You are on page 1of 8

PANGALAN_____________________________________________________

Second Quarter Summative Test


(Week 1, 2, 3, & 4)
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap upang masagot nang wasto ang mga tanong. Isulat sa
patlang ang titik ng wastong sagot.

_______1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pakikitungo sa kapwa?


A. Laging pinipintasan ni Ben ang mga gawa ng ate niya.
B. Nag-iingat si Charo sa pagsasalita dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ng
sinuman.
C. Pinagtatawanan ni Loida pag nagkakamali ang pinsan niya.
D. Laging tinutukso ni Ana ang kapatid na payat at sakitin.

_______2. Nakita mo na tinutukso at pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang isang batang


pilay. Ano ang gagawin mo?
A. Sasali ka din sa kanila para pagtawanan siya.
B. Babawalin mo ang mga kaklase mo at sasabihin mo na mali ang ginagawa nila.
C. Aawayin mo ang mga kaklase mo.
D. Magtatago ka na lang.

_______3. Tinawag ng guro ang katabi mo para sagutin ang tanong niya tungkol sa aralin na
itinuro niya kahapon. Hindi makasagot ang katabi mo pero alam mo ang sagot. Ano ang
gagawin mo? Iguhit ang  sa guhit kung ang larawan ay nagpapakita ng paggalang.
A. Pagtatawanan ko siya
B. Magtataas ako ng kamay upang tawagin ako ng guro
C. Isisigaw ko ang tamang sagot. D. Wala akong gagawin.
_______4. Alin sa mga sumusunod ang dapat na iwasang gawin?
A. Iniiwasan ko ang sumagot kung hindi tinatawag. Iguhit ang  sa guhit kung ang laraw
B. Nakikipag unahan ako sa pagbili ng pagkain kung recess.
C. Tinutulungan ko ang kaklase kong may kapansanan.
D. Minamahal ko ang aming katulong/kasambahay.
Iguhit ang ng
_______5. Piliin ang larawan na hindi nagpapakita sa paggalang?
guhit kung ang larawan ay nagpapakita ng paggala
Iguhit ang  sa guhit kung ang larawan ay nagpapakita ng paggalang.

A. B. C. D.

_______6. Maysakit si tatay. Gusto mong magpatugtog ng radyo, pero natutulog siya.
Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lang ako magpapatugtog.
B. Gigisingin ko si Tatay .
C. Magdadabog ako para magising siya.
D. Sasabihan ko siya na bakit kasi maysakit

_______7. Umiiyak ang kapatid mo, dahil siya ay nadapa. Ano ang gagawin mo?
A. Pagtatawanan ko siya. C. Tutulungan ko siya
B. Sisigawan ko siya D. Sasabihan ko siya na Huwag tatanga tanga.
_______8. Ipagpalagay mo na nasaktan mo ang damdamin ng kapwa. Paano mo kaya aaminin
at itatama ang pagkakamaling nagawa mo?
A. Magtatago ako kasi nahihiya ako sa nagawa kong mali.
B. Lalayuan ko siya para hindi niya ako magantihan.
C. Sasabihin kong kasalanan kasi niya.
D. Lalapitan ko siya at hihingi ako ng paumanhin sa aking nagawang mali.
______9. Alin ang TAMA sa mga sumusunod na sitwasyon? Itago kaagad ang nabasag na
bagay upang makaiwas na mapagalitan.
A. Hindi dapat aminin ang nagawang mali.
B. Ituro ang iba sa nagawang kasalanan.
C. Ang batang matapat ay kinagigiliwan ng lahat.
D. Angkinin na lang ang sobrang sukli.
______10. Alin sa mga sumusunod ang maari mong gawin upang makatulong sa mga taong
nasa oras ng kagipitan?
A. Manood ng mga nababaha. C. Sisihin ang mga tao.
B. Tumulong sa pagbibigay ng mga pagkain at damit. D. Layuan sila.
_______11. Sa kwentong “Ang Leon at ang Daga”, Alin sa mga ito ang hindi nangyari?
A. Naging magkaibigan ang Leon at ang Daga
B. Namatay ang daga
C. Nahuli ng mangangaso ang Leon..
D. Nginatngat ng daga ang lubid at nakawala ang Leon.
______12. Alin sa mga pangungusap ang HINDI WASTO?
A. Tumulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay mabuting gawain.
C. Piliin lamang ang mga taong dapat tulungan
D. Ang pagtulong sa kapwa ay nakapagpapasaya sa damdamin natin.
_______13. Kaibiga’y ating kailangan, Sa hirap at ginhawa ng buhay , Sa oras ng kagipitan,
Tayo’y kanilang ____________________
A. Matutulungan B. Aawayin C. Lalayuan D. Pagtatawanan
_______14. Alin ang nagsasaad ng TAMA?
A. Dapat iwasan ang mga taong may kapansanan.
B. Walang pakinabang ang mga taong may kapansanan.
C. Masaya ang taong tumutulong sa kapwa.
D. Ang pagtutulungan ay gawaing hindi mabuti.
_______15. Ang mga sumusunod ay nagpapaklita ng wastong pakikitungo sa kaibigan maliban
sa isa. Alin ito?
A. Ipinagagamit ko ang aking mga laruan sa aking mga kalaro.
B. Kung nakakakita ako ng batang umiiyak, pinagtatawanan ko siya.
C. Namimigay ako ng aking gamit para sa mga nangangailangan.
D. Hinahatian ko ng baon ang kaklase kong walang baon.

