You are on page 1of 7

The Lovelace Academy

Sitio Ponduhan, Barangay Parang


Calapan City, Oriental Mindoro

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATO GRADE 9

Pangalan: _____________________________ Seksyon: _______________________

Petsa: _________________________________ Marka:________________________

I. Pagkilala: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1.Ito ay tumutukoy sa pagiging makatwiran, pagiging wasto o pagiging tama.

a. Kapayapaan

b. Katarungan

c. Paggalang

d. Kasaganaan

2.Ito ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan.

a. Katarungang Panlipunan

b. Katarungang Pansarili

c. Katarungang Pangkapwa

d. Katarungang Pampamilya

3.Dito nagsisimula ang katarungan.

a.Sarili

b.Pamahalaan

c.Pamilya

d.Kapwa

4.Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katarungan sa sarili maliban sa:

a.Paglalaro

b.Pag-aaral

c.Paglilinis ng bahay

d.Pangongopya

5.Bakit may batas?

a.Upang maingatan ang karapatan ng tao

b.Upang matakot ang lahat ng nagkasala

c.Upang tumino ang tao

d.Upang parusahan ang nagkasala

6.Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang walang pagmamadali at buong

pagpapaubaya.

a.Tiyaga

b.Masigasig
c.Kasipagan

d.Disiplina sa Sarili

7.Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o

produkto.

a.Tiyaga

b. Masigasig

c. Kasipagan

d. Disiplina sa Sarili

8.Alam ni Rose ang responsibilidad at hangganan ng kanyang trabaho. Ngunit kapag kinakailangan ng mga

katrabaho niya ang kanyang tulong, agad niya itong ibinibigay. Anong pagpapahalaga ang taglay ni Rose?

a. Tiyaga

b. Masigasig

c. Kasipagan

d. Disiplina sa Sarili

9. Tinatangkilik ng mga tao ang negosyo ni Lita dahil sa mga kakaibang disenyo ng kanyang mga ginagawang

accessories. Sikat ang kanyang mga produkto dahil sa pagiging orihinal ng mga ito. Si Lita ay ______.

a. Malikhain

b Matiyaga

c. Masigasig

d. Magaling

10. Bago pumasok sa paaralan si Ben ay kinakailangan niya munang mag-igib, maghugas ng pinagkainan, at

pakainin ang mga alaga nilang hayop. Pumapasok siya sa paaralan na ang baon ay piso lamang, ang damit

ay nag iisang pares na uniporme at minsan ang tsinelas nito ay magkaiba ang dahon. Ni minsan ay hindi

siya nagreklamo dahil gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon sa kahirapan ang pamilya.

Anong katangian ang taglay ni Ben?

a. Kasipagan

b. Pagpupunyagi

c. Disiplina sa Sarili

d. Pagkamasigasig

11. Sa tuwing pumupunta sa restawran si Angel at may nagustuhan siyang putahe, hindi siya nag-aalinlangang

tanungin ang mga kakaibang sangkap at kung paano ito niluluto. Anong kakayahan ang taglay ni Angel?

a. Mausisa

b. Demonstrasyon

c.Misteryo

d.Pandama

12. Si Rico ay isang huwarang manggagawa. Tinatapos niya ang kaniyang gawain kahit pagod na siya. Ibinibigay

niya ang buong kakayahan, lakas at panahon nang buong husay. Siya ay __________.

a.Masipag
b.Matiyaga

c.Masigasig

d.Malikhain

13. Ito ay ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga hindi makakalimutang karanasan sa buhay upang maging

matagumpay at maiwasang maulit ang ano mang pagkakamali.

a. Misteryo

b.Sining/Agham

c. Demonstrasyon

d.Pandama

14.Ang pagiging bulag at bingi ni Helen Keller ay hindi naging hadlang upang maisakatuparan niya ang

kanyang pangarap sa buhay. Anong kakayahan ang naipamalas sa sitwasyon?

a. Misteryo

b.Sining/Agham

c. Demonstrasyon

d.Pandama

15.Ang magbigay ng ilaw at liwanag sa mga pamilya na walang kuryente. Ito ang pangako ni Aisa Mijeno, isang

inhinyero na umimbento ng alternatibong solusyon sa kawalan ng kuryente gamit lamang ang tubig at asin.

