You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Division of Samar
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL
SUMMATIVE TEST SA ESP 9
(Ikatlong Markahan)

PANGALAN: ______________________________ Grade Level/Section: __________ SCORE: _______

Note: HUWAG NA KAYONG GUMAMIT NG IBANG PAPEL. DITO NA KAYO SUMAGOT.


I. MALAYANG PAGPILI: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang
numero.

_______1. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:


A. Ito ay pagsisikap na tapusin ang isang gawain ng may kalidad.
B. Ito ay ang pagtingin ng may kasiyahan at positibo sa isang gawain
C. Nakatutulong ito sa isang tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapuwa at
lipunan
D. Tumutulong ito na malinang ng isang tao ang mga mabubuting katangian tulad ng tiwala sa
sarili, pasensiya, katapatan at disiplina
_______2. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at isinisiguro
niya na magiging maayos ang lahat ng kalalabasan
ng kanyang mga gawain. Ano kayang palatandaan ng kasipagan ang mayroon kay Rony?
A. Hindi umiiwas sa anumang gawain
B. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
D. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
_______3. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan na nagpapakita ng pagtitipid maliban sa:
A. Pagbaon ng pagkain sa eskwela o opisina.
B. Paglakad lalo kung malapit lang ang pupuntahan.
C. Pagbili ng gamit sa mga malls kung saan mas kumpleto ang mabibili.
D. Paggamit ng load ng cellphone para sa mga mahahalagang bagay lamang.
_______4. Ang isa sa mga palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay ang hindi pag-iwas sa mga
gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
A. Si Christine ay boluntaryo niyang ginagawa ang kanyang mga tungkulin sa bahay.
B. May malasakit si George sa kanyang trabaho dahil ginagawa niya ito ng tama
C. Higit pa sa inaasahan ang ganda ng ginawa ni John na larawan dahil ibinigay niya ang buong
galling niya sa proyektong ipinagawa sa kanya.
D. Nasa mataas na rangko sa mga may karangalan sa paaralan si Gina dahil lubos niyang
binibigyan ng husay at panahon ang kanyang pag-aaral.
______5. Ang mga sumusunod ang mga dahilan kung bakit kailangan na mag-impok Ayon kay Francisco
Colayco maliban sa isa. Ano ito?
A. Para sa proteksyon sa buhay.
B. Para sa mga hangarin sa buhay.
C. Para sa pagreretiro.
D. Para mas maraming pera kaysa ibang tao
______6. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa
iba. Ano ito?
A. Pag-iimpok B. Pagtitipid C. Pagtulong D. Pagkakawanggawa
______7. Ito ay ang pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na
pagtitiis at determinasyon.
A. Kasipagan B. Katatagan C Pagsisikap D. Pagpupunyagi
______8. Si Rona ay nagbabaon na lamang ng pagkain sa paaralan dahil inilalaan niya ang kanyang baon
para sa mga bibilhin niyang libro sa kanilang asignatura sa science. Anong katangian ang
ipinapakita ni Rona sa kanyang ginagawa?
A. Kasipagan B. Pagtitipid C. Pagsisikap D. Pagpupunyagi
______9. Alin sa mga sumusunod na pagpapakita ng kasipagan ang tunay na nakapagbibigay ng
kahulugan nito?
A. Ginagawa ang lahat upang magkaroon ng magandang kinabukasan
B. Nagiging masigasig upang makapagbigay din sa kapwa sa tinamasang tagumpay
C. Nagsasakripisyo upang makuha ang lahat ng ninanais para sa sarili
D. Lahat ng nabanggit
______10. Bakit mahalaga na malinang ng tao ang mga katangian na kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid
at tamang pamamahala ng naipon?
A. Malaki itong tulong para sa magandang kinabukasan ng tao.
B. Napapaunlad ng tao ang kaniyang sarili at ang lipunang kanyang kinabibilangan
C. Nagkakaroon ng kumpiyansa ang tao sa lahat ng hamon sa kanyang buhay.
D. Napapabilang siya sa mga halimbawa ng mga taong napagtagumpayan nila ang mga hamon
ng buhay.
______11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagpupunyagi? A. Pinipiling bumili sa
palengke kaysa sa mall.
B. Tinitiyak na magiging maayos ang kalalabasan ng gawain.
C. Naglalakad imbis na sumakay kung malapit ang pupuntahan.
D. Patuloy na sinusubukan na gawin ang gawain kahit maraming beses na nagkakamali.
______12. Hindi natapos ni Dexter ang kaniyang pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay
matagumpay dahil sa negosyo na kanyang pinaghirapan at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay
ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangian na mayroon si Dexter?
A. Masipag, madiskarte, at matalino
B. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili
C. May pananampaltaya, malikhain, at may disiplina sa asrili
D. Maganda ang relasyon sa Diyos, mag pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa
______13. Pinalitan ni Lorraine ang nangibang bansa na Head Nurse nila sa ospital. Maraming nagsasabing hindi
niya kayang pantayan ang galling at tagumpay ng huli. Alin sa sumusunod ang dapat niyang linangin upang
mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kaniya?
E. Maging mayabang at walang pakialam sa sasabihin ng iba
F. Gamitin ang posisyon upang lahat at sumunod sa kanya
G. Magkumbaba at ipagpatuloy ang prosesong nasimulan ng dating Head Nurse.
H. Maging masipag, masigasig, at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho
______14. Laging pagod si Daniella sa kanyang trabaho bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang
karinderya pero hindi siya nakikitaan ng pagrereklamo at pagpapabaya sa kanyang mga gawain. Paano isinasabuhay
ni Daniella ang kagalingan sa pagaawa?
I. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang katrabaho
J. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
K. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
L. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap
______15. Si Maui ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga
gawain o takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa
pagkakataong ito?
A. Magtakda ng tunguhin B. Bumuo ng iskedyul
C. Gumawa ng prayoritisasyon D.Pamahalaan ang pagpabukas-bukas

