You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO | LONG TEST

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon kay Sto. Tomas di Aquino may 12 yugto ito at nahati sa dalawang kategorya na maaring maging gabay natin sa araw-
araw. Ngunit sa katunayan, ang moral na kilos ayon sa yugto ng makataong kilos ay nagtatapos sa:
a. Unang yugto
b. Ikalimang yugto
c. Ikawalong yugto
d. Ikasampung yugto
2. Alin sa mga sumusunod na yugto ng makataong kilos ang nagpapahayag ng paghuhusga kung ano ang pinakamabuti sa
kanyang kilos.
a. Nais ng layunin
b. Paghuhusga sa paraan
c. Intensiyon ng layunin
d. Pagpili
3. May dapat na isaalang-alang ang tao sa pagbubuo ng pagpapasya ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ano ito?
a. Kung kalugod-lugod sa Diyos at panahon
b. Kasiyahan ng sarili at kapwa
c. Ang budget na kakailanganin at oras
d. Tulong para sa bayan at sa mahihirap
4. Sabi nga, “Think before you click,” kaya napakahalaga na dumaan sa proseso bago magsagawa ng pagpapasya. Ito ang
magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo at dito matututuhan mo na ang moral na pagpapasya ay isang
kakayahan na may kontribusyon sa anumang moral dilemma.
a. COMMUNICATION Process
b. LISTEN Process
c. FERTILIZATION Process
d. DISSOLUTION Process
5. Sa prosesong ito, kinakailang masagot ang mga katanungan upang masiguro kung ano ang problema na nais mong mabigyang
linaw.
a. Mangalap ng patunay
b. Isaisip ang posibilidad
c. Maghanap ng ibang kaalaman
d. Tingnan ang kalooban
6. Ito ay mga mabuting kilos ng isang mag-aaral. Hanapin ang HINDI KASALI?
a. Pumasok ng maaga ayon sa itinakdang oras
b. Isuot ang ID na may mukha na paborito mong personalidad.
c. Magpasa ng mga proyekto nang may pagkamalikhain
d. Pakikilahok sa mga talakayan sa loob ng silid-aralan
7. Sino ang madadagdagan ang kabutihan ng kilos dahil sa ginagawa nila?
a. Ang mga pulis na humuhuli ng mga kriminal para umangat ang posisyon
b. Ang mga alagad ng simbahan na nagtuturo ng aral ng Diyos dahil bokasyon nila
c. Ang mga negosyanteng patuloy na nagpapayaman dahil sa mga manggagawa
d. Ang mga magulang na nagsisikap itaguyod ang anak kahit hirap dahil sa pagmamahal
8. Ito ang tinatawag na panlabas na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
a. Paraan
b. Layunin
c. Kahihinatnan
d. Sirkumstansiya
9. Ito ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos, hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao. Ano ito?
a. Paraan
b. Layunin
c. Kahihinatnan
d. Sirkumstansiya
10. Sa pagsasagawa ng isang kilos maaari ba nating sabihin tama ito kung maganda ang layunin ngunit mali ang paraan?
a. Oo, sapagkat importante pa din na madami ang nagsasabi na tama ito.
b. Hindi, sapagkat hindi natin dapat paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos.
c. Hindi, dahil ang unang nakikita ng lahat ay ang paraan ng pagsasagawa.
d. Oo, dahil paraan lamang naman ang mali pwede na itong bigyang pansin.
11. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
a. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.Kilos
b. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloon na kilos.Pagpapahalaga
c. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang kilos, kahit mabuti ang panabas.
d. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
12. Tunay na makikita ang higit na pagiging mabuti o masama ng kilos ayon sa:
a. Layunin
b. Paraan
c. Sirkumstansiya
d. Kahihinatnan
13. Dito ay inaalam kung ano ba ang nais ng taong gumagawa ng aksyon.
a. Intensiyon sa Layunin
b. Pagkaunawa sa Layunin
c. Paghuhusga sa Paraan
d. Masusing Pagsuri sg Paraan
14. Si Alfred ay inaayang huwag pumasok sa klase ng kanyang kamag-aaral at sila’y pumunta na lamang sa computer shop. Hindi
agad sumagot si Alfred bagkus ito’y kanyang pinag-isipan kung tama o mali at ano ang magiging epekto nito kung siya’y
sasama. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit niya?
a. Magkalap ng patunay.
b. Isaisip ang posibilidad.
c. Maghanap ng ibang kaalaman.
d. Tingnan ang kalooban.