PANGALAN_________________________________________________________

Second Quarter Summative Test


(Week 1, 2, 3, & 4)

Araling Panlipunan 1
PANUTO: Basahin ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot. Isulat ito sa patlang ng
bawat bilang.
________1. Tingnan ang mga kasapi ng pamilyang nasa larawan.
Sa anong uri ng Pamilya ito nabibilang?
A. Two-parent family C. Extended family
B. Single parent family D. Walang family

_______2. Alin sa mga larawa ns ibaba ang nabibilang sa extended family?


A. B. C. D.
_______3. Wala nang Nanay si Anna. Ang kaniyang Tatay at dalawang kapatid na lamang ang
kasama niya sa bahay. Saang uri ng pamilya nabibilang si Anna?
A. Two-parent family C. Extended family
B. Single parent family D. Walang family

Basahin ang tula: “Ang Mag-anak”


Si Tatay, si Nanaym Si Ate, si Kuya
At ako, ang bunso.
Sa mag-anak na ito ang bawat isa
Ay may gawaing dapat gampanan
Sa pag-unlad ng buhay.

______4. Sino ang gumaganap ng mga Gawain?


A. Tatay B. Nanay C. Anak D. Lahat ng kasapi
______5. Sino ang naghahanapbuhay upang may panggastos ang Pamilya?
A. Tatay B. Nanay C. Anak D. Lahat ng kasapi
______6. Sino ang katulong ni Nanay sa mga Gawaing bahay?
A. Tatay B. Nanay C. Ate D. bunso

______7. Sa kwentong “Papel de Liha”, Sino ang may magaspang na kamay dahil sa pagtupad
niya sa mga gawaing bahay?
A. Tatay B. Nanay C. Ate D. kuya
______8. Ano ang mahalagang gampanin ng isang ama sa tahanan?
A. Naglalaba B. nagluluto C. nag-aalaga ng bata D. naghahanapbuhay
______9. Sino sa mga sumusunod ang pinakamatandang anak na babae? A. Nanay
B. Kuya C. Ate D. Bunso

______10. Ano ang tawag sa larawang ito kung sasan makikita ang mga kasapi na
bumubuo sa inyong Pamilya?
A. Family Tree B. Family picture C. Family Planning D. Wala
______11. Sino-sino ang mga kasapi ng mag-anak na nasa ugat ng puno?
A. Ate at Kuya B. Ate at Bunso C. Tatay at Kuya D. Tatay at Nanay
______12. Alin sa mga sumusunod ang bagay na nakapagpapasaya sa inyong pamilya?
A. Kung sama samang namamasyal ang buong pamilya.
B. Kung laging nag-aaway sina nanay at tatay.
C. Kung laging nagsisigawan sina ate at kuya.
D. Kung laging naglalsing ang tatay.
_____13. Ang mga sumusunod ay maaring magbago sa isang tao habang siya ay lumalaki
maliban sa_________________.
A. Damit B. sapatos C. taas D. pangalan
_____14. Ang mahahalagang pangyayari o kwento ng ating pamilya ay dapat ipagmalaki.
A. MALI B. HINDI C. AYOKO D. TAMA
______15. Bilang kasapi ng isang Pamilya, ano ang dapat mong gawin sa mga
gawaing nakaatang sa iyo?
A. Iwasang gawin C. Gawin nang buong husay
B. Balewalain D. Ipagawa sa kapatid

PANGALAN_____________________________________________________

Second Quarter Summative Test


(Week 1, 2, 3, & 4)

