You are on page 1of 2

PANUTO: BASAHING MABUTI ANG BAWAT TANONG. PILIIN ANG TITIK NG PINAKATAMANG SAGOT.

1. Isa sa mga naipundar ng tatay ni Vince sa kanyang pagtatrabaho sa Middle East ay isang ektaryang manggahan sa
kabilang barangay. Ayon sa kanilang katiwala ay malapit nang anihin ang mga bunga at tiyak na malaki ang kanilang
kikitain dito. Subalit ng kanilang puntahan ang manggahan ay halos wala na silang maabutang bunga. May nauna na
sa kanila. Labis ang kanilang pagkalungkot dahil dito. Ano ang ipinakikita sa pangyayari?
A. Kawalan ng pagkilala sa karapatan ng iba C. Kawalan ng katarungang panlipunan
B. Kawalan ng respeto sa buhay D. Kawalan ng pagmamahal sa sarili
2. Bakit kinakailangang nababatid mo ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan?
A. Upang maibigay sa kapwa ang nararapat sa kanila at matamo ang nararapat para sa akin
B. Upang hayaan natin ang mga namumuno sa ating bayan na gawin ang kahit na anong nainisin
C. Upang ang mga empleyado ng gobyerno ay maging malaya sa pagmamalabis sa kanilang oras
D. Upang matutong sumunod sa mga batas na umiiral kapag nakikita ng mga tagapagpatupad nito
3. Isinilang si Martin na maliliit ang mga paa. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi na siya nakalakad. Ngunit
nagsikap siyang mag-aral at nakatapos bilang mahusay na computer technician. Nag-apply siya sa isang computer
company ngunit nakaranas siya ng panlalait mula sa mga naging kasabay niyang aplikante. “Magaling nga, may
kapansanan naman samantalang tayo hindi man kagalingan buo naman ang parte ng katawan!”, sabi nila. Hindi niya
ito pinansin at nanatiling matatag hangang ianunsyo ng may-ari na si Martin ang natanggap sa trabaho. Sa iyong
palagay ano ang naging pamantayan ng may-ari ng kompanya sa pagpili?
A. Karanasan at sasabihin ng ibang tao C. Kakayahan sa trabaho at determinasyon
B. Panlabas na kaanyuan at galing D. Matibay na pangangatawan at galing
4. Batid mo ang hirap ng iyong mga magulang sa pagtatrabaho para matugunan ang pangangailangan ng pamilya
ngayong panahon ng pandemya. Wala ka pa namang sapat na kakayahan para kumita ng pera. Ano ang maaari
ninyong gawing magkakapatid upang mapasaya ang inyong mga magulang?
A. Pupunta muna kami sa aming mga pinsan upang sila ay maging tahimik sa bahay.
B. Tahimik na lamang kaming gagawa ng aming mga modules kapag sila’y dumating.
C. Mag-iipon kaming magkakapatid upang may pambayad sa magiging kasambahay.
D. Pagtutulungan ang mga gawaing bahay para di na gawin ng mga magulang.
5. Si Jude ay nagtitinda ng facemask na inoorder pa nya sa online shop ng kanyang kaibigan. Naisip nya na mas
madali siyang makabebenta kung magaganda ang disenyo ng mga ito. Kaya sa pamamagitan ng kanyang husay sa
pananahi, nag-imbento sya ng facemask na yari sa malambot na tela at nilangkapan ng sariling disenyo na alam
nyang magiging patok sa mga suki nya. Anong katangian ang ipinakita ni Jude?
A. Kasipagan B. Malikhain C. Masigasig D. Tiyaga
6. Gumagawa ng tseklis ng mga gawain si Mollie para sa buong linggo. Lahat ng dapat niyang gawin ay sinisimulan
nya ng buong husay at tinatapos ng may kalidad. Anong katangian ang ipinakikita ni Mollie?
A. Displina sa sarili B. Malikhain C. Masipag D. Matiyaga
7. Ito ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at
kagalingan. Ito ay naaayon sa:
A. Kalooban ng Diyos B. Kakailanganing kasanayan C. Pagiging malikhain D. Pagiging palatanong
8. Paano maipakikita na ang gawain o produkto ay bunga ng de-kalidad na paggawa?
A. Ito ay pinagplanuhan, pinaghandaan, may mga estratehiyang ginamit at dumaan sa pagtataya
B. Ito ay nabibili ng may kamahalan sa mga tindahan at nakakaakit sa paningin ng mga mamimili
C. Maraming mga sikat na personalidad ang gumagamit o gumagaya rito kung kaya’t nakikila ng iba
D. Nagiging masaya ang gumagawa at gumagamit nito kung kayat kumikita ng malaki ang nagtitinda
9. Bakit mahalaga ang ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
A. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
B. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa
C. Magkakaroon ng sense of achievement
D. Mapabibilis ang paggawa
10. Sino sa mga sumusunod ang nagpakita ng kasipagan, pagpupunyagi sa paggawa, pagtitipid at may pamamahala
sa naimpok?
A. Dahil sa pagtatanim ng gulay ni Lorna sa mga lumang timba, may naiulam sila at naibenta ang iba.
B. Habang walang pasok, naglalabada si Fe kaya may maiibili siya ng anumang kanyang gustuhin.
C. Tinitipid ni Aida ang allowance na ibinibigay ng kanyang magulang upang may maibigay sa kapatid.
D. Iniipon ni Kimi ang mga lumang notebook at nilagyan ng mamahaling dekorasyon kaya gumanda.
11. Malinaw sa isip ni Lita na pagkatapos ng pagtatanghal na kanilang ginagawa ay maraming kabataan ang
mapapasaya kaya kinausap niya ang kanyang mga kaibigan upang paghusayan ang praktis. Nakakapagod man pero