15. Matagal ng pinapangarap ni Kylie ang magkaroon ng Iphone 13 dahil luma na ang ginagamit niyang cellphone. Nasa anong
yugto ng makataong kilos siya nakapaloob?
a. Pagkaunawa sa layunin
b. Nais ng layunin
c. Paghuhusga sa nais makamtan
d. Intensiyon ng layunin
16. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ito ay
mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili.
a. Mabuting buhay
b. Mabuting panahon
c. Mabuting kalusugan
d. Mabuting Pagpapasya
17. Punong-guro ang tatay ni Venice at guro ang kanyang ina at dahil pareho silang nasa linya ng edukasyon gusto nilang
maging katulad sila ni Venice. Subalit ang hilig niya ay pagluluto kaya HRM ang gusto niyang kunin sa kolehiyo. Ano ang
gagawin ni Venice para makumbinsi sila?
a. Ipadama na ipinagmamalaki ang propesyon ng magulang
b. Ipaliwanag kung gaano kahilig at kagusto ang pagluluto
c. Ipakita ang paggalang sa kanila ngunit iba ang gusto mo
d. Sabihin na kung gagawin ito ay labag sa kalooban ito
18. Nasa kritikal na kalagayan ang isang mayaman at balong lalaki dahil sa sakit sa kidney at kailangang maisagawa ang kidney
transplant sa lalong madaling panahon. Ang kanyang drayber na limang taon nang naninilbihan sa kanya ay nagpasyang i-
donate ang isang kidney bilang pagtanaw ng utang na loob sa amo. Tama ba ang naging kapasyahan ng drayber?
a. Tama, para itaas ang sweldo niya ng kanyang amo
b. Tama, tanda ito ng pagmamahal sa taong nagpahalaga sa kanya
c. Mali, dahil maaapektuhan ang kalusugan ng drayber
d. Mali, dahil hindi naman niya ito kapamilya o kamag-anak
19. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
a. Upang magsilbing gabay sa buhay
b. Upang magsilbing paalaala sa Gawain
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pagpili
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
20. Hanapin ang HINDI KABILANG labindalawang yugto ng makataong kilos.
a. Nais ng layunin
b. Pagpili
c. Paggamit
d. Pagpapasya
21. Gawaan ng Action Research nila Charity kaya kailangan niya ng bagong laptop dahil napakabagal na ng luma niyang desktop
at matagal na itong nasabi sa magulang ngunit alam mong mas kailangan ng kapatid mo na magbayad ng tuition fee niya.
Ano ang dapat gawin ni Charity?
a. Pipilitin ang magulang na unahin siya bago ang kapatid dahil mas una siyang humiling
b. Pababayaran muna ang tuition ng kapatid at manghiram muna siya ng magagamit
c. Magtatampo sa magulang para maisunod ang kahilingan niya
d. Aalis muna ng bahay upang magpalamig para maalis ang inis sa kapatid
22. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Tingnan ang kalooban
b. Magkalap ng patunay
c. Isaisip ang posibilidad
d. Maghanap ng ibang kaalaman
23. Si G. Jonathan So ay isang mayamang negosyante na kilala maging sa ibang bansa. Sa panahon ng pandemya tanging ang
kanyang Online Franchising business ang nangibabaw dahil bawal ang paglabas ng mga tao at maraming nagsarang mga
neggosyo ng panahong iyon. Hindi alintana para sa kanya ang pandemya kundi ang makatulong sa mga kababayang nawalan
ng hanapbuhay at magkaroon ng Negosyo sa murang halaga. Ano ang salik na nag-uugnay sa makataong kilos na ipinakita
ni G. Jonathan So?