MATEMATIKA 1
PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

________1. Ang Pagsasama sama ng mga bilang ay tinatawag na________.


A. Addition B. Subtraction C. Sum D. Addends
________2. Sa addition sentence na 5 + 3 = 8, ano ang tawag sa mga bilang na
5 at 3?
A. Addition B. Subtraction C. Sum D. Addends
________3. Kung si Crizel ay may 5 bayabas at 7 atis, ilan lahat ang prutas na mayroon si
Crizel?
A. 9 B. 10 C. 11 D. 12
________4. Pag pinagsama ang 4 at 3 ay _____________-.
A. 7 B. 8 C. 9 D. 6
_______5. Ano ang tawag sa bilang na may salungguhit, 5 + 4 =9 ?
A. Addends B. Sum C. number D. pinagsama

PANUTO: Pagsamahin ang mga sumusunod na bilang. Isulat sa kahon ang wastong sagot.
6.) 3 + 5 + 6 = 7.) 2 + 8 + 5 = 8.) 6 + 3 + 4 =

9.) 7 10.) 4
3 5
+ 8 +6

Isulat ang sa guhit nawawalang bilang upang masagot nang wasto.

11.) (5 + 3) + 4 12.) 6 + ( 2 + 8) 13.) 7 + (4 + 6)


____ + 4 = 6 + _____ = 7 + ____=

14. 14 15.) 36
+32 +43

PANGALAN_____________________________________________________
Second Quarter Summative Test
(Week 1, 2, 3, & 4)
FILIPINO 1
PANUTO. Basahin ang mga tanong sa bawat bilang at sagutin nang wasto, Piliin at isulat ang
titik ng wastong sagot sa guhit ng bawat bilang.
_____1. Ang ibig sabihin ng salitang galak ay __________________
A. masaya B. Naaasar C. Natatakot D. Nagagalit
_____2. Ano ang tinutukoy sa bugtong na “Kayliit pa ni Neneng,
Marunong nang kumendeng”?
A. aso B. pusa C. bibe D. manok
_____3. Ano ang kailangan mong gawin habang binabasa ang tula o kuwento?
A. Umupo nang maayos, tumahimik at makinig na mabuti
B. Umupo nang maayos at makipagdaldalan sa katabi
C. Tahimik na makinig habang nakatingin sa labas ng silid aralan
D. Nakikipaglaro sa kaibigan habang nagkukwento ang guro
_____4.Ano ang tawag sa mga kwento na ang tauhan ay mga hayop?
A. Pabula B. Kwento C. Tula D. Drama
_____5. Ano ang dapat mong maging ugali? “Maging__________ para makasundo
ang mga kaklase.”
A. masungit B. mabait C. maingay D. madaldal
______6. Inaaway ni Anton si Daisy dahil siya ay _________.
A. maganda B. mabait C. madungis D. malinis
______7. Si Manny Pacquiao ay isang sikat na boksingero.Ano ang ibig Sabihin ng
salitang may salungguhit?
A. Kilala B. mayabang C. artista D. mabait
_____8. Iton ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay,
lugar at mga pangyayari. Ano ito?
A. Pangalan B. Pangngalan C. Ngalan D. Alan
_____9. Alin sa mga ito ang Halimbawa ng pangngalan?
A. maganda B. tumatakbo C. bata D. pula
____10. Ang Cabuluan Elementary School ay Halimbawa ng pangngalan dahil ito
ay ngalan ng ___________.
A. Tao B. lugar C. hayop D. bagay
____11. Sa pangngalang pantao, ang mga pangngalang nanay, tiya, lola, at ate
ay_______________.
A. Pambabae B. Panlalaki C. Pangtao D. Pangbagay
_____12. Sa awiting “Leron, Leron Sinta”, ang buko, papaya, buslo, sisidlan, sanga
ay tumutukoy sa pangalan ng mga______________.
A. Tao B. bagay C. lugar D. hayop
_____13. Ilang pantig mayroon ang salitang paaralan?
A. 2 B. 1 C. 3 D. 4
_____14. May mga salitang nagsasaad ng kilos. Sa pangungusap na “Si Cherstine
ay nagsasayaw ng chacha.” Alin ang salitang kilos na ginamit?
A. Cherstine B. Chacha C. Nagsasayaw D. Si
_____15. Ang mga sumusunod na salita ang mga salitang kilos maliban sa isa. Alin
ang hindi salitang kilos?
A. ganda B. laba C. sayaw D. takbo
PANGALAN_____________________________________________________
Second Quarter Summative Test
(Week 1, 2, 3, & 4)
MAPEH 1

