You are on page 1of 3

Ambatali, Ramon, Isabela 3319

_________________________________________________________________________________________
PAGSUSULIT SA IKALAWANG KWARTER
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
Pangalan: ___________________________________________ Petsa: ____________________
Baitang at Seksyon: _____________________________________ Iskor: ____________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem. Piliin ang titik ng pinakaangkop na
sagot at isulat sa linya bago ang bilang.
____1. Dapat ka bang tumulong sa kapwa? A. Siguro B. Oo C. Hindi D. Posible
____2.Alin sa kanila ang dapat tulungan?
A. may kapansanan B. may sakit C. may karamdaman D. lahat ng mga nabanggit
____3. Piliin ang nagpapakita ng pagtulong at pag-aalaga.
A. pagkakaroon ng alagang aso C. pagtatanim sa bakuran
B. pagpapakain sa mga nagugutom D.pagpapahinga sa bahay
____4. Masakit ang ulo ni Nico. Ano ang gagawin mo?
A. sasamahan sa klinika B. pabayaan siya C. pagalitan siya D. sisihin siya
____5. Alin sa mga sumusunod nagpapakita ng kabutihan sa mga batang nasa bahay-ampunan?
A. makipagusap at makinig sa kanila C. aawayin sila
B. huwag silang pansinin D. sisigawan sila
____6. Paano natin ipadama ang pagmamahal sa may kapansanan?
A. pagmamahal, pag-aruga at pagtago C. malasakit, kalinga at respeto
B. pagkutya,pagtawa at pamimintas D. pagkainggit,pera at pagkain
____7. Bakit kailangang pahalagahan ang pag-aaral kahit ikaw ay may kapansanan?
A. upang makipaglaro sa kamag-aral C. upang busugin ang murang isipan
B. upang makaiwas sa gawaing bahay D. upang busugin ang gutom na tiyan
____8. Alin sa mga sumusunod ang dapat nating isabuhay at ipadama sa kapwa?
A. puot B. malasakit C. galit D. inis
____9. Ang mga may kapansanan ay dapat __________ sa pila.
A. pinahuhuli B. binaliwala C. pinauuna D. tingnan
____10. _____ sa pagtawid sa kalsada ang lolang nakasaklay.
A. tingnan B. sigawan C. alalayan D. hayaan
____11. _____ kong malinang ng isang taong may kapansanan ang kanyang kakayahan.
A. tutulungan B. hayaan C. Pababayaan D. sigawan
____12. Tulungan ang may kapansanan sa mga paligsahan.
A. makilahok B. baliwalain C. umayaw D. tawanan
____13. ______ ko ang isang taong may kapansanan ayon sa kanyang ipinaikitang kakayahan.
A. Pagtawanan B. Sinisigawan C. Purihin D. Baliwalain
____14. Aling programa sa paaralan ang nagpapatibay ng positibong pananaw ukol sa mga kapwa manlalaro?
A. isport B. pangkabuhayan C. pang- akademiko D. pang- agrikultura
____15. Si Ana ay nagiging tanyag sa pagsulat ng tula. Ano ang ipinahihiwatig sa kakayahan ni Ana?
A. isport B. pangkabuhayan C. pang-akademiko D.pang-agrikultura
____16. Aling parirala ang tumutukoy ng pang-akademikong gawain sa paaralan?
A. bulag na lumahok sa quiz bee C. batang lumpo na nagtatanim
B. batang walang kamay na naglalaro D. batang naglalaro
____17. Ang paggawa ng basahang yari sa tela at sako ay isang uri ng gawaing ____________.
A. isport B. pangkabuhayan C. pang-akademiyo D.pang-agrikultura
____18. Si Roel ay nakabuo ng ibon gawa sa origaming papel. Ito ay nagpapahiwatig ng ________gawain.
A. isport B. pangkabuhayan C. pang-akademiko D. pang-agrikultura
____19. Bilang mamamayan ng bansa, ang mga may kapansanan ay tumatamasa ng ibat-ibang programa mula
sa pamahalaan?
A. Hindi B. Oo C. Wala D. Hindi sigurado
____20. Paano natin pahahalagahan ang isang manlalarong may kapansanan?
A. pagbibigay ng lakas ng loob sa kanila. C. pagsuporta sa kanila
B. pagbabalewala sa kanila D. A at C
____21. Mula sa seleksyon na nabasa, paano pinalaki si Ella ng kanyang mga magulang?
a. mapagbigay at matulungin c. mapagbig ay at masipag
b. masunurin at masipag d. matulungin at matapat
____22. Anong programa ng pamahalaan ang nakakatulong sap ag angat ng mga bata upang makapag-aral?
A. NCIP B. 4Ps C. 4K D. Livelihood Program
____23. Ang batang matapat ay ______ ng lahat.
A.Kinagigiliwan B.kinaiinggitan C.inaaway D.pinandidirihan
____24. Dumating si Nonoy galing paaralan. Nakita niyang may panauhin ang kanyang nanay, binati at
nagmano siya sa kanyang nanay at sa panauhin. Si Nonoy ay nagpapakita ng anong katangian?
A. Masayahin B. matapat C. magalang D.matulungin ______
____25. Nagising si Mina dahil sa ingay sa labas. Nakita niyang abala ang kanyang nanay at ate sa paglilinis
ng bakuran, kumuha siya ng walis at pandakot. Si Mina ay isang batang___.
A. Matulungin B. masayahin C. matapat D. maramot
____26. Habang ikaw ay kumakain, nakita mo ang isang batang madungis, payat at namumutla. Ano ang
gagawin mo?
A. Bigyan ng damit at pagkain C. Hayaan lang na nakatingin sa iyo habang ikaw ay kumakain
B. Paalisin sa iyong harapan D. Sigawan ito
_____27. Ano ang makikita mo tuwing may pista?
A. May banderitas, parada at maraming handang pagkain.
B. Ang mga bata ay pumapasok sa paaralan.
C. Ang mga bata ay naglalaro ng computer.
D. Nagsusuntukan sa kalye.
____ 28. Inanyayahan kang maglaro ng kaibigan mo. Pero inutusan kang magwalis ng nanay mo. Ano ang
gagawin mo?
A. Tapusin muna ang inutos ni nanay. C. Iwanan ang pagwawalis.
B. Sumali sa kanilang laro. D. Magalit sa nanay kasi inutusan ka
____29. Anong ipinagdiriwang natin tuwing Oktubre bilang paggunita sa ating mga guro?
A. Araw ng mga Guro C. Araw ng Bayani
B. Araw ng Kagitingan D. Araw ng mga Puso
____30. Bakit mahalaga ang mga guro sa pamayanan?
A. dahil sila ay gumagawa sa aralin
B. dahil sila ay walang pakialam
C. dahil sila ay hindi nagtuturo sa mga bata
D. dahil sila ang katuwang ng mga magulang sa paghubog at pagtuturo ng magandang asal

Inihanda ni:

DIVINA GRACIA S. APPOY


Tagapayo

You might also like