You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Panrehiyong Pagtatasa para sa Kalagitnaang Taon


sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 5

Pangalan: _______________________________ Iskor: __________________


Baitang at pangkat:______________________ Petsa: __________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang masusing pagtatanong, pagsusuri ng mga kasagutan at


pagpili ng wastong sagot bago gumawa ng anomang desisyon?
A. negatibong pag-iisip
B. magdadalawang-isip
C. mapanuring pag-iisip
D. mapanghusgang pag-iisip

2. Habang nakikinig ng radyo ay napakinggan mo na may namumuong


sama ng panahon at ang lahat ay pinaaalalahanan na maghanda sa
pagtama nito sa kalupaan, ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi papansinin ang balita na napakinggan.
B. Sasabihin sa magulang ang balita na iyong napakinggan. C.
Tatanungin ang kaibigan kung totoo ang balitang napakinggan. D.
Titingnan ang kalangitan kung may namumuo nga bang sama ng
panahon.

3. May nagpadala ng mensahe sa iyong cellphone na nagsasabing ikaw ay


nanalo ng pera sa isang raffle. Sinabi rin sa mensahe na tawagan mo
siya upang malaman mo kung paano makukuha ang iyong
napanalunan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipamamalita agad na nanalo ka sa raffle.
B. Susuring mabuti kung totoo ang isinasaad ng mensahe. C.
Sasabihan sa iyong magulang ang mensahe na iyong natanggap. D.
Aalalahanin kung ikaw ba ay may sinalihan na raffle bago
paniwalaan ang mensahe.
4. Napanood mo sa telebisyon na maraming bata ang nagkakadengue
kaya pinaalalahanan ang lahat ng mga dapat gawin upang makaiwas
sa sakit na ito, ano ang dapat mong gawin?
A. Magpapausok upang itaboy ang mga lamok.
B. Hahanap ng sariling paraan upang makaiwas sa sakit na dengue.
C. Lilinisin lagi ang katawan sa pamamagitan ng pagpapahid ng
alcohol.
D. Ipagbibigay-alam sa magulang ang napanood na balita upang
gumawa ng paraan para makaiwas sa sakit.

5. Ano ang dapat mong gawin kung may narinig o nabasa kang
masamang balita?
A. Tanungin ang kaibigan ukol sa balita.
B. Maniwala agad sa narinig o nabasang balita.
C. Ipamalita agad ang narinig o nabasang balita.
D. Magsaliksik ukol sa narinig o nabasang balita kung ito ba ay
may katotohanan.

6. Ano ang iyong gagawin kung napanood mo sa telebisyon ang tamang


pagsusuot ng face mask?
A. Isusuot ang face mask ngunit hanggang bibig lamang.
B. Gagawin ang tamang pagsusuot ng face mask ayon sa napanood.
C. Hindi papansinin ang napanood na ukol sa tamang pagsusuot
ng face mask.
D. Iisip ng ibang paraan ng pagsusuot ng face mask bilang
pagsunod sa uso.

7. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral maliban sa


isa?
A. pakikibahagi sa talakayan
B. paggawa ng takdang-aralin
C. pakikilahok sa pangkatang gawain
D. palagiang paghingi ng tulong sa mga gawain.

8. Ikaw ay isa sa mga nangunguna sa inyong klase pagdating sa


larangang akademiko at nais mong matulungan sa mga aralin ang
iyong mga kamag-aral. Sa paanong paraan mo ito gagawin?
A. Gagawin ko ang kanilang mga gawain.
B. Tuturuan ko sila sa aming mga pagsusulit.
C. Pakokopyahin ko sila upang tumaas ang kanilang marka. D.
Hihikayatin silang sabay-sabay naming gawin ang aming mga
takdang-aralin.
9. Ano ang dapat isaisip ng bawat miyembro ng pangkat upang mabilis at
maayos na maisagawa ang isang gawain?
A. Magkaroon ng kani-kaniyang gawain.
B. Aktibong makilahok sa gawain upang mapadali ito.
C. Magbigay ng kani-kaniyang kuro-kuro ukol sa gawain. D.
Bigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro na gumawa.

10. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang katapatan sa


paggawa ng proyektong pampaaralan?
A. Magpatulong sa nakatatandang kapatid sa paggawa ng proyekto.
B. Humingi ng tulong sa kapwa mag-aaral upang gumawa ng
proyekto.
C. Tumingin sa internet ng maaaring parisan bago gumawa ng
proyekto
D. Gumawa ng proyekto sa abot nang makakaya at base sa sariling
kaisipan.

11. Nais mong gawing maganda ang iyong proyekto sa Edukasyon sa


Pagpapakatao, alin sa sumusunod ang dapat mong gawin maliban sa
isa?
A. Gagawin ang proyekto sa abot ng iyong makakaya.
B. Hihingi ng tulong sa kaklase sa paggawa ng proyekto. C.
Kokopyahin ng proyekto ng iba at uunahan sila ng pagpasa. D.
Titingin sa magasin upang makaisip ng magandang proyekto.

12. Sa inyong klase ay pinuri ng guro ang pinasang proyekto ng iyong


kamag-aral ngunit ang ideya niya sa paggawa nito ay nakuha lamang
niya sa ideya na iba. Ito ay taliwas sa bilin ng inyong guro na dapat ay
orihinal ang proyekto. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi na kikibo at hahayaan na lang ang iyong kamag-aral. B.
Ipagbibigay-alam sa guro na ang proyekto ay nakuha lamang sa
mula sa ideya ng iba.
C. Hihikayatin ang kamag-aral na kausapin ang kanilang guro at
sabihin ang kaniyang maling nagawa.
D. Kakausapin ang kamag-aral ukol sa kaniyang proyekto at
sasabihin na hindi niya ito orihinal na ideya.

13. Anong katangian ng bawat miyembro ng pangkat ang dapat taglayin


upang maging matagumpay ang isang gawain?
A. pagkakaisa
B. pagpapahalaga
C. pagkamaalalahanin
D. pagkakaniya-kaniya
14. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kalahagahan ng pagkakaisa
upang maging matagumpay sa isang gawain, maliban sa isa?
A. Pagkakaniya-kaniya upang mapabilis matapos ang gawain. B.
Pagkikinig sa ideya ng bawat isa upang makabuo ng isang plano. C.
Pagtutulungan ng bawat miyembro ng upang matapos ang gawain.
D. Pagpapasalamat sa kontribusyon ng bawat isa sa natapos na
gawain.

15. Paano maipakikita ng isang pangkat ang pagkakaroon ng


pagkakaisa? A. Pagtutulungan sa pagkamit ng mga layunin.
B. Pagpapasalamat sa kontribusyon ng bawat isa.
C. Pakikinig sa mungkahi ng bawat miyembro ng pangkat. D.
Pagbibigay ng muna sa mga nagawa ng miyembro ng pangkat.

16. Bilang isang lider, alin sa sumusunod ang dapat gawin upang
matapos ang isasagawang gawain maliban sa isa?
A. Bigyan ng gawain ang bawat miyembro.
B. Gabayan ang mga miyembro sa kanilang mga gawain. C.
Punahin lahat ng ideya na binibigay ng bawat miyembro. D.
Pasalamatan ang bawat miyembro sa kanilang mga nagawa sa
proyekto.
17. Si Juan ay pangulo ng Supreme Pupil Government sa kanilang
paaralan. Bilang isang mabuting pangulo, paano niya sisimulan ang
isang proyektong pampaaralan?
A. Isagawa agad ang proyektong naisip.
B. Sumangguni sa mga guro ukol sa proyektong gagawin. C.
Bigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na gumawa ng kani
kaniyang proyekto.
D. Kunin ang ideya ng bawat miyembro upang makabuo ng isang
kapakipakinabang na proyekto para sa paaralan.