a. Layunin
b. Paraan
c. Sirkumstansiya
d. Kahihinatnan
24. Nangungutang si Janel kay Ash ngunit nilibre na lamang siya nito ng burger sa kantina upang pasahan siya ng sagot sa
kanilang pagsusulit sa Matematika. May kabutihan ba sa kanyang ginawang kilos?
a. Oo, sapagkat binigyan niya ng libreng pagkain ang kaklase
b. Oo, dahil ayaw niyang makakuha ng mababang iskor sa pagsusulit
c. Hindi, dahil mali ang kanyang layunin
d. Hindi, sapagkat masama ang intensiyon, layuning pakopyahin
25. May magnanakaw na pumasok sa bahay ng kapitbahay mo kaya nagsisigaw ito para mapukaw ang atensyon ng mga kalapit-
bahay. Gising ka ng panahong iyon. Ano ang gagawin mo?
a. Babangon, lalabas at pupunta sa kapitbahay para malaman ang nangyayari
b. Palalakasin ang tugtog habang naka-earphone
c. Mahihiga na lang parang walang narinig na sumisigaw
d. Di makikialam dahil baka masangkot sa gulo
26. Nasa simbahan si Beverly para sa misa ngunit nakita niya ang matalik niyang kaibigang si Myrel kaya di naiwasan ang
kwentuhan. Napag-usapan din nila ang kaklase na nagka dyowa ng matanda habang nagmimisa. Alin ang di nararapat na
ginawa nila sa loob ng simbahan?
a. Ang pag-usapan ang isang tao lingid sa kaalaman nito
b. Hindi naigalang ang pook sambahan dahil sa pagtsismisan nila
c. Paninirang puri sa kaklase at isagawa ito sa banal na lugar
d. Magkwentuhan para ibalita ang pinaka-latest chika
27. Ang mga sumusunod ay makikilala na mabuting kilos ng isang tao MALIBAN sa_________.
a. Mayamang negosyante na nagbabahagi sa mga Charity Foundation
b. Si GM Erarev Anne Bacho na susi sa pag-unlad ng Negosyo ng marami
c. Pagbabahagi ng mga karanasan na nagbibigay ng inspirasyon sa marami
d. Isang makapangyarihang opisyal na ginagamit ito para makapanlamang ng ibang tao
28. Kailan nawawala ang pananagutan sa kilos at pasya dahil sa kamangmangan ng tao?
a. Kapag walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o kakayahan man ng iba
b. Kapag salat sa kaalaman at mayroon ng pagkalito dahil walang edukasyon
c. Kapag hindi nagawa ang paraan upang maitama ang kawalan ng kaalaman
d. Kapag walang alam sa isang Gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman
29. Nagpapalit si aling Honesta ng malaking pera sa isang karinderya at sinabihan siya na walang barya. Ngunit ang totoo ay
mayroon naman. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaaapekto sa sitwasyong ito?
a. Takot
b. Gawi
c. Kilos
d. Kamangmangan
30. Ang sumusunod ay mga salik na nakaapekto sa makataong kilos MALIBAN sa isa:
a. Takot
b. Karahasan
c. Kamangmangan
d. Karangalan
31. Nasaksihan mo ang pananakit ng isang bully sa iyong kaklase sa loob ng klasrum. Dahil sa takot na baka madamay ka, hindi
mo ito sinumbong sa kinauukulan. Mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik? Bakit?
a. Hindi, dahil ayaw kong masangkot sa gulo.
b. Hindi, dahil ayokong magalit sa akin ang aking kamag aral.
c. Oo, dahil ito ay nangyari sa loob ng paaralan.
d. Oo, dahil bilang mag aaral responsibilidad ko na sabihin ito sa kinauukulan.
