You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
DIVISION OF DAVAO DE ORO
MAWAB DISTRICT
TABONTABON ELEMENTARY SCHOOL
“Cuddling Learners for Brighter Future”
Grade 5- Unity
S.Y 2020-2021
FIRST QUARTER EXAMINATION
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Name : __________________________________________________________ Score: ________________
Teacher: __SHERYL L. BALAQUI _____________________________________ Date : _______________

I Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik nang napili mong sagot sa patlang.

_____ 1. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa inyong lugar.
Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig. B. Suriin muna kung totoo ang balita.
C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol. D. Aalis kaagad sa inyong lugar.
_____ 2. Ano ang dapat gawin kung makarinig ng balita sa telebisyon man o pahayagan?
A. Maniwala kaagad. B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
C. Ipagkalat kaagad ang balita. D. Balewalain ang balita.
_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?
A. Alitan ng pangulo at mga kinatawan ng Senado. B. Pag-aagawan ng teritoryo.
C. Pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. D. Lindol na naganap sa Batangas.

Para sa bilang 4-8. Suriing mabuti ang larawan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____ 4. Ano ang ginagawa ng mga mag-aaral sa larawan?


A. Nagkakasiyahan sa paglalaro B. Pinag-uusapan ang ibang kaklase
C. Nagtutulungan sa pangkatang gawain D. Masusing nag-uusap tungkol sa kahit anong bagay
_____ 5. Ano ang ipinapakita ng bawat miyembro ng pangkat sa kanilang ginagawa?
A. Nagtutulungan ang bawat miyembro B. Nakikinig ang bawat isa sa ideya ng iba
C. Nakikiisa ang bawat isa sa gawain D. Lahat ng nabanggit
_____ 6. Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat upang maging mabilis at
Maayos nag Gawain?
A. Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling sila sa iyo.
B. Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.
C. Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.
D. Ipagpilitan ang nabuong ideya tungkol sa gawain.
_____ 7. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?
A. Hayaan na lang kasi nakakahiya.
B. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.
C. Hindi na lang iintindihin ang sinasabi ng guro.
D. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.
_____ 8. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang iyong pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro
D. Upang purihin ng guro
_____ 9. Dapat ang lider ng pangkat ang laging masusunod.
A. Tama. Alam ng lider lahat kaya siya ang napiling mangulo sa pangkat.
B. Tama. Ang laging pagsunod sa lider ay nakatutulong sa paglinang nang kakayahan ng bawat membro.
C. Hindi. May mga bagay at pagkakataon naman na mali ang lider
D. Hindi. May pagkakataong dapat na pakinggan din ng lider ang suhistyon ng iba.