18. Isa ka sa nagunguna sa klase noong unang markahan subalit nang


dumating ang ikalawang markahan ay napansin ng iyong guro na
bumababa ang nakukuha mong marka sa mga pagsusulit at
sinabihan ka na maaaring bumaba ang iyong marka, ano ang dapat
mong gawin? A. Kakausapin ang magulang na ihanap ka ng tutor.
B. Sasabihan ang katabi na pakopyahin ka sa pagsusulit. C.
Sisikapin na mapataas ang marka sa pamamagitan ng pag-aaral
ng mabuti.
D. Humingi ng tulong sa kamag-aral sa mga araw ng inyong
pagsusulit.

19. Napansin mo na tahimik ang iyong kaibigan. Nalaman mo na nasira


niya ang inyong electric fan sa inyong silid-aralan. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Tatanungin ang kaibigan kung ano ang nangyari.
B. Sasabihan ang kaibigan na huwag aminin ang nagawa. C.
Sasamahan ang kaibigan sa guro na aminin ang nagawa. D.
Kakausapin ang guro at sasabihin ang nagawa ng iyong kaibigan.

20. Bilang isang mabuting mag-aaral paano maipakikita ang katapatan sa


loob ng silid-aralan o paaralan?
I. Pagsasabi ng totoo
II. Pagtupad sa gawain
III. Pagsunod sa tuntunin
IV. Paggawa sa gawain ng iba

A. I at II B. I, II, III D. I, II, III, at IV


C. II, III, IV

21. Unang araw ng inyong pamanahonang pagsusulit at napansin mo ang


iyong kamag-aral na nangongopya sa kaniyang katabi habang
ginagawa niya ito ay napansin niya na nakita mo siya at sinabi na
huwag kang magsusumbong sa inyo guro, ano ang dapat mong gawin?
A. Magkukunwari na hindi nakita ang ginagawa ng iyong kamag
aral.
B. Kakausapin ang guro at sasabihin ang ginagawa ng iyong
kamag aral.
C. Sasabihan ang kamag-aral na mali ang kaniyang ginagawang
pangongopya.
D. Tatayo at isisigaw ang ginagawa ng iyong kamag-aral upang
mapahiya siya.

22. Kasali ka sa Top Ten ng inyong klase ngunit ang mga ulat na iyong
ibinigay sa inyong guro ay hinango mo lamang sa internet na maaaring
maging dahilan ng pagbaba ng iyong marka. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Hindi na lamang kikibo ukol sa iyong ulat.
B. Ililihim na lang ang iyong ginawa ukol sa iyong ulat.
C. Ipagtatapat sa guro ang tungkol sa iyong ginawang ulat. D.
Sasabihin sa kaklase ang totoo ukol sa iyong ginawang ulat.
23. Nakita mo na ang iyong kamag-aral ay palihim na kinuha ang pitaka
ng kaniyang katabi. Napansin niya na nakita mo siya at sinabing
huwag kang maingay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagbibigay-alam sa inyong guro ang nangyari.
B. Hahayaan na lang ang kamag-aral sa kaniya ginawa.
C. Kakausapin ang kamag-aral at sasabihin na isauli ang pitaka. D.
Sasabihan ang kamag-aral na nakita mo na kinuha ng kaniyang
katabi ang kaniyang pitaka.

24. Oras ng recess at ikaw ay nakaramdam ng gutom ngunit naiwan mo


sa bahay ang iyong baon. Sa paglabas mo sa inyong silid-aralan ay
nakakita ka ng P20.00. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pupulutin ko ang pera at itatago ko.
B. Pupulutin ko ito at ipambibili ng meryenda.
C. Pupulutin ko ang pera at dadalhin sa aming guro.
D. Pupulutin ko at ipagtatanong kung kanino ang pera.