Anong kakayahan ang taglay ni Aisa?

a. Misteryo

b.Sining/Agham

c. Demonstrasyon

d.Pandama

16.Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay, kabaliktaran ng inaasahang pangyayari.

a. Misteryo

b.Sining/Agham

c. Demonstrasyon

d.Pandama

17.Ito ang pagkilala at pagbibigay pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay may kaugnayan

sa isa’t isa.

a.Corporalita

b.Connessione

c.Sfumato

d.Arte/Scienza

18.Ano ang kagalingan sa paggawa?

a.Ang kagalingan sa paggawa ay ang pagiging kontento sa taglay na kasanayan at kakayahan…..

b.Ang kagalingan sa paggawa ay ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos.

c.Ang kagalingan sa paggawa ay ang pagkakaroon ng trabaho.

d.Ang kagalingan sa paggawa ay bunga ng pagmamahal at pagkagustong gawin ito ng buong husay at
pagmamahal.

19. Bakit nakabubuti ang paggawa sa tao, ayon kay Pope John Paul II?

a.Para siya ay mabuhay.

b.Para maisakatuparan niya ang kaniyang responsibilidad sa sarili, sa kapwa at sa Diyos

c.Para mas lalo pang mahasa ang kaniyang kakayahan.

d.Para maisakatuparan niya ang kaniyang misyon sa buhay.

20.Alin sa mga sumusunod ang layunin ng paggawa?

a.Ang tao ay gumagawa upang kitain niya ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang

kaniyang mga pangunahing pangangailangan.

b.Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunanang kinabibilangan.

c.May kakayahin rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga nangangailangan.

d.Lahat ng nabanggit

21.Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay

magtagumpay.

a. Kawalan ng pag-asa

b. Hindi nakapag-aral

c. Kahirapan

d. Katamaran

22.Ito ay ang kakambal ng pagbibigay.

a.Pag-iimpok

b.Pagbabahagi

c. Pagtitipid

d. Pagmamahal

23. Ayon sa Teorya ni Maslow na “The Hierarchy of Needs”, ang pera ay:

a. Nagsisilbing pantustos sa mga pangunahing pangangailangan

b. Dapat ingatan at pahalagahan dahil pinagpaguran

c. Makatutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap

d. Nagbibigay ng kasiguraduhan sa buhay ng tao.

24. Kultura nating mga Pilipino na ipinagpapabukas o ipinagpapaliban ang paggawa.

a. Filipino Time

b. Ningas Kugon

c. Mañana Habit

d.Bahala Na

25. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco

maliban sa:

a. Para sa proteksyon sa buhay

b. Para sa hangarin sa buhay

c. Para maging kontento sa buhay


d. Para sa pagreretiro

26. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagtitipid maliban sa:

a. Huwag bumili ng imported

b. Huwag ng mag merienda tuwing recess

c. Maglakad lalo na kung malapit lang ang pupuntahan

d.Patayin ang computer kapag hindi naman ito ginagamit.

27. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.

a. Maging mapagpakumbaba

b. Mamuhay ng simple

c. Matutong makuntento sa kung ano ang meron ka

d. Lahat ng nabanggit

28. Ang mga nakapagtapos ng pag-aaral ay siguradong magaling sa trabaho. Ang pangungusap ay:

a.Tama, dahil sa paaralan natututunan ang mga kakayahan at kasanayan sa trabaho.

b.Tama, dahil mas magaling ang mga nakapag-aral.

c. Mali, dahil hindi lamang kaalaman at kasanayan ang sukatan sa kagalingan sa paggawa. Kailangan din

ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at pagtaglay ng positibong kakayahan.

d. Mali, dahil hindi lahat ng nakapag-aral ay isinasabuhay ang kanilang pinag-aralan.

29.Ano ang naglalarawan sa taong masipag?

a.Hindi umiiwas sa anumang gawain.

b.Ipinagpapatuloy ang gawain sa kabila ng mga hadlang sa paligid.

c.May siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto

d.Hindi ikinukumpara ang gawain sa iba.

30.Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pag-aaksaya sa oras maliban sa:

a.Pagpapaliban ng gawain.

b.Hindi maayos na paggawa ng iskedyul.

c.Panonood ng TV kapag tapos na ang mga gawain.

d.Sobrang pag-aalala o pinapangunahan ng takot at sobrang pag-iisip.