______1. Ito ay ang daloy ng himig na tinataglay sa kabuuan ng awit.


A. melodiya B. tubig C. ilog D. tono

_____2. Ilan ang kulay mayroon sa bahaghari?


A. 3 B. 5 C. 7 D. 9
_____3. Alin sa mga kulay na ito ang wala sa bahaghari?
A. Pula B. Rosas C. Lila D. Asul
_____4. Ano ang mga damdaming ipinahihiwatig ng kulay pula?
A. Masaya B. malungkot C. natatakot D. nagagalit
_____5. Maliban sa pagdarasal, ano ang dapat gawin bago at pagkatapos kumain?
A. Matulog B. maglaro C. maghugas ng kamay D. magluto
_____6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong gawi sa pagkain?
A. Hindi naghugas ng kamay si Mike bago kumain.
B. Nagsasalita si Jacob kahit puno ng pagkain ang bibig niya.
C. Nauuna nang kumain si Jonathan kahit nagdarasal pa ang mag-anak.
D. Nagkukwentuhan ang mag-anak habang kumakain ng magaganda at
masasayang bagay
- ano ang ipinakikita sa larawan?
_____7. Alin sa mga larawan
Anu-ano angang nagpapakita
kilos lokomotor?ng kilos lokomotor? A.

B. Anu-ano ang ipinakikita


C. D.
sa larawan?
____8.Ano ang tawag sa mga pagkilos na umaalis sa dating lugar?
A. kilos di-lokomotor B. kilos lokomotor C. motorsiklo D. Wala
_____9. Tinatawag na kilos-di lokomotor kung_____________.
A. Umaalis sa dating lugar C. tumatakbo ng mabilis
Ang staff o limguhit ay binubuo ng 5 linya at 4 na puwang o pagitan.

B. Hindi umaalis sa dating lugar D. naglalakad nang mabagal


_____10. May dalawang uri ng tono sa Awitin. Ito ay ang mataas at__
Ang linya mula sa baba pataas ay tinatawag na E,G,B,D,F

A. Malakas B. mahina C. mababa D. matangkad


_____11. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na Limguhit?
Ipakita ang staff: Ang staff o limguhit ay may puwang o pagitan din tinatawag itong F,A,C,E

A. B. C. D.
Ang staff o limguhit ay binubuo ng 5G-clef
linya at naman ang
4 na puwang tawag dito makikita rin ito sa limguhit.
o pagitan.

_____12. Ano ang tawag sa mga letra ng linya at puwang ng staff o limguhit?
A. pitch names B. staff C. nota
Ang linya mula sa baba pataas ay tinatawag na E,G,B,D,F
D. kumpas
Ito naman ang syllables sa linya at puwang: do, re, mi, fa, so, la, ti, do.
______13. Alin sa mga kulay na ito ang kabilang sa primary colors?
Tinatawag itong so-fa syllables.

A. B. Bigyang diin naC. D.


pagtaas ng pwesto ng so-fa syllables pagtaas din ng pitch at pagbaba ng pwesto pagbaba din ng pitch.

Ang staff o limguhit ay may puwang o pagitan din tinatawag itong F,A,C,E

______14. Ano ang tawag sa larawang ito?


A. Rainbow B. Color wheel
G-clef naman ang C. Crayon D. Colors
tawag dito makikita rin ito sa limguhit.

_____15. Alin sa mga sumusunod ang may mababang tunog?


A. bell B. pito C. huni ng baka D. huni ng sirena
_____16. Alin sa mga kulay na ito ang hindi kabilang sa pangunahing kulay?
Ito naman ang syllables sa linya at puwang: do, re, mi, fa, so, la, ti, do.
Tinatawag itong so-fa syllables.

A. Pula B. asul C. dilaw D. Lila


Bigyang diin na pagtaas ng pwesto ng so-fa syllables pagtaas din ng pitch at pagbaba ng pwesto pagbaba din ng pitch.

_____17. Laging maghugas ng kamay upang maging malinis at makasiguro na ligtas sa


anumang mikrobyo upang malayo sa sakit o karamdaman. Ang pangungusap na ito ay
_____________________.
A. Tama B. Mali C. hindi mahalaga D. hindi dapat sundin

_____18. Sa anong Awitin binibigkas ang mga kulisap sa larawan?


A. Leron Leron Sinta B. Sitsiritsit C. Bahay Kubo D. Tulog Na

_____19. Ang larawang ito ay isang halimbawa ng _______________


A. Land scape B. Sea scape C. Airscape D. Waterscape
_____20. Maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo na nakapagdudulot ng sakit kung tayo
ay______________.
A. Hindi maghuhugas ng kamay C. Ugaliing maghugas lagi ng kamay
B. Laging maglalaro sa tubig baha D. Hindi gagamitin ang kamay

You might also like