32. Nakasanayan ni Jose ang magmura sa tuwing nakikipagbiruan sa mga kabarkada. Nakikipagkwentuhan at biruan siya sa
kanyang kaklase at nakapagmura ito. Ikinasama ito ng loob ng kanyang kaklase. May pananagutan ba si Jose?
a. Oo, dahil ito ay nakagawian na niyang asal.
b. Oo, dahil nakasasakit siya ng damdamin ng ibang tao.
c. Wala, dahil ito ay pakikipagbiruan lamang.
d. Wala, dahil magkakabarkada naman sila.
33. Habang nagbabasa si Cardo ng dyaryo ay nakita niya ang numero lumabas sa lotto. Nagkataon na ito rin ang numerong
kanyang tinayaan. Sa sobrang kagalakan ay nayakap niya ang ale na nakaupo sa kanyang tabi. Maaari bang kasuhan si Cardo
ng sexual harassment?
a. Oo, dahil hindi naman niya kilala ang babaeng kanyang niyakap.
b. Hindi, dahil pumayag naman ang babae na yakapin siya.
c. Hindi, dahil hindi naman niya sinasadya ang pagyakap sa babae.
d. Oo, dahil wala naman silang kaugnayan sa isa’t isa.
34. Habang naglalakad ka papuntang tindahan ay nakapulot ka ng cellphone. Walang tao sa paligid kundi ikaw lamang. Ano ang
iyong gagawin sa cellphone?
a. Kukunin mo ang cellphone at aangkinin na lamang dahil wala naman ibang taong nakakita sa pagdampot mo rito.
b. Papalitan mo ng sim ang cellphone upang iyong magamit agad-agad.
c. Irereport ito sa barangay upang mahanap ang may-ari nito
d. Iuuwi na lamang ito sa bahay at hihintaying may maghanap.
35. May napansin kang pagkakamali sa panutong ibinigay ng guro sa iyong gawain. Tahimik na ang buong klase at abala na ang
inyong guro sa kanyang ginagawa sa harapang lamesa. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin mo ang iyong napansin sa iyong kaklase upang siya ang magsabi sa inyong guro.
b. Hindi na lamang ito papansinin para hindi na din masabihan ng mga kaklase na walang common sense.
c. Hahayaan na lamang ito at magsasagot na lamang dahil pagkainabala pa ang guro ay baka magalit pa.
d. Sasabihin ito sa guro upang maitama ang panutong nailagay niya sa gawain.
36. Alin sa mga sumusunod ang dalawang uri ng kilos ng tao ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Materyal at ispiritwal na kalikasan
b. Kaisipan at kilos-loob
c. Kilos ng tao at makataong kilos
d. Di kusang-loob at walang kusang-loob
37. Alin ang HINDI KABILANG sa kilos na nagaganap sa tao ayon sa kaniyang kalikasan?
a. Pagsasalita habang natutulog sa sofa
b. Pagkurap ng mata habang nagsasalita
c. Pag-usal ng dasal sa loob ng simbahan
d. Naramdamang sakit dahil sa sugat na natamo
38. Kailan masasabing ang kilos ng tao ay makataong kilos?
a. Nagpapakita ito ng pagiging responsible.
b. Ito ay sinadya at kinusang gawin ang kilos.
c. Ito ay kilos na niloob ng tao.
d. A, B at C
39. Batay sa katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang nagpapahayag na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na
dapat isakatuparan.
a. Kusang-loob
b. Walang kusang-loob
c. Di kusang-loob
d. Kilos-loob
40. Hanapin ang kilos na maaaring makapagpabawas ng pananagutan dahil sa damdamin.
a. Pagyakap sa babaeng kaibigan sa mataas na markang natanggap
b. Pagbatok sa kaklase dahil sa biglaang panloloko
c. Pagpasok ng maaga sa trabaho para ma-promote sa trabaho
d. Pagsangkot sa kapitbahay na kinaiinggitan
41. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti dahil ito ay
nakasalalay sa _______ ng taong gumawa.