25. Nagbigay ng pagsusulit ang inyong guro sa Edukasyon sa


Pagpapakatao. Hindi ka nakapag-aral ng inyong aralin dahil napuyat
ka sa paglalaro ng online game. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kakausapin ko ang aking katabi na tulungan ako sa pagsusulit.
B. Kukuha ng pagsusulit at sasagutan lamang ang tanong na alam
ko.
C. Magpapanggap na maysakit upang hindi makakuha ng
pagsusulit.
D. Sasagutin ang mga tanong sa abot ng aking makakaya at
kaalaman.

26. Ano ang nararapat na gawin upang maipakita ang iyong pagtulong sa
mga nasasalanta ng bagyo at iba pang sakuna?
A. Tutulungan sila sa ibang pagkakataon.
B. Magbibigay ng mga delata, tinapay, at gamot na magagamit nila.
C. Kukuhanan ng litrato ang mga nasalanta ng bagyo at ipo-post sa
social media.
D. Magbibigay ng card na naglalaman ng pakikiramay sa mga
naapektuhan.

27. Nagkaroon ng sunog sa inyong lugar. Isa sa naapektuhan ay ang iyong


kamag-aral. Ano ang magagawa mo para sa kaniya?
A. Tutulungan siya sa paraan na kaya mong gawin.
B. Hintayin ang ibang mga kaklase upang tulungan siya.
C. Obserbahan kung may ibang tutulong sa kaniya.
D. Sasamahan ko siya na humanap ng bagong matitirhan.
28. Marami sa mga kababayan mo ang nawalan ng tirahan dahil sa
paghagupit ng malakas na bagyo. Bilang isang mag-aaral, ano ang
maaari mong maitulong sa iyong mga kamag-aral na naapektuhan?
A. Mag-organisa ng donation drive upang makalikom ng pondo para
sa mga naapektuhan
B. Ipunin ang iyong mga lumang damit at ipamahagi sa mga
kamag aral upang may magamit sila.
C. Sabihin na mga kamag-aral na malalagpasan rin nila ang
suliranin na pinagdaraanan.
D. Humingi ng tulong sa inyong guro at ipaubaya sa kaniya ang
lahat.

29. Regular na nagsasagawa ang inyong paaralan ng mga pagsasanay


kung ano ang nararapat na gawin kung may kalamidad katulad ng
lindol subalit marami pa rin ang hindi nakasusunod dito. Alin sa mga
sumusunod ang nararat na gawin upang mas maging epektibo ang
mga pagsasanay?
A. Magkaroon ng sariling pagsasaliksik sa internet ng mga
impormasyon tungkol sa pagsasanay.
B. Humiling sa mga guro ng isang forum o meeting na tinatalakay
ang mga wastong hakbang ng paghahanda sa mga sakuna. C.
Pagsabihan ang mga kamag-aral na makinig ng mabuti sa tuwing
may pagsasanay sa paaralan.
D. Manghingi ng one-on-one na talakayan sa guro upang mas
madagdagan ang pagkatuto.

30. Bago umalis papuntang paaralan ay napanood mo sa telebisyon ang


balita tungkol sa paparating na bagyo sa inyong lugar. Nagmamadali
ang iyong ina upang ihatid ka sa paaralan kung kaya’t hindi niya
nakita ang balita. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. Papasok sa paaralan kahit walang dalang payong o kapote.
B. Bibilisan ang kilos upang hindi maabutan ng ulan.
C. Ipapaalam sa iyong ina ang balitang napanood upang
makapaghanda kayo ng payong o kapote.
D. Sasabihin sa ina na liliban na lamang muna sa klase upang
hindi mabasa ng ulan.