31.Kaugalian ng mga Pilipino na hindi pagtupad sa pinagkasunduang oras.

a. Filipino Time

b. Ningas Kugon

c. Mañana Habit

d. Bahala Na

32. Ang taong marunong magpahalaga sa oras ay siyang may mahusay na nagagawa. Ang pangungusap ay:

a.Tama, dahil kapag ito ay nagamit nang maayos, ang bawat araw ay magiging ganap at may bunga.

b.Tama, dahil ang oras ay ginto.

c.Mali, dahil hindi natin hawak ang oras.

d.Mali, dahil mas sinusukat ang kagalingan sa paggawa batay sa kasanayan at kakayahan.

33. Ito ay nararapat lamang na ginagamit nang husto at wasto dahil kapag nawala, kailanman hindi na
maaaring ibalik.

a.lakas

b.pera

c. kakayahan

d.oras/panahon

34.Ang mga sumunod ay paraan ng pagpaplano ng oras maliban sa:

a.Gumawa ng layunin sa bawat asignatura.

b.Gamitin nang kapakipakinabang ang oras.

c.Pagpapaliban ng mga gawain.

d.Mag-aral sa tamang lugar.

35. Kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na opsyonal at hindi obligasyon. Ang pangungusap ay:

a.Tama, dahil ang tao ay may sariling desisyon kung mag-iimpok o hindi.

b.Tama, dahil hindi lahat ng tao ay may magandang trabaho.

c.Mali, dahil kailangang mag-impok ang tao dahil ito ang magbibigay sa kanya ng masaganang bukas.

d. Mali, dahil ang pag-iimpok ay pinaghahandaan.

36.Alin sa mga sumusunod ang tamang paggamit ng oras.

a.Simulan ang lahat ng gawain nang sabay-sabay.

b.Hintayin munang maikondisyon ang isip bago gumawa.

c.Planuhin muna ang mga gagawin bago magsimula.

d. Bilisan ang kilos.

37.Alin sa mga sumusunod ang resulta ng kagalingan sa paggawa?

a. Magandang buhay

b.Maayos na trabaho

c.Ang damdaming di nakararamdam ng pagod at at pagkabagot sa anumang gawain

d. Pagiging magaling o bihasa sa Gawain

38.Ano ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan?

a. Ang paggawa o produkto ay ginawa bilang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos.

b. Ang paggawa o produkto ay bunga ng malikhaing paraan.

c. Ang paggawa o produkto ay ginawa ng buong husay at ng may pagmamahal.

d. Ang paggawa o produkto ay may orihinalidad.

39.Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin ang mga sumusunod na katangian, maliban sa:

a. Pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos

b. Makapagtapos sa pag-aaral

c. Pagtataglay ng positibong kakayahan

d.Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga

40.“Ang taong tamad sa paggawa, hindi igagalang at hindi magtatagumpay sa buhay.” Ano ang ibig sabihin ng

pahayag na ito?
5

a.Walang naiaambag ang taong tamad.

b.Walang patutunguhan ang buhay ng taong tamad.

c.Ang taong tamad ay palaging nakararamdam ng kapaguran kahit kaunti pa lamang ang kaniyang

nagagawa.

d.Lahat ng nabanggit.

II. Unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang T kung ito ay tama at M kung ito ay mali.

______ 41. Kung walang katarungan sa lipunan, pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang

sarili.

______ 42. Ginigising ng paggawa ang potensyal ng tao.

______ 43. Ang taong may pagpapahalaga sa paggawa ang may katiyakan sa pagkamit ng tagumpay.

______ 44. Kailangan ng taong gumawa upang umunlad lamang.

______ 45. Maaari mong gawin ang mag-short cut sa trabaho. Sa pamamagitan nito ay mapapadali mo ang

iyong gawain.

______ 46. Ang tulay upang makakita ng mga oportunidad tungo sa pag-unlad ay ang positibong pag-uugali at

determinasyon.

______47. Kapag tanyag at may produkto o gawaing naisagawa ang isang tao, may kagalingan na siya sa

paggawa.

______ 48. Ang lakas ng katawan at ang layunin sa paggawa ay sapat na upang makagawa ng isang gawain o

makalikha ng produkto.

______ 49. Ang tunay na kasiyahan ng manggagawa ay makakamit sa laki ng tinatanggap na suweldo.

______ 50. Pagtulong sa kapwa at pagmamalasakit sa kanilang kapakanan ang tunay na esensya ng mahusay

na paggawa.

You might also like