a. Pananaw
b. Kalooban
c. Intensiyon
d. Prinsipyo
42. Si Ella ang naging breadwinner ng pamilya dahil nawalan ng trabaho ang ama nila dahil sa sakit sa baga. Ang ina naman ay
simpleng maybahay kaya lahat ng kailangan ng pamilya ay siya ang sumusuporta. Nagpapahayag ba ng makataong kilos ang
ginagawa ni Ella?
a. Sang-ayon
b. Depende
c. Di sang-ayon
d. Walang pagsang-ayon
43. Papauwi na si Princess nang hinarang siya ng mga tambay at sapilitang kinuha ang kaniyang pera at ibinigay naman niya ito.
Aling salik ang nakaapekto sa kanyang aksyon?
a. Takot
b. Karahasan
c. Kamangmangan
d. Masidhing Damdamin
44. Si Carlo ay baguhan sa Maynila. Tumawid siya sa kalsada na ipinagbabawal ang pagtawid. Nakasuhan siya ng jaywalking at
nagmulta. Aling salik ang nakaapekto sa kanyang aksyon?
a. Takot
b. Karahasan
c. Kamangmangan
d. Masidhing Damdamin
a. Masidhing damdamin
45. Ito ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa ng tao at bahagi na ng Sistema ng buhay sa araw-araw.
a. Kamangmangan
b. Takot
c. Karahasan
d. Gawi
46. Hindi nakapag-review si Marga sa asignaturang Ingles dahil 50th birthday ng kanyang ina ngunit mayroon silang mahabang
pagsusulit kinabukasan. Kung ikaw si Marga. Ano ang gagawin mo?
a. Bibilisan ang pagsagot para makaidlip agad
b. Kailangang maging maparaan sa pagsagot para di ma-zero
c. Makikipag-usap sa katabi para makakuha ng sagot
d. Magpokus sa pagsagot at alalahanin ang mga natutunan sa mga aralin
47. Nagparehistro sa Comelec si Icy upang makaboto sa halalan. Isang araw bago ang eleksiyon ay niligawan siya ng matalik na
kaibigan na isulat sa balota ang sinusuportahan nilang kandidato ngunit kilala sa pagiging “corrupt”. Paano mo maipapakita
ang iyong mapanagutang pagkilos?
a. Susundin ang matalik na kaibigan dahil sanggang dikit kayo
b. Isusulat ang nararapat na kandidato sa balota para sa bayan
c. Iboboto ang kandidato nila pero hihiling ng kapalit
d. Ngingitian ang kaibigan sabay aalis sa tabi niya
48. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Panliligaw sa crush
b. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
c. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.
49. Ang ama ni Johnny ay nagtitinda ng ipinagbabawal na gamot. Madalas siyang magpadala kay Johnny ng maliit na bag na
iaabot sa kanyang kumpare. Mahigpit ang kanyang bilin na huwag itong bubuksan. May pananagutan ba si Johnny sa
ginagawa ng ama?
a. Meron, dahil pumapayag siyang dalhin ang mga bag.
b. Wala, dahil ibinilin lamang ito ng kanyang ama.
c. Wala, dahil hindi niya alam ang transaksiyon na ito.
d. Meron, dahil siya ang nagdadala at tumatanggap ng bayad.
50. Ang pag-inom ng alak ay nagdudulot sa isang tao ng kasiyahan ngunit ito ay may posibilidad ng masamang resulta. Ngunit
kusang-loob siyang sumang-ayon sa alok ng barkada. Masisisi ba siya kapag siya ay nakapanakit?
a. Oo, dahil mahina at hindi siya sanay uminom ng alak
b. Oo, dahil hindi mangyayari ang pananakit kung di ginawang uminom
c. Hindi, dahil ito ang paraan niya upang maglibang
d. Hindi, dahil nagkatuwaan la
ng sila na umabot sa sobrang inom

You might also like