?
A. Kakausapin ang mga kagrupo upang mapagdesisyunan at mapag-usapan ang
nararapat gawin para sa palatuntunan.
B. Magkanya-kanya ng pag-eensayo.
C. Ipapasa sa iba ang responsibilidad dahil hindi ito kayang gawin.
D. Hayaan na lang na walang maipakitang pagtatanghal.
____ 39. May proyekto sina Richard at lahat ng kagrupo ay binigyan ng mga gagawin maliban sa
kanya. Kung ikaw si Richard, ano ang gagawin mo?
A. Matutuwa dahil walang gagawin.
B. Maawa sa sarili dahil walang pakinabang.
C. Magsasabi sa lider na bigyan siya ng gagawain.
D. Hindi na lang kikibo at hayaan na lamang gumawa ang kagrupo.
____ 40 May proyekto na dapat bayaran si Maria sa EPP at sinabi niya sa kanyang nanay
ang tamang halaga nito. Anong katangian ang ipinakita ni Maria?
A. Nagpakita ito ng pagkamatulungin.
B. Nagpamalas ito ng pagkamasipag.
C. Nagpakita ng pagkamatapat.
D. Nagpamalas ng pagkamaalalahanin
____ 41. Nakalimutan gawin ni Dan ang kaniyang takdang aralin. Ano kaya ang sasabihin ni
Dan sa kaniyang guro?
A. “Ma’am, pasensiya na po hindi ko po nagawa ang aking takda. Inalagaan ko pa
po kasi ang aking kapatid.”
B. “Ma’am, naiwan ko po sa bahay ang aking takda.”
C. “Ma’am, hindi po ako tinulungan ng kapatid ko sa pagsagot ng aking takda.”
D. “Ma’am, pasensiya na po at hindi ko po nagawa ang aking takda. Maaari pa po
ba ako magpasa bukas?”
____ 42. Nagbigay ang guro mo ng pagsusulit sa Matematika. Iniatas niya na kayo na lamang
ang magwasto ng inyong sariling sagutang papel. Ano ang gagawin mo?
A. Buburahin at papalitan ko ang maling sagot.
B. Kapag sinabi ng guro ang tamang sagot, saka ko isusulat.
C. Lalagyan ko lamang ng tsek ang mga wastong sagot ko.
D. Mag-uusap kami ng katabi ko na iwasto kahit mali ang sagot.
____ 43. Si Pia ang napiling lider ng grupo sa paggawa ng proyekto. Nakikinig siya sa opinyon
ng kaniyang mga kasama. Tama ba ang ipinakita ni Pia?
A. Oo, dahil wala siyang magawa sa grupo niya.
B. Hindi, dahil magkakagulo lang ang kaniyang pangkat.
C. Oo, ipinapakita niya na nagkakaisa ang kaniyang grupo.
D. Hindi, dahil siya ang lider ng grupo at dapat pinakikinggan.
____ 44. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong ugali?
A. Si Karen na hinahayaan lamang ang mga kagrupo niya na gumawa ng proyekto.
B. Si Juhan na masayang nakikihalubilo sa kaniyang mga kasama sa grupo.
C. Si Kobe na walang pakialam sa kaniyang mga kasamahan sa pagbuo ng kanilang
proyekto
D. Si Mateo na nahihiyang magpahayag ang kaniyang opinyon sa mga kagrupo.
____ 45. Ano ang kahulugan ng kasabihang? “Ang edukasyon ay susi ng tagumpay”
A. Maghintay na lamang tayo ng tao upang magbigay sa atin ng kayamanan
B. Kapag nag-aral ka maaring maging matagumpay ka sa buhay
C. Unahin mo ang paglalaro on-line baka manalo ka
D. Tiyakin mong nakapag-post ka ng larawan mo sa fb habang nag-aaral

B. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang TAMA kung nagpapahayag
ito ng wasto at MALI naman kung hindi.

__________ 46. Tinatanggap nang maluwag ang mga puna ng guro para sa ikabubuti.
__________ 47. Ginagalang ang mga opinyon at mungkahi na sinasabi ng aking mga kakalse
maging ang aking mga kaibigan.
__________ 48. Nagiging mapaghiganti tuwing mayroong pagkakataong napagsabihan dahil sa
nagawang hindi kaaya-aya.
__________ 49. Ang pagsasabi ng katotohanan ay pagpapakita ng katatagan ng loob.
__________ 50. Dahil sa hindi magandang puna, ikaw ay nakipag-away.

Prepared by:

JETTER B. ABAGAT

RAYMUND PAUL R. SABADO


Grade 5 Teachers
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 11. C 21. B 31. A 41. D


2. B 12. C 22. D 32. C 42. C
3. A 13. A 23. D 33. B 43. C
4. C 14. A 24. A 34. C 44. B
5. A 15. B 25. A 35. A 45. B
6. D 16. C 26. D 36. C 46. TAMA
7. D 17. A 27. B 37. C 47. TAMA
8. A 18. D 28. C 38. A 48. MALI
9. B 19. B 29. D 39. C 49. TAMA
10. B 20. A 30. A 40. C 50. MALI

You might also like