masaya naman. Ano ang nararapat niyang gawin upang masiguro na naging maayos ang kanyang ginawa sa
maghapon?
A. Ayain ang mga kaibigang mamasyal upang makapagrelax para muling nakahanda kinabukasan.
B. Ilista ang lahat ng mga kakailanganing props, ang mga kakausaping tao at lugar na pupuntahan.
C. Sumulat ng journal na naglalaman ng karanasan, natutunan at paano pa niya iaayos ang gawain.
D. Ikwento sa mga magulang ang lahat ng nangyari sa maghapon at muling magpaalam sa kanila.
12. Si Lady ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa kanyang gawain. Sinisiguro niyang maayos ito. Anong
palatandaan ng kasipagan ang taglay ni Lady?
A. Hindi umiiwas sa anumang gawain C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
B. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal D. Umaako ng lahat ng uri ng gawain
13. Nakasanayan ni Ysa ang gumawa ng chart ng pagsunod sa mga hakbang upang matupad ang itinakdang gawain.
Ano ang ipinakikita nito?
A. Kasipagan at pagpupunyagi C. Pagmamahal at pag-unawa
B. Pagbibigay at pagsunod D. Lahat ng nabanggit
14. Si Brody ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga gawain o
takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa pagkakataong
ito?
A. Magtakda ng tunguhin C. Gumawa ng prayoritisasyon
B. Pamahalaan ang pagpabukas-bukas D. Bumuo ng iskedyul
15. Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpabukas-bukas?
A. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa C. Tutok sa prayoridad
B. Ginagawa ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan D. May nabuo na tunguhin ng gawain
16. Isinugod ni Ann ang kanyang kaklase sa klinik dahil ito ay inatake ng matinding hika kahit pa alam niyang may
pagsusulit sila sa oras ding iyon. Kung ikaw ang tatanungin, tama ba ang ginawa ni Ann?
A. Opo, dahil matutuwa ang kanyang guro sa kanyang ginawa.
B. Opo, dahil alam niyang kailangan nang madala sa klinik ang kanyang kaklase at hindi naman ganoon
kaimportante ang kanilang pagsusulit sa oras na yun.
C. Opo, dahil mas mabuting unahin ang kapakanan ng iba kesa sa sarili.
D. Opo, dahil ito ang dapat gawin ng isang mabuting kaklase.
17. “Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa
iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa." Ano ang kahulugan nito?
A. Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa.
B. Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa.
C. Gamitin ang oras upang tuklasin ang kayang gawin sa pagpapaunlad sa bansa.
D. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at kakayahan para sa bansa.
18. Si Jake ay isang mag-aaral ng Ika-siyam na baitang. Malapit na ang kanilang pagsusulit kaya minabuti niyang
gumawa ng listahan ng mga dapat niyang gawin sa mga susunod na araw bago ang pagsusulit. Kasama sa
kanyang listahan ay ang kanyang paglilibang. Tama ba si Jake sa pagsasama ng paglilibang sa kanyang listahan?
A. Opo, dahil ang paglalaan ng oras para sa paglilibang ay nagbibigay balanse sa buhay.
B. Opo, dahil maiiwasan mong magkabuhol-buhol ang iyong iskedyul ng gawain.
C. Hindi po, dahil kailangang tapusin muna ang mga gawain bago maglibang.
D. Hindi po, dahil makaaabala pa ang paglilibang sa mga itinakdang gawain.
19. Ano ang kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba?
A. Pag-iimpok B. Kasipagan C. Pagtitipid D. Pagkakawanggawa
20. Ano ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay, ang pumapatay sa isang gawain o hanapbuhay o
trabaho?
A. Pagod B. Kahinaan C. Takot D. Katamaran
21. Ang mga sumusunod ay ilang mungkahi upang maiwaksi ang pagpapaliban sa paggawa maliban sa;
A. Pagtatasa sa mga gawain
B. Pagtukoy sa iyong pangangailangan sa kinakaharap na gawain
C. Pagkakaroon ng salapi upang maipagawa ito sa iba
D. Pagtukoy sa iyong layunin na magbigay ng direksiyon sa nais mong matupad
22. Palagiang inaasar si Gladis ng kanyang mga kaklase sa kanyang mga masining na proyekto, ngunit hindi
nlang niya ito pinapansin dahil siya ay may pagpapahalagang:
A. Pagtitimpi B. Pagtitiyaga C. Pagpupunyagi D. Pagtitiis
23. Sa tuwing bibili si Ray Anne sa mall, pumipili siya ng mura subalit de-kalidad at yaring atin na bag kaysa
mga imported. Siya ay may pagpapahalagang:
A. Pag-iimpok B. Pagkamalikhain C. Pagkamasigasig D. Pagtitipid
24. Si Allen ay nagsisikap na gawing "On time" ang "Filipino time." Alin sa sumusunod niyang ginagawa ang
pinakang-nagpapakita nito?
A. Lagi siyang nagmamadaling umuwi ng bahay.
B. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawing ito.
C. Hindi siya nahuhuli sa "Flag Ceremony" kahit malayo ang kanilang bahay.
D. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.
25. Paano mas maipakikita ang pagtitipid?
A. Bumili ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay sa malalaking grocery stores.
B. Bumili sa online stores para di na mamasahe.
C. Magbaon ng pagkain mula sa bahay.
D. Humanap lagi ng buy one take one na promo.

You might also like