_____ 10. Napagtanto ni Celso na sobra ang ibinigay na sukli ng tindera sa grocery store na kaniyang binilhan.
Ano ang dapat niyang gawin?
A. Umuwi kaagad sa bahay pagkatapos bumili. B. Pagalitan ang tindera dahil nagkamali ito.
C. Ibalik ang sobrang sukli sa tindera. D. Ilagay sa bulsa ang sobrang sukli.
_____ 11. Nakita mo ang iyong kaklase na mabilis na lumabas ng palikuran ng mga babae na parang may tinatakasan. Kinabukasan ay nag -anunsyo
ang punong guro ng paaralan na mayroong nagsulat sa dingding sa loob ng palikuran. Bilang isang matapat na mag-aaral, ano ang gagawin mo?
A. Ipagsigawan sa buong paaralan na ang iyong kaklase ang nagsulat.
B. Pumunta sa punong guro at makipag-usap nang mabuti tungkol sa iyong kaklase.
C. Ipahiya ang kaklase sa buong paaralan.
D. Tumahimik lang at huwag sabihin ang nakita.
_____ 12. “Bawal umihi dito”. Ito ang karatola na mababasa sa pader sa tapat ng inyong paaralan. May mga kabataang lalaki ang lumabag sa babala
na bawal ang umihi sa lugar na iyon. Paano mo aaksyonan ang pangyayari?
A. Isumbong kaagad ang mga nakitang lalaki
B. Pagalitan ang mga lalaking umihi doon.
C. Pagsabihan nang mahinahon ang mga lalaki na bawal umihi doon.
D. Sabihin sa punong guro na may lalaking lumabag sa babala ng paaralan.
_____ 14. Alam ni Myra na si Jose ang naghagis ng bato sa batang katutubo sa inyong paaralan ngunit natakot siyang sabihin ang katotohanan dahil
sa pinagbantaan siya ni Jose. Gustong ipaalam ni Myra ang totoo, kanino niya ito sasabihin?
A. Sasabihin ni Myra sa kaniyang mga kaklase. B. Sasabihin ni Myra sa kaniyang kapitbahay.
C. Sasabihin niya ito sa guro ng batang katutubo. D. Sasabihin niya ito sa punong barangay.
_____ 15. Pinuri ng Science teacher si Jane dahil nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa pagsusulit. Pinalakpakan siya ng buong klase at pinuri
ang nagawa. Mayamaya lang ay dahan-dahan siyang tumayo at pumunta sa gitna. Inamin niya na siya ay nagkodigo. Anong katangian ang ipinakita
ni Jane sa kaniyang pag-amin sa kasalanan?
A. Pagpapakumbaba B. Pagkamatapat C. Pagkamasunurin D. Pagkamabait
_____ 17. Nag-away ang dalawa mong kaklase. Si Niko na matalik mong kaibigan ang nagsimula ng gulo. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong
gawin?
A. Tutulungan ang kaibigan at makikipag-away din sa kaklase. B. Pagtatawanan ang dalawang nag-aaway.
C. Aalis at pababayaan ang nag-aaway. D. Aawatin ang nag-aaway at pagsasabihan. 7.
_____ 18 Kailan makikita ang katapatan sa sarili?
A. Aangkinin ang gawa ng iba para purihin ng guro.
B. Tatanggapin nang maluwag sa loob ang maliit na marka at pag-iigihin ang pag-aaral sa susunod.
C. Magagalit kapag pinupuna ng kaklase.
D. Maniniwalang palaging tama ang kaniyang ginagawa
_____ 19. Inutusan ng nanay si Mila na bumili ng asukal sa tindahan ngunit nadaanan niya ang mga kaibigang naglalaro. Ano ang dapat niyang
gawin?
A. Sasali sa laro at kakalimutan ang utos ng nanay.
B. Pahihintuin ang mga naglalaro.
C. Hahayaang maglaro ang mga kaibigan at didiretso sa tindahan para sundin ang utos ng nanay.
D. Ibibili ng meryenda ang pera at ipamimigay sa mga kaibigan.
_____ 20. Isang opisyal ng barangay si Mang Mario. Ginagampanan niya nang maayos at matapat ang kaniyang mga tungkulin sa kanilang barangay.
Ano ang ipinakikita ni Mang Mario?
A. Katapatan sa guro B. Katapatan sa pamilya
C. Katapatan sa paaralan D. Katapatan sa pamayanan

II Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kapag ang pahayag ay nagsasaad nang tamang kaisipan at MALI naman kung ito ay nagsasaad ang
di mabuting kaisipan.

__________ 1. Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahang magsuri ng mga ideya at lumutas ng mga s suliranin.
__________ 2. Pinaniniwalaan ni Julio ang lahat nang sinasabi ng kaniyang iniidolong artista.
__________ 3. Naisasagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa pagbasa ng balita.
__________ 4. Gabayan ng mga magulang ang mga anak sa paggamit ng media.
__________ 5. Kung araw ng klase, dapat di- gamitin ang cellphone tuwing gabi upang makatulog nang maaga.
__________ 6. Agad-agad maniniwala sa mga balitang nakapost sa facebook.
__________ 7. Huwag gayahin ang mga masasamang nakita sa palabras at nabasa sa pahayagan.
__________ 8. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa lahat.
__________ 9. Bilang matapat na mag-aaral, maibabahagi ko sa kapwa ko mag-aaral ang kabutihang naidudulot ng matapat na paggawa sa mga
proyektong pampaaralan.
__________ 10. Ipagtapat sa iyong mga magulang ang rason kung bakit ipinatawag ka ng punong guro dahil sa pandaraya sa pagsusulit.

III Panuto: Piliin sa Kolum B ang ibig sabihin ng pahayag na nasa Kolum A. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Kolum A Kolum B
_____ 1. paggawa ng di inuutusan a. tungkulin
_____ 2. nakatakdang proyekto b. pagtutulungan
_____ 3. kooperasyon sa gawain c. pagkukusa
_____ 4. samahan d. pagkakaisa
_____ 5. pagtatapos ng gawain e. gawain
_____ 6. inaasahang gampanin f. katarungan
_____ 7. nais na makamtan sa paggawa g. pangkat
_____ 9. pahayag ng pagmamalasakit i. layunin
_____ 10 pagbibigay sa kapuwa sa nararapat j. pakikilahok

You might also like