.
II. PAGTUKOY: Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Ilagay ang M kung nagpapakita ito ng
pagiging Makatarungan at DM kung nagpapakita ito ng pagiging hindi Makatarungan. Isulat ang sagot sa
inyong sagutang papel.
______1. Pagbibigay ng pamahalaan ng trabaho sa mga taong nangangailangan.

______2. Pagpili ng mga opisyal sa mga bibigyan lamang ng ayuda.

______3. Pagiging paborito ng magulang.

______4. Pagkait ng katarungan para sa mga mahihirap.

______5. Hindi patas na pagtingin sa mahirap at mayaman.

______6. Pagbibigay ng pamahalaan ng nararapat sa tao.

______7. Pagbibigay ng pamahalaan ng scholarship para sa mga mahihirap na gustong makapag-aral..

______8. Pagbili ng boto ng mamamayan

______9. Paghatol sa tao ng walang ebidensiya.

______10. Pagbibigay suporta ng mga tao sa barangay

III. IDENTIPIKASYON: Panuto: Piliin ang akmang layunin na nasa loob ng kahon para sa mga nasabing
pangungusap. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.

A. Nagpapakita ng kasipagan
B. Nagpapakita ng pagpupunyagi
C. Nagpapakita ng pagtitipid

______1. Pinipilit na tapusin ang gawain kahit nahihirapan.


______2. Hindi sumusuko hanggat hindi natatapos ang ang gawain.
______3. May oras lamang sa paggamit ng tv, cp, electric fan at iba pa.
______4. Ginagamit lamang ang cellphone sa importanteng text at tawag.
______5. Hindi umiiwas sa gawain lalo na kung nakaatas ito sa kaniya.
______6. Naglalaan ng sapat ng budget sa lahat ng pangangailangan.
______7. Nagbabaon ng pagkain sa pagpasaok sa eskwela kaysa bumili sa canteen.
______8. Tinitiis ang pagod matapos lamang ang mga module at iba pang gawain.
______9. Nagtatanim ng mga gulay sa paligid ng bahay para may pang-ulam sa araw-araw.
______10. Ibinibigay ang buong kakayahan, lakas, at panahon sa gawain nang buong husay

Goodluck

Inihanda ni:

Analyn B. Robles
Subject Teacher

You might also like