31. Nakita mong kinuha ng iyong kaibigan ang bagong laruan ng inyong
kamag-aral at itinago ito sa bag. Umiiyak na hinanap ng inyong kamag
aral ang laruan nang malaman niyang nawawala ito. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Sabihin sa kamag-aral na bumili na lamang ng bagong laruan.
B. Pumunta sa mga magulang ng kamag-aral at doon sabihin ang
ginawang pagkuha ng laruan ng kaibigan.
C. Magpunta sa inyong gurong tagapayo upang ipagbigay-alam ang
iyong nakita.
D. Kausapin nang palihim ang kaklase at payuhang isauli ang
kinuhang laruan.
32. Mayroong nagaganap na kaguluhan sa labas ng inyong paaralan. Isa
sa mga nag-umpisa nito ay ang iyong nakatatandang kapatid. Alin sa
mga sumusunod ang nararapat mong gawin?
A. Tulungan ang kapatid upang hindi ito masaktan.
B. Sumigaw ng tulong habang inaawat ang mga nagkakagulo. C.
Magtungo sa loob ng paaralan at idulog ang nakita sa
kinauukulan.
D. I-video ang nagaganap na kaguluhan at i-post sa social media
upang makakuha ng atensiyon.

33. Laging tahimik at nag-iisa ang kamag-aral mo, kaya kadalasan ay


palagi itong nabu-bully ng iba pang mga bata. Isang hapon, naabutan
mo na nilalagyan ng bato ng inyong mga kamag-aral ang kaniyang
bag. Ano ang una mong dapat gawin?
A. Lumapit sa inyong gurong tagapayo upang ipaalam ang
nasaksihan.
B. Payuhan ang mga kamag-aral na itigil ang kanilang ginagawa
dahil masama ito.
C. Hintaying makaalis ang mga kamag-aral at saka isa-isang
tanggalin ang mga bato sa bag.
D. Kausapin ang kamag-aral na nabu-bully at payuhan na idulog
na sa mga magulang ang nararanasang pambu-bully.

34. May bagong lipat kayong kapitbahay na may lahing Hapon. Ano ang
maaari mong gawin upang maipakita ang mabuting pagtanggap sa
kanila?
A. Padalhan sila ng sulat na naglalaman ng pagbati.
B. Hintayin na ikaw ang unang batiin ng bagong kapitbahay bago
siya kausapin.
C. Magiliw na batiin ang bagong lipat na kapitbahay at mainit na
tanggapin sa inyong lugar.
D. Tawagin ang iba pang kapitbahay at mag-organisa ng welcome
party para sa bagong kapitbahay.

35. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting pagtrato sa


mga katutubo?
A. Ipakilala sila sa iyong mga kaibigan at pamilya.
B. Pag-aralan ang kanilang kultura at isabuhay ito.
C. Pakitunguhan sila ng maayos katulad ng pakikitungo mo sa
iyong mga mahal sa buhay.
D. Patuluyin sila sa inyong tirahan at gawing parte ng inyong
pamilya.
36.Maganda ang ideya ng iyong kaklase tungkol sa Clean-Up Drive subalit
mayroon kayong di-pagkakaunawaan. Ano ang dapat mong gawin? A.
Sabihin sa iyong kaklase na sa susunod na lamang magbigay ng
mungkahi.
B. Kausapin ang iyong guro na tutulong ka sa proyekto ng iyong
kamag-aral.
C. Pakiusapan ang iba pang mga kaklase na magbigay ng iba pang
mga mungkahi.
D. Tanggapin ang kanyang mungkahi at pag-isipan ang maaaring
maitulong sa proyekto.

37. Lumaki ka sa isang tradisyunal na pamilya. Hindi gusto ng iyong mga


magulang ang bago mong kaibigan na kauuwi lamang galing sa ibang
bansa dahil sa paraan ng pagkilos at pananamit nito. Ano ang maaari
mong gawin sa ganitong sitwasyon?
A. Pakiusapan ang iyong kaibigang na kumilos ng naaayon sa nais
ng iyong mga magulang.
B. Sabihin sa mga magulang na huwag husagahan ang kaibigang
at alamin muna ang pagkatao nito.
C. Iwasan muna ang pakikipag-usap sa kaibigang upang hindi ka
pagalitan ng iyong mga magulang.
D. Maghahanap na lamang ng bagong kaibigang na magugustuhan
ng iyong mga magulang.

38. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa


natatanging kaugalian o paniniwala ng mga dayuhan?
A. Habang nasa ibang bansa ay responsableng sinusunod ni Ana
ang panukalang bawal magkalat sa kalsada.
B. Iniiwasan ni Leah ang bagong dayuhang kamag-aral sa
kadahilanang ayaw niyang gamiting ang wika nito.
C. Pinagtatawanan ng mga magkakaibigan ang gawi at kilos ng
isang dayuhan.
D. Paulit-ulit na ipinapaalala ni Lenard sa kaibigang dayuhan ang
pagmamano sa mga nakatatanda sa tuwing makikita ang mga
ito.

39. Paano mo maipamamalas ang paggalang sa mga katutubo na bagong


lipat sa inyong lugar?
A. Bigyan ng maraming pagkain at damit ang mga ito.
B. Alamin ang kanilang kaugalian at huwag silang husgahan. C.
Pakiusapan ang mga katutubo na kumilos ng naaayon sa inyong
kultura.
D. Sabihin sa mga katutubo na maaari nilang gawin ang kanilang
gusto sa inyong lugar.

40. May mga paniniwala si Tacobo, isang katutubo na kaibigan ni Rea, na


taliwas sa kaniyang paniniwala, subalit magkasundo pa rin sila. Ano
ang dahilan kung bakit napananatili ng dalawa ang kanilang
pagkakaibigan?
A. Lihim na pinupuna ni Rea ang paniniwala ni Tacobo nang hindi
nito nalalaman.
B. Iginagalang ni Rea ang paniniwala ni Tacobo at gayundin ito sa
kaniya.
C. Hinihikayat ni Rea na magkaroon sila ng parehas na paniniwala
upang magkasundo.
D. Hindi pinapansin ni Rea si Tacobo sa sarili nitong paniniwala
upang hindi sila magkaaway.

41. Naatasang maging lider ng grupo ang iyong kamag-aral sa


pagsasagawa ng isang proyekto. Ikaw ay isa lamang sa iyong mga
kamag-aral na hindi lubusang sang-ayon dito. Alin sa mga
sumusunod ang nararapat mong gawin?
A. Magboluntaryong upang maging lider ng buong pangkat. B.
Hingin ang opinyon ng mga kasamahan tungkol kay Mark. C.
Magtapat kay Mark ng tunay na saloobin tungkol sa proyekto
upang magbitiw siya sa pagiging lider.
D. Tutulungan si Mark sa paggawa ng proyekto sa kabila ng iyong
saloobin sa kaniya.

42. Alin sa pagpipilian ang pinaka-angkop na nagpakikita ng paggalang


sa ideya o saloobin ng iba?
A. Pagbibigay ng sariling opinyon sa bawat mungkahi na maririnig.
B. Pakikinig sa anomang ideya na ibinibigay ng bawat isa. C. Pag-
uunawa at pagtatanggap sa ideya ng iba sa kabila ng pagkakaroon
ng iba’t-ibang pananaw.
D. Pagsasaalang-alang sa sariling opinyon at pagmumungkahing
sundin ito ng nakararami.

43. Nagbigay ng mga libreng ticket sa isang palabas ang iyong guro,
subalit limitado lamang ang mga ito. Napanood mo na ang palabas
ngunit gusto mo pa rin itong panooring muli. Alin sa mga sumusunod
ang nararapat mong gawin?
A. Sabihan ang ibang mga kaklase na bumili sila ng panibagong
ticket.
B. Ipaubaya na lamang ang ticket sa kaklase upang makapanood
ito.
C. Pakiusapan ang guro na gumawa ng paraan upang makakuha
ng isa pang ticket para sa palabas.
D. Pakiusapan ang kaklase na kung maaari ay sa susunod na
lamang sumama.

44. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapaubaya ng


pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa?
A. Binilhan ni Rosa ng pagkain ang kaniyang kapatid subalit
kinuha niya ang bayad nito.
B. Kinain ni Dino ang natitirang pagkain sa hapag-kainan dahil
paborito niya ang mga ito.
C. Tinulungan ni Maria na magbuhat ng mabibigat na gamit ang
kaniyang guro sa pag-aasam na makakuha ng dagdag na marka.
D. Ibinahagi ni Carlo ang kaniyang baong pagkain sa kaniyang
kaklase kahit na sapat lamang sa kaniya ito.

45. Bilang presidente ng inyong klase ay binibigyan ka ng pagkakataon


ng inyong guro upang magbahagi ng iyong opinyon sa iba’t-ibang mga
paksa. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang isinaalang-alang ng
inyong guro?
A. Karapatang mapaunlad ang kakayahan.
B. Karapatang magpahayag ng sariling pananaw.
C. Karapatang mabigyan ng sapat na edukasyon.
D. Karapatang maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan.

46. Nagkaroon ng patimpalak sa silid-aralan kung saan kasali ang


magkaibigang Nina at Ana. Nangako sila sa isa't isa na hindi sila
magkakatampuhan kahit sino ang manalo sa kanilang dalawa. Anong
ugali mayroon sina Nina at Ana?
A. pagiging isports B. pagiging mapagbigay
C. pagiging mabait D. pagiging maunawain

47. Ikaw ay napili ng iyong guro na sumali sa patimpalak sa pag-awit.


Ano ang maaari mong gawin upang maihanda ang iyong sarili sa
paligsahan?
A. Palagiang pagsasanay upang mas maging mahusay pa sa pag
awit.
B. Iwasan munang makipag-usap sa mga kaibigan upang hindi
maapektuhan ang boses.
C. Magtanong sa mga kaklase kung ano ang nararapat na gawin.
D. Hintaying sumapit ang paligsahan at doon pa lamang mag
ensayo.

48. May edad na ang iyong guro at hindi na masyadong magaling sa


paggamit ng gadyet tulad ng laptop. Ano ang maaari mong gawin
upang makatulong sa kanya sa paggawa ng powerpoint presentation?
A. Magbigay ng video link sa guro upang mapanood niya ito. B.
Mangako na tuturuan ang iyong guro sa paggamit ng gadyet. C.
Pakiusapan ang iyong kaklase na tulungan ang guro sa paggawa
ng video.
D. Magboluntaryong gawin ang video presentation ng guro upang
makatulong.

49. Bilang lider ng inyong klase, paano ka makatutulong sa iyong mga


kaklaseng mabagal bumasa?
A. Magbigay ng mga babasahin sa mga kaklase.
B. Sabihin ang mabuting naidudulot ng pagbabasa.
C. Maglaan ng oras para turuang magbasa ang mga kaklase. D.
Hikayatin ang iba pang mga kaklase na bumuo ng pangkat na
magtuturo sa mga kaklase.

50. May ipinagagawang proyekto tungkol sa pananahi ang inyong guro sa


asignaturang EPP, subalit hindi lahat ng kabilang sa iyong pangkat ay
kaya itong gawin. Bilang lider ng inyong pangkat, paano mo
mapagtatagumpayan ang proyekto sa kabila ng lahat?
A. Makiusap sa guro na sa ibang araw ipapasa ang proyekto. B.
Manghingi ng tulong sa mga ibang grupo na marunong manahi. C.
Bilang lider ay tulungan ang mga kasamahan sa pananahi sa abot
ng iyong makakaya.
D. Hikayatin ang mga kasama na manood muna ng video tungkol
sa pananahi.

You might also like