You are on page 1of 6

CABATUAN NATIONAL HIGH SCHOOL QA

Cabatuan, Isabela SCORE


Igniting the Future
HIGHEST 68
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT POSSIBLE SCORE
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
LRN NAME GRADE SECTION

I. MARAMIHANG PAGPIPILI
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawin ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ito ang letra bago ang bilang.

_______1. Pinalitan ni Lotty ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming


nagsasabing hindi niya kayang higitan ang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin
sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-
dapat sa posisyong ibinigay sa kanya?
A. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino, at kasipagan.
B. Maging masipag, masigasig, at malikhain sa pagsasabuhay nang kanyang trabaho.
C. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang programang nasimulan ng dating punong-guro.
D. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang
relasyon ng mga ito.
_______2. Hindi natapos ni Sarah ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito
siya ay matagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito
para sa kanya dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon
si Sarah?
A. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa.
B. Masipag, madiskarte, at matalino.
C. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili.
D. May pananampalataya, malikhain, at may disiplina sa sarili.
_______3. Laging pagod si Edmundo sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa
pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang
tungkulin. Paano isinasabuhay ni Edmundo ang kagalingan niya sa paggawa?
A. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng
kaniyang pangarap.
B. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa.
C. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin.
D. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho.
_______4. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Petra sa mga bag na yari sa tetra pack ng
juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t-ibang kulay at disenyo. Alin sa
sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa
paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan.
B. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan.
D. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay.
_______5. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “ Ang latang
naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang makaipon ng maraming
lata na ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga
pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang
produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa may kapansanan. Kung
ikaw ay lilikha ng produkto, alin sa sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
A. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos.
B. Gumawa ng produktong kikita ang tao.
C. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao.
D. Gumawa ng produktong makakatulong sa tao.
_______6. Bata pa lang si Mildred, pangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga
magulang. Alin sa sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali
niyang aabot ang pangarap at sa huli ay magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
A. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaoon ng disiplina sa sarili.
B. Maging matalino, marunong magdala ng damit, at magaling makipag-usap.
C. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
D. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos.
_______7. Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na
pandama?
A. Gumugugol ng maraming oras si Tekla upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at
hugis ng bulaklak at dahon.
B. Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo
ng konklusyon tungkol dito.
C. Laging nakikinig sa iba’t-ibang instrumentong pangmusika si Roberto del Rosario,
imbentor ng karaoke.
D. Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi
ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na
ecosystem.
_______8. Hindi naging madali kay Ginoong Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s. Sa
kabila ng mga pagsubok, napagtagumpayan parin niya ito. Paano kaya tinignan ni
Ginoong Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?
A. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya.
B. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok.
C. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan.
D. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang.
_______9. Sa pagreretiro ni Mang Kepweng, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya
inaasahan mula sa pabrikang kanyang pinaglilingkuran ng mahigit sa 40 taon. Bukod dito,
binigyan din siya nang plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika.
Palatandaan ng kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap ba nang benepisyo at
pagkilala ni Mang Kepweng?
A. Hindi, binigay lang ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay
magretiro bilang bahagi nang kaniyang karapatan bilang isang maggagawa.
B. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Kepweng dahil sa
edad na mayroon siya.
C. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang
hindi nararapat bigyan o gawaran nito.
D. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.
_______10. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
A. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
B. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain.
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapuwa, at
lipunan.
D. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili,
mahabang pasensiya, katapatan, at disiplina.
_______11. Si Rob Kian ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at
sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa
kasipagan ang taglay ni Kian?
A. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
B. Hindi nagrereklamo sa ginagawa.
C. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
D. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
_______12. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa
anumang gawain. Alin sa halimbawa ang nagpapakita nito?
A. Masipag mag-aral si Franz. Sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kanyang
panahon at oras dito nang buong husay.
B. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Cleopatra ay hindi niya ito ginagawa
lamang basta matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksiyon dito.
C. Si Dexter ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na
ipinapagawa sa kaniya ng kanyang ina.
D. Si Socoro ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya
ay gumagawa ng mayroong pagkukusa.
_______13. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may
kalakip na pagtitiis at determinasyon.
A. Kasipagan
B. Katatagan
C. Pagpupunyagi
D. Pagsisikap
_______14. Si Marlou ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga
asignatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa
sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa pagkakataong ito?
A. Bumuo ng iskedyul.
B. Gumawa ng prayoritasyon.
C. Magtakda ng tunguhin.
D. Pamahalaan ang pagpabukas-bukas.
_______15. Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?
A. Bibilisan ang paggawa upang humabol sa dedlayn.
B. Magpaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging maayos ang kalalabasan
ng ginagawa.
C. Paggawa ng maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang oras.
D. Pagsisikapan ang mahihirap na gawain.

_______16. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng epektibong iskedyul ng mga gawain?


A. May tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga,paglilibang,pagkakawanggawa.
B. May tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga,paglilibang,pagkakawanggawa,
master iskedyul.
C. May tunguhin, prayoridad, espasyo para sa interapsiyon, pamamahinga, paglilibang,
pagkakawanggawa.
D. May tunguhin, prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa.
_______17. Ano ang kahalagahan ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa sa iyo at
sa bansa pagkatapos ng iyong paggawa?
A. Mababalanse ng mga ito ang iyong buhay at mapagpanibago ang iyong lakas at sigla
sa paggawa.
B. Magagamit ang mga ito ayon sa gusto mong gawin para sa sarili at sa bansa.
C. Mapapatunayan ng mga ito ang iyong pagiging katiwala sa oras.
D. Magsisilbi ang mga ito na regalo mo sa iyong sarili nang dahil sa iyong tagumpay sa
paggawa.
_______18. “Bilang kabataan, simulan ng hugutin sa bawat oras mo ang lahat ng kaya mong gawin
at lahat na kaloob sa iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng
bansa.” Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
A. Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa.
B. Gamitin ang oras upang tuklasin ang kayang gawin sa pagpapaunlad sa bansa.
C. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talent at kakayahan para sa bansa.
D. Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa.
_______19. “Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito?
A. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ioinagkakaloob at ipinagkakatiwala ito sa
kanya.
B. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
C. Masuwerte ang tao dahil binibigayan siya ng oras.
D. Tungkulin ng tao na gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng
kanyang kapwa, at ng bansa.
_______20. Si Rapunzel ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time.” Alin sa
sumusunod niyang ginagawa ang nagpapakita nito?
A. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay.
B. Laging nagmamadali umuwi ng bahay.
C. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawaing ito.
D. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.

II. TAMA O MALI


PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA sa patlang
kung ito ay may katotohanan at MALI kung ito ay hindi.

_______1. Ang kakulangan naman sa epektibo at produktibong pamamahala sa paggamit ng


iyong oras sa paggawa ay maaaring magdudulot sa iyo ng kabiguang umabot sa
dedlayn.
_______2. Ikaw ay nagpapabukas-bukas kung itinutuon mo ang iyong atensiyon sa paggawa ng
ibang bagay sa halip na ituon ito sa bagay na ayon sa iyong prayoridad at sa prayoridd
ng iyong paaralan, organisasyon, o pinagtatrabahuan.
_______3. Ayon sa Laborem Exercens, ang kasipagan ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan
nito ay naisasakatuparan niya ang kanyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos.
_______4. Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay hindi na
nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking kahusayan.
_______5. Nasusukat ang kagalingan sa paggawa ang maayos na pagsasakatuparan ng mga
hakbang na dapat isaalang-alang sa paggawa.
_______6. Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa ya
kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos at
iniaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa Kanya.
_______7. Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita ang kasipagan sa iyong gawain ngunit kung
mahirap ang isang gawain ay huwag mo nang ituloy pa dahil ito ay hindi mo rin
matatapos.
_______8. Bahagi sa buhay ng tao ang mga pagsubok at problema ngunit ang mahalaga ay
huwag sumuko bagkus kailangan na magpatuloy.
_______9. Ang pagpapatuloy sa gawain kahit na ikaw ay nahihirapan, ang pagpapatuloy kahit
minsan ikaw ay nasasaktan o nagdurusa, ang pagpapatuloy kahit maraming
natatanggap na puna sa iba, at ang pagpapatuloy sa kabila ng matinding pagod at hirap
makamit mo lang ang iyong mithiin sa buhay ay palatandaan ng pagpupunyagi.
_______10. Bilang katiwala, tinatawag tayo na gamitin ang ora nang may pananagutan sapagkat
hindi ito maibabalik kailanman.
_______11. Mahalaga na mayroon kang sapat na oras para sa sariling pag-unlad, oras para sa
pamilya, oras para sa paglilingkod sa kapuwa at sa lipunan, oras para pamamahinga at
paglilibang, at oras para sa iyong ugnayan sa Diyos.
_______12. Upang masimulan ang epektibong pamamahala sa paggamit ng oras, kailangan ang
pagtakda ng tunguhin sa iyong kapuwa.
_______13. Isang paraan upang maiwasan ang pagpapabukas-bukas ay unahin ang
pinakamahirap na gawain upang maramdaman mo ang tuwa na may natapos ka at
magkaroon ng disposisyon sa kasunod na gawain.
_______14. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng prayoritasyon, mapamamahalaan mo ang
paggamit ng iyong oras at matutupad mo ang iyong tunguhin.
_______15.Ang pera ay pinagpaguran upang kitain ito kaya kailangan na gastusin ito sa tama.

III.PAGTUTUKOY: (2 puntos sa bawat aytem)


PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap at tukuyin ito sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga letra sa dulo upang makuha ang tamang sagot. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

_______________________1.Ayon sa kanya, kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang


obligasyon at hindi opsiyonal. Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita
ay obligasyon natin sa ating sarili ang pag-iimpok. RICOSANFC
OACYLOC
_______________________2.Ang ___________ ay hindi paggasta ng pera nang walang saysay
sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginagawang
pagsisiskap at pagtitiyaga. IITAPDGITP
_______________________3.Isa itong mahalagang katangian na makatutulong upang
magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng mga balakid at mga
problema na kanyang susuungin ay hindi siya dapat panghinaan ng
loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at maging matatag.
PGUPUPYNGAIA
_______________________4. Tumutulong ito sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang
pagkatao. AISAPAKGN
_______________________5. Isa itong paraan upang makapag-ipon ng salapi, na siyang
magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon. GPA-
PIKOMI
_______________________6. Ito ay hindi tulad ng salapi na maaaring ipunin sa isang alkansiya o
bangko na kapag kailangan mo ng ekstra na dalawang oras para sa
isang araw ay makakakuha ka rito. SOAR
_______________________7. Tumutukoy ito sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang takdang
gawain nang buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa.
AGNIAAPSK
_______________________8.Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. AISMAIGSG
_______________________9. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip
at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba.
AALHINKMI
_______________________10. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa
kaniyang paligid. TAYIAG

IV. PAGIISA-ISA:
PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang.

Limang Epektibong Paraan ng Pagtakda ng Tunguhin

1.________________________________
2.________________________________
3.________________________________
4.________________________________
5.________________________________

Tatlong Palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan

1.__________________________________________________________________________
.
2.__________________________________________________________________________
.
3.__________________________________________________________________________
.

V. PAGPAPALIWANAG:
PANUTO: Basahin at intindihing mabuti ang bawat pangungusap. Ipaliwanag ang sagot sa
tatlo hanggang apat na pangungusap lamang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. “Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay darating ang umaga, at
pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa.” 3 puntos

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________

2. Ang “Oras ay Ginto.”’ Ipaliwanag. 2 puntos

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________

Inihanda nina:

CHRISTIAN A. DALUPANG SHALOM A. CARGO PRINCESS ANNE L. ANDRES

Iniwasto ni:

LARIOLITA R. INOCENCIO

Aprub:
JULIAN B. JAMES JR., Ph.D.
Secondary School Principal